Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 592 - Pagtambang

Chapter 592 - Pagtambang

Umiiling si Zhao Feng sa kaniyang paglabas ng kwarto. Hindi siya nagulat sa kinalabasan ng mga pangyayari. Lohikal lang na hindi siya tutulungan ng dalawang henyo ng Sacred Land, pero sinubukan niya pa rin kung su-suwertihin.

Sunod namang tinawagan ni Zhao Feng sina Xiao Ma and Loulan Zhishui sa kaniyang pagbalik sa hotel.

"Kapitan, nakolekta na namin ang lahat ng resources na gusto mong makolekta, at nagamit na rin pambili ng materyales ang mga Primal Crystal Stones na nakuha mo sa pagbenta ng ibang resources."

Kumuha ni Xiao Ma at nagsimulang isa-isahin ang mga nandoon.

Ginamit ni Xiao Ma ang mga koneksyon niya sa pagbili at pagbenta ng mga gamit, habang si Loulan Zhishui ang nangasiwa ng proseso.

"Sige, aalis tayo makalipas ang tatlong araw."

Pasya ni Zhao Feng.

Isang high-ranking restocking point ang Void Ocean Spiritual Palace, kaya lahat ng kinakailangan niy ay madaling nakamit. Oras na noon para umalis.

"Xiao Ma, heto na ang iyong gantimpala."

Naghagis si Zhao Feng ng isang interspatial ring patungo kay Xiao Ma, na siyang puso naman ang napatalon namg makita niya ang nasa loob.

"Salamat, Kapitan."

Ilang beses yumuko sa pasasalamat si Xiao Ma.

Maliban sa tumpok ng Primal Crystal Stones, mayroon din isang bariles pa ng heart blood essence.

Maikukumpara sa kaniya na magtrabaho ng ilang taon para lang makuha niya ang dam ing Primal Crystal Stones na iyon, at ang bariles naman ng heart blood essence ay galing sa kaniyang panaginip.

Tumingin si Xiao Ma kay Zhao Feng bago siya umalis. Sobrang laki ng itataas ng kaniyang state of existence gamit ang bariles ng heart blood essence na iyon. Magbabago ang kaniyang buhay kung kukuhanin niya ang hakbang ito.

Mula sa loob ng kuwarto:

"Wala na ba talagang pag-asang magamit ang Spiritual Zone Teleportation Array?"

Nagsimulang mag-isip si Zhao Feng.

Sobrang haba ng paglalakbay sa loob ng teritoryo ng Spiritual Sacred Lands. Kung hindi maganda ang biyahe nila ay malamang inabot na sila ng ilang taon. Kaya lang ay kung ginamit nila ang Spiritual Zone Teleportation Array ay mas marami pa sa kalahati ng ora sang matitipid nila sa pagbiyahe.

Kaya lamang ay ayaw siyang tulungan noong dalawang taga-Sacred Land.

Shua!

May isang token ang lumitaw sa kamay ni Zhao Feng: ang Purple Saint Token.

May koneksyon ang Purple Saint Token at ang Purple Saint Ruins sa isa't isa. Gamit ang token, kaya ni Zhao Feng magbukas ng daan papunta sa ruins. Sa lagay na iyon pa lamang ay masasabi nang may nilalamang kakaibang lakas ang token.

"Isang beses ko nang nagagamit ang token. Dalawang gamit na lamang ang natitira."

Sinarado ni Zhao Feng ang kaniyangmga mata at niramdam ang token.

Mas mahina ang aura sa kabilang parte ng Purple Saint Token. Dahil ito sa sobrang layo ng agwat ng lugar at dahil din ito sa humihina na rin ang dimensyong ito. Kung hindi ay madali lang siyang makakabukas ng daan pabalik sa ruins.

Kahit pa magkatabi Thousand Flowing Islands Zone at ang Tianlu Islands Zone, mas mahina pa rin ang kasalukuyang lakas ng Purple Saint Partial Spirit.

Buti na lang ay walang intensyong bumalik si Zhao Feng sa Purple Saint Ruins.

"Senior Purple Saint? Masyadong malayo ang destinasyong tatahakin ko. Kaialangan kong gamitin ang Spiritual Zone Teleportation Array sa True Martial Sacred Land…."

Pinadala ni Zhao Feng ang manipis na piraso ng impormasyong ito.

Masyadong mahirap ang pagbzkas ng koneksyon dahil sa malaki ang masasayang na Purple Saint Partial Spirit at sa lakas ng dimensyon. Pero kung impormasyon lamang ang pakikipagpakitan ay hindi ganoon karaming enerhiya ang kakainin nito.

Ang problema lamang ay walang reaksyong nakuha si Zhao Feng sa kabila.

"May nangyari ba sa Purple Saint Ruins?"

Kumunot ang noo ni Zjao Feng.

Matapos ang ilang minuto — na kahina-hinalang parehas na tagal para gumawa ng tsaa — ay nakarinig rin si Zhao Feng ng buntong-hininga sa token, "Zhao Feng, pumunta ka sa True Martial Sacred Lands at maghanap ng taong nagngangalang Duanmu Qing gamit ang aking Purple Saint Token. Hindi ko nga lang alam kung buhay pa siya o hindi. Matutulungan ka niya kung buhay pa siya. Mapagkakatiwalaan siya."

"True Martial Sacred Land? Duanmu Qing? Magaling!"

Sobrang napuno ng tuwa si Zhao Feng. Tinanong niya lamang ang Purple Saint Partial Spirit ng walang inaasahang tulong.

Hindi magiging simpleng anyo ang taong kakilala ng Purple Spirit Realm na buhay pa hanggang sa kasalukuyan.

"Kapatid na Zhao Feng, hindi mo na kailangang mag-alala. Maganda ang kinalalagayan ng Purple Saint Ruins…."

Tumunog ang boses ni Zhao Yufei sa Purple Saint Token.

Maaring nakakapag-usap ang dalawa gamit ang Purple Saint Tolen, kaya lamang ay hindi nila kayang mag-usap ng matagal dahil sa layo ng agwat nila, at lumalaki rin ang hirap na pumapatong sa Purple Saint Token at sa dimensyon ng Purple Saint Ruins.

Kasabay ng mga pangyayaring ito, sa loob ng pangatlong palapag ng Treasured Palace sa Purple Saint Ruins:

Weng~~

Isang babaeng naka-damtan na kulay lila ang naka-upo sa harap ng isang kristal na susi.

Ang babaeng naka-lila ay may balat na kasing put ing nyebe na umiilaw. Naukha siyang isang eleganteng diyosa.

"Yufei, mukhang gigising na ang iyong Spiritual Race bloodline. Ang galing na kay among mag-convert ng ganito ka-purong half-step True Yuan kahit hindi pa umaabot ang mental energy mo sa Origin Core Realm. Madali mo lang mali-linang ang True Yuan sa susunod."

Sabi at ngiti ng Purple Saint Partial Spirit.

Sobrang galing na kayang linanin ang True Yuan nang hindi umaabot sa Origin Core Realm ang mental energy ng isang tao. Kahit pa mayroong mga pangyayari nang naganap ito dati. Maaring galing ito sa sobrang swerte o sa pagbigay ng cultivation ng isang tao sa isa pa, hindi lamang ito maaring magawa g puro, at mapupunta lamang ito sa sealed state.

Sa kabila noon. Ay kayang linangin at gawing puro ito ni Zhao Yufei nang mag-isa.

"Ang Spiritual Race ay may ranggo bilang isa sa pinakamagagaling sa Ten Thousand Ancient Races."

Tango ng Purple Saint Partial Spirit.

Tatlong araw ang makalipas, sa pasukan ng Void Ocean Spiritual Palace:

"Umalis na rin ang buwisit na 'yan."

"Isumbong mo ito sa Third Elder."

Pag-uusap ng dalawang anyo gamit ang Spiritual Sense.

Shua! Shua!

Nawala bigla ang dalawang anyo sa isang iglap.

Makalipas ang ilang hinga:

Sou! Sou! Sou!

Lumipad na rin si Zhao Feng at ang grupo niya patungong Void Ocean Spiritual Palace.

Shua!

Tinaas ni Zhao Feng ang kamay niya. Ang bagong Blue Lightning Sea Sky Ship ay lumitaw at naglabas ng isang malakas na presyon.

"Napakalakas na aura. Sobrang taas ng kalidad ng barkong iyan."

Marami ang tumingin sa paligid ng pasukan habang dinadala ni Zhao Feng ang mga mandaragat sa barko.

Ang loob ng Blue Lightning Sea Sky Ship ay elegante. Nagmukha itonh isang high-class hotel. Dagdag pa ang lakas at depensa nito dahil sa malakas rin ang materyales nito.

Pumasok na rin sina Loulan Zhishui at nagsimulang magtrabaho.

Matapos sipsipin qng heart blood essence, ang state of existence ng marami sa mga mandaragat ay umaabot na sa half-step Origin Core Realm, at mas tumataas rin ang potensyal nila.

Madali lang nalagpasan ni Loulan Zhishui ang late-stage True Lord Rank.

"Tara na."

Umupo si Zhao Feng sa magadang kwarto ng kapitan sabay utos.

Weng~~

Isang maliit na alon ng tubig at kidlat ang lumitaw sa katawan ng Blue Lightning Sea Sky Ship nang bigla itong lumipad at nalagpasan ang Void Ocean Spiritual Palace at papunta sa walang hanggang karagatan.

"Sundan niyo siya!"

Nagsimulang maghabol ang isang elder na may suot na payak na damit kasama ang dalawang Sovereigns.

Ang elder na iyon ay ang Third Elder of the Gan Cloud Pavillion. Ang dalawang karabi niyang Sovereigns ay umabot na sa late-stage of the Small Origin Core Realm. Lahat sila ay sobrang bilisY

Sa loob ng nakaraang buwan ay napagdesididuhan ng elder na i-mobilize ang mga pwersa ng Gan Cloud Pavillion, at inutos niya rin na maghintay nag mga tao.

"Bata, napalibutan na ng Gan Cloud Pavillion ang lahat sa loob ng dose-dosenang milya.Hindi ko kakayaning makatakas kahit pa may pakpak ka."

Sigaw ng Sovereign Lord habang hinahabol niya ang barkong 'sing bilis ng kidlat.

Sa loob ng Blue Lightning Sea Sky Ship, ang dugo ng lahat ng mandaragat ay nagsimulang kumulo nang maramdaman nila ang presin na galing sa Great Origin Core Realm. Kung magagawa nilang humalo sa kalikasan, magiging isa na silang parte ng mundo.

"Anong bilis!"

Mabagal lamang ang kayang ihabol ng Sovereign Lord, samantalang ang dalawang Sovereign naman ay hindi makahabol.

"Hinalo ng buwiait na ito ang heart blood essence niya sa barko? Ang laking Pag-aaksaya!"

Nagalit rin ang Sovereign Lord at lumamig ang ekspresyon nito.

Whoosh! Whoosh!

Umatake ang dalawang middle-stage Small Origin Core Realm mula sa harap ng Blue Lightning Sea Sky Ship at lumipad ng isang tiyak na layo.

"Dito ka lang, buwisit ka!"

Umatake ang dalawang middle-stage Origin Core Raalm na gumawa ng malalaking alon.

Bam! Bam! Boom~~~~

Makinis at malamig pa rin ang bakal na katawan ng Blue Lightning Sea Sky Ship. Walang sira ang nagawa dito mula sa atakeng iyon.

"Sobrang lakas ng depensa ng barkong ito."

Pumitak ang dalawang Sovereigns at ginamit ang lahat ng kanilang lakas para pahintuin ito. Kahit pa walang magagawa ang mga atake nila, ay mas madali nilang napapabagal ang Blue Lightning Sea Sky Ship.

"Hahahaha…. Kayong dalawa, hintuin niyo ang barkong iyon."

Tumawa ng malakas ang Sovereign Lord.

Ang pinaka-dahilan kung bakit niya inaatke si Zhao Feng ay dahil sa blood essence nito. Hindi niya naisip na mayroon pa ring mataas na gradong Blue Lightning Sea Sky Ship si Zhao Feng sa kabila ng lahat.

Kahit pa ang Gan Cloud Pavillion ay walang barkong kaparehas ng kalidad nito.

"Panginoon."

Lumitaw ang Skeletal Division Leader mula sa isang maitim na usok. Sa kahabaan ng nakalipas na buwan ay mas lumakas pa ang Skeletal Division Leader matapos gumamit ng heart blood essence at ang Mystic Dar Crystal Bone.

Ding! Ding! Ding!

Sinalo ng Skeletal Division Leader ang atake ng dalawang Small Origin Core Realm at hindi man lang ito nasaktan.

"Zhe zhe zhe…."

Natawa lamang ito bago nagpadala ng alon ng bone spikes patungonsa dalawang Sovereigns matapos ilabas ang kamay nito.

Boom!

Napilitang sumuko ang dalawang Sovereigns dahil isa sa kanila ay nasugatan.

Hindi mapigilang tumango ni Zhao Feng. Lumalapit na sa late-stage Small Origin Core Realm ang cultivation ng Skeletal Division Leader, at lumakas na rin ang buto nito lalo — kaya na nitong hindi indahin ang mga atake ng galing sa normal na Small Origin Core Realms.

Dagdag pa na nakipaghalo rin ito sa Nine Deadly Yin Bone. Dahil doon ay lumagpas na ang battle-power ng Skeletal Division Leader ang late-stage Origin Core Realm at maari na rin ito ikumpara sa isang Great Origin Core Realm.

"Tapusin mo nang mabilis ang laban na ito."

Nakita ni Zhao Feng na nakakahanol na ang tatlo sa kanila.

Shua!

Nagwagayway siya ng itim na bandila at biglang lumitaw ang hundred cursed ghost-corpses mula sa hangin.

Hu~~~~~

Biglang kumalat ang isang madilim na usok sa apat o limang milya na naglabas ng nakaka-kuryenteng sumpa.

"Hindi ito maganda."

Hindi maganda ang pakiramdam ng dalawang Sovereign nang madikit sila sa usok. Ilang hindi mabilang na tuyong mga kamay ang nagsimulang maglabasan sa usok at kinalmot ang mga katawan nila at pumunit sa laman nila.

Nagsimulang maubos ang mga kaluluwa at enerhiya ng dalawang Sovereign, at mas malala pa ang naramdaman ng sugatang Sovereign. Para bang may mga multong nakakabit sa kaniya.

"Mental energy Ghost technique – Ten Thousand Ghost Maze God!"

Naglabas ng ilusyon ng takot ang mga apoy sa mata ng Skeletal Division Leader na napunta sa Ghost Corpse Cursed Array.

Shua! Shua!

Tuloy na winagayway ni Zhao Feng ang bandila. Anagsimulang umikot ang usok at pinalibutan ang dalawang Sovereign Lords.

"Wu!"

"Arghhhh~~~!"

Nagsimulang mahilo ang dalawa at sumigaw, nang magsimulang lamunin sila ng takot.

Nagsimulanna ring mabulok ang balat at dugo nila.