"Ang top outer disciple, si Zhao Feng, ay nandito na!
"Siya ang bagong hari ng mga outer disciples."
"Ang paglitaw ni Zhao Feng ay nagdulot ng isang bahagyang kaguluhan.
"Hehe, akala ko'y isang taong malakas, hindi isang mahinang half-step Martial Artist. Sa tingin ko'y si Zhao Linlong ang sa halip na dapat lumabas," ang binatang nakasuot ng grass-hat ay may pag-hamak na nagsalita. Ang kanyang cultivation ay ang pinaka-mataas sa kanila, kaya'y hindi pa siya lumaban.
Ang mga mata ni Xin Fei nang makita niya si Zhao Feng.
"Zhao Feng! Yang si Xin Fei ay ang top outer disciple. Tinalo niya kaming tatlo sa isang galaw," Babala ni Zhao Gan.
'Tatlong tao? Sa isang galaw?' si Zhao Feng ay bahagyang nagulat dahil si Zhao Gan at iba pa ay mga quasi Martial Artists.
"Zhao Feng, nagkita muli tayo. Naalala mo pa ba ang ating laban?" Sabi ni Xin Fei habang mabagal na naglakad. Hindi niya minamaliit si Zhao Feng dahil sa kanyang cultivation.
Nung huli, sa Sky Cloud Forest, hindi nakalimutan ni Xin Fei na si Zhao Feng ay nasa tugatog pa lamang ng ikalawang ranggo at tinalo niya si Xin Gang, na nasa tugatog ng ikatlong ranggo, sa tatlong galaw.
Kalahating buwan na ang nakalipas, si Xin Fei ay naabot na ang ika-apat na ranggo, at naging ang top outer disciple ng Xin family. Pagkatapos ay narinig niya na ang Zhao family ay may isang bagong henyo, labingtalong taong gulang laman na nakabuo na ang Inner Strength, at naging top outer disciples.
Ang henyo 'yon ay tinatawag na Zhao Feng. Para hamunin si Zhao Feng ngayong araw ay hindi ay hindi nagkataon lamang. Ang target ni Xin Fei ay si Zhao Feng. At ang binatang nakasuot ng grass-hat ay si Zhao Linlong.
"Siyemprem naalala ko." Pasulong na naglakad si Zhao Feng. Ang mga tayo ay nagbigay ng espasyo. Si Zhao Feng at Xin Fei ay tumayo ng may ilang metro ang layo habang tintignan nila ang bawat isa..
Ang binata ng Xin Family na nakasuot ng grass-hat ay bahagyang nasurpresa, "Bagama't si Xin Fei ay kakaabot pa lamang ng ika-apat na ranggo, ang kanyang lakas ay hindi dapat maliitin. Subalit, sineseryoso niya ang laban na 'to."
"Ang aking cultivation at edad ay parehong mas mataas sayo. Hindi ko gagamitin ang aking espada laban sayo," sabi ni Xin Fei habang nilagay niya ang kanyang espada sa lalagyan nito.
"Xin Fei, pinapayuhan kita na gamitin mo ang lahat ng iyong lakas," kumpiyansang sinabi ni Zhao Feng. Ang kanyang mga salita ay ginulat ang mga disciples ng dalawang magkaibang pamilya.
"Hmph!"
"Saan nanggagaling ang kanyang kumpiyansa?" Ang mga Xin family disciples ay ngumisi, Samantala ang mga Zhao family disciples ay gulat na nakatayo.
"Tulad ng gusto mo." Ang ekspreyon ni Xin Fei ay naging mataimtim habang mabagal niyang muling inilabas ang kanyang mahabang espada.
"Nagsisimula na ito!" Sumigaw si Zhao Feng habang itinulak niya ang kanyang Inner Strength sa kanyang buong katawan. Ang kanyang bilis ay napaka bilis kaya't hindi nakita ng mga manonood ang kanyang mga aksyon.
Third Wind Slice! Xin Fei's long sword instantly flew out. At saka, ang katawan ni Zhao Feng ay tila walang timbang habang lumutang sa paligid.
Shua! Shua! Shua….
Sa loob lamang kalahating oras ng isang paghinga, si Xin Fei humiwa na ng tatlong beses, ang mga dahon nakakalat sa paligid ay madaling naging abo.
Angry Dragon Fist!
Si Zhao Feng ay madaling nakaiwas at, sa tulong ng Air Crossing Breathing Technique, ay hindi nawala ang kanyang likso. Madali niyang naiwasan ang unang dalawang espada.
Bang!
Sa pangatlong atake, ang kamao ni Zhao Feng na umiilaw ng berde, ay saka palang nakipag-sagupaan sa espda ni Xin Fei.
Anong klaseng sumasabog na lakas! At ang Inner Strength nayon ay mukhang napaka-misteryoso, naramdaman ni Xin Fei na namanhid ang kanyang mga braso habang ang kanyang mahabang espada ay muntikan ng nahulog mula sa kanyang mahigpit na pagkahawak. Nakaramdam din siya ng isang napakabilis at malakas na Innner Strength na pumasok sa kanyang katawan.
Teng~~~~
Si Xin Fei ay naitulak paatras ng ilang hakbang habang bahagya niyang nakansela ang mga atake ng kanyang kalaban. Agad niyang napagtanto kung bakit siya ang lugi sa pagpapalitang ito.
Una, ang Angry Dragon Fists ni Zhao Feng ay may napakalakas na explosive power, naabot na nito ang max level. Pangalawa, ang kanyang suntok ay dumiretso para sa kanyang mga kahinaan ng kanyang atake. Pangatlo, ang chi ng Zhao Feng ay hindi mas mahina kaysa sa kanya, ito'y mas kumplikado kaysa sa nung kanya hanggang sa isang antas. Ang pinaka importanteng rason ay itong huli.
Bilang isang totoong Martial Artist, paano siya matatalo sa isang half-step Martial Artist?
Seventh stance of the Angry Dragon!
Tuloy tuloy na ginamit ni Zhao Feng ang kanyang fist skill at nagtuloy tuloy siyang umatake dahil mayroon siyang lamang.
Dahil naabot na ng Angry Dragon Fists ang perkpeksyon, ang mga galaw ni Zhao Feng ay iniwan na ang mga limitasyon ng orihinal na skill. Lalo na kung ginamit kasama ang Air Crossing Breathing Technique, ang liksi nito'y nadagdagan.
Sixth Wind Slice!
Si Xin Fei ay hindi nag-alangan habang ginagamit niya ang kanyang pinakamalakas na galw. Malamig na liwanag ang umikot sa paligod ng lugar. Isang espada pagktapos ng isa pa ay pinanatili ang kanyang kalaban sa loob ng ilang metro.
Ang mga ekspresyon ng mga nanood na manlalaban ay nagbago.
Alam ni Zhao Feng na ang mga galaw ng kanyang kalaban ay isang area attack na sinusukang itulak siya paatras. Gayunpaman, si Zhao Feng ay hindi umatras. Sa halip ay siya'y umiiwas at paminsan-minsa'y sinasangga ang mga atake sa pamamagitan ng paghagupit sa mga butas nila.
Kung bilis ang pag-uusapan, madali niyang natalo si Xin Fei, at ang kanyang qi ay mas mataas rin.
Dang!
Ang kamao ni Zhao Feng ay tinamaan ang ang likod ng espada ni Xin Fei. Si Zhao Feng ay nagpadala din ng maraming mga suntok na may laman na Inner Strength. Si Xin ay maari lamang umatas.
Wah!
Pagkatapos ng pitong mga suntok, si Xin Fei ay dumura ng isang bungangang puno ng dugo at lumabas sa laban.
"Salamat." Si Zhao Feng ay ngumiti ng maliit, iniwan ang mga natitirang disciples ng gulat.
"Napala lakas! Isang half-step Martial Artist ay tinalo ang isang tunay na Martial Artist."
"Di na nakapagtatakang siya'y ang pinaka malakas na outer sect disciple ng Zhao sect!"
Para tumalo ng isang tunay na Martial Artist habang gamit ang lakas ng isang half-step Martial Artist ay tunay na mahirap.
Si Zhao Feng ay 'nalimitahan' sa kanyang laban. Ang kanyang kapangyarihan, Inner Strength, at Angry Dragon Fists ay hindi nagamit sa sukdulan nila. Maging ganon pa man, tinalo parin niya si Xin Fei sa sampung galaw.
"Hinahangaan ko ang iyong mga skills," Kahit na si Xin Fei ay natalo, hindi siya nakaramdam ng pagkahiya. Sa halip ay nakaramdam siya ng pagkakalma. Si Zhao Feng ay walang magawa kundi purihin ang kanyang kalaban, siya'y hindi arogante o masyadong mapakumbaba. Ang kanyang mindset ay kayang masabi sa isang tao na ang kangyang kinabukasan ay hindi magiging mababa.
"Hehe! Di na masama bata, ako, si Xin Tong ay gusto ding lumaban." Sabi ng binatang nakasuot ng grass-hat.
Shua!
Ang kanyang dalawang braso ay wumagayway, pinunit ang kanyang t-shirt at sombrero, binunyag ang kanyang maskuladong katawan sa loob.
Si!
Ang mga Zhao sect disciples ay huminga ng malamig. Si Zhao Feng ay ininspekyon siya gamit ang kanyang kaliwang mata at walang magawa kundi magulat. Bawat pulgada ng katawan ni Xin Tong ay mukhang nababalot sa tanso. Ang kanyang makapangyarihan lakas ay dumadaloy sa buong katawan niya.
"Zhao Feng, mag-ingat ka! Siya si Xin Tong, ang pangatlong pinakamalakas na inner disciple ng Xin Family at nakapag sanay sa Bronze Skin Metal Body hanggang sa ika-apat na antas. Maging ang mga espada ay hindi siya kayang saktan…" Babala ni Zhao Gan.
Bago pa man siya matapos, si Xin Fei ay mabagal na naglakad palapit. Bagama't hindi ni sinadyang sinubukang sindakin si Zhao Feng, siya'y nagdulot ng matinding pressure sa pag-lalakad lamang.
'Sa pamamagitan lamang ng lakas ng kanyang katawan, kaya niyang harapin ang mga nasa ika-apat na ranggo.' Si Zhao Feng ay nakaramdam ng isang hindi nakikitang pressure.
"Ikaw ang magiging ulam ko bago ko hamunin si Zhao Linlong." Dinilaan ni Xin Tong ang kanyang mga labi. Habang nagsasalita, kaswal siyang naglalakad patungo kay Zhao Feng.
Ang pressure na nanggaling mula sa kanya ay naging mas halata, Naramdaman ni Zhao Feng ay mayroong napakaraming butas sa katawan ni Xin Tong.
Flaming Metal Fist!
Ginamit ni Zhao Feng ang Air Breathing Crossing Technique upang madalaing makabuo ng Inner Strength at madaling tinamaan ang dibdib ng kalaban.
Peng!
Nang tumama ang kamao kay Xin Tongm ang ikalawa ay tumawa, "Ito lang ang lakas mo?"
Isang malakas na katawan? Ang mga disciples na nanonood ay tumitig.
"Masama 'to!" Ang suntok ni Zhao Feng ay hindi man lang nabasag ang depensa ng kalaban.
"Lumabas ka!" Ang sigaw ni Xin Tong ay parang isang kulog. Kaswal niyang iniwagyway ang kanyang braso at ang makapal na mala-bakal na Inner Strength ay bumuhos palabas. Ang galaw na 'to ay maaraning pagbantaan maging ang mga nasa ikalimang ranggo.
Maswerte nalang at mabilis ang reaksyon ni Zhao Feng at mabilis siyang nakabuo ng sarili niyang kalasag ng chi.
Peh! Ceng—–
Kada beses na nagsagupa sila, ang braso ni Zhao Feng ay namamanhid. Alam niyang ang pinaka malaking pagkakaiba sa pagitan nila ay lakas ng katawan at depensa.
Si Xin Tong ay naka-pokus sa kanyang katawan. Ang kanyang mga masel ay kasing lakas ng bakal, nangangahulugang ang kanyang kapangyarihan ay lumagpas na sa mga pangkaraniwang tao ng ika-apat na ranggo.
Ang cultivation ni Zhao Feng ay pinpigilan sa half-step Martial Artist. Ang kanyang kapanyarihan at Inner Strength ay maari lamang gamitin hanggang animnapu-pitumpung porsiyento, malinaw naman na hindi siya mananalo.
"Hahaha…bata, masyado kang mahina! Daliaan mo at tawagin mo si Zhao Linlong. Maliban sa kanya, walang sinuman ang aking kalaban." Matapos itulak si Zhao Feng sa isang galaw, bigla siyang tumigil.
Ceng!
Si Zhao Feng ay parang isang balahibo na daha-dahang lumapag sa lupa. Dahil mayroon siyang kalamangan sa bilis at Inner Strength, si Zhao Feng ay hind matatalo.
Si Xin Tong ay walang magawa at ayaw mag-sayang ng enerhiya. Sa halip, gusto niyang itira ang kanyang lakas para laban si Zhao Linlong.
"Talaga? Maliban kay Zhao Linling, walang sinuman ang kapantay mo?" isang malamig na boses ang narinig mula sa likod.
"Sinong nandyan?!" Sigaw ni Xin Tong. Ang mga mata ng lahat ng tao ay bumaling sa may-ari ng boses.
"Zhao Han!" Sa harap lahat, isang malamig na binata ang mabagal na lumabas.
Bawa't hakbang niya ay nagdudulot ng ginaw upang pumunta sa kanila.
"Zhao Han. Ang pangatlo sa mga inner disciples, medyo mas mahina lang kay Zhao Linlong at Zhao Chi."
Ininspeksyon din ni Zhao Feng si Zhao Han. Gayunpaman, habang ang kanyang kaliwang mata ay naka-lock kay Zhao Han, nakaramdam siya ng isang malaking pagkagulat.
Ika-limang ranggo ng Martial Path! Hindi ika-apat, kundi ika-limang ranggo ng Martial Path!
"Pano 'to naging posible? Kailan naabot ni Zhao Han ang ikalimang ranggo?" sabi ng mga disciples mula sa parehong pamilya.
"Mukhang magbabago na ang unang puwesto sa mga outer disciples."
"Narinig kong si Zhao Linlong ay hindi pa naabot ang ika-limang ranggo."
Ang paglabas ni Zhao han ay ginulat ang lahat.
Ang kanyang malalamig na mga mata ay tumingin sa mga tao at sa wakas ay napunta kay Zhao Feng. "Ikaw si Zhao Feng?"
Hm? Si Zhao Feng ay nakaramdam ng isang malamig na pressure mula sa kanya, 'Kilala ba ako ng Zhao Han na 'to?'