Rocky Mountain.
Nang makarating si Marvin tila tapos na ang lahat.
Makikita sa mga marka sa lupa na nagdaan sa isang matinding digmaan ang lugar na ito.
Noong gumamit lang siya ng Endless Path tsaka niya lang nalaman na ang West Coast Army ay umaatras na dahil sa pgkabigo. Hindi maganda ang naging resulta ng digmaan para sa kanila.
Walang napansin ni Marvin ang awra ng isang God sa lugar, nangangahulugan na sa buhay na ito, matapos patayin ni Marvin ang Queen of Spiders, hindi nagawang wasakin ng Twin Goddess ang Rocky Mountain nang mag-isa.
Natuwa naman si Marvin na mas mabuti na ang nangyari sa pagkaktaon na ito. Lalo pa dahil ilang beses siyang natulungan ng Three Fate Sisters.
Dahil natapos na ang labanan, isa na lang ang naiwang dahilan ni Marvin sa pagpunta sa Rocky Mountain
Ang kanyang Fate Imprint.
Dahil nilagyan siya ng Fate Imprint ni Lorie noon para mailigtas ang kanyang buhay, nakuha niya ang awra ng Child of the Plane.
Ngayon, sa hindi malamang dahilan, hindi lang nagkulay abo ang Fate Imprint, pero nawala pa ang awra na kasama nito.
May masamang kutob si Marvin.
Pero kahit pa ganoon, hindi niya naisip ang na sa ganitong sitwasyon sila muling magkikita ng Three Sisters!
Nang makita ni Marvin ang mga ito na nakatayo sa pader ng Hope City, napansin niya naging purong puti na ang mga mat ani Kate at ni Jessica!
At si Lorie na nakatayo sa likuran ng mga ito… Tila isa na itong pangkaraniwang tao ngayon.
Ang Fortune Fairy na dapat ay palutang-lutang lang sa paligid ay wala doon.
Nagulat si Marvin. Tumalon siya papalapit at nagtanong, "Anong nangyari dito?"
Malinaw niyang nararamdaman na dumoble ang lakas nina Jessica at Kate!
Habang nawala na kay Lorie ang kanyang Fate Power ability!
At naging isang ordinaryong batang babae na lang ito.
Pero hindi pinansin nina Jessica at Kate ang tanong ni Marvin at tinitigan lang ito. Tila mayroong kakaiba dito.
"Hindi ka na dapat nagpunta dito."
Marahas ang boses ni Jessica, hindi ito katulad ng pakikipag-usap nito noon. "Masyadong mapanganib 'to," babala nito.
Kumunot ang kilay ni Kate, "Wala…Wala kaming magagawa."
Hindi alam ni Marvin kung ano ang nangyayari, pero biglang nagsalita si Lorie nang lilinawin na sana niya ang sitwasyon.
"Hindi, mayroong paraan. Sukuan niyo na ang sinasabi niyong lakas."
Makikita sa mukha ni Jessica na hindi ito makapagdesisyon. "Kung hindi ko tatanggapin ang regaling 'to, hindi na natin masusuportahan ang mga sarili natin. Masyadong malakas ang Twin Goddess."
Tumango si Kate at sinabing, "Hindi na lang buhay natin ang usapan dito. Kailangan natin protektahan ang siyudagiftd na ito, kailangan natin protektahan ang mundong 'to."
Tulirong tiningnan ni Marvin ang dalawa. "Ano ba talagang nangyari?"
"Nagbago na sila," sagot ni Lorie. "Tinanggap nila ang huling regalo at naging [Destiny Sorceresses]"
Destiny Sorceress!
Nang marinig ang sinabi ni Lorie, nagulat si Marvin!
Ang Desitny Sorceress ang huling form ng isang Fate Sorceress!
Nangangahuluhan ang Form na ito na tinanggap na ng Fate Sorceress ang regalo at ang pabor ng Plane Will na maging direktang kinatawan nito!
Kasabay nito, mawawala na rin ang kanilang will bilang indibidwal!
Ang kanilang katawan ay bahagyang magiging bahagi ng Plane Will ng Feinan.
"Alam mo na ang ibig sabihin nito," malungkot na sabi ni Jessica. "Pasensya na Marvin, wala na kaming magagawa."
"Hindi talaga ako naniniwala na ikaw ang Destroyer!"
Nanatiling tahimik si Kate, pero pareho nang naging Destiny Sorceress ang dalawa!
'Destroyer?!'
'Naniniwala ang Plane Will na ako ang Destroyer?!'
Agad na naunawaan ni Marvin ang lahat!
Ginusto siyang patayin ni Eve dahil sa Will ng Valkyrie. At ngayon, ang dalawa sa Three Fate Sorceress ay kalaban na niya!
"Ang Plane Will… ay naniniwala ako ang Destroyer?"
Bahagyang paos ang boses ni Marvin, magulo ang kanyang isipan.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kapag inatake siya nina Jessica at Kate!
Kinya niyang patayin si Eve dahil hindi naman niya ito gaanong kilala!
Pero hindi niya magagawang patayin ang dalawang ito.
Mga kaibigan niya sila.
…
"Hindi ako naniniwala." Mahina ang boses ni Lorie, pero malinaw ito. Umabot ito sa sa lahat, pati na kay Marvin.
Nang marinig niya ang boses nito na kasing tatag ng dati, tila huminahon ang gulo sa kanyang isipan.
Naging malinaw ang kanyang isipan!
"Kahit na ang Wisdom Ability ko ay binigay sa akin ng Plane Will ng Feinan, ginamit ko 'yon para tumingin sa hinaharap noong nakipagkasundo ito sa akin." Madiing sinabi ni Lorie ang mga susunod niyang sinabi. "Hindi si Marvin ang Destroyer, kaya hindi ko tinanggap ang kasunduan."
Hindi siya pumayag na gawin ang mga hinihingi ng Plane Will ng Feinan kapalit ng kapangyarihan para maprotektahan ang kanilang teritoryo. Patayin si Marvin!
Kaya naman, tinanggal ang Fate Power nito at naging isang ordinaryong bata na lang!
Habang ang dalawa naman, dahil sa pwersa ng Twin Goddes, wala silang nagawa kundi pumayag maging Destiny Sorceress para maprotektahan ang tahanan na binuo nila, pero nawala ang kanilang sariling Will biglang kapalit nito!
Gustong patayin ng God Realms si Marvin!
Gusto ring patayin ng Plane Will ng Feinan si Marvin!
Biglang nabalisa si Marvin.
"Si Ding?" Bigla niyang naitanong.
"Bago maging Destiny Sorceress, kinansela ko na ang Contract. Para hindi siya mapapasailalim ng isang Destiny Sorceress na katulad ko."
Bumuntong hininga si Kate. "Marvin, hindi talaga kami naniniwalang ikaw ang Destroyer…"
"Pero… Wala na kaming ibang pwedeng gawin!"
Sa sumunod na Segundo, isang nakakatakot na Fate Power ang nanggaling sa City Wall!
Bahagyang sinara ni Marvin ang kanyang mata at ginamit ang Endless Path!
"Woosh!"
Nagpunta siya sa tabi ni Lorie. Sa lakas ng Fate Power, ang babaeng ito na nawala ang lahat ng kanyang kapangyarihan ay hindi kakayanin ang lakas ng pwersang ito!
Sa sumunod na sandali, lumitaw ang kanyang anino sa malayo!
Pero dahil pinoprotektahan ni Marvin si Lorie, nagkaroon siya ng pagkakamali sa pagtakas!
Sa ilalim ng control ng tinatawag na [Destiny], walang habas na hinabol si Marvin ng dalawang Destiny Sorceress!
Endless Path!
May dalang tao si Marvin at itino-todo ang paggamit ng kanyang False Divine Vessel, pambihira ang bilis nito sa pagtawid sa Feinan.
Mayroong pambihirang lakas ang mga Plane Guardian, kaya kung iisipin ay madali lang matatakasan ni Marvin ang mga humahabol sa kanya.
Pero sa katunayan, sa tuwing napupunta ang dalawa sa panibagong lugar, mabilis na nakakasunod ang dalawa.
Kahit na hindi sila mabilis, laging nakakahabol ang mga ito paglabas niya sa Endless Path!
"Wala na tayong magagawa." Putlang-putla si Lorie. Malinaw na mabigat rin para sa kanya ang pwersa ng Endless Path!
Lalo pa at ordinaryong tao na lang siya ngayon.
"Feinan 'to, minasmasdan ka niya."
Agad niyang napagtanto ang problema. Patunay na natuliro siya dahil hindi niya agad naisip ito.
Mismong Feinan ito!
Kung ang Plane Will ng Feinan ang pumupunterya sa kanya, walang silbi kahit na saan pa siya magpunta, o kahit gaano pa siya kabilis.
Kahit na ang dalawang Destiny Sorceress ay hindi kasing bilis niya, nagagawa pa rin nitong makahabol dahil alam nila kung nasaan ito.
At ang mga God sa God Realms naman ay hinahabol siya dahil sa Fate Tablet.
'Anong gagawin ko?'
'Patayin sina Jessica at Kate? Hindi ko magagawa 'yon.'
Wala siyang magawa kundi dalhin si Lorie at gamitin ang Endless Path para tumakas.
Pero mas lalo lang sumasama ang kanilang sitwasyon.
Napakalakas na kapangyarihan ang mayroong sa False Divine Vessel at Fate Tablet, pero walang makakatapat sa mga Destiny Sorceress sa loob ng Feinan.
Ang kanilang kapangyarihan ay hindi nababawasan dahil tuloy-tuloy lang itong muling dinadagdagan ng Plane Will ng Feinan.
Kapag nagpatuloy pa ito, hindi magtatagal ay mamamatay sa pagod si Marvin!
'May iba pa sigurong maaaring gawin…'
Patuloy na tumatakas si Marvin habang nag-iisip.
Bigla nitong naalala ang isang bagay mula sa pagpunta niya sa Dragon library!
'Iyon! Ang lahat ng Order ng kalupaan ng Feinan ay nakikita nito.'
'Pero paano ang Wilds?'
'Maryoong Primal Chaos sa Wilds, hindi niya ko makikita doon!'
Ang kaalaman ni Marvin sa lahat ng lihim ng mundong ito ang pinakamalakas na sandata ni Marvin sa sitwasyon na ito!
Nang maisip niya ito, agad niya itong sinimulang gawin.
Nagmadali siyang magtungo pa-timog!
Nang mapadaan siya sa White River Valley, mabilis niyang pintay ang isang God na naghahandang atakihin ang kanyang teritoryo!
Nang makaabot ito sa Wilds, biglang nawala ang pakiramdam niyang mayroong nakatingin sa kanya.
Bigla niyang naunawaan kung bakit ang natatangin templo ni Lance sa buong Feinan ay itinayo sa Wilds!
'Ako nga ba talaga ang Destroyer?"
Tumatakbo pa rin ito sa kanyang isipan.
Sa pagkakataon na ito, si Lorie, na pinagmamasdang mabuti si Marvin ay hinawakan ang kamay nito.
'Hindi.'
Nagulat si Marvin. "Hindi nawala ang Fate Power ability mo?"
Tumawa si Lori. "Nawala na talaga sa akin ang Wisdom Ability ko… Pero paano kung ako mismo ang Wisdom?"
Isang mekanikal na ingay ang lumabas. "Sa wakas naalala mo na."
Sa kaibuturan ng Wilds, dalawang tao ang dahan-dahan lumabas.
Agad na nakilala ni Marvin ang nasa bandang kaliwa. Nakakagulat na ito ang Truth Goddess na si Molly!
At ang nasa tabi nito ang nagsalita, at kilala rin ito ni Marvin!
Mark 47!
Pero tunog tao ang boses nito kani-kanina lang.
Pero pamilyar ito kay Marvin.
"Kamusta, Marvin."
Pilit na ngumiti si Mark 47 habang sinasabing, "Hayaan mong ipakilala ko uli ang sarili ko."
"Ako si Lance."
…
Sa kaibuturan ng Wilds, nang lumabas ang Truth Goddess at ang nagpapakilalang God of Creation sa harap ni Marvin, pakiramdam ni Marvin ay wala nang iba pang makakasurpresa sa kanya.
"Naguguluhan ako… Kailangan ko ng paliwanag!" Mabilis na sabi ni Marvin.
Mahinahong sumagot ang Construct, "Ipapaliwanag ko sayo ang lahat, pero kailangan nating bilisan."
"Wala na tayong oras, at mabilis ang pagkilos nito. Kahit na sapilitang umusad ang kasaysayan dahil sa pagdating mo, mas bumilis din ang paglakas niya."
'Niya?'
'Sinong tinutukoy mo?'
Naguluhan si Marvin.
Bumuntong hininga ang Truth Goddess. "Hindi pa rin ako kumbinsido sa sinasabi mo."
Mahinahong nagpaliwanag ang Construct, "Magmula noong una kong pinangasiwaan ang mundong ito, hindi ko inakala na magkakaroon ng sariling kamalayan ang mundo na gugustuhing wasakin ang sarili niya."
"Sa kasamaang palad, dumating siya"
"Kailangan ko siyang pigilan, kaya hinanap kita, Marvin."
"Sundan mo ko, wala na tayong masyadong oras."
"Ipapaliwanag ko sayo ang lahat ng nalalaman ko habang nasa daan."
Huminga nang malalim si Marvin at nagtanong, "Saan tayo pupunta? At sinong siya?"
Lumingon ang Construct at sinabing, "Sa Negative Energy Plane. At tungkol sa kanya… Kilala mo na dapat kung sino ang nagpunta sa Evil Spirit Sea."
Sumikip ang dibdib ni Marvin!
Bigla niyang naisip nag nagpaalam sa kanya at sinabing pupunta siya sa Negative Energy Plane.
Isang babaeng kilalang-kilala niya. Ang babaeng mayroong siyang malalim na koneksyon.
Ang unang Plane Guardian ng Feinan, ang dating Witch Queen.
Hathaway.
…
"Dapat kong simulant sa mga masasamang senyales na nakita ko."
Kahit na mapanglaw ang lahat sa Wilds, nanatiling nakatuon ang atensyon ni Marvin sa pakikinig ng kwento ni Lance.
Matapos mabuo ang Feinan, nagkaroon ito ng masaganang unang Era.
Pero hindi nagtagal, isang kakaibang kababalaghan ang dumating.
Bumagsak ang mga Ancient God at mayroong regular na pagitan sa bawat pagbagsak ng mga ito.
Iba't iba ang rason sa pagbagsak ng mga ito at kahit si Lance ay hindi malaman ang mga ito.
Ang mga Ancient God ng Astral Sea ay isa-isang nawawala.
Nagpatuloy ito hanggang sa nagretiro at nagsimulang mamahinga ang Ancient Nature God at ang Ancient Elven God. Sa puntong ito, nasigurado na ni Lance na mayroong mali.
Kasabay nito, isang mundo ng negatibong enerhiya ang nabuo.
Matapos itong siyasatin nang ilang beses nang walang nakikita, tinuon niya sa ibang bagay ang kanyang atensyon.
Sinubukan niyang kausapin ang Plane Will ng Feinan, pero nararamdaman niyang ayaw nitong makipag-usap sa kanya.
Naisip ni Lance na pagod lang ito at namahinga rin ito.
Pero hini niya inakala na umalis ito ng Feinan.
"….Alam mo ba kung gaano karaming Ancient God ang nawala?" Biglang tanong ni Lance.
Sumimangot si Marvin at sinabing, "Hindi ko alam."
"Labing-pito lahat-lahat."
"Isang Ancient God ang babagsak sa bawat panahon ng malaking kaguluhan. Pamilyar ba?" Binigyang diin ni Lance ang salitang "kaguluhan" bago ito nagtanong.
Nabigla si Marvin, "Ang Negative Energy Plane?"
Mabilis siyang nag-isip at naisip ang koneksyon nito sa Negative Energy Plane!
Labing-pitong Ancient God ang bumagsak.
At mayroong labing-siyam na Evil Spirit Overlord!
Kung hindi niya isasama ang Human na si Diggles, at ang Chromatic Dragon God na si Hartson… o mas kilala bilang Tidomas… Mayroong labing-pitong Evil Spirit Sovereign!
"Wag mong sabihing…" Gulat na sabi ni Marvin.
Sumabat ang Construct, "Tama, nakulong sila sa Negative Energy Plane at naging walang kamalay-malay na laruan."
"Lumitaw ang kasamaan sa bawat isa sa kanila at naging mga Overlord ng Negative Energy Plane."
"Ang Negative Energy Plane ang naging bunga ng masamang ideya ng Plane Will ng Feinan."
"At… hindi ko agad ito napansin, kaya naman, nagkamali ako."
…
Habang patuloy silang naglalakad, pinagpatuloy ni Lance ang kanyang kwento.
Pero biglang mayroong oasis na lumitaw sa kanilang harapan.
"Nandito na tayo." Sinenyasan ng Construct si Marvin na lumapit.
Sa oasis, isang babaeng damit na kulay abo ang tila may hinihintay.
Nang makita nito si Marvin, agad itong lumapit.
"Kamusta, ako si Huwishe."
"Salamat sa pagligtas mo sa nakababatang kapatid kong si Minsk. Pinagkatiwalaan ako ni Sir Lance na hanapin ito, at ngayon ay binibigay ko na sayo 'to."
Tulirong kinuha ni Marvin ang pahina ng Book of Nalu.
Kusang lumitaw ang Book of Nalu at ang Wisdom Chapter, at sumama na ang pahina sa iba pang mga pahina!
Isang pahina na lang ang natitira para makumpleto ang Book of Nalu.
Ang ikalimang pahina – [Redemption]!
…
"Mapanganib ang naging desisyon mo."
Tiningnan ng Truth Goddess ang Construct. "Ikaw ang naglagay ng seal sa akin."
"Ginawa ko 'yon para protektahan ka," sagot ni Lance na tila nahihiya.
"Eh paano siya?" Tanong ni Molly habang tinuturo si Lorie. "Nagpakilala ang Wisdom God bilang God of Deception at isinulat ang Book of Nalu, pagkatapos pinasabog nito ang sarili niya at naging mortal. Ang pagtatago niya sa Plane Will sa ganoong paraan ay para lang ba mailihim mo ang pagdadala mo ng isang tao mula sa ibang mundo?"
Matapos marinig sa kanyang paliwanag, seryosong tumango si Lance. "Tama ka."
"Ito lang ang pwede kong gawin para maitama ang pagkakamali."