Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 141 - Ang Kapangyarihan ng Lightning Wind Palm

Chapter 141 - Ang Kapangyarihan ng Lightning Wind Palm

Habang si Mengxiang ay nakikipag-usap kay Zhao Feng sa mababang tono, ang may matulis na ilong na si Xu Ren ay ngasimulang magparamdam ng panggigipit kay Lin Fan gamit ang malamig na eskpresyon.

"Kayong mga bata, lapit dito!"

Kumunot ang mga kilay ni Xu Ren nang walang eskpresyong sinuri si Zhao Feng at kaniyang mga kasama. Ang pakay niya ay si Lin Fan, ngunit kung ang ibang mga bata ay mangingialam, hindi problema sa kani.ya ang turuan sila ng leksyon

Dalawang inner disciple ang nakatayo sa likuran ni Xu Ren na may mapaglarong ekspresyon – nakaabot na rin sila sa 2nd Sky.

Ang tatlo sa kanila ay puro 2nd Sky of the Ascended Realm, na katulad ni Lord Guanjun.

"Brother Zhao, Brother Xiao, Sister Yun… Ako na ang bahala sa aking sarili."

Si Lin Fan ay lumabas mag-isa, na ayaw madamay ang iba.

Huminga nang malalim si Xiao Sun at agad na lumayo kay Lin Fan. Si Xu Ren at lahat ng kaniyang mga kasama ay nasa 2nd Sky of the Ascended Realm at hindi nila kayang makasakit ng damdamin.

Hinila rin ni Zhao Feng sa gilid si Yun Mengxiang.

"Pinapayagan ng Clan ang paglalaban ngunit dahil bawat inner disciple ay nagsama dito, hindi nila ito lulubusin."

Ipinaliwanag ni Yun Mengxiang kay Zhao Feng. Halata namang siya at si Xiao Sun ay hindi gustong madamay sa mga gawain ni Lin Fan.

Kahit na matiwasay ang kanilang relasyon, ayaw nilang masaktan ang damdamin ng mas matandang inner disciple para sa kaniya.

"Hahaha… Lin Fan! Walang gustong tumulong sayo!" mayabang na tumawa si Xu Ren.

Natutuwa siya sa si Zhao Feng at ang ba ay 'alam ang kanilang posisyon.'

Nanlamig si Lin Fan kahit na naghanda naman siyang maging mag-isa.

Ang mga disipulo ay agad namang nagbigay ng sapat na espasyo para sa kanila at walang nakialam.

"Tignan natin ang iyong top outer disciple na lakas."

Isang malaks na bugso ng mental energy ang lumabas sa katawan ni Xu Ren nang ang kaniyang aura ng 2nd Sky of the Ascended Realm ay nabigla si Lin Fan.

Bawat pagkakaiba ng Sky ay tila langit at lupa, ang True Force ng cultivators sa 2nd Sky ay nasa ibang lebel na kaysa sa 1st.

Habang nakaharap sa kaniya, hindi makahinga nang maayos si Lin Fan. Ngunit siya nga ay minsang naging top outer disciple at mas malakas siya sa mga kapareho niya ng antas.

Stunning Feather Blade!

Itinulak ni Lin Fan ang kaniyang braso palabas at isang sumiklab na puting liwanag na tila nyebe sa taglamig. Ang espadang liwanag ay kakaiba dahil kasing bilis ito ng kidlat, ngunit purong puti rin na tila balahibo.

Raging 3 Sword Light!

Inilabas ni Xu Ren ang kaniyang espada, na naging alon ng liwanag na puno ng liksi.

Ding Ding Ding…

Ang dalawang galaw ay nagsagupaan habang may mga tunog nitong maririnig.

Ang kapangyarihan ng Ascended Realm ay hindi isang bagay na maikukumpara sa Consolidated Realm. Kahit anong natitirang lakas ay kayang agad na pumatay ng kahit sinong cultivator sa ikasiyam na antas ng Consolidated Realm.

"Ang Lin Fan na ito ay mas magaling sa inaasahan. Ang kaniyang Middle class Mortal blade skill ay mahusay na nasanay."

"Kaeapat-dapat siya sa titulong top outer disciple dahil kaya niyang lumaban sa isang nasa 2nd Sky nang hindi natatalo.

Ang mga manonood ay nagulat. Ang lakas ni Lin Fan ay mas mataas sa inaasaha at hindi siya natatalo.

"Walang dudang kaya niyang maging top outer disciple."

Nabalaitaan ni Zhao Feng na si Lin Fan ay m.ay natalong tao saAscended Realm noong siya ay nasa half-step Ascended Realm. Mukhang totoo ang mga sabi-sabi

Sampung galaw… Dalawampung galaw…

Si Xu Ren ay lubos na seryoso nang siya ay huminga nang malalim at isang tunay na mas malakas na puwersa ang rumagasa sa kaniyang katawan, na lalong nakapagpalakas sa kaniyang mga atake.

Naramdaman ng lahat na ang espada naging mabangis at matalim.

Ssssssh!

Isang puwang ang lumitaw sa kasingputi ng nyebeng espada ni Lin Fan nang may mga kumislap sa hangin.

"Isa 'yang Mortal grade na espada."

"Tama! Ito ay ginawa ng ating blacksmith master na si Li Jingyue at gumawa lang siya ng 36 piraso."

....

Ang paglabas ng Mortal grade Holy sword ang nagbaliktad ng sitwasyon. Nang ginamit ni Xu Ren ang kapangyarihan ng 'Jingyue' na espada, ang kaniyang pag-atake ay mas lumakas at sa ilang mga galaw lang, nasira ang espada ni Lin Fan at nagkaroon ng mga marka ng dugo.

"Ang dami ng mga sandata sa mundong ito at nahahati sa iba't ibang grade: Mortal, Spiritual, Earth at Sky. Bawat grade ay nahahati pa sa low, middle, high at peak, tulad ng mga skill. Sa kontinenteng ito, ang mga sandatang Spiritual grade o mas mataas pa ay nawawala…"

May lumabas na impormasyon sa isip ni Zhao Feng. Nakapagbasa na siya ng mga aklat at naimprenta ito sa kaniyang isip.

Bawat sandata ng Spiritual grade o mas matas pa ay may napakalakas na kapangyarihan at kayang sirain ang langit at lupa. Ang Broken Moon Clan ay mayroong isa at ito ang isa sa kanilang pamatay na galaw.

Kahit ang lowest Mortal grade ay may nakakasindak na kapangyarihan.

Napag-alaman ni Zhao Feng na sa 40-50% na pagtaas sa lakas ni Xu Ren, mga 30% ang nanggaling sa espada at 20% ang nanggaling sa tumataas niyang True Force.

Sa ilang sandali lang, si Lin Fan ay puno na ng mga galos.

"Zhe zhe zhe… Mukhang ang lakas ng top outer disciple ay wala lang."

Si Xu Ren ay may Mortal grade na sandata at sinadyang hindi manalo dahil gusto niyang makipaglaro kay Lin Fan at ang kaniyang mga atake ay sakto. Si Lin Fan ay hindi malalang nagalusan, ngunit sasakit ito.

"Nanalo ka na, tama na."

Sa wakas ay sinabi ni Zhao Feng sa gilid.

Hanggang ngayon, sumuko na rin si Lin Fan ngunit si Xu Ren ay tumawa: "Luluhod siya sa lupa at magmamakaawa ng pagpapatawad sa harap ng aking kapatid o mauulit muli ito!"

Shua!

Nawala si Zhao Feng at pumunta sa likuran ni Xu Ren.

"Ungas, tumigil ka!"

Ang dalawang magkaibigan sa 2nd Sky ay parehas na sumigaw, ngunit nahuli sila.

Ang bilis ni Zhao Feng ay sobrang tulin at ito ay puno ng mga ilusyon.

Lightning Wind Palm!

Ang may asul na buhok at may isang matang youth ay lumitaw sa likuran ni Xu Ren at itinulak palabas ang kaniyang palad kasabay ng tunog ng kidlat.

Naramdaman lang ni Xu Ren na naginig ang kaniyang tainga dahil sa tunog at halos hindi na niya kayang umikot at harangan ang atake.

Peng----

Ang nangingibabaw na palad ay tila sumaksak sa kidlat at ang nakakasindak na aura ay nakapagpagpasilaw sa mga taong nasa paligid.

Isang mapanganib na galaw!

Tanging kaunting tao lang ang malinaw na nakakita sa galaw na ito.

Boom!

Napalipad si Xu Ren habang ang kaniyang mga damit ay nasira at ang ibang bahagi ng kaniyang katawan ay nasunog.

"Ikaw… Ikaw ay umatake nang palihim!" sabi ni Xu Ren na may nanginginig na boses at namumutlang mukha.

"Oo, inatake kita nang palihim!" humalukipkip si Zhao Feng at walanag ekspresyong tumingin pababa kay Xu Ren.

Wah!

Sinubukan ni Xu Ren puwersahang palaganapin ang kaniyang True Force, ngunit sumuko siya ng dugo.

Ang palad galing kay Zhao Feng ay lubos na nakapaminsala sa kaniya at ngayon, galit nag alit siya na sumuka na siya ng dugo.

"Anong galaw iyon?"

Ang mga disipulong malapit ay nanumbalik na ngunit sila ay nagulat pa rin. Kahit na nandaya si Zhao Feng kay Xu Ren, nakita nila kung gaanong nakakasindak ang kapangyarihan ng palad na ito.

"Lightning Wind Palm! Lightning Wind Palm 'yon! Baliw na ang lalaking 'yan!" agad na sigaw ng isang disipulo ng 3rd Sky of the Ascended Realm.

Lightining Wind Palm!

Nagbago ang mga ekspresyon ng img inner disciple.

"Bawat taong nagsanay ng Lightning Wind Palm ay mga baliw na ungas!"

"Ilang taon na ang lumipas, isang baliw na ungas ang nagsanay ng Lightning Wind Palm ang gumamit ng skill na ito at nakapatay siya ng dalawang Sky na mas mataas sa kaniya, pero namatay rin siya sa huli.

….

Sa sandaling ito, tumingin ang lahat kay Zhao Feng nang may pag-aalala, na tila nakatingin sila sa isang bombing sasabog sa anumang oras.

Tulad ng sinabi nila, kahit sinong nagsanay ng Lightning Wind Palm ay baliw.

Hindi dapat iniinsulto ang isang tao ng ganoon.

May kasabihan na: Ang mahina ay natatakot sa malakas, ang malakas ay natatakot sa mabangis at ang mabangis ay natatakot sa mga hindi nagpapahalaga sa kanilang buhay.

At ang mga nagsanay ng Lightning Wind Palm ay ang mga taong walang pakialam sa kanilang buhay, daihl ang skill na ito ay lubhang mapanganib.

Kahit suweritihin ang isang tao na makapagsanay hanggang sa pinakamataas na lebel, sila ay kadalasang tinatamaan lang din naman ng kidlat ay namamatay.

Nang sinuri nila ang kasuotan ni Zhao Feng, ang may asul na buhok at iisang mata, ay sininok at ang paghihinala nilang baliw si Zhao Feng ay nakumpirma.

"Ang ungas na ito… ay nandaya sa akin!"

Nawalan ng kakayahan si Xu Ren na makipaglaban, ngunit ang kaniyang dalawang kaibigan ay nasa 2nd Sky of the Ascended Realm. Gayunman, hindi sila nangahas na umatake.

Sa hangin, ang asul na buhok ni Zhao Feng ay gumalaw at ang kaniyang walang ekspresyong kanang mata ay tumingin pababa kay Xu Ren at dalawang kaibigan nito.

Ni hindi siya takot na makaharap ang dalawang 2nd Sky disciple. Sa kabilang banda, hindi na siya makapaghintay at hindi maiwasang dilaan ang kaniyang labi.

Ang ginawa niya ay nagpakita sa iba na siya ay malupit at brutal.

"Maaari kayang si Zhao Feng… ay baliw?"

Si Xiao Sun at Yun Mengxiang ay nagtinginan.

Sa totoo lang, si Zhao Feng ay hindi makapaghintay: "Ang kapangyarihan ng Lightning Wind Palm ay napakalakas!!"

Ang paligid ay umabot na sa rurok ng mga panyayari.

"Ang mga core disciple ay nandito na!" Isang sigaw ang nanggaling sa malayo.

Ang tenyon ay nawala ay ang lahat ay tumingon sa direksyon ng ilang disipulo ng 4th Sky of the Ascended Realm.

Ang mga core disciples ay may espesyal na pakiktungo sa Clan at may autoridad silang katumbas ng isang Deacon. Bawat core disciple ay may suportang taong may mataas na lebel.

"Ungas! Sa susunod nating pagkikita sisiguraduhin kong hihilingin mong sana namatay ka na lang!" pag-angap ni Xu Ren nang nagawang bumangon.

Ang kaniyang dalawang kaibigan ay galit na tumingin kay Zhao Feng, ngunit napagtanto nilang hindi ito nakatingin sa kanila.

Hmm?

Nakatingin si Zhao Feng sa isang core disciple.

Ang kasuotan ng core disciple na ito ay naiiba sa mga inner disciple. Hindi na nga nila kailangang mag-uniporme kung gugustuhin nila.

Ang tinignan niyang core disciple ay matangkad at nakaputi.

Sister Yuan?

Bahagyang napahinto si Zhao Feng, at agad na nakita si Ran Xiaoyuan sa tabi nito.

Nakuha ng magandang matangkad at bahagyang mas maliit ang atensyon ng karamihan ng mga disipulo.

"Siya 'yon!" 

Nakita ni Ran Xiaoyuan ang asul na buhok at isang mata ni Zhao Feng at namutla ang kaniyang mukha, siguro dahil sa kaniyang masamang itsura.

"Kailan naging disipulo ang lalaking ito?"

Naalala ni Sister Yuan kung paano siya nasilipan ni Zhao Feng at kung paano siya binalaan nito.

Dumilim ang kaniyang ekspresyon.