Bahagyang walang masabi si Zhao Feng, si Sister Yuan ay isang core disciple at siya ay may mataas na cultivation. Hindi niya maiwasang magbuntong-hininga nang maisip kung paano niya ginalit ng isang core disciple bago pa man siya maging isang inner disciple.
Sa sandaling ito, inakay agad palayo ni Sister Yuan si Ran Xiaoyuan.
"Sister Yuan? Anong meron sa kaniya?"
Ang mga nasa malapit na inner disciple ay mabilis na umalis sa daanan nang makita si Sister Yuan na nagmamadali.
Ang pagkakakilanlan ng mga core disciple ay nakapagpaalala sa mga inner disciple. Dagdag pa rito, kilala si Sister Yuan sa gulong nagawa niya at minsan pa'y nagtatago ang ibang core disciple sa kaniya.
Ang kinatatakutan niya ay dumating na.
Si Sister Yuan ay lumapit kay Zhao Feng ay ang eksenang ito ay nakasindak kay Xiao Sun at Yun Mengxiang. Kakatapos lang nilang maging inner disciple at hindi pa napapatatag ang kanilang sarili.
"Walang hiyang bata! Huwag mong isiping hindi kita makikilala sa kasuotang 'yan," walang ekspresyong sabi ni Sister Yuan.
Ang mga inner disciple sa malapit ay nagulat, ang Zhao Feng na ito ay kakatapos lang maging inner disciple, kaya't paano niya ginalit ni Sister Yuan?
Si Xu Ren at mga kasama ay kaagad na malugod na tumingin kay Zhao Feng – si Sister Yuan ay ang panginoon ng mga inner disciple.
Si Lin Fan, Xiao Sun at Yun Mengxiang ay hindi maiwasang kabahan para kay Zhao Feng.
"Ako, Ako… Ako ay hindi nagbalatkayo."
Hindi sumuko si Zhao Feng. Humarap siya kay Ran Xiaoyuan at ngumiti bilang pagbati.
Namula ang mukha ni Ran Xiaoyuan at mahiyaing tumango bilang sagot.
"Hmph! Sinusubukan mo pang landiin si Sister Ran!"
Isang hindi mawaring galit ang rumagasa kay Sister Yuan nang ilabas ang kaniyang mental energy kay Zhao Feng. Ang mga nakapaligis na inner disciple ay agad na umatras dahil ang 4th Sky ay napakalayo kumpara sa iang mga Sky.
Kahit sinong nasa 4th Sky ay kinikilala bilang cultivator sa low rank Ascended Realm, ngunit ang nasa 4th Sky o mas mataas pa ay isang elite.
Hindi makahinga si Zhao Feng, ngunit mabagal niyang napalaganap ang misteryosong asul na dugo at nangalahati ang panggigipit.
Hindi maiwasang sabihin ni Sister Yuan ang "eh?"
Sa ilalim ng panggigipit ng isang taong nasa 4th Sky of the Ascended Realm, isang youth na may iisang mata ang tumayong walang ekspresyon.
"Sister Yuan, huwag mo siyang guluhin…" hinila ni Ran Xiaoyuan ang mga kamay ni Sister Yuan.
"Hindi! Kailangan niyang humingi ng tawad!" masakit na sinabi ni Sister Yuan.
Naiinis siya kapag naiisip niya kung paano siya binalaan ni Zhao Feng. Kung isa lang outer disciple si Zhao Feng, nasa magkaiba silang bilog. Kaya kahit gaano pa siyang hindi maging masaya, wala siyang magagawa.
Ngunit si Zhao Feng ay naging inner disciple na at ang dalawa ay magkikita pa rin sa hinaharap. Kung malalaman ang nangyari sa araw na iyon, anong mukha pa ang maihaharap niya?
"Hehe, ano to? Paano ginalit ni Zhao Feng si Sister Yuan nang ganoon kabilis?"
Isang mahinang tawa ang naggaling sa gilid ng lugar. Ang taong ito ay si Quan Chen, ngunit hindi niya sinubukang isigaw ito. Sa tabi niya ay si Yuan Zhi at Bei Moi, na parehong nagulat.
"Yuan Zhi! Isa pang core disciple!"
"Nabalitaan kong ang Bei Moi na iyon ay hindi rin simple! Siya ang pinakatalentadong disipulo sa lahat ng mga inner disciple!"
Nag-usap-usap ang mga tao. Maraming mga disipulo ang nagtipon at nang makita ang sitwasyon, napahinga nang malalim si Zhao Feng. kakatapos niya lang maging isang inner disciple at hindi mananakit ng baguhan si Sister Yuan sa harapan ng lahat.
"Haha Sister Yuan, hindi ito mukhang isang bagay na gagawin mo – ang pananakit sa isang bagong inner disciple."
Isang nangingibabaw na boses ang umalingawngaw mula sa kabilang banda ng lugar at ang may-ari ng boses na ito ay lumipad sa hangin.
"Core disciple, Yang Gan!"
Sumigaw ang mga tao habang maraming mga babeng disipulo ang makikitaan ng paghanga sa kanilang mukha.
Ang youth na kakarating lang ay nasa 17-18 taong gulang at siya ay napakagwapo. Hindi lang siya gwapo, kundi kaaakit-akit din.
Ang mga normal na inner disciple ay hindi mangangahas na makialam sa mga Gawain ni Sister Yuan, ngunit ang taong ito ay hindi man lang takot.
"Yang Gan, ikalawang antas sa sampung core disciple, na nasa 5th Sky of the Ascended Realm at isang kandidato bilang susunod na head disciple."
Ang impormasyon tungkol sa taong ito ay lumitaw sa isip ni Zhao Feng.
Sa mga nakaraang araw, napag-alaman niya ang sitwasyon ng mga inner disciple galing kay Yun Mengxiang at iba pa.
Ang mga elite inner disciple ay ang mga core disciple, nguntit may hagganan para sa parehong inner disciple at core disciple: ang kanilang edad ay hindi dapat lumagpas sa 30.
Kapag mas matanda na sila sa 30, parehong core disciple at head disciple ay mabibigyan ng kanya-kanyang Gawain sa Clan.
Ang kasalukuyang Head disciple ay malapit nang maging 31 at samakatuwid, si Sister Yuan at Yang Gan ay maglalaban para sa posisyon ng head disciple. Ngunit sa larangan ng cultivation, si Sister Yuan ay bahagyang mas mahina kaysa kay Yang Gan dahil siya lang nasa peak 4th Sky habang si Yang Gan ay nasa 5th.
Ang tanging taong may karapatang kumalaban kay Yang Gan ay Chen Xingrui, ang core disciple ay nasa ikatlong antas, na nasa 5th Sky rin.
"Yang Gan! Huwag mong isiping takot ako sa iyo dahil nakaabot ka na sa 5th Sky. Walang nakakaalam kung kanino mapupunta ang posisyon ng Head disciple." Tumawa si Sister Yuan habang hinarap si Yang Gan.
Nang dumating si Yang Gan, malaki ang nabawas sa pressure ni Zhao Feng daihl ang atensyon ng mga tao ay napunta sa dalawang core disciple.
Nang aalis na sana si Zhao Feng at iba pa…
"Anong pangalan mo?"
Umikot si Yang Gan nang walang pasabi at tinanong si Zhao Feng.
"Binabati ni Zhao Feng si Brother Yang."
Napatigil si Zhao Feng. Tumango si Yang Gan at sinabing: "Zhao Feng, tama? Binabalaan kita, mas mahalaga ang buhay kaysa sa Lightning Wind Palm."
Pagkatapos ay umikot siya at umalis nang nagbuntong-hininga.
Mas mahalaga ang buhay kaysa sa Lightning Wind Palm.
Bakit siya babalaan ni Yang Gan?
Maraming inner disciple na nandoon ay alam kung gaanong nakakasindak ang Lightning Wind Palm.
"Lightning Wind Palm?"
Ang ekspresyo ni Sister Yuan ay nagbago nang tumingin siya kay Zhao Feng nang magulo: "Si Yang Gan ay may mabuting kaibigang nagsanay ng Lightning Wind Palm, ngunit…"
Wala na siyang kailangang sabihin dahil naintindihan na ni Zhao Feng.
Ang kaibigan ni Yang Gan ay nagsanay ng Lightning Wind Palm, ngunit namatay na siya. Hindi nakakapagtakang binalaan siya ni Yang Gan.
Nang mapansing hindi na itinuloy ni Sister Yuan ang panggugulo sa kaniya, tumalikod na si Zhao Feng at umalis na.
Ang kaniyang landas ay sa kaniya lang at hindi sa iba.
Pinababa ni Zhao Feng ang mga panganib gamit ang kanyang kaliwang mata sa pamamagitan ng pagkontrol ng kahit anong mangyari sa kaniyang kamay.
Habang nagsasanay ng skill na ito, nalaman ni Zhao Feng na ang Lightning Wind Palm ay hindi naisulat nang maayos, na tila kakatapos lang itong gawin at hindi pa perpekto.
Samakatuwid, muli niyang sinuri ang bawat hakbang para makahanap ng kahinaan at sinubukang gawing iperpekto ang skill tulad ng kaniyang ginawa sa array. Ngunit ang panganib pati na ang skill na kasama ay hindi malapit sa kung paano inayos ang mga array.
"Isang batang nagngangalang Zhao, kung itutuloy mo ang pagsasanay ng Lightning Wind Palm, hindi ka magkakaroon ng pagkakataong habulin si Sister Ran." Ang walang ekspresyon at nakikiramay na boses ni Sister Yuan ay narinig.
Nang marinig ito, namula bigla ang mukha ni Ran Xiaoyuan habang hinila ang manggas ni Sister Yuan.
Hindi sumagot si Zhao Feng pagkarinig nito. Siya ay kalmado lang habang ang kaniyang asul na buhok ay hinagin.
"Kaya baliw na siya!"
Umiling si Sister Yuan – walang natuto ng skill na ito ang nasa tamang pag-iisip.
Maraming inner disciple ang nagtipon sa lugar at sa sampung disipulo ay siyam ang naroon – tanging ang Head disciple ng wala.
Sinuri ni Zhao Feng ang buong grupo at nakita si Liu Yue'er at Sun Yuanhao.
Si Lin Yue'er at Sun Yuanhao at parehas na naging inner disciple kaagad.
"Ang lalaking 'yan ay inner disciple na?"
Nagulat si Liu Yue'er nang makita si Zhao Feng.
Sa grupo ng mga tao, nakita rin ni Zhao Feng si Bei Moi at Quan Chen. Ngumiti sa kaniya si Quan Chen nang magkasalubong sila ng tingin, habang si Bei Moi ay walang ekspresyon na tila walang makakapag-abala sa kaniya.
"Brother Bei, hindi mo ba babatiin si Zhao Feng?" bahagyang ngumiti si Yuan Zhi.
Si Bei Moi ay ngumisi: "Gumawa na kami ng kasunduang tapusin ito sa Clan."
Nakaabot na siya sa 2nd Sky of the Ascended Realm noong mga nakaraang araw at siya ay lubos na nakakatiyak.
...
Hindi nagtagal, karamihan ng mga tao ay dumating habang ang iba ay umalis na para gawin ang kanilang mga trabaho sa labas ng Clan at hindi pa nakakabalik.
"May dalawang bagay na kailangan kong sabihin…" Isang malinaw na boses ang umalingawngaw sa lugar.
Ang taong ito ay si Vice Head Li ng Central Hall Division.
Ang lugar ay tumahimik, kahit ang mga core disciple ay hindi nagtangkang mag-ingay.
"Ang unang bagay ay tungkol sa Head disciple. Tulad ng alam ninyong lahat, ang isang Head disciple ay pipiliin…"
Ang boses ni Vice Head Li ay walang ekspresyon. Lahat ay nakakaalam tungkol sa kompetisyon tungkol sa Head disciple, ngunit hindi sila interesado dahil ang mga core disciple lang ang makakakuha nito.
Alam din ni Zhao Feng na wala itong kinalaman sa kaniya.
Ang kahit sinong core disciple ay nasa 4th Sky of the Ascended Realm.
"Ang ikalawang bagay ay tungkol sa Floating Crest Trial."
Agad na nag-usap-usap ang mga tao nang matapos ang pangungusap ni Vice Head Li.
Ang lahat ng mga disipulo ay hindi makapaghintay at umaasa, habang ang mga core disciple, lalo na ang mga matanda na ay walang reaksyon.
Ang Floating Crest Trial ay isang beses lang sa bawat limang taon at ang mga matanda ay nakapunta na rito.
"Ang Floating Crest Trial ay mag-uumpisa na sa loob ng tatlong buwan. Tulad ng dati, tanging sampung tao lang ang makakasali sa Floating Crest Trial. Magkakaroon ng pagsusulit kalahating buwan bago ang Trial para makumpirma ang sampung kasali," anunsyo ni Vice Head Li.
Sampung lugar para sa Floating Crest Trial ang nangyari isang beses bawat limang taon.
Nang marinig ito, kahit si Quan Chen ay hindi maitago ang kasiyahan.
"Noong nakaraan, ako ay 13 taong gulang lang at ako ay nasa 2nd Sky of the Ascended Realm. Sinabi ni Master na maghintay ako sa susunod na trial at unang pumunta!"
Mababaks ang lakas ng loob at layuning lumaban sa mga mata ni Yang Gan.
Parehong ang Floating Crest Trial at ang Head disciple battle ay magaganap sa loob lang ng ilang buwan.
Makikinita nang ang Broken Moob Clan ay hindi magiging payapa…