Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 735 - Conclusion!

Chapter 735 - Conclusion!

Sa matapat na pagkukwento ni Lance, unti-unting nalaman ni Marvin ang tungkol sa mga bagay-bagay sa Universe.

Mayroong pundasyon kung saan nakadepende ang buong Universe.

Kahit ang World Tree, na konektado sa buong Universe. Kahit ang Astral Plane at ang Void ay nagmumula sa pundasyon na ito.

Ang ang pundasyon ng Universe ay ang Feinan.

Ito rin ang dahilan kung bakit ang Feinan ang Prime Material Plane.

Ang Feinan Plane ay ang pinagmulan ng lahat, at ang Plane Will ng Feinan ay ang orihinal na kamalayan ng buong Universe.

Ang Plane Will ay isang kumplikadong bagay. Noong una, binigyan lang ito ni Lance ng mababaw na pang-unawa sa mga bagay-bagay, at binalak lang gamitin ito bilang instrumento sa pagbuo ng isang mundo.

Kalaunan, nang malaman niya na ang Plane ay mayroong sariling kamalayan, hindi niya naisip kung gaano ito kapanganib.

Noong unang beses na mag-isip ang Plane Will na parang isang tao, doon na nagsimula ang kalamidad.

At ang lahat ng ito ay si Lance ang gumawa. Ito ang dahilan kung bakit niya sinabing pagkakamali niya ito.

"Masyadong malawak ang mundong ito para sa ilang tao, pero sa katunayan, sa pagkakaalam ko, maliit na lugar lang ito na nagmula sa isang malaking mundo."

"Ipinanganak ako sa Earth at naranasan ko ang pinakamasamang era. Ang panahon pagkatapos ng Great Quantum Storm, pagkatapos ay napunta sa mundo kung saan naghahari ang mga Wizard."

"Marahil ay pamilyar ka sa pangalan ng mundong 'yon, Cridland. Pareho sa apilyedo mo. Simpre lang ang rason. Naghanap ng matatakbuhan ang mga sinaunang Numern sa Cridland, at pinili ko silang tanggapin. Dahil sa magkaiba ang Laws ng Wizard World na 'yon at ang Law ng mundong 'to, matapos kong gawin muli ang Laws of Magic, nawala ang kakayahan ng Cridlan clan na gumamit ng magic. Pero ang kaalaman nila ay nanggaling sa isang mundong mas mataas kesa dito, kaya hindi nagtagal, nagsimla na silang gumamit ng mga pamamaraan na binaon o ginawa nila at kalaunan ay nagawa nilang bumuo makipagkasundo sa isang Archdevil, kaya naman nakahanap sila ng paraan para makuha ang Sorcerer bloodline."

"Ang lahat ng 'to ay may kinalaman sayo. Pero ngayon, kailangan nating pag-usapan ang iba pang bagay. Noong una kong ginawa ang mundo na 'to, wala na akong ibang pagpipilian. Noong naging God of Creation ako ng Feinan, nakatakdang dito na ko mabuhay at mamatay sa Plane na 'to. Kaya naman, matapos kong mapatatag ang mundong 'to, pinadala ko ang mga kaibigan ko sa mas mataas na Universe."

"Pero sa gitna ng proseso, nakaranas kami ng problema."

Hindi na pinaliwanag ni Lance kung ano ang mga poblemang pinagdaanan nila, pero base sa malungkot na tono nito, hindi na mahirap maunawaan na maraming hindi inaasahang pangyayari sa mas mataas na Universe na 'yon.

Isang mas mataas na uri ng nilalang ang nakaharap nila, ang sinasabing kinalaban nina Lance at ng Night Monarch, pati na ng iba pang mga bayaning nakasulat sa mga kwentong pinagpasa-pasahan ng bawat henerasyon.

Kahit na nagawa nila itong paatrasin, nagawa pa rin nitong ikalaw ang maiitin na binhi sa mundong ito.

Seeds of Evil.

Ginamit ng nilalang na ito ang mga binhing iyon para isumpa ang Feinan bago ito umalis. Dahil sa sumpa ay mas bibilis ang pagkalat ng Chaos Power sa buong Universe, at kapag nabuwag ang Order Power, mawawasak ang Universe.

Kaya naman, sa loob ng maraming taon, pinagtuonan ng atensyon ni Lance ang iba't ibang paghubog ng Order Power.

Ginawa at pinagtibay pa nga nito ang Universe Magic Poo para hindi mapasok ang Prime Material Plane, ang Fienan.

Pero hindi niya lubos inakala na ang Seed of Evil na ito ay hindi lang kakalat sa mundo ng mga Human, pero lalasunin din nito ang Feinan Plane Will!

Magmula noon, nagsimula nang magkaroon ng pag-iisip ang Feinan Plane Will na tulad sap ag-iisip ng tao, at kalaunan ay naging mas matalino ito.

Isang araw, napagod ito sa pagiging limitado nito sa kanyang Planar Body, ito ay bahagyang dahil sa impormasyon na nasa loob ng binhi tungkol sa mas mataas na Universe.

Nagnais ito ng pagkakataon na makawala sa kulungang ito at magpunta sa mas mataas na Universe.

Kaya naman, nagsimula itong gumawa ng lihim na plano, isang malalim at magulong kasinungalingan ang nagsimula.

Isa-isang bumagsak ang mga Ancient God, at kalaunan, ginawa nito ang unang tatlong Fate Tablet at pilit na nakipagtulungan kay Lance, na hindi pa natutuklasan ang kataksilan nito. Nagpanggap ito na sinusuportahan niya ang mga New God tulad ng napagkasunduan, pero sa katunayan, gusto lang nitong gamitin ang lakas ng mga New God para wasakin ang Universe Magic Pool.

Sa mata ng maraming tao, pinoprtotektahan nng Universe Magic Pool ang Feinan Plane Will.

Pero sa sarili nitong pananaw, ikinukulong siya ng Pool na ito.

Gusto nitong wasakin ang buong Universe, gusto nitong umabot sa sukdulan ang kaguluhan. Sa ganoong paraan lang makakatakas ang Plane Will mula sa kulungang ito.

Sa katunayan, muntik nang magtagumpay ang plano nito sa simula pa lang!

Labis na nagulat si Lance at nawala pa pati ang kanyang pisikal na katawan. Wala itong nagawa kundi samantalahin ang Supreme Law para mabuhay sa kanyang tapat na Construct.

At habang nagaganap ang malagim na eksena ng delubyo, nagtago si Lance sa Pearl Tower at pinanuod ang lahat ng ito.

Wala rin naman siyang magawa tungkol dito.

Ito ang takbo ng kwento sa dating buhay ni Marvin. Habang umuusad ang laro patungo sa pagtatapos nito, ang Seed of Evil sa Evil Spirit Sea ay mabubuo at magiging Destroyer.

Pero sa huli, hindi ito nagtagumpay.

At dahil ito sa pinakamalapit na kasamahan ni Lance na bumalik mula sa Higher Universe. Matapos malaman nito ang suliranin ni Lance, na umabot na sa puntong wala na siyang magawa tungkol dito, hindi nag-alinlangan si Bacon na gumamit ng Time Spell na maaari lang magamit ng isang beses sa buong buhay niya.

Complete Time Reversal!

Bumalik sa oras ang mundong ito hanggang sa pagkakagawa pa lang nito!

Naniwala si Bacon na sa ganitong paraan, hindi na mangyayari ang delubyo.

Pero kahit pa gaano kalakas ang kapangyarihan ng Eternal Time Dragon, may isang bagay itong hindi inasahan.

Masyadong makapangyarihan ang kalaban, lubos na makapangyarihan. Ang pangunahing Seed of Evil na iniwan nito ay parang virus, at nakaapekto sa Time Reversal.

Bumalik ang oras sa panahon ng unang mga Ancient God, ang panahon bago pa ang unang era, ang era ng Night Monarch.

At sa pagkakataon na iyon, kumalat na agad ang Evil Seed.

Nang matuklasan ito ni Bacon, nalaman niyang wala na siyang magagawa.

Ang mahirap lang sa sitawasyon na ito ay mayroong dalawang bersyon ni Lance nang dahil sa Time Reversal.

Ang Lance mula sa panahong bago ang first era, at ang Lance na nasa katawan ng Construct.

Medyo naging mahirap ang una nilang pagkikita. Pero mabuti na lang at agad silang nagkasundo: Hindi nila maaaring hayaan na mawasak ang mundong ito.

Kaya naman agad nilang ginawa ang maaari nilang gawin.

Hindi nila mapipigilan ang pagbagsak ng mga Ancient God, at hindi nila mapipigilan ang pag-angat ng mga New God. Wawasakin pa rin ng mga ito ang Universe Magic Pool gaya ng kanilang naunang ginawa, at mangyayari lang muli ang lahat.

Peo ang Lance na mula sa 1st Era, ang hindi pa nakakaranas ng pagbagsak ng mundong ito ay nagsimulang kumilos.

Dalawang pangunahing bagay ang ginawa nito.

Una, si Lance na isang Construct at ang Eternal Time Dragon na si Bacon, ay nagtungo sa Higher Universe para maghanap ng isang sandatang makakapigil sa pagsira ng Evil Seed sa mundo. Kalaunan ay nahanap nila ito at tinawag nilang 4th Fate Tablet.

Ang ikalawang ginawa nito ay bumalik ito sa Earth, ginawa nitong laro ang orihinal na kasaysayan ng Feinan, at hinayaang maglaro ang napakaraming manlalaro, habang sinusubukang humanap ng isang may potential na makalutas ng problema.

Pero ang takbo ng oras sa Earth at sa Feinan ay magkaiba. Nang malapit na muling magpakita ng kasamaan ang Feinan Plane Will, matagal pa bago matapos ang laro sa Earth.

Pero kahit na ganoon, nahanap n ani Lance ang isang kandidatong pinakanagustuhan niya.

At iyon na nga si Marvin.

Matapos ang insidenteng naging dahilan ng pagkabaldado ni Marvin, sumailalim si Marvin sa transmigration sa pamamagitan ng espesyal na pamamaraan ni Lance.

Kailangan ni Lance ng taong mula sa ibang Universe at nakatago mula sa Plane Will. Tanging ang taong iyon lang ang ang makakagamit ng sandatang iyon para gawin ang dapat.

Kailangan panatilihing lihim ang prosesong ito. Hindi nila maaaring hayaang mapansin ito ng Feinan Plane Will, dahil kung hindi, masasayang ang lahat ng kanilang pinaghirapan.

Kaya naman, sinabi niya ang lahat ng ito sa Goddess of Wisdom at nagtulungan sila na isagawa ang plano.

Nagpakilala ang Wisdom Goddess bilang God of Deception at isinulat ang Book of Nalu, kaya nalinlang nito ang lahat, pati na ang mismong Feinan. Saka nito ginawang isang mortal ang kanyang sarili at pumasok sa Circle of Reincarnation, tulad ng Truth Goddess.

Pero dahil siya ang Wisdom Goddess, naging isa siyang pambihirang Human, kaya naging madali para sa Plane Will na piliin siya sa buhay na ito. At dahil dito ay naging isa siyang Fate Sorceress.

Ito ang pinagmulan ni Lorie.

Ang kanyang presensya ay ang pinakamahalaga sa plano ni Lance dahil kayang direktang maimpluwensyahan ng Fate Sorceress ang mga ideya ng mapagmatigas na Plane Will.

Iyon lang ang tangin paraan para manatiling nakatago si Marvin mula sa Plane Will. Nagawa pa nga niyang pansamantalang makuha ang pabor ng Plane Will at naging isa siyang Child of the Plane!

Pero maaaga pa ring nadiskubre ang kanilang plano. Noong napagtanto ng Feinan Plane Will ang nangyayari, kaya binawi nito ang Fate Imprint at iba pang kapangyarihang may kinalaman dito.

Nang matapos ng Lance ng 1st Era ang lahat ng kailangan niyang gawin, umalis na siya at muling nagtungo sa Higher Universe, naghahanap ito ng ibang paraan para iligtas ang Feinan kung sakaling pimalya ang planong ito.

Habang si Construct Lance naman, ay nanatili sa Feinan at pinaghandaan ang pagpigil sa Destroyer na nasa Evil Spirit Sea kung sakaling mabuo nga ito.

Tila maganda nagiging takbo ng kanilang plano.

Pero maaari pa sanang nagawa nang mas maganda ang plano.

"Mas mapaganda? Anong ibig mong sabihin?" Tila kakaiba ang naramdaman ni Marvin nang marinig niya iyon.

Kumbinsido na siya sa kwento ni Lance, pero, kahit ang Truth Goddess, na si Lance mismo ang nag-seal, ay mukhang naniniwala naman sa sinasabi nito, kaya mas may dahilan si Marvin para paniwalaan rin ito.

Isa pa, bilang isang taong nagmula rin sa Earth, kahit pa nanggaling sila sa magkaibang era, mayroon pa rin siyang pagtitiwalang nararamdaman dahil sa pareho sila ng pinagmulan. Kahit pa ang Quantum Storm ay napakatagal na panahon nang naganap bago pa ipanganak si Marvin.

Matamlay na ngumiti si Lance, na para bang napagod na siya. "Noong ginawa ko ang Transmigration, kahit paano ay naramdaman ito ng Plane Will, kaya kinailangan kong gumamit ng maglilihis ng atensyon nito."

'Maglilihis ng atensyon?'

Biglang natigilan si Marvin "Si Wayne?" hula nito.

Tumango si Lance.

"Ang mga tinatawa na Seer ay mga tao na nakatanggap ng mga piraso ng alaala tungkol sa mga nangyari noong orihinal na panahon. Ang mga bagay na nakita nila ay karamihan doon ay tama, pero ang ilang pangitain ay may mali, at ang iba ay hindi talaga nangyari.."

"Para malinlang ko siya, ginawa kong Seer ang isa sa mga tao niya."

Nanatiling tahimik si Marvin.

Si Wayne at Hathaway… Masasabing ang dalawang taong ito ang pinakamalapit sa kanya, at parehong sinadya silang gawing Seer ni Lance.

Pero si Wayne ay ginawang Seer para mapukaw ang atensyon ng Feinan Plane Will, habang si Hathaway naman ay para malinlang ito.

Sa katunayan, tulad ng kanyang hinala, ang kanyang pagdating dito ay resulta ng "Laro" sa pagitan ni Lance at ng Plane Will.

Ngayon, kung sino ang Destroyer, iyon na lang ang dapat nilang malaman.

Hindi maaaring sirain ni Lance mismo ang Feinan Plane Will dahil halos halos iisa na ito at ang mismong Feinan, kaya walang paraan para mapatay nila ang isa't isa.

At ang mga tao sa mundong ito ay hindi rin ito magagawa dahil sa dito sila nagmula. Ang lahat ng mayroon sila ay nagmula sa Feinan, kaya kailangan nilang sundin ang mga Law nito.

Ito ang Universe Law.

Pero si Marvin, na nag-transmigrate mula sa Earth na walang ano mang koneksyon sa mundong ito, ay may sapat na kapangyarihan para pigilan ang Evil Seed kun makukuha nito ang ika-apat na Fate Tablet.

"Ito na ang tamang panahon."

"Ang Evil Child ay pinapanganak na sa Evil Spirit Sea, at ngayon na ang panaho kung kelan ito pinakamahina. At dahil sa espesyal na katangian ng Evil Spirit Sea, tayong dalawa lang ang maaaring magpunta doon."

Tiningnan ni Lance si Marvin nang Seryoso at tinanong ito, "Handa ka na ba?"

Pinatunog ni Marvin ang kanyang kamao at sinabing, "May magagawa pa ba ako?"

Ito ang tunay na mundo.

Pinili ni Lane si Marvin dahil may puso ito ng isang bayani.

Ang mga emosyon na naramdaman niya, ang kaligayan, kalungkutan, galit, totoo ang lahat ng iyon.

Hindi niya maaaring pabayaan na mawasak ang White River Valley. Kailangan niyang protektahan ang lahat ng bagay na dapat niyang protektahan.

Kahit pa isa lang itong "laro", kahit pa isa lang siyang piyesang minamanipula, kailangan niya pa rin gawin ang dapat niyang gawin.

Pero mayroong rason kung bakit tinatanong ni Lance si Marvin kung handa na ba ito.

Dahil mismong si Marvin ay hindi sigurado kung handa na ba siya. Kapag nakaharap niya ang taong iyon, magagawa nga ba niya ang dapat niyang gawin?

Pero kulang na ang oras, wala na siyang oras para mag-alinlangan.

Hinawakan niya ang Sodom's Blades pati na ang Book of Nalu kasabay ng pagkuyom ng kanyang ngipin.

"Tara."

...

Sa Evil Spirit Sea.

Walong Evil Spirit Overlord ang nakaluhod at nakayuko.

Isang bulok na trono ang umahon mula sa gitna ng karagatan.

Isang magandang babae ang nakaupo sa trono. Ang kanyang balat ay luntian at ang pula ang kanyang mga mata.

Ang takong ng isang stulleto ay kumikiskis sa isang tila manipis na papel.

"Ang grupo ng mga insektong 'yon."

"Hindi ko na matiis ang paggapang nila sa akin."

"Sundan niyo ako, wasakin ang masamang mundo iyon at tulungan niyo akong makaalis sa kulungan na 'to para magpunta sa Higher Universe!"

Ang labing-walong Evil Spirit Overlord na narito, bukod kay Tidomas/Hartson, ay mga Ancient God na nawala ang kanilang kamalayan.

Ang ang babaeng nasa trono ay ang unang Anzed Witch, na nabawi na ang kanyang alaala. Ang unang kinatawan ng Feinan Plane Will, at ang kauna-unahang Plane Guardian mg Feinan.

Si Hathaway.

"Makapangyarihan ang Seed of Evil. Kung tutuusin, hindi ko siya natalo."

Biglang hinati ng isang kidlat ang kalangitan at dalawang anino ang nahulog mula dito/

Si Marvin at Lance.

Hindi maipinta ang mukha ni Marvin habang tinitingnan si Hathaway.

Tanging kawalan ng pakialam ang makikita sa mata ni Hathaway. Base sa paliwanag ni Lance, alam nitong dahil sa malalim na relasyon ni Marvin kay Hathaway kaya nalaman kaagad ng Plane Will ang tungkol sa isang transmigrator, kaya binilisan nito ang pagsasagawa ng plano.

Isa itong kumplikadong relasyon.

"Wala itong kinalaman sa binhi."

Sa oras na iyon, kinakatawan n ani Hathaway ay kasamaan ng Feinan Plane Will. Mapanghamak nitong tiningnan ni Lance at sinabing, "Nagsasawa na ako sa ganitong buhay. Walang halaga sa akin ang buhay ng mga walang kwentang nlalang na 'yon, at magpapatuloy lang na malubog sa kaguluhan ang mundond ito. Problema mo ang lahat ng to, God of Creation!"

"Nililinis ko na ang mundong ito para sayo, at kapag humiwalay na ang Will ko mula sa undong ito, makakalaya ka na rin. Hindi ba maganda 'yon?"

Mahinahon namanna sumagot si Lance, "Ginawa ko lang ang mundong ito. Ang mga nilalang na namuhay dito ay nanggaling mismo sa mundong ito. Wala akong karapatan para magdesisyon kung mabubuhay o mamamatay sila."

"Pero ako, mayoon," walang pusong sagot ni Hathaway. "Life Essence… ang ebolusyon ng lahat ng bagay ay nagmula sa mga Law ko."

"Binigay ko sa kanila ang mga buhay nila, binigay ko sa kanila ang lahat. Sinasayang lang nila ang mga regalo ko, kaya naghahanda na ao para bawiin ang lahat. At hindi moa ko mapipigilan."

Umiling si Marvin, "Walang karapatan ang isang ina na magdesisyon para sa buhay ng kanilang anak dahil lang nanggaling ito sa kanila."

"Nang ipanganak ang mga ito sa mundong ito, binigyan sila ng kakayahang makapgdesisyon paa sa kanilang sarili. Kaya nararapat lang na ibigay sa kanila ang karapatang 'yon."

Sumagot si Hathaway, "Mayroong Higher Universe na hindi mo pa nakikita. Iba't iba ang uri ng mga nilalang. Maliit na mundong nakatago lang sa isang sulok ng Cidland Universe ang Feinan, at ang Cridland ay tila isang patak lang sa malawak na karagatan ng Universe.

"Nakita ko na ang mga nilalang na 'yon. Natural lang na wala silang pakielam sa mas mababang uri ng nilalang, at ginagawa pa nilang pagkain ang mga mas mababang Universe. Magpupunta ang mga ito sa mga Universe na iyon ay unti-unting palalakihin ang kanilang Source of Fire hanggang sa magising ang kanilang mga katawan at saka nito sisimulang lamunin ang buong Universe na 'yon."

"Kumpara sa mga nilalang na 'yon, naging mabait pa nga ako kung ibabase sa batas ng mga Human. Lalo pa at hinayaan kong mabuhay ang mga walang kwentang nilalang na 'yon."

Humigpit ang hawak ni Marvin sa Sodom's Blades.

Lalo itong nagagalit pero hindi niya ito mailabas.

Alam niya kung sino ang kaharap niya. Ito ay bahagi ng Will ng Feinan na naapektuhan ng Seed of Evil.

At si Hathaway na nasa kanyang harapan ay kinatawan lang nito.

Nang lumitaw si Lance, napgtanto nito na ang usap-usapang nilalang sa Evil Spirit Sea ay hindi totoo. Ang sinasabi nilang nakakatakot na nilalang sa Evil Spirit Sea ay ang Feinan pala mismo.

Naunawaan na niya ang lahat sa puntong iyon.

Naalala na niya ang lahat ng detalye, at ang lahat ng mga eksena ay malinaw pa sa kanya na para bang kakatapos lang nitong mangyari.

Sa katunayan, isang taon pa lang ang nakalipas nang dumating siya sa mundong ito.

Maging sa buhay na ito o sa dati niyang buhay, hindi matatanggap ng kalooban niya na ang lahat ng tao sa mundong ito ay mamamatay!

Kaya naman, hinanda na niya ang kanyang sarili.

Pero ang labing-walong Evil Spirit Overlord ay nakatayo na sa kanilang harapan.

"Lance, hindi moa ko mapapatay. Walang saysay kung maglalaban tayong dalawa."

"Papatayin ko si Marvin at kapag nagawa ko 'yon, mananalo na ako."

"Pero kinamumuhian kita dahil sa pagpigil mo sa akin na kumawala mula sa aking sarili. Kaya sa oras na magtagumpay ako, papatayin kita agad sa kabilang mundo."

Nakaupo pa rin si Hathaway sa trono habang ang labing-walong Evil Spirit Overlord ay nakatingin pa rin sa dalawa at hindi gumagalaw.

Ang huling pahina ng Book of Nalu ay nasa kamay ni Hathaway, at kung wala ito, hindi magagamit ni Marvin ang 4th Fate Tablet na nasa kanyang advance False Divine Vessel.

Mukang mahirap nag kanilang sitwasyon.

Huminga nang malalim si Marvin para unahan na ang mga ito sa pagkilos.

Sa katunayan, hinanda niya na ang kanyang sarili para sa laban na ito bago pa sila magtungo dito ni Lance.

Ang ibang mga God ay walang advance False Divine Vessel at hindi rin naninirahan ang mga ito sa isang Construct tulad ni Lance. Sa oras na pumasok ang mga ito sa Evil Spirit Sea ay maaapektuhan sila ng kasamaan nito.

Kaya naman, tanging silang dalawa lang ang maaaring lumaban sa laban na ito.

Tila siguradong-sigurado na si Hathaway sa kanyang tagumpay, pero tila walang makikitang ano mang reaksyon sa mukha ni Lance.

"Kailangan wasakin ang Seed of Evil, 'yon ang kailangan nating gawin para manalo," paalala nito. " At alam mong walang magagawa ang mga Evil Spirit Overlord na ito sa akin."

Mas inapakan nang malakas ni Hathaway nag pahina at nanuya, "Pero ang sandata mong maingat mong inihanda ay hindi mo magamit. Ito ang kabayaran sa pagatago nito sa akin. Hindi ba nakakatawa?"

Malumanay na sumagot si Lane, "Dahil pinagplanuhan ko nga 'to, sinisigurado ko sayong mayroon pa akong alas."

"Masyado kang nagpapakakampante sa katapatan ng mga taga-sunod mo."

Nagulat si Marvin nang napansin niyang gumawa ng hindi inaasahang pagkilos ang isang Evil Spirit Overlord.

Humiwalay ang Overlord na ito mula sa grupo ni Hathaway at nagpunta sa panig nila Marvin.

Sa sunod na sandali, isang manipis na papel ang iniabot nito kay Marvin.

Si Tidomas!

Hindi inasahan ni Marvin na mayroong ganitong plano si Lance!

Sa l8 Evil Spirit Overlord, 17 dito ay mga bumagsak na God at nabahiran ng kasamaan!

Pero sa katunayan si Tidomas ay ang Chrimatic Dragon God na si Hartson. Pinalitan niya ang kanyang sariling pangalan at nagawang malinlang ang lahat.

At walang nag-akala na isa pala itong espiya para kay Lance!

Pero ang pahina ng Book of Nalu na hawak nito ay ang tunay na huling pahina!

"Pasensya na, mahusay talaga akong manlinlang ng tao." Tinuro ni Tidomas ang pahinang nasa ilalim ng pa ani Hathaway ay sinabing, "Kamusta? Nagustuhan mo ba ang pekeng 'yan?"

"Para mo na ring hinukay ang sarili mong libingan!" Sigaw ni Hathaway sag alit.

Biglang yumanig ang buong Evil Spirit Sea!

"Tumutupad lang ako sa kasunduan." Tiningnan ni Tidomas si Lance at sinabing, "Ibinigay ko na sayo ang pahina ng Book of Nalu, nasa pinakamahinang estado na siya. Umaasa akong tutuparin mo ang pangako mo."

"Ibalik mo ang dati kong lakas."

May pait sa ngiti ni Marvin. Hindi siya mangmang. Nauunawaan niya kung ano ang nangyari.

Ang huling pahina ng Book of Nalu ay nasa Evil Spirit Sea. Ayaw ng Feinan Plane Will na mapasakamay ito ni Lance.

Pero napaghandaan na ito ni Lance at gumawa ng paraan para makalamang.

Hindi totoo pagbaling sa kasaman ni Tidomas

Sadyang umabot na ito sa limitasyon ng kanyang buhay at kinailangan ng panibagong paraan para mabuhay.

At nang sumapi tio sa Negative Energy Plane, hindi kailan man naisip ng mapagmatigas na Plane Will na ang mahalagang Divine Source ni Tidomas, ay hindi, ni Hartson ay nasa kamay pal ani Marvin!

Noon pa lang sa Nightmare Boundary, nang ibinigay ng Fairy ni Lance kay Marvin ang Advanced Divine Vessel kay Marvin at ang Divine Source ni Hartson, ay nagsimula nang ang pagsasagawa sa planong ito.

Inalala ni Marvin ang napakaraming beses na hinarap niya si Tidomas. Nagpapanggap lang ba ito sa lahat ng pagkakataon na 'yon? Ang lahat ba ng laban at galit nito ay hindi totoo at hindi talaga siya sinusubukang patayin nito?

Ito ang tunay na alas.

Tiningnan niya nang may paggalang si Lance.

Tumawa lang si Lance at sinabing, "Kapag nabuhay ka na, na kasing tagal ng buhay ko, magagawa mo nang masabi ang magagnap sa hinaharap at makapagplano nang ganoon."

"Kaya ko silang pigilan panandalian, pero kailangan ko ang tulong mo."

Sa sumunod na sandali, rumagasa papunta sa kanila ang Evil Spirit Sea. Sumugod naman si Lance at Tidomas!

Habang si Marvin naman ay nasa proseso pa ng pagsasama ng huling pahina ng Book of Nalu!

Ika-walong pahina ng Book of Nalu – Fate!

Nang magsama-sama na ang lahat ng pahina ng Book of Nalu, biglang nag-iba ang anyo nito at naging isang Winged Key!

Lumipad ito sa katawan ni Marvin, at bahagyang makiita ang marka ng Wisdom Goddes dito!

Binuksan ng Book of Nalu ang Fate Tablet, at umayon ang lahat sa nararapat nitong kalagyan.

Bilang nakaramdam ng buhos ng impormasyon si Marvin sa kanyang isipan!

Kung hindi dahil sa False Divine Vessel na tumulong sa kanya para iproses ang impormasyon at kaalaman, maaring nabaliw na siya dahil sa pagbaha ng impormasyon!

Habang tumatakbo ang lahat ng ito sa kanyang isipan, nakakita siya ng isang malaking planetang parang isang mata!

Nakakita siya ng marami at malalaking nilalang sa kalangitan na tila mga insekto, winawasak at nilalamon nito ang isang planeta!

Nakita nito ang isang mundo kung saan ang mga pangkaraniwang Human ay inaapi ng mga Wizard sa loob ng tatlong libong taon bago lumabas ang isang Slaughterer at nagmaneho ng isang Mecha patungo sa isang grupo ng mga Wizard!

Nakakita siya ng hindi mabilang na mga gusaling itinatayo. Nakakita siya ng isang realm na parang isang malaking istante ng libro at ang bawat libro ay isang buong mundo!

Ang bawat ibang level ay ibang dimension na nakalatag sa kanyang harapan.

Kasabay nito, ang kapangyarihan ng 4th Fate Tablet, na siyang Treasure na hinanap ni Lance mula sa Higher Universe, ay agad na pinuno ang katawan ni Marvin ng kapangyarihan!

Sa tulong ng maasahang advance False Divine Vessel, nararamdaman niyang mabilis siyang lumalakas!

Ang Sodom's Blades na naramdaman ang matinding emosyon ni Marvin ay nasabik ngunit nakaramdam ito ng takot!

Nakita niya ang isang lagusan patungo sa isa pang World!

Kahit na nangyari lang ito sa isang iglap, binigyan siya ng Fate Tablet ng kalayaan na magpabalik-balik sa pagitan ng mga magkakaibang mundo!

Dahil hindi siya residente ng Feinan, hindi iya pagmamay-ari ng Will ng Feinan kaya malaya itong nakakagalaw.

"Bilis!"

"Patayin mo na siya!"

Kinakalaban ni Lance ang mga Corrupted Ancient God sa Evil Spirit Sea.

Kahit na siya ang God of Creation, matapos mawala ang kanyang katawan, malaki ang nabawas mula sa kanyang lakas.

Kahit na mabibigyan niya ng kaunting oras si Marvin, dehado siya sa laban na ito. Pero ito lang din naman ang kailangan niyang gawin dahil hindi maaaring siya mismo ang dumispatya sa mismong problema.

Tiningnan ni Marvin si Hathaway sa huling pagkakataon habang patuloy lang itong nakaupo sa malamig trono.

"Anong mangyayari kapag napatay ko siya?" Hindi agad ito kumilos at sa halip ay nagtanong ito.

Malumanay ngumiti si Lance. "Sabay kaming mamamatay," sagot nito. "Ang mundong 'to ay pansamantalang mababalot ng kaguluhan, pero wag kang mag-alala dahil mayroong panibagong Plane Will na ipapanganak."

"Ang papatayin mo ngayon ay ang Evil Child ng Plane Will!"

Tinitigan ni Hathaway si Marvin bago nito tiningnan ang mga dagger sa kamay nito. Muli itong tumingin kay Marvin at sinabing, "Kung papatayin mo ako, kakalat lang ang kaluluwang 'to."

"At ang mga tinatawag na Seer, kasama na ang Wisdom Goddes na masyadong matalino ang tingin sa sarli niya, ay kasama kong maililibing."

Napasimangot si Marvin nang maisip ito.

Nararamdaman niyang mas malakas na siya kesa dati, at ang bagong panganak na si Hathaway ay hindi siya kayang tapatan.

Sa isang pag-atake lang, maiiwasan ang siang delubyo, pero maraming tao ang mamamatay dahil dito.

Si Hathaway, Lance, Jessica, Kate, Lorie, Wayne.

Hindi niya gusto ang ganitong uri ng katapusan.

May kumisap na liwanag sa kalaliman ng kanyang isipan!

At 'yon ang natitirang Wisdom Ability na mula sa Wisdom Goddess.

Siniyasat niya ang kanyang sariling kapangyarihan at sa wakas ay ngumiti ito.

"Hindi lang naman 'to ang tanging solusyon," mabilis na sabi ni Marvin kay Lance. "Nang matanggap ko ang lahat ng impormasyon pag bukas ng Tablet, marami akong nakita. Mayroong mas nakatataas na nilalang sa Universe na kayang magkalat ng Seeds of Evil, at mayroon ding kabaliktaran nito."

"Kinulang ka sa oras para hanapin 'to kaya ito lang ang planong nagawa mo, pero ibahin mo ako."

"Kung ganoon lang din kapait ang magiging kapalit, hindi matatawag na tagumpay 'yon, parehong pagkawasak lang."

"Kaya… Hindi ko siya papatayin.

Ngumisi si Hathaway, tumatawa sa isang mapangutyang paraan.

Walang nagawa si Lane at sumigaw si Tidomas, "Bilisan mo at ibalik mon a ang Divine Source ko! Duwag!

"Hindi ikaw ang magdedesisyon!"

Makikita ang paninindigan sa mat ani Marvin.

Maaaring muling ipanganak ng 4th Fate Tablet ang sino man.

Pumikit ito at pansamantalang nag-alinlangan saka ito biglang tumawa. "Mukhang maraming kailangan gawin. Magiging malungkot na byahe 'to"

"Pero ayaw ko talagang mamatay ang mga kaibigan ko para lang sa wala."

"Masyadong makasarli na pagdesisyon ko nang mag-isa 'to, pero hindi ko hiningi ang opinyon mo, pero wala rin naman kayong mararamdaman habang nakatigil ang oras."

"Kaya hayaan niyo akong maging makasarli ngayon."

Sa sumunod na sandal, isang maliwanag na ilaw ang lumabas mula sa advanced False Divine Vessel.

Ang nakakasilaw na liwanag ay agad na bumalot sa buong Universe!

Ang lahat ng tinamaan ng liwanag na ito ay tumigil ang oras!

[Unfathomable Ability!]

Sa wakas ay nalaman na niya ang kapangyarihan ng kakaibang spell na ito matapos makakung ng impormasyon mula sa Higher Universe.

Sadyang mahirap unawain ang pagkakaroon ng kakayahan na patigilin ang oras.

Pero sa kapangyarihan ng Fate Tablet, nagawa ito ni Marvin.

Umabot ang liwanag sa bawat sulok ng Universe

Kaya naman, ang buong Universe ay nahinto sa sandaling ito.

Mag-isa siya, naglalakad nang mag-isa.

Naglakbay sya sa paikot sa Feinan, tinitingnan ang kanyang mga kaibigan, bumalik siya sa White River Valley, sinilip ang mga taong sinumpa niyang poprotektahan niya.

Sa wakas ay pinili niyang umalis sa mundong ito!

Ang lagusan patungo sa Higher Universe ay bumukas at mag-isa siyang umalis. Ito na ang simula ng kanyang kasunod na pakikipagsapalaran.

Naniniwala siyang mahahanap niya sa misteryosong Higher Universe na ito ang paraan para puksain ang Evil Seed na ito.

At kapag nakahanap na siya ng paraan, babalik siya sa Feinan.

"Mukhang nakakalungkot talaga 'to."

Naglakad siya sa kalangitan, papalapit nang papalapit sa Higher Universe, may pait siyang naramdaman sa kanyang puso pero buo ang kanyang desisyon.

Sa sumunod na sandal, nakarinig siya ng pamilyar na boses. "Nagbago na talaga ang lahat! Mas lumakas na ang Lil' Bro kesa sa Big Bro!"

"Pero para magpunta ka sa hindi kilalang mundo nang mag-isa… Matapang ka. Karapat-dapat kang tawanging Lil' Bro ko."

Ang Eternal Time Dragon!

Magkasamang naglakad si Marvin at Tiramisu, lumakad sila sa dulo ng mundong ito at sa wakas ay umabot sa Higher Universe.

Ito ang malawak na Galaxy!

Hindi mabilang ang mga bituin at mga planeta, isang panibagong Universe, walang hanggang paglalakbay!

Alam niyang mayroong isa pang Lance sa Universe na ito na nagsisikap na maghanap ng kasagutan sa problemang ito.

Panandaliang lang pinigilan ni Marvin ang problema sa paggamit niya ng Unfathomable Ability, pero hindi nito nasolusyunan ang problema. Para maayos ang problema sa Feinan Plane Will, kailangan pa niyang kumayod.

Pero noong ginawa niya ang desisyon na ito, hindi niya inakalang magkakaroon siya ng kasama,

"Paano? Aksidente?"

Tumawa si Tiramisu, "Ang gwapong Dragon na ito ay isang Eternal Time Dragon!"

"Napakamakapangyarihan ng ability na ginawa mo. Nilagyan mo ng Seal ang buong Universe, pero hindi mo ako malalagyan ng Seal!"

Tumawa si Marvin at malumanay na tinapik ang ulo ng Eternal Time Dragon. Maraming tumatakbo sa kanyang isipan pero isang pangungusap lang ang lumabas:

"Tara na."

Nakalatag sa kanilang harapan ay walang hanggang kadiliman.

Kung magkasama silang maglalakad sa tila walang hanggang kalsadang ito, hindi sila makakaramdam ng kalungkutan.

____

[Pagtatapos ng Nobela Nobela]

Shiraishi

Afterword (Author & TL)

-[Author]

Night Ranger is over.

I'm not gonna say that I'm very pleased with the ending, but fortunately, everything followed the plot. At least the main plot was clear and some deep foreshadowing and hints were met.

I always liked open endings because of the endless possibilities. Otherwise, when finishing a novel, I would feel like the protagonist and the other lovely characters would be leaving me. But in this ending, I can feel that they are still there, and I can think of them and feel gratified.

There should be no issue with the story, as the world properly continued after the ending of my previous novel and hints toward the even bigger world of Galaxy Empire (author's upcoming novel), but many of those hints are buried quite deep, so I think most people would skip them.

I apologize to everyone.

I am also dissatisfied with Night Ranger's ending.

Although I completed the main plot, there are still some side plots left hanging. I can only criticize myself for the fact that I am too sensitive. Night Ranger should have been the book to prove myself, but because of some matters happening in the middle, I wasn't able to keep up.

I kept losing it, partly because of myself, and partly because of those who would constantly and harshly criticize every chapter. I couldn't focus and it was a really bad state for writing.

I'm extremely grateful to you for reading this afterword.

But everything comes to an end. I spent a long time adjusting my mind, and when I was able to calmly face the haters on the forums, I resumed writing.

Since Night Ranger's plot was already written down, I kept writing with an even greater goal, "Galaxy Empire".

I know that many people already question my morals, so I can only use the quality of Galaxy Empire to convince everyone.

All that I need to prove is that I've been working hard to improve, whether it's in mentality, writing techniques, or storytelling.

I am always improving.

Night Ranger is a book that, through my own efforts, reached the top of the monthly rankings four times.

This is a book that I put a lot of effort into.

This is a book that I care a lot about.

This is a book that made me feel sorrow, regrets, and ultimately relief.

I experienced a lot during the writing of Night Ranger.

But life and stories must go on. Since I'm still writing, the journey will continue.

There is one thing I want to emphasize: I'm always improving.

-Bows-

_

[TL]

I don't have much space to work on so I'll be short.

My complete afterword is on my discord:

https://discord.gg/j3CuetU

Thank you guys for reading. I hope to see you guys on my next novel Magic Throne (temporary title).

Shiraishi