Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 727 - Banished

Chapter 727 - Banished

Tila walang pagkakaisa ang mga God.

Totoo naman dahil ang bawat isa sa kanila ay gustong makuha ng Fate Tablet at makuha ang kapangyarihang nasa loob nito.

Para kay Marvin, ang sigalot sa pagitan ng mga God ay isang bagay na maaari niyang magamit.

Lalo pa at mahirap ang sitwasyon nila ngayon. Kung magkakaroon talaga ng laban, hindi siya mananalo. At kahit ang pagtakas ay tila imposible.

Pero bago pa ito makapagsalita, isang malumanay na boses ang umalingawngaw sa buong plane. "Matagal nang hindi nakakatanggap ng ganito karaming bisita ang kalupaang ito."

"Grant, Anubis, Faniya…Molly…. Ang tagal nating hindi nagkita."

Nang marinig ang boses na ito, nagulat ang mga God!

'Sino 'yon?'

'Mayroong naglakas loob na tawagin sa pangalan ang mga makapangyarihang God!'

Pero ang ikinagulat nila ay hindi nagalit ang mga Great God at mga Ancient God. Sa halip ay pinilit pa nilang ngumiti.

"Great Earth Elemental Lord, nagbibigay galang ang God Realms sa inyo." Inilagay ni Anuba Grant ang isang palad niya sa kanyang dibdib kasabay ng magalang na pagyuko!

Sa kalangitan, isang anino ang agad na nabuo.

Tila isang lalaking may kantadaan na ito.

Nakikita ng lahat na isa lang itong avatar.

Pero ang Avatar pa lang na ito ay kagilas-gilas na.

Hindi naman tanga ang mga God. Iisang nilalang lang ang yuyukuan ng God of Dawn and Protection, at iyon ang Lord na ito.

Sunod-sunod na nagbigay galang ang mga God.

Ang mga Elemental Plane Sovereign ang haligi ng buong Universe, sila ay mga nilalang na karapat-dapat na irespeto.

Tanging si Faniya at Molly lang ang tumango lang.

Matagal nang kinaibigan ng dalawang Ancient God na ito ang Earth Sovereign. Magkakilala na sila kaya hindi na kailangan pang maging masyadong pormal.

Nagkatinginan sina Marvinat Tiramisu, at naunawaan ang ibig sabihin ng isa't isa.

Nagiging interesante na ang mga pangyayari.

Hindi lang nagtipon ang mga God sa Collapsed Earth, dumating na rin at nagpakita ng Earth Sovereign!

Ang lalakin ito ay bahagi ng pundasyon ng buong Universe.

Makapangyarihan man ang War God, pero wala pa ito sa kalingkingan ng Earth Sovereign, lalo pa at narito siya sa tahanan ng Earth Sovereign!

Kahit na magtulong-tulong ang apat na pinakamalakas na God, baka magawa lang nilang table ang laban sa Earth Sovereign. At wala namang magiging ambag ang iba sa laban na ganoon kalakas.

Kaya naman, kahit ang mga arogante God ay piniling iyuko ang kanilang ulo.

Umaasta lang silang parang mga mortal.

Pero sa pagkakataon na ito, hindi nakaramdam ng bigat si Marvin.

Kapag mas marami ang dumating, mas mabuti.

Mas maging malala ang sitwasyon, mas mabuti.

Ito lang ang nararamdaman niya sa ngayon.

Sadyang napakarami niyang kalaban. Mas magkakaroon siya ng pagkakataon na makatakas sa gitna ng kaguluhan, at mas makakatulong din itong pahabain ang oras para makabawi ng lakas ang Eternal Time Dragon.

Kapag nakabawi na si Tiramisu, bilang na lang uli ang mga nilalang sa Universe na makakapigil sa kanila! Pero kabilang na rito ang Earth Sovereign!

Matapos bumaba ng Earth Sovereign, mas naging komplikado na ang sitwasyon.

Mahinahon lang na naghihintay si Marvin na may malaking kaganapan na mangyari.

Walang nag-akala na habang tumitingin sa kapaligiran ang Sovereign, bigla itong hihinto kay Marvin!

Mas naging malumanay ang mukha nito. "Ikaw si Marvin."

"Mukhang may nakaharap kang problema."

Nagulat si Marvin. Kanina, inisip niya na ang Fate Tablet ang habol ng Earth Sovereign, pero bakit ganoon ang kanyang tono? Anong nangyayari?

Habang nagulat naman ang mga God ng Astral Sea.

Lalo na si Grant at Anubis. Parehong makikita ang inis sa kanilang mga mukha.

Napaisip sila ng mga hindi magandang posibilidad dahil sa pagbati ng Earth Sovereign.

At napakagalang ng mga susunod na sinabi ng Earth Sovereign kay Marvin. "Tinulungan mo ko sa isang malaking problema. May utang na loob ako sayo."

"Kaya naman, makakasiguro ka na walang mangangahas na galawin ka sa plane na 'to."

Gulat na gulat si Marvin. Kelan niya tinulungan ang Earth Sovereign?

Sa lahat ng mga God, may isa sa kanilang hindi na nakatiis at nagsalit, "Kagalang-galang na Earth Elemental Sovereign, si Marvin ay…"

"Woosh!"

Nawala ang God na iyon mula sa Elemental Plane of Earth.

Mahinahon naman na nagtanong ang Earth Sovereign, "Mga ginoo at binibini, kailangan pa bang ako mismo ang magpalabas sa inyo?"

Natuliro sina Marvin at Tiramisu!

Napakamakapangyarihan!

Pambihirang lakas ito.

Kahit hindi ito gaanong kumilos, na-banish niya ang isang God at pinagbantaan ang God Realms!

Kahit ang apat na pinakamakapangyarihang God ay nakatayo sa harap ng Earth Sovereign.

Pero tila wala itong pakielam na naroon sila.

Pinaalis niya lang ang mga ito.

Kinuyom ni Anubis ang kanyang kamao, habang napailing si Grant.

"Kung ganoon, mauuna na kami." Nanatiling magalang si Grant, at matapos muling yumuko, umalis na ito.

Alam niya kung gaano nakakatakot ang Earth Sovereign. Kahit pa sabihin nating matalo nila ito sa sarili nitong tahanan, malamang ay matinding pinsala rin ang matatamo nila.

Dismayadong nagkatinginan ang mga God, hindi nila inakalang agad na aatras si Grant nang walang pasubali.

Suminghal naman ang War God at agad rin umalis.

Sunod-sunod na rin umalis ang iba pang mga God, hanggang sina Faniya at Molly na lang ang natira.

"May gusto pa ba kayong sabihing dalawa?" Tila sariwang simoy ng hangin ang boses ng Earth Sovereign.

"Wala naman. May gusto lang akon malaman," sagot ni Faniya. "Parang hindi mo naman ugaling pumrotekta ng isang mortal."

Mahinahon naman na sumagot ang Earth Sovereign, "Magmula nang isilang ang mundong ito, tungkulin ko na ang protektahan ang mga mortal."

Natawa lang si Faniya at napailing bago ito tuluyang umalis. Determinado siya kanina dahil sa pinatay ni Marvin ang tatlong God, kaya muntik nang mawasak ang pundasyon ng God Realms.

Pero dahil kinampihan na ito ng Earth Sovereign, wala na siyang rason para manatili.

Ang Truth Goddess na pinakahuling umalis ay tumingin kay Marvin at malumanay na sinabing, "Mukhang wala akong kailangan gawin sa pagkakataon na 'to."

"Maswerte ka."

Pagkatapos ay nawala na rin ito mula sa Elemental Plane of Earth .

Paglipas ng ilang segundo, ang kaninang Collapsed Earth na napakaraming tao ay biglang naging tila desyerto. Kaya naman naiwang hindi mapakali si Marvin!

"Mukhang kahit hindi ako dumating, hindi hahayaan ni Molly na saktan ka nila," pagninilay-nilay na sabi ng Earth Sovereign habang nakatingin kay Marvin. "May magaganda kang relasyon sa ibang tao."

Nahiya naman si Marvin.

Magandang relasyon? Nakakalat sa buong Universe ang mga kalaban niya.

Kung hindi lang nya inaalala ang maaaring mangyari sa White River Valley, hindi na sana ito aalis ng Sanctuary at ipagkakatiwala sa iba ang lugar na iyon.

Tila pang-aasar ang sinabi ng Earth Sovereign.

"Kagalang-galang na Earth Lord. Salamat sa pagtulong niyo sa akin. Pero gusto ko lang pong malaman, ngayon lang po tayo nagkakilala, hindi po ba?"

Nagtataka pa rin si Marvin kung bakit personal na pinalayas ng Earth Sovereign ang mga God.

Tumawa ang matanda, "Tama."

"Pero tinulungan mo pa rin ako nang hindi mo namamalayan."

"Ang [Beast] page na hawak mo ngayon ay muntik na kong durugin."