Matapos manalo ng isang daang mga laban, ang popularidad ni Zhao Feng ay naabot ang sukduluan nito.
"Zhao Feng! Zhao Feng…" Ang mga tao ay nagbubunyi. Ang pag-angat ni Zhao Feng ay nagdulot sa maraming kabataan upang sambahin siya.
Sa wakas ay nag top outer disciple narin siya. Ang mga tao ay nag bigay daan kung saan man dumaan si Zhao Feng. Maging si Zhao Kun ay ibinaba rin ang kanyang ulo.
"Kailan mo pa ininis ang ganitong henyo?" Tumingin ng kakaiba si Zhao Gan sa kanyang kapatid.
'Paano ko malalaman na magiging napaka malakas niya…' si Zhao Kun ay gustong umiyak.
Habang mabagal na naglalakad si Zhao Feng, ang kanyang mga mata ay nagmamasid sa paligid.
Sa isang punto, nakita niya ang isang babaeng nakasuot ng puti.
Kinagat ni Zhao Xue ang kanyang mga ipin at siya'y walang lakas na loob upang tumingin sa mga mata ni Zhao Feng. Iniling ni Zhao Feng ang kanyang ulo. Simula nung pumasok sila sa Zhao sect, tinahak nila ang magkaibang mga landas.
Wala siyang naramdaman, ang gusto lang niyang gawin ay abutin ang ika-siyam na ranggo ng Martial Path, siguro maging ang Holy martial rank, at pagkatapos ay maglakbay sa buong kontinente.
Ang ranking contest ay naabot na ang huling mga yugto, at ang unang puwesta ay nakumpirma na. Ito'y dahil walang sinuman maliban kay Zhao Feng ang nanalo sa lahat ng kanilang mga labam.
Hindi nagtagal, ang mga pinal naranggo ay napagpasyahan na.
Unang puwesto: Zhao Feng
Pangalawang puwesto: Zhao Yufei
Pangatlong puwesto: Zhao Yue
Pangapat na puwesto: Zhao Gan
***************
Sa pang-siyam na ranggo lamang lumitaw ang pangalan ni Zhao Yijian. Ito'y dahil si Zhao Yijian ay malubhang nasugatan nang kaharap si Zhao Feng, nangunguhulugan hindi siya pwedeng makibahagi pagkatapos.
"Unang puwesto!" Si Zhao Feng ay medyo eksayted.
Dalawang buwan na ang nakalipas, kinailangan niyang magdasal na makapasok siya sa paligsahan. At para sa unang puwesto, hindi niya kalianman ito naisip. Lahat ito'y salamat sa kanyang misteryosong mata.
Huminga ng malalim si Zhao Feng habang pumasok siya sa dimensyon sa loob ng kanyang mata. Ang misteryong berdeng ilaw ay tuloy-tuloy na umiikot sa bilog. Ang liwanag ay lumawak na ngayon mula sa 1.25 metro hanggang sa halo 1.33 metro.
Alam ni Zhao Feng na habang ang berdeng liwanag ay lumalawak, ang kapangyarihan ng kanyang kaliwang mata ay madadagdagan.
***************
Sa isang sulok sa loob ng Sky Martial Field…
"Mayroong ilang talentadong outer disciples ngayong taon. Lalo na si Zhao Feng at Zhao Yufei, nasa kanila ang potensyal upang makahabol kay Zhao Linlong." Ang taong nagsalita ay isang kalmadong, magandang babae. Ito'y si Zhao Qin, ang pangapat na pinaka malakas na outer disciple.
"Hehe, mga maliliit na laban lang ito, walang anuman." Ang kaswal na boses ay nanggaling mula sa isang binata sa kanyang tabi.
Balikat sa balikat na nakatayo ang binata sa tabi ni Zhao Qin at tinatamad na sumulyap patungo sa mga outer disciple ng Sky Martial Field.
'Nararamdaman kong si Zhao Feng ay hind simple. Nang una niyang tinago ang kanyang Inner Strength, maging ako'y hindi nakita ito. At saka, ang kanyang bilis ay mairaranggo sa loob ng top three inner disciples', inisip ni Zhao Qin.
"Tingin mo'y kaya nilang pag-bantaan tayo? Mayroon lang akong isang kalab at yun ay si Zhao Linling!" sinabi ng binatang nakaitim.
"Zhao Chi, wag kang maging sobrang arogante. Narinig kong si Zhao Han, na pangatlo ang ranggo, ay nasa seklusyon nitong mga nakaraang buwan," ngumiti si Zhao Qin.
"Si Zhao Han? Sa tingin ko'y may pinsan siyang tinatawag na Zhao Yijian, tama ba?" Ang nakaitim na binatay ay mapaglarong tumingin kay Zhao Feng.
Mayroong naramdaman ni Zhao Feng at sumulya patungo sa isang direksyon. Sa sulok na iyon ay nakaatay ang isang tahimik na babae at isang tinatamad na nakaitim na binata. Ang tahimik na babae ay kilala ni Zhao Feng. Siya ay si Zhao Qin. At para sa nakaitim na binata…
"Diyos ko po! Yun si Zhao Chi!"
"Si Zhao Chi! Ang pangalawang puwesto ng mga inner disciples, sa likod ni Zhao Linlong!" ang mga tao ay sumigaw.
Maging ang ilan sa mga inner disciples ay nagpakita ng takot habang tumingin sila patungo kay Zhao Chi.
Ang mga mata ni Zhao Feng at Zhao Chi ay nagkasalubong.
Sa sandaling nakatagpo ni Zhao Feng ang mga mata ni Zhao Chi, nakaramdam siya ng isang hindi makayanang pressure. Lalo na nung ang kanyang kaliwang mata ay nag-lock kay Zhao Chi, nakakuha siya ng isang pakiramdam na siya'y walang kapantay.
Si Zhao Chi ay hindi mataba o mapayat, subalit ang kanyang Inner Strength sa loob niya ay pantay na nagkalat sa bawat muscle niya.
'Tuktok ng ika-apat na ranggo! Ang kanyang lakas ay mas malakas pa siguro kaysa kay Zhao Qin!', Wastong inanalisa ni Zhao Feng ang lakas niya.
"Narinig ko nung si Zhao Chi ay isang half-step marital artist, tinalo niya ang isang true martial artist. Hindi ko naisip na siya'y magpapakita sa paligsahan ng mga outer disciples.
Mula sa reaksyon ni Zhao Qin, ito'y malinaw na iniisip niyang si Zhao Feng ay napaka-importante. At para kay Zhao Chi, siya'y naglagay ng mas maraming kahalagahan kay Zhao Yufei.
Alam iyon ni Zhao Feng, bagama't siya ang top outer disciple, mayroon paring isang malaking agawat sa pagitan niya at ng mga inner disciples.
Tila, ang bawat inner disciple ay nanood ng paligsahan ng mga outer disciple sa isang punto.
Lahat maliban sa isang tao! Si Zhao Linlong!
Isa sa apat na mga magigiting na henyo ng Sun Feather City!
"Sa aking lakas, hindi magiging maganda ang kalulugaran ko sa mga inner disciples…" Si Zhao Feng ay may taimtim na mukha.
'Ang main tournament ay sa susunod na kalahating buwan. Dapat bang targetin ko ang unang puwesto?' Si Zhao Feng ay hindi makapag-pasya.
Gayunpaman, hindi nagtalag ay ginawa niya ang kanyang desisyon.
Laban! Siya'y dapat lumaban!
Naalala niya ang mga gantimpala mula sa sect! Tanging ang top three disciples lamang ang may pagkakataong matuto ng peak ranked martial art skills.
Peak ranked marial art skills!
Sila ang pinaka mataas na ranggo ng martial art skill sa makamundong kaalaman! Isang set ng peak ranked martial art skills ay maaring hayaan ang isang tao para mag-cultivate hanggang sa ika-siyam na ranggo ng martial path. Tanging ang mga Holy ranked martial arts lang ang maaring magpahintulot na makamit ng isang tao ang Holy Martial Path.
Para mabuhay sa mundong ito, ang isang tao ay dapat may lubos na lakas. Ito'y nangunguhulugang, mas mataas ang ranggo ng skill, ay mas mabuti.
'Una o top three,' kinumpirma ni Zhao Feng ang kanyang mga layunin habang mabagal na naglalakad patungo sa kanyang bahay.
Nang nakauwi siya, napagtanto niyang mayroong maraming tao ang bumibisita. Ang kanyang ama na si Zhao Tianjiang ay napaka-abala. Ang malungkot na tahanan ay ngayo'y puno ng tao.
"Brother Tianyang, kongratsulasyon sa pagkakaroon ng isang mabuting anak."
"Top outer disciple! Natutunan rin niya ang Inner Strength, malinaw na makatatanggap siya ng atensyon mula sa mataas na lebel ng sect." Sabi ng mga bisita nang nakita nilang nakauwi na si Zhao Feng. Kinunot ni Zhao Feng ang kanyang kilay, hindi siya sanay sa ganito.
Ang mga bisitang ito ay kadalasang mababa ang tingin patungo sa kanyang pamilya at ang kanilang ugnayan ay hindi mabuti. Gayunman, ngayong araw, lahat sila'y bumisita.
Si Zhao Feng at ang kanyang mga magulang ay binugaw sila paalis.
"Inner Strength? Half-step Martial Artist? Feng, binigyan mo ang ama mo ng isang napakalaking surpresa!" Namumulang sinabi ni Zhao Tianyang.
Hindi lahat ay kayang makapasok sa Sky Martial Field. Halimbawa, si Zhao Tianyang ay maari lamang manood mula sa malayo. Nang una nilang narinig na nanalo ang kanilang anak, ang una nilang naisip ang kanilang pandinig sa sumama na.
"Kailan naging napaka lakas ng anak ko?" Si Zhao Tianyang ay medyo naghihinala. Alam nuyang ang anak niya ay hindi ganoon namumukod tangi.
"Hehe, mula nung tinamaan ako ng kidlat. Naramdaman kong naging mas madaling matuto ng martial arts…" Nagpaliwanag si Zhao Feng ng kalahating tapat. Ang kanyang eksplenasyon ay kung ano-ano.
Ang mundo'y napakalaki. Hindi lahat ng alamat ay ipinanganak ng talentado. Ang landas ng isang tao ay maapektuhan rin ng mga bagay na makakatagpo nila sa buhay.
Bukod pa rito, ang nagpabago sa buhay ni Zhao Feng ay ang nang tinamaan siya ng kidlat.
Matapos makinig sa eksplenasyon na ito, ang kanyang mga magulang ay hindi nagdududa.
*************************
Kinagabihan ng kaparehong araw…
Si Zhao Feng ay hindi natulog. Sa halip ay ipinikit ang kanyang mga mata at inisip ang tungok sa proseso ng paligsahan. Ang mga alaala ay lumitaw sa kanyang isipan. Bawat tagpo ay naka-ukit sa kanyang utak. Kasama ng mga ito ang mga tagpo nang nakikipaglaban siya kila Zhao Yue, Zhao Yijian, at Zhao Yufei.
Bukod dito, naalala rin niya kung papaano gumalaw ang pangunahing tagapag-husga at si Zhao Tianjian. Malinaw naman, ang kanilang ranggo ay malayo ng lumagpas kay Zhao Feng, kaya hindi niya maintidihan kung ano ang nakikita niya. Gayon pa man, si Zhao Feng ay nakakuha ng ilang kabatiran.
Biglang, si Zhao Feng ay naging mabilis habang dumiretso siya patungo sa isang malawak na lugar.
He! He! …
Isinarado ni Zhao Feng ang kanyang mga mata at ipinakita ang Flaming Metal Fist at ang Angry Draon Fist. Bawat galaw niya ay bahagyang nagbago habang pinag-iisipan niya ang mga laban nila Zhao Yue, Zhao Yijian at Zhao Yufei.
Hu~
Hu~
Ang bawat galaw ni Zhao Feng ay naging pabilis ng pabilis, at pagkatapos ay ibinuhos nagbuhos siya ng Inner Strength sa kanila. Ang 1.35m berdeng liwanag at gumagapang patungo sa isa pang hakbang.
Sa huling sandali, naalala niya ang pressure na naramdaman niya habang kaharap si Zhao Tianjian.
Ta!
Si Zhao Feng ay sumigaw habang ang Inner Strength sa loob ng kanyang katawan ay unti-unting gumalaw. Bawat palad na kanyang ginamit ay may isang humahampas na tunog kasama nito.
Kalahating oras ang lumipas, bago maubos ang lakas ni Zhao Feng.
Hua~~~~~
Naramdaman ni Zhao Feng na ang kanyang mga kamay at paa at katawan ay nag-iinit. Isang mainit na pakiramdam ang nanginig sa buo niyang katawan. Sa parehon oras, isang makapal na layer ng pawis at dumi ay lumabas mula sa kanyang katawan.
"Nagawa ko!" Ang mga mata ni Zhao Feng ay nagningning sa eksaytment.
Ang berdeng liwanag sa loob ng kanyang mata ay naabot na ang 1.38m marka. Sa sandaling ito, si Zhao Feng ay naabot na ang ika-apat na ranggo ng Martial Path.
Nararamdaman niya ang matinding lakas na dumadaloy sa kanyang katawan sa bawat hinga. Sa isang isip lamang, ang Inner Strength ay babaha palabas.
"Ang kapangyarihan ko ay nadagdagan ng mga limang daang kilogramo at ang lakas ng aking Inner Strength ay kahit papano'y dumoble." Nakita ni Zhao Feng ang lahat ng pagbabago sa kanyang buong katawan gamit ang kanyang kaliwang mata.