Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 32 - Kabanata 32: Pagtugis ng Buhay o Kamatayan

Chapter 32 - Kabanata 32: Pagtugis ng Buhay o Kamatayan

Habang hinahatak ni Zhao Feng ang kaniyang pana, ang ekspresyon ng lalaking nakasuot ng kulay-abong damit ay naging mapanlait.

Sou! Sou! Sou!

Subalit, nang nagtungo ang tatlong palaso papunta sa kaniya, ang ekspresiyon niya ay biglang nagbago. Ang tatlong nakalalasong palaso ay may maliit na pagitan sa bawat isa at hindi ito nakatutok sa isang diretsong linya. Nakaayos ito sa paraang wala siyang tatakasan, siya ay nakulong.

Pah!

Ang lalaking naka-kulay-abong damit ay nilihis ang kaniyang kamay at biglang bumugso ang malakas na hangin na bumali sa unang palaso, ngunit dumating agad ang ikalawang palaso.

Kung nais niyang iwasan ang pangalawang palaso at atakihin si Zhao Feng gamit ang pinakamabisang ruta, kakailanganin niyang harapin ang ikatlong palaso.

Tila ba natantsa ng ikatlong palaso kung ano ang magiging reaksyon niya.

"Paano niya nagawa ito…"_ Nanliit ang mga balintataw ng kaniyang mata sa pagkagulat na ekspresyon. Kung lahat ng ito ay iplinano ni Zhao Feng, ito ay magiging lubhang nakakatakot. Isa siyang batang wala man lang labing taong apat na gulang!

Hindi niya alam na ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay nakatutok na sa kaniya. Lahat, kabilang ang tibok ng kaniyang puso at ang paghinga, ay pinagmamatyagang mabuti.

Ipinana ni Zhao Feng ang kaniyang mga palaso batay sa mga pagbabago sa katawan ng kaniyang kalaban.

Lahat ay sang-ayon sa plano. Ang tatlong palasong tumigil sa lalaking naka-abong damit para sa kaunting paghinga.

"Walang magbabago! Mamamatay ka pa rin ngayong araw!" Sigaw ng lalaking naka-abong damit.

Subalit, ang mga kilos ni Zhao Feng ay muli niya ulit ikinagulat. Hindi tumakbo si Zhao Feng pagkatapos niyang ipana ang tatlong palaso. Sa halip, siya ay tumalikod at inataka ang dalawang lalaking papalapit sakaniya.

Patayin! Ang dalawang nakaitim na lalaki ay inatake rin si Zhao Feng.

At dahil sila ay tumatakbo papunta sa isa't isa sa isang diretsong linya, ang distansya sa pagitan nila ay mabilis na umiksi.

"Ang batang ito ay mayroong matinding calculation abilities." Nag-alala ang lalaking naka-abong damit.

Masiyadong perpekto ang mga kilos ni Zhao Feng para takasan.

Una, hindi siya agad tumakbo. Ang mga pagkakataon niyang tumakas mula sa dalawang grupong pumapalibot sakaniya may masiyadong mababa. Sa madaling salita, natiyak ni Zhao Feng na ang bilis ng lalaking naka-abong damit ay hindi mas mabagal kaysa sakaniya, o kaya'y hindi niya magagawang lumitaw ng parang multo sa harapan niya.

Pangalawa, lubhang napakahirap para kay Zhao Feng makahanap ng papasukan.

Pagkatapos ang pagkukumpara sa tatlong tao, naisip ni Zhao Feng na ang dalawang lalaking nakaitim ay mas mahina. Kung kaya niyang tapusin ang dalawang ito nang saglitan at pagtuonan ng pansin ang lalaking naka-abong damit, ang pag-asa niyang manalo ay mas magiging mataas.

Bago pa man magkalapit si Zhao Feng at ang dalawalang lalaki-

"Paano lalaban ang isang walang kwentang half-step Martial Artist sa dalawang peak fourth rankers?"

Ang lalaking naka-abong damit ay hindi nakaramdam ng pagmamadali. Hindi niya kailangang patayin ng dalawang lalaking naka-itim si Zhao Feng. Ang tanging kailangan lang niya ay para mapigilan si Zhao Feng nang panandalian at si Zhao Feng ay talagang mamamatay.

Patayin!

Angry Dragon Fists!

Habang nakikipagpalitan ng suntok si Zhao Feng sa dalawang lalaking nakaitim, ang kaniyang katawan ay mabuting nakatagos sa espasyo sa pagitan ng kanilang mga atake.

Nang biglang, ang aura niya ay lubhang tumaas.

"Ano! Ang lalaking ito ay isang tunay na Martial Artist!" Ang ekspresyon ng lalaking naka-abong damit ay tuluyan ng nagbago. Ang aura ni Zhao Feng ay tunay na nagpakita na talagang naabot niya na ang fourth rank ng Martial Path.

Pah!

Ang kamao ni Zhao Feng ay tila isang umuungal na dragon na may dalang berdeng ningning at ito ay dumurog patungo sa dibdib ng isa sa mga lalaking nakaitim.

Crack!

Ang mga buto sa loob ng kaniyang pakay ay mabilis na nadurog at tuluyang namatay ang assassin.

Ang sumasabog na Inner Strength ni Zhao Feng ay tuluyan ng umabot sa peak ng fourth rank at ang Angry Dragon Fists ay umabot na rin sa kasakdalan.

Gamit isang kamao napatay niya ang isa sa mga lalaking nakaitim. Hindi lang ito dahil minaliit nila si Zhao Feng, ito rin at dahil sa lakas ni Zhao Feng at ang calculations ng kaniyang kaliwang mata.

"Little brother!" ang isang lalaking nakaitim ay galit na sumigaw habang naging pula ang kaniyang mga mata.

Angry Dragon Fists!

Inatake agad ni Zhao Feng ang isang lalaking nakaitim. Ang pagiging maawain sa kaniyang kalaban ay pagiging malupit sakaniyang sarili.

"Hihiwain kita ng sampung libong beses para sa pagpatay mo sa little brother ko." Ang espada sa kamay ng lalaking Martial Artist na nakaitim ay biglang naglabas ng napakalakas na chi habang hinataw niya ito patungo kay Zhao Feng.

"Pigilan siya!" sigaw ng lalaking naka-abong damit.

Kinailangan lang niyang pigilan si Zhao Feng, hindi patayin siya. Sa kasamaang palad, ang nakaitim na mamamatay-tao ay nawala sa kaniyang pag-iisip ay bigla-biglang umatake. Tuluyang ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang kaliwang mata upang matagpuan ang kahinaan ng kalaban. Subalit, ang oras niya ay limitado dahil ang naaabutan na siya ng lalaking naka-abong damit.

_Laban!_

Wala ng ibang binigyang pansin si Zhao Feng habang mabilis na lumutang ang kaniyang katawan malapit sa espada ng lalaking naka-abong damit.

Crack!

Nakatama si Zhao Feng ng isang suntok sa kaliwang balikat ng kalaban.

"Ah!" Kahit nabali ang braso ng lalaki, tuloy-tuloy niyang inatake si Zhao Feng. Sinuntok siyang muli ni Zhao Feng at nabasag ang kaniyang lalamunan.

Plop!

Natumba sa sahig ang lalaking nakaitim, patay.

Pinagbayaran din ni Zhao Feng ang kagagawan niya. Nagkaroon din siya ng pinsala sa loob ng kaniyang katawan dahil sa pagtama ng huling suntok ng lalaki sa dibdib ni Zhao Feng. Sa katunayan, ang Metal Wall Technique niya ay hindi pa nakakaabot sa ikatlong lebel, ibig sabihin hindi niya pa kayang tumanggap ng diretsong tira mula sa cultivators ng iisang ranggo.

"Bata… mahusay kang nagtatago. Ang totoong lakas mo ay malapit sa fifth rank ng Martial Path. Subalit, mamamatay ka pa rin ngayong araw." Dumating na ang lalaking naka-abong damit.

Mayroong lubhang katahimikan habang nagharap muli ang dalawa.

"Sino ang nagpadala sa'yo rito? Si Zhao Tianjian ba?" Tinitigan ni Zhao Feng ang lalaking naka-abong damit. Siya ay 80% na nakasisigurong si Zhao Tianjian ang utak sa likod nito.

Mayroon lamang siyang nag-iisang mortal na kaaway sa loob ng Sun Feather City, at iyon ay si Zhao Tianjian at ang kaniyang anak na lalaki.

"Hahaha…hindi mahalaga kung sino at kung sino ang hindi dahil mamamatay ka rin naman." Tumawa ang lalaking naka-abong damit at gumalaw nang parang multo. Ang curved blade na nasa kaniyang kamay ay humiwa papunta kay Zhao Feng.

Shua! Shua! Shua!

Naramdaman ni Zhao Feng na ang kalaban ay mayroong mataas na klase ng footwork skill at lubhang mabilis na attack speed. Dahil lamang sa tulong ng kaniyang kaliwang mata kaya siya ay nakaiwas sa ganitong mga atake. Kung ibang tao ito na nakarating na sa fourth o fifth rank ng Martial Path, sila ay tiyak na mamamatay agad.

Napakatalim ng manipis na curved blade na nasa kamay ng lalaking naka-abong damit. Kahit ang Bronze Skin ni Xin Tong ay hindi maaaring salagin ito.

Kung matatamaan si Zhao Feng ng isang atake, talagang mawawala niya ang buhay niya rito. Naghahanap rin siya ng kahinaan ng kalaban. Ngunit, sanay na sanay ang lalaking naka-abong damit at nakaranas na mapunta sa mga sitwasyon sa bingit ng buhay at kamatayan, kaya't mayroon siyang iilang kahinaan.

Mataas na ranggong sword skill, mataas na ranggong footwork skill, mataas na ranggong Inner Strength skill. Lahat sila ay nakaabot na sa High Level. Ang kaniyang sword skill ay malapit nang umabot sa Peak Level. Habang si Zhao Feng ay pinipilit lamang umiwas, sinusukat din niya ang lakas ng kalaban.

Ang pagsusuri ay naging dulot ng panlamig ng kaniyang puso.

Ang cultivation ng lalaking naka-abong damit ay umabot na sa peak ng fifth rank at ito ay malapit na sa sixth rank. Kasabay ng mataas na klase ng martial arts siya ay malinaw na peak fighter galing sa fifth ranks ng Martial Path.

Sa pagpapatuloy ng laban, naramdaman ni Zhao Feng na ang pananakit sa loob ng kaniyang katawan ay lumalala.

Talagang mamamatay ako kung patuloy kaming maglalaban nang malapitan…bakit hindi…,_ang mga mata ni Zhao Feng ay nagliwanag nang may naisip siyang plano.

Teng!

Bigla siyang umalis sa laban at itinulak ang Lightly Floating Ferry at ang Air Crossing Breathing Technique sa pinakadulo. Biglaan siyang dumaluhong patungo sa mga puno at dumeretso sa kalaliman ng Sky Cloud Forest.

Ngayong oras, dahil nakalantad na ang kaniyang lakas, ang kaniyang Lightly Floating Ferry ay kalahating mas mabilis ngayon kaysa kanina.

"Saan ka tumatakbo?" sigaw ng lalaking naka-abong damit habang dali-dali siyang sumunod.

Nagsimula nang huminahon si Zhao Feng pagtapos tumakbo ng ilang milya. Ang kaniyang kalaban, nakaasa sa kaniyang cultivation at sa mataas na ranggo, mataas na lebel ng footwork skill, ay mayroong bilis na nakakasabay sa kaniyang sarili.

Habang tumatakbo si Zhao Feng naghahanap siya ng daan gamit ang kaniyang kaliwang mata, at sinubukan niyang maghanap ng balakid na puwedeng tumigil sa kalaban niya sa likuran. At dahil ang kaniyang kaliwang kamay ay kayang makakita ng mas malayo at mas malinaw kumpara sa normal na paningin, si Zhao Feng ay tila isang isda sa tubig na matulin na lumalangoy ng walang paghinto.

Subalit, ang lalaking naka-abong damit ay naiistorbo sa mga balakid, gaya ng mga dahon at mga sangay.

"Hmph, kahit hindi kita maaaring ihagis, kaya pa rin kitang dalhin sa kadulu-duluhan ng Sky Clous Forest at nang mamatay tayo sabay," madiing bigkas ni Zhao Feng. Nararamdaman niyang ang paghusay ng Lightly Floating Ferry habang siya ay tumatakbo.

Ang plano ni Zhao Feng ay kinailangan ng ilang mga nakamaamatay na halimaw sa paligid.

Roar~

Ang ungol ng nakamamatay na halimaw na ito ang nagdulot ng paglukso ng puso ng lalaking naka-abong damit.

"Ang bastardong ito…nakakayamot!" Mahigpit na itinikom ng lalaking naka-abong damit ang kaniyang mga ngipin. Kung ang mga halimaw na ito ay nasa mababang klase, tulad ng fourth, fifth, o sixth rank ng Martial Path, ang lalaking naka-abong damit ay makakayanang protektahan ang kaniyang sarili.

Ngunit, kung sila ay minalas at makakita ng mataas na klase ng nakamamatay na halimaw, ang mga normal na Martial Artists ay hindi man lamang magkakaroon ng pagkakataong tumakbo. Dahil ito sa katotohanang ang matataas na klase ng nakamamatay na halimaw ay mayroong lakas na kapantay ng sa mga Martial Masters, katulad ng mga elders ng Zhao sect.

Ang plano ni Zhao Feng ay napakasimple – para dalhin ang lalaking naka-abong damit sa mga lugar na maraming nakamamatay na halimaw. Dahil anh kaliwang mata niya ay mayroong super-vision, madali lamang nakikita ni Zhao Feng ang lahat ng bagay na nasa loob ng labing-limang radius. Nang silang dalawa ay nakaabot sa lugar na mayroong mga nakamamatay na halimaw, magtatago agad si Zhao Feng sa malayong kanto ng kamalayang ng mga halimaw upang matagpuan muna ng halimaw ang lalaking naka-abong damit.

Roar! Roar!

Dinala ni Zhao Feng ang lalaking naka-abong damit patungo sa dalawang Silver Striped Blood Leopards na mayroong masasamang itsura. Ang kanilang mga katawan ay lubhang mas malaki sa Green Headed Tiger King.

Sinukat ni Zhao Feng na ang lakas ng Silver Striped Blood Leopard ay halos katumbas ng fifth rank ng Martial Path.

Pagkapasok na pagkapasok nila sa teritoryo ng Silver Striped Blood Leopard at guluhin sila, dali-daling nagtago si Zhao Feng sa mga sangay ng puno at mabilis na ginamit ang Hiding Air Technique upang burahin ang kaniyang aura.

Ang kaniyang Hiding Air Technique ay umabot na sa mataas na lebel at kaya niya na ngayong tuluyang burahin ang kaniyang aura, kabilang na ang kaniyang amoy at ang pagbaba ng init ng kaniyang katawan.

Iniwasan ni Zhao Feng ang pandama ng dalawang Silver Striped Blood Leopard. Subalit ang lalaking naka-abong damit na sumusunod sa likod, ay hindi masiyadong swerte. Wala siyang paningin na tulad ng kay Zhao Feng na kayang makakita ng lahat na bagay na nasa loob ng labing limang kilometro.

Roar, roar! Hu—

Sinunggaban ng dalawang Silver Striped Blood Leopards ang lalaking naka-abong damit.

"Walang hiyang bata!" sumpa ng lalaking naka-abong damit. Alam niya kung nasaan si Zhao Feng, subalit ang dalawang Silver Striped Leopards ay nagpunta sakaniya!

Ang mga Silver Striped Blood Leopards ay mayroong kahanga-hangang bilis habang sila ay humagupit sa mga sangay. Ang kanilang lakas ay halos nasa peak ng fifth rank.

Kung isa lamang ang naroon, ang lalaking naka-abong damit ay kayang talunin ito, subalit dahil mayroong dalawa, ito'y magiging mahirap.

Habang binubugbog ng Silver Striped Blood Leopards ang lalaking naka-abong damit-

"Hahaha…"

Si Zhao Feng, na nakatago sa pagitan ng mga puno, tumawa nang nakatutukso. Gamit ang kaniyang misteryosong kaliwang mata, ang tyansa niya para makaligtas ay mas mataas kumpara sa ibang tao.

"Hehe, huwag mo akong sisihin sa pagtulong," Tumawa ng malalim si Zhao Feng habang kinukuha ang Silver Bow sa kaniyang likuran at nagkabit ng tatlong nakalalasong palaso dito…