Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 256 - Behave

Chapter 256 - Behave

Napabuntong-hininga si Zhao Feng - ito ang kanyang unang beses na makarating dito at hindi siya pamilyar sa mga lugar. Kaya ang tanging magagawa niya lamang ay iiwan ang Azure Sharp Swallow sa labas.

Napadesisyunan niyang iwan ang Azure Sharp Swallow sa gitna ng himpapawid at bantayan ito gamit ang kanyang God's Spiritual Eye.

Sa oras na ito ay nagsalita si Uncle Liu, "Ayon sa tuntunin ng bawat bayan, ang mga Beast Tamers ay pinapayagang dalhin ang kanilang mga pets sa loob ng city."

Sa anumang mundo, kahit gaano pa ito ka-strikto, may iilang tao pa rin ang mayroong ng espesyal na authoridad.

Halimbawa, kung ang isang tao ay narating na ang True Lord rank, kung gugustuhin nila lakbayin ang buong bayan gamit ang kanilang pets, walang makakapigil sa kanila. Ang tuntunin sa mga bayan ay balewala sa kanila.

Ang mga Beast Tamers ay isang espesyal na grupo ng mga tao dahil sila ay lubhang kaunti lamang sa Canopy Great Country.

Bukod pa rito, ang mga Beast Tamers ay kadalasang may maraming bilang ng mga alagang halimaw at kulang naman ang kanilang Spiritual Pet Bags.

Kaya naman lahat ng bayan ay aalagaan talaga sila.

"Beast Tamer?"

Ang namumunong gwardya na nasa half-step True Spirit Realm ay tumingin nang may paghihinala kay Zhao Feng. Ang ibang gwardya ay hindi rin naniniwala sa kanya.

Ang Flooding Lake City ay malaking bayan sa Canopy Great Country at halatang maraming Beast Tamers sa loob ng bayan, ngunit ang mga Beast Tamers na ito ay tanyag at kilala sila ng mga gwardya.

Ang batang isa ang mata at may asul na buhok sa kanilang harapan mukhang masama at makasalanan - kahit anong tingin ang gawin dito ay hindi pa rin ito mukhang Beast Tamer.

"Haha, kailan pa nagkaroon ang Flood Lake City ng isang batang Beast Tamer? Mukhang ang isang ito ay kailangan pang mag-aral nang kaunti."

Isang mapang-asar na tawa ang maririnig.

Nang matapos ito magsalita, isang batang may armor na kulay ube ang dumating, sakay ng Two-Headed red bird.

"Young Master Liu."

"Leader Liu."

Magalang na binati ng mga gwardya ang taong kadarating lamang.

Ang batang ito na nakasuot ng kulay lilang armor ay nasa half-step True Spirit Realm, ngunit ang aura nito ay mas malakas pa kay Uncle Liu.

"Ang kanyang Qi ng True Spirit ay nasa 60% na."

Bahagyang nagulat si Zhao Feng.

Si Uncle Liu ang mabilis na nakakilala sa batang ito, "Young Master Liu."

Ang batang may kulay lila na armor ay tinignan si Uncle Liu at naramdamang bahagya itong pamilyar, "Ikaw si…"

Mabilis na sinabi ni Uncle Liu ang kanilang pagkakakilanlan.

"Ohh, ito pala ang branch family mula sa Overlooking Mist Liu family… muntik ko nang malimutan ang tungkol dito. Ito ang panahon sa buong taon kung saan magpapadala ang mga branch family ng kanilang mga rekomendasyon.

Naalala na rin ni Young Master Liu Yuan.

Dati, nang samahan nito Uncle Liu ang mga branch family disciples sa Flooding Lake Liu family ay nakita niya ang young master na ito.

Dahil sa kanilang pagpapakilala, nalaman ni Zhao Feng na ang Young Master Liu Yuan na ito ay ang stepson ng Head ng Liu family at nangingibabaw sa bagong henerasyon.

Ito si Zhao Feng, isang Beast Tamer na sumama sa amin papunta sa Flooding Lake City…"

Ipinakilala ni Uncle Liu si Zhao Feng.

Bahagyang tumango si Young Master Liu Yuan, nagpapakita ito na hindi masyadong importante sa kanya si Zhao Feng bilang isang Beast Tamer.

Sa era na ito, ang mga Beast Tamers ay lubhang tanggap at maraming pagkakataon na may nagpapanggap.

"Isang karangalan ang makatagpo ng isang batang Beast Tamer.

Sa 'di inaasahang pagkakataon, ang asal ng aking Two-headed Flaming Rage Bird ay napakagulo. Maaari bang matulungan ako ni Beast Tamer Zhao?"

Nang matapos ang pagsasalita ni Liu Yuan ay sumigaw nang matinis ang Two-Headed Flaming Rage Bird at naglabas ng apoy.

Si Liu Yuan ay 'naitulak' paibaba mula sa likod ng Two-Headed Flaming Rage Bird.

Palihim na tumawa si Zhao Feng. Ang Liu Yuan na ito ay isang aktor na sinadyang galitin ang Two-Headed Flaming Rage Bird upang mabigyan siya ng problema.

Masasabi ng kahit na sino na ang timing ng pagkagalit ng ibong ito ay lubhang nagkataon lamang.

Pati sina Uncle Liu at mga kasamahan nito ay gustong magsalita ngunit pinigilan nila ang kanilang mga sarili.

Matapos ang lahat, si Zhao Feng ay totoong isang Beast Tamer, ang mga pang-araw-araw na problemang ito ay dapat na madaling maresolba.

At saka, gusto nilang makita ang kapangyarihan ni Zhao Feng bilang isang Beast Tamer.

"Sige ba. Subalit… Hindi ko ito ginagawa nang libre lang."

Kalmadong sabi ni Zhao Feng nang napatingin siya sa nagagalit na ibon.

Isang gantimpala?

Napatigil ang lahat. Ang Zhao Feng na ito ay hindi madaling kausap tulad ng mga totoong Beast Tamer.

"Basta't mapakalma mo ang aking little red flames ay kaya kong ibigay ang iyong hinihingi."

Kumpiyansang sabi ni Liu Yuan.

Mabilis na sinabi ni Zhao Feng kay Liu Yuan na tulungan siyang hanapin ang isang babae sa Liu family.

"Walang problema."

Walang pag-aalinlangang sagot ni Liu Yuan.

Ang kanyang little red flames ay nagalit ayon sa kanyang kagustuhan. Kung mapapakalma ito ni Zhao Feng ay maipapakita nito ang totoo nitong mga skills.

Bukod pa rito, ang Beast Tamer ay isang taong kailangang magkaroon ng magandang relasyon sa Flooding Lake Liu family. Ang mga normal na gantimpala ay madaling maibibigay.

Tumango si Zhao Feng at dahan-dahang lumakad patungo sa Two-Headed Flaming Rage Bird.

Hinarang ng Two-Headed Flaming Rage Bird ang kanyang mga pakpak upang magkaroon ng wall of flames, tila nagpapahiwatig ito kay Zhao Feng na lumayo.

"Behave… Behave…"

Ngumiti si Zhao Feng at pinaikot nang pabilog ang kanyang daliri sa hangin.

Sa parehong oras, mabagal siyang lumakas papunta sa Two-Headed Flaming Rage Bird.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay lumitaw sa balikat ni Zhao Feng at nagngalit ang ngipin nito patungo sa Two-Headed Flaming Rage Bird.

Ang munting pusang magnanakaw na ito ay nanigas at hindi makagalaw.

Ang daliri ni Zhao Feng na gumuguhit ng bilog sa hangin ay tila mayroong misteryosong kapangyarihan na kayang magpakalma. Tila nagkaroon din ito ng epekto sa mga galawa ng munting pusang magnanakaw.

Si Zhao Feng pati ang kanyang pusa ay ligtas na nakarating sa harapan ng Two-Headed Flaming Rage Bird.

"Behave… behave…"

Inilagay ni Zhao Feng ang kanyang kamay sa ulo ng Two-Headed Flaming Rage at pinaamo ito.

Ang eksenang ito ay naging dahilan upang magulantang ang lahat.

Sa harapan ng Two-Headed Flaming Rage Bird, si Zhao Feng ay tila isa lamang dwende sa harapan nito.

Ngunit gumamit lang siya ng simpleng taktika at napakalma niya na ang ibong ito at napakatahimik na nito.

Nagulat si Liu Yuan at mabilis na sumipol, ngunit ang Two-Headed Flaming Rage Bird ay bahagya lamang gumalaw at halatang hindi ito nagpakita ng reaksyon.

Sa oras na ito ay tumayo si Zhao Feng sa ibabaw ng ibon.

"Walang sinuman ang nakatayo nang ligtas sa ibabaw ng aking little red flames nang wala ang aking pahintulot. Tanging mga Beast Tamers lang ang makagagawa nito.

Nang tumayo si Zhao Feng pati ang munting pusang magnanakaw sa ulo ng Two-Headed Flaming Rage Bird, nakita ni Liu Yuan na nanginginig ang kanyang little red flames.

"Miao… miao…."

Ginaya ng munting pusang magnanakaw ang mga galaw ni Zhao Feng, inilagay nito ang kanyang kamay sa ulo ng little red flames, tila nagsasabi rin ito ng, "Behave."

Si Liu Yuan, Uncle Liu at mga kasama nito ay nagkaroon ng malinaw na reaksyon.

Lalo na kay Liu Yuan na sumimangot ang mukha. Ang kanyang little red flames ay may maiksing pasensya at hindi pa ito kailanman napahiya.

Ang maliit na pusang ito ay may lakas ng loob na paglaruan ang little red flames.

Kahit na si Liu Yuan ay bahagyang nagalit, siya ay magalang pa rin, "Si Master Zhao ay totoong kayang makipag-usapa sa mga hayop. Ang iyong kahilingan ay matutupad kapag bumalik na ako sa aking family."

"En."

Bahagyang tumango si Zhao Feng na parang isang totoong Beast Tamer.

Habang mas kumikilos siya nang ganito, mas nagiging maingat sa kanya sina Liu Yuan at mga kasama nito.

Tapos.

Sa pangunguna ni Liu Yuan, lahat sila ay swabeng nakalagpas at walang sinuman ang pumigil kay Zhao Feng sa pagdala nito ng kanyang Azure Sharp Swallow.

Kapag ang kanyang bansag na "Beast Tamer" ay nakilala, maaari niyang magamit ang kanyang pribilehiyo.

Ang mga Beast Tamers ay hindi lamang kayang kontrolin ang sarili nilang mga pets, kahit ang mga pets na nasa malapit ay nagiging tahimik.

Kalaunan.

Si Zhao Feng at mga kasama nito ay nakapasok na sa Flooding Lake Liu family bilang mga bisita.

Dahil kay Zhao Feng ay nagkaroon ng mas magandang pagtrato kina Uncle Liu at kasama nito.

Ang Flooding Lake Liu family ay nagpadala rin ng Elder na nasa True Spirit upang pagsilbihan si Zhao Feng.

Ang Elder na ito ay binati si Zhao Feng at nangakong ibibigay kay Zhao Feng ang '1st tier treatment'.

Ang '1st tier treatment' ay halos katulad ng natatanggap na pagtrato ng mga Glorious Elders.

Ang mga Glorious Elders na ito ay kadalasang kailangang nasa True Spirit Realm upang matanggap ang '1st tier treatment' na ito.

"Maaari mo ba akong bigyan ng oras upang mag-isip?"

Si Zhao Feng ay bahagyang tumango at hindi agad sumang-ayon.

Ang kanyang pinaka importanteng task niya ngayon ay ang kumpletuhin ang misyon na ibinigay sa kanya ng kanyang Master.

Naalala niya rin na ang taong ito ay tutulungan siya mag-organisa sa oras na makuha nila ang liham.

Ngunit kung alam ng First Elder na may potensyal si Zhao Feng na maging isang Tier 1 na bisita sa major family sa Canopy Great Country, sigurado uutusan niya itong pumayag na agad at hindi ipapadala ang liham.

Ang intensyon ng First Elder ay manatili si Zhao Feng sa Canopy Great Country at ang liham na iyon ay isa lamang koneksyon.

Gayunpaman.

Ang pagiging isang Tier 1 na bisita ay mas maganda pa sa nakukuha ng mga Core disciples.

Hindi na kinailangan ni Zhao Feng ng mga koneksyon - ang kanyang pagiging fake na Beast Tamer ay nalampasan ang kanyang inaasahan. Ito ay isang bagay na hindi inakala ni Zhao Feng.

Pero halata.

Hindi alam ni Zhao Feng ang intensyon ng kanyang Master at ang nasa isip niya lamang ay ang ipadala ang liham sa totoong may-ari nito.

"Isa itong "Flooding Liu Token". Gamit ito, makapapasok si Zhao Feng sa teritoryo ng Flooding Lake Liu family nang walang humahadlang.

Ang Elder na nasa True Spirit Realm ay hindi nagulat o sumaya. Sa halip ay ibinigay niya kay Zhao Feng ang token.

Flooding Liu Token?

Hindi mapigilan ni Uncle Liu na magpakita ng naiinggit na mukha. Ang mga Beast Tamers napakarare sa Canopy Great County at pinag-aawayan ito sa iba't ibang lugar.

Ang Flooding Liu Token na ito ay nagpapakita na isang marangal na bisita si Zhao Feng.

Dahil sa token na ito, ang paggalawa ni Zhao Feng sa Flooding Lake City ay mas magiging madali.

Nang matapos ang diskusyon kay Zhao Feng ay saka lamang napatuunan ng pansin sina Uncle Liu at kasama nito.

"Lumapit kayong dalawa at tignan natin ang inyong talento."

Sinuri ng Elder si Liu Tingyu at biglang nagsalita si Liu Dong.

"Liu Tingyu, sige!"

Puno ng ekspektasyon at pangamba si Uncle Liu.

Hindi kumuha ng mga testing items ang Elder na nasa True Spirit Realm. Sa halip ay pumikit ito at pinakaramdaman ang pulso ni Liu Tingyu.

"Bloodline inheritance, ito ang bloodline ng ninuno namin sa Liu family!"

Sigaw ng Elder.

Isang malabong kulay berdeng dugo ang lumabas sa balat ni Liu Tingyu na parang emerald.

Ang mga bloodlines ay rare sa Canopy Great Country. Bukod pa rito, ang bloodline ni Liu Tingyu ay mula sa mga ninuno ng Liu family.

Dahil dito ay nadistorbo ang mga upper echelons ng Liu family.

Nagtagumpay si Liu Dong at Liu Tingyu na makapasok sa Flooding Lake Liu family at nagkaroon ng pagkakataong maging malaking isda mula sa pagiging maliit na isda.

Nang makita ito, naaalala ni Zhao Feng ang sandali na pumasok siya pati si Zhao Xua sa Zhao family.

Sa gabing iyon.

Nanatili si Zhao Feng sa guest room ng Liu family.

Pinahawak rin ni Liu Yuan ang isang maliit na libro kay Zhao Feng na may napakaraming impormasyon.

Ang lahat ng pangalang nasa maliit na libro ay puro 'Liu Qinxin."

Hindi napigilang hindi humanga si Zhao Feng sa husay ni Liu Yuan.

"Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin kay Master Zhao na ang babaeng anak ng Flooding Lake City Lord ay nagngangalan ding Liu Qinxin."

Sabi ni Liu Yuan matapos itong mag-alangan ng ilang saglit.

"Oh."

Hindi na ito masyadong pinansin ni Zhao Feng dahil napakaraming tao ang may kaparehas na pangalan.

"Ang pangunahing punto ay naghahanap ng mapapangasawa ang Liu Qinxin na ito sa pamamagitan ng pakikipag-sparring.

Nagpatuloy si Liu Yuan nang tumulo ang pawis sa kanyang ulo.