Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 255 - Flooding Lake City

Chapter 255 - Flooding Lake City

"...Tama iyon. Isa akong beast tamer."

Kaswal na sumagot si Zhao Feng nang kunin niya ang bansag na ito nang hindi nahihiya.

Halos 80-90% na naniniwala si Uncle Liu pati ang mga nanonood na isa siyang beast tamer. Matapos ang lahat, nakita nila sa personal na kinokontrol ni Zhao Feng ang kanyang Azure Sharp Swallow at pinatay si Grey Cat Eagle na nasa 7th Sky.

Isang pagtataka ang umusbong kay Lin Dong, "Ang probinsyanong ito ay biglang naging isang respetadong beast tamer… Napaka imposible naman…"

Ang Canopy Great Country ay napakalawak, kaya naman maraming flying beasts ang kinakailangan dito.

Kahit gaano pa kabilis ang isang tao, kahit isa pa siyang eksperto sa True Spirit Realm, ay labis itong mababago sa isang paglalakbay na libo-libo ang layo.

Kaya naman lahat ng eksperto dito ay may flying pet. Ang taong nakasuot ng golden robe ay mayroong Four-Winged Flying Cloud Leopard na maaari niyang gamitin sa pakikipaglaban at paglalakbay.

Gaano nakakapagod ang paglalakad ng libo-libong milya?

Kaya naman.

Ang flying pets sa Canopy Great Country ay rare at pinaglalabanan sa ibang lugar.

Ibig sabihin nito ay lubos na tinatangkilik ang pagdating ng mga beast tamer sa Canopy Great Country, gayunpaman, ang mga tao sa ganitong trabaho ay napakababa ang bilang - mas mababa pa sa bilang ng mga array creators at pill makers.

Kaya naman nang makumpirma nila na isang beast tamer si Zhao Feng, lumiwanag ang mga mata ni Uncle Liu sa kasiyahan.

"Isa ka pa lang beast tamer. Hindi na nakapagtatake na may matalino at kahanga-hanga kang pet.

Ang kumukuti-kutitap na mga mata ni Liu Tingyu ay humahangang tumingin kay Zhao Feng.

Sa kanilang tatlo, ang ekspresyon lamang ni Lin Dong ang madilim at kahina-hinala.

Sa normal na sitwasyon, maniniwala rin dapat siya, pero dahil sa katotohanang ayaw niya kay Zhao Feng, hindi niya matanggap ang 'realidad' na ito.

"Uncle Liu, Sister Ting, hindi pa ako nakakarinig kailanman ng isang batang beast tamer ---"

Tanong ni Lin Dong sa isang 'di kaaya-ayang paraang para kay Zhao Feng.

"Dong'er, huwag ka maging bastos."

Sermon ni Uncle Liu at sumabat sa gitna ng pagsasalita ni Lin Dong.

Ang mga maliliit na pamilya ay walang beast tamer at lubha itong mahirap mahanap.

Halimbawa, ang Overlooking Mist Liu family ay may iilang beast tamers na nangangalaga sa pagkain at panggagamot sa kanilang mga pets, ngunit lubhang mahirap para sa kanilang ang magpaamo ng mga Yao beasts.

Isang beses nang nagkaroon ang Overlooking Mist Liu family ng isang professional beast tamer ngunit hindi rin ito nagtagal sa kanila at kalaunan ay pumunta sa ibang family.

"Wala na akong dapat na patunayan pa."

Tumingin si Zhao Feng kay Lin Dong na puno ng kumpiyansa.

Miao miao!

Tumango ang munting pusang magnanakaw sa kanyang gilid at iwinagayway nito ang kanyang kamay na tila nagsasabi ito na tama ang may-ari sa kanya.

Nang makita ito, naniwala sina Uncle Liu at Liu Tingui na may mas malalim na kahulugan ito.

Bahagya pa ring naghihinala si Lin Dong ngunit hindi ito naglakas-loob na sumagot.

Kung hindi isang beast tamer si Zhao Feng, paano siya nagkaroon ng isang Azure Sharp Swallow sa kanyang mababang 6th Sky cultivation.

"Kuya na beast tamer, magpapatuloy pa rin ba ang ating kasunduan?"

Ang pagiging tuso ang makikita sa mga mata ni Liu Tingyu.

Ngumiti si Uncle Liu, "Ayon sa ating kasunduan, hindi mo pipigilan ang munting pusang magnanakaw kung pipiliin nitong sumama sa amin."

"Siyempre, magpapatuloy pa rin ang kasunduan. Ngunit hindi magiging madali na kunin ang isang pet mula sa isang beast tamer."

Bahagyang ngumiti si Zhao Feng.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay tumalon patungo sa balikat ni Zhao Feng at iwinagayway nito ang kanyang buntot, bilang hindi pagsang-ayon sa pang-aakit na mukha ni Liu Tingyu.

Hindi na nasurpresa si Uncle Liu sa resultang ito.

Kung madaling makukuha ang munting pusang magnanakaw kay Zhao Feng, ibig sabihin nito ay hindi siya totoong beast tamer.

Napabuntong-hininga si Uncle Liu at nagmungkahi, "Paano kung ganito? Bigyan mo si Liu Tingyu ng isang daang araw. At saka, isa kang beast tamer. Siguro ay hindi ka naman gagamit ng ibang pamamaraan sa prosesong ito."

"Siyempre naman hindi, pero ang isang daang araw…"

Sinadyang mag-alangan ni Zhao Feng.

Hanggang ngayon, kalahati pa lamang ang nakukumpleto niya sa kanyang misyon.

"Hehe, hindi ba't may hinahanap ka sa Liu family? Ang aming destinasyon ay sa pitong Side families, ang Liu family ng Flooding Lake City."

Sabi ni Uncle Liu at tumawa.

Flooding Lake City Liu family.

Tumalon ang puso ni Zhao Feng - nagkaroon na rin siya ng tyansang makatagpo ng higher echelons ng Liu family.

"Ang Flooding Lake City Liu family ay isang napakalakas na pwersa. Kapag nakarating na tayo roon, magiging mas madali para sa'yo na hanapin ang hinahanap mo. Mula sa aking nalalaman, ang Flooding Lake City Liu family ay may mas kumpletong family tree na magiging dahilan upang mas madali mong matagpuan ang hinahanap mo."

Pagpapatuloy ni Uncle Liu nang makita niyang bahagyang natigilan si Zhao Feng.

Alam na ni Uncle Liu na may hinahanap na tao si Zhao Feng simula pa noong sila ay nasa Crossing Sky Ship.

"Sige."

Tumango si Zhao Feng.

Magaling!

Hindi napigilang tumalon ni Liu Tingyu sa saya at nagsimulang makipaglaro sa munting pusang magnanakaw.

Huminga si Uncle Liu. Kung kaya lamang niyang magkaroon ng koneksyon sa isang beast tamer na may potensyal, magiging maganda ito para sa Overlooking Mist Liu family.

Hindi nila napagtanto na si Zhao Feng at ang munting pusang magnanakaw ay nagtinginan, ang pagiging kuntento ang makikita sa kanilang mga mata.

Sa oras na inangkin ni Zhao Feng ang bansag na isang beast tamer, gusto niyang gamitin ang pagkakakilanlan niya na ito upang mapasok ang pinanggalingan nila Uncle Liu at mga makasama nito.

Ang bagay na mas nagpapalad kay Zhao feng ay nagkaroon ito ng tyansang makapasok sa isang Side family ng Liu family, malaking tulong ito upang makita ang kanyang hinahanap.

Dahil dito, binigyan ni Zhao Feng ang munting pusang magnanakaw ng isang daang low-grade primal crystal stones para sa tulong na nagawa nito.

Kung hindi dahil sa munting pusang magnanakaw, hindi matatagpuan ni Zhao Feng ang Liu family nang ganu'n kadali, sa pakikipag-usap pa lamang sa kanila ay magmumukha na siyang kahina-hinala.

Sa parehong oras, nagreklamo si Zhao Feng sa kanyang puso, "Master, ang impormasyong ibinigay mo sa akin ay napaka kaunti. Ilang daang pamilya ang mayroon pangalanang Liu at hindi mabilang ang mayroong pangalang Liu Qinxin."

Sa katotohanan, si Zhao Feng ay nagkamaling sisihin ang First Elder.

Hindi pa nakakarating kailanman ang First Elder sa Canopy Great Country at wala masyadong nalalaman tungkol sa 'taong iyon'. Ang kanilang samahan ay nangyari matagal na panahon na ang nakalilipas.

Ang mithiin ng First Elder ay mapanatili buhay si Zhao Feng at masigurado ang kanyang kaligtasan. Wala na siya masyadong natitirang pag-asa para sa sitwasyon sa Thirteen Countries.

Matapos tawirin ang River of Rage, ang samahan nina Zhao Feng at Uncle Liu, pati mga kasamahan nito, ay opisyal nang tumatag.

Kahit na isang Elder ng isang Branch family si Uncle Liu, ilang beses pa lamang itong nakakatawid sa River of Rage.

"Tuwing limang taon, ang Overlooking Mist Province Liu family ay magmumungkahi ng isa o dalawang henyo sa Side family…"

Hindi itinago ni Uncle Liu ang tungkol dito.

Nagpakita ng mukha ng nakakaintindi si Zhao Feng. Ang mga 'rekomendasyon' na ito ay katulad lamang ng pagpunta niya sa Green Leaf Village.

Dati, siya at si Zhao Xue ay iminungkahi sa Zhao family ng Sun Feather City, ngunit sila ay nagkaiba ng landas na tinahak.

Si Liu Ting at Lin Dong ay parehas na iminungkahi sa mas mataas na lebel. Gaano sila katulad ni Zhao Feng?

Bukod pa rito, masasabi ni Zhao Feng na ang talento ni Liu Tingyu ay malayo kay Lin Dong, ibig sabihin nito ay magiging magkaiba ang buhay ng dalawang ito. Kahit na hindi gano'n kasama ang talento ni Lin Dong, maitutulad lamang ito kay Yang Gan.

Pa!

Bahgyang hinampas ni Uncle Liu ang kanyang spiritual pet bag at nagpakita ang isang malaking agila na may laking sampung yarda.

Walang spiritual pet bag si Zhao Feng kaya naman siya ay naiinggit.

"Lumipad ka."

Pinalipad ni Uncle Liu ang kanyang agila at pinalakad ang grupo.

Sa usaping cultivation, ang berdeng agila na ito ay nakarating na sa 7th Sky, ngunit sa usaping bilis at rarity nito, hindi ito maitutulad sa Azure Sharp Swallow ni Zhao Feng.

Gayunpaman, ang laki ng katawan nito ay mas malaki at mas maraming tao ang maisasakay. Sa usaping ito, may kalamangan ito sa Azure Sharp Swallow.

Ang Flooding Lake City Liu family ay hindi masyadong malayo sa River of Rage. Ang distansya ay kalahati ng Cloud Country.

Sa kanilang paglalakabay, ang umaagos na mga tubig at malalaking bundok ay naging dahilan upang lumaki ang dilat ng mga mata ni Zhao Feng.

Ang Heaven Earth Yuan Qi dito ay mas mabigat kumpara sa mundo ng mga mortal, isa sa sampung tao ang nasa Ascended Realm na.

Sa himpapawid ay mayroong mga flying beasts at figures ng mga ekspresto na nasa True Spirit Realm ang okasyonal na makikita.

Kakaiba ito para kay Uncle Liu.

Makikita kahit saan ang mga normal na eksperto na nasa True Human Rank.

Tanging mga nasa itaas ng True Human Rank ang itinuturing na rare.

Ang mga nasa True Lord Rank ay kayang baligtarin ang mga ulap gamit ang kanilang mga kamay.

Matapos ang ilang araw.

Ang berdeng agila ay pumasok sa isang lugar na may lawa.

Ang Flooding Lake ay bahagyang tanyag sa Canopy Great Country. May ilang dosenang pangkat at pamilya ang narank nang mataas.

Sinuring mabuti ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang lugar na ito at nalamang mas dalisay ang Heaven Earth Yuan Qi dito at ang tyansang lumitaw ang magagandang resources dito ay mas mataas.

"Sa Flooding Lake City, ang Liu Side family ay isa sa tatlong pinakamalalakas pwersa. Ang Flooding Lake City ay makikita kapag dumiresto tayo."

Ilang beses nang nakarating dito si Uncle Liu at pinaliwanag ito kay Zhao Feng.

Sa katotohanan, nakita na ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang Flooding Lake City na ito. Nakita na rin niya pati ang structure nito.

Ang buong Flooding Lake ay nagform ng hugis puso.

Ang parteng baliko ay halos nasa gitna na ng lawa.

Ang Flooding Lake City ay nasa gitna ng isla.

Sa sandaling pumasok ang berdeng agila sa Flooding Lake City, si Uncle Liu at mga kasama nito ay biglang tumahik at naging maingat.

May mga okasyonal na malalakas na aura na galing mula sa mga half-step True Spirit Realm o sa True Human Rank ang nasa itaas ng Flooding Lake City.

Gamit ang kanyang God's Spiritual Eye, hindi mapigilang hindi mag-imbestiga ni Zhao Feng at pagkumparahin ito sa Thirteen Countries. Ang islang ito ay totoong isang probinsya lamang.

Ang Flooding Lake Liu family ay nasa silangang bahagi ng bayang ito at may malaking tungkulin sa malaking lupaing ito.

May panuntunan sa pagpasok ng Flooding Lake City: Kailangang itago ang mga malalaking flying beasts sa kanilang mga Spiritual Pet Bag. Hindi sila maaaring makapasok sa bayang ito.

Tahimik na itinago ni Uncle Liu ang kanyang agila at nagpatuloy sa pagpasok sa bayang ito.

Bahagyang nangamba si Zhao Feng - wala siyang Spiritual Pet Bag at hindi rin niya kayang makabilis nito.

"Hinto."

May iilang gwardiya ang humarang kay Zhao Feng.

Ang kanyang Azure Sharp Swallow ay kinukunsiderang malaking flying pet dahil ilang yarda ang haba nito ay madidistorbo nito ang mga tao na nasa loob.

Maraming gwardya ang nakatambay sa himpapawid gamit ang kanilang mga flying beasts, ang kanilang mga lakas ay umaabot mula 5th hanggang 7th Sky at kasama nila ang kanilang mga leader na nasa half-step True Spirit Realm.

May dalawang pagpipilian si Zhao Feng:

1. Iwan ang Azure Sharp Swallow sa labas.

Ngunit sa desisyong ito ay magagawang nakawin ito ng mga eksperto.

2. Sumuko na lamang sa pagpasok sa bayang ito.

Related Books

Popular novel hashtag