Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 728 - Confirmation!

Chapter 728 - Confirmation!

Nagtaka si Marvin sa mga sinabi ng Earth Sovereign.

Ang nilalang na mayroong siyam na elemental Lfe Mark na pinatay niya ay sigurado nang may koneksyon sa Earth Sovereign.

Dahil kailangan ni Tiramisu ng 30 minuto para makabawi ng lakas, sinamantala na ito ng Earth Sovereign para ipaliwanag ang lahat.

Nang sumabog ang Book of Nalu maraming taon na ang nakalipas, ang mga pahina nito ay kumalat sa buong Universe. Ang ilan ay napunta sa Feinan at ang iba ay sa kalangitan.

Maraming tao ang natakot sa librong ito matapos mamatay ng isang God dahil dito, kaya hindi na nila ito hinanap.

May nag-iisang namumukod tangi noon.

At iyon ang Earth Sovereign.

Personal niyang nasaksihan ang pagsabog sa God Realm, at ang kaguluhang naganap sa God Realm pagkatapos nito.

Kaya naman, nang lumipad ang pahina ng Bookd of Nalu na iyon sa kanyang mundo, pinigilan niya ito.

Hindi niya naman naisip na gagawa ito ng malaking delubyo!

Ang pahinang iyon ay nagngangalang Beast.

Mayroong halimaw sa bawat puso ng tao. Pero lahat ng tao ay ikinukulong ito at sineselyohan. Pero kayang pakawalan ng pahinang iyon ang halimaw na nakatago sa puso ng kahit na sinong mapalapit dito!

Noong una, ang puso ng mga Elemental Sovereign ay dalisay at walang kahit anong pagnanais. Ganoon din ang Earth Sovereign, bibihira siyang mawala sa sarili.

Kampante siya sa kanyang sarili at naniniwala siyang dahil isang pahina lang naman ito ng Book of Nalu at hindi ang buong libro, wala masamang mangyayari sa kanya.

Isa pa, ang Ancient God na nagsulat ng Book of Nalu halos kaparehong level lang niya. Kung purong kapangyarihan ang pag-uusapan, walang dudang mas malakas ang Earth Sovereign.

Dahil dito, itinago niya ang pahinang ito.

Sa paglipas ng isang daang taon, paminsan-minsan ay tinitingnan niya ito. Wala siyang napansing mali ditto sa simula dahil tila walang nangyayari. Pero kalaunan, naramdaman niyang mayroong mali.

Naging magulo ang puso ng Elemental Sovereign.

Hindi niya alam kung kelan ito nagsimula, pero kalaunan, isang anino ang lumitaw sa kanyang puso!

At ang aninong ito ay kamukhang-kamukha niya.

Sa loob ng isang daang taon, sa wakas ay nakahanap na ng pagkakataon ang [Beast] na apektuhan ang isang bahgi ng puso ng Earth Sovereign.

Naging sumpungin ito, at kahit an buong Elemental Plane of Earth ay nagsisimula nang humina.

Mabuti na lang at nalaman niya ito bago nahuli ang lahat at agad na gumamit ng pamamaraan para pigilan ng problema.

Hinugot niya ang masamang halimaw na ito at ikinulong sa kalupaang ito!

Ito ang pinagmulang ng Collapsed Earth!

"At 'yon na 'yon," pagtatapos ng Earth Sovereign. "Humingi ako ng tulong sa Water Sovereign para tulungan akong tanggalin ang kasamaang nasa loob ko at ikinulong ko ditto sa Collapsed Earth.

"Dahil isa itong Elemental na nilalang, hindi ito mapatay ng kahit sino sa amin ng Water Sovereign, kaya wala kaming nagawa kundi ikulong lang ito, at iniwan itong nang hindi nalulutas. Hindi ko inakalang ikaw ang makakalutas ng problema ko"

"Ngayong malaya na ako malaya na ko at patay na ang masamang bahagi ng pagkatao ko, taos puso akong nagpapasalamat sayo, Marvin."

Tumango naman si Marvin. "Kaya ba hindi ka nagdalawang isip na kalabanin ang God Realms?"

Tumango ang Earth Sovereign at malumanay na sinabi, "Hindi kailan man naging problema sa akin ang God Realms. Lalo na dito sa tirahan ko. Ligtas ka basta nandito ka."

Kumalma naman ang puso ni Marvin, alam niya rin ang ibig nitong sabihin.

Ang Elemental Plane of Eath ay ligtas, pero ang iba pang mga lugar ay hindi.

Umatras na ang mga God, pero siguradong hindi sila makakapayag nang ganoon-ganoon lang.

Sa pagkakataong ito, dinala ni Tiramisu sa God Realms at sinampal ang pagmumukha ng mga God. Bukod doon ay nasa kanya rin ang Fate Tablet! Kaya imposibleng hayaan lang siya ng mga ito.

Tila ba nababasa nito ang iniisip ni Marvin, winagayway nito ang kanyang kamay at isang eksena ang lumitaw sa kanilang harapan.

Sa labas ng Elemental Plane of Earth, mahinahong naghihintay ang mga God, tila nakahanda ang mga ito para sa isang labanan. Alam nilang hindi magtatagal si Marvin sa loob ng Elemental Plane of Earth.

"Hindi talaga nila susukuan ang pagkuha sa Fate Tablet." Malungkot na bumuntong-hininga ang Earth Sovereign. "Dahil pinili na nilang maniwala sa alamat ng Destroyer, bakit hindi nila sinusunod ang nakatakdang landas?"

"Marahil umaasa lang sila, marahil bawat isa sa kanila ay iniisip na iba sila."

Biglang nagtanong si Marvin, "Alamat ng Destroyer?"

Ngumiti ang Earth Sovereign. "Oo, ang alamat ng Destroyer. Noong umalis si Lance, kumalat ang kwentong ito sa buong God Realms."

"Sa sitwasyon ngayon, ang taong tumutugma sa mga senyales ng propesiya ay ikaw, Marvin."

Sumimangot si Marvin.

Mayroon pala talagang ganoon?

Kaya naman pala siya gustong patayin ni Eve.

Kung gusto talagang wasakin ni Lance ang mundong ito, bakit niya pinag-transmigrate si Marvin?

"Hindi kaya gusto niyang wasakin ang mundong 'to gamit ang sarili kong mga kamay?"

Nabalisa si Marvin.

"Sa katunayan, wala naman talaga dati ang tungkol sa Destroyer." Mukhang hindi naniniwala ditto ang Earth Sovereign at pinahinahon siya.

Gayunpaman, kailangan pa ng oras ni Tiramisu para makabawi ng lakas, kaya naman nagdesisyon si Marvin na magpahinga na muna sa Elemental Plane of Earth sa ngayon.

Dahil naroon na sila, nagtanong na rin siya tungkol sa mga bagay na matagal nang bumabagabag sa kanya.

Sa kanyang pananaw, ang Earth Sovereign, bilang is sa mga pinakamatandang nilalang sa mundo, ay may nalalaman tungkol sa mga bagay na ito.

"Ang laro sa pagitan nina Lance at ng Plane Will? Totoo 'yon."

"Pero wala akong masyadong nalalaman tungkol doon. Kailangan kong manatili sa Elemental Plane of Earth. Si Lance at ang iba pang mga God ay unti-unting nawala, pero hindi ko ito masyadong pinansin."

"Sa posisyon ko, walang akong magagawa kundi ituon ang pansin ko sa katatagan ng Universe. Matapos mawala ni Lance, sinubukan ko siyang hagilapin, pero hindi ako nagtagumpay kaya naman nag-aalala ako."

"Ang isang bagay lang na masasabi ko sayo ngayon ay ang Book of Nalu ang susi para matigil ang lahat ng 'to. Isinulat 'yan ng kaibigan ko."

Nakumpirma naman ng susunod na sinabi ng Earth Sovereing ang hinala ni Marvin. "Maraming tao ang kilala sa kanya bilang God of Deception, pero sa katunayan, siya ang God of Wisdom."

Tunay nga na ang God of Deception ay ang God of Wisdom!

Kinilabutan si Marvin!

Nakakuha na siya ng kumpirmasyon tungkol ditto mula sa Earth Sovereign!

"Naniniwala akong mayroong gustong gawin si Lance at ang Wisdom God at gusto nilang itago ito sa ilang tao," pagpapatuloy ng Earth Sovereign, "Kaya naman, bilang ikaw ang may hawak ng 4th Fate Tablet at ng Book of Nalu, ikaw ang napili niya. Kailangan malinaw sayo kung ano ang dapat mong gawin."

Tahimik na tumango si Marvin at patuloy na nilinaw ang mga bagay sa kanyang isipan.

Tumakbo ang oras, at hindi nagtagal, lumipas na ang tatlumpung minuto.

Nabawi na ni Tiramisu ang kanyang kakayahan at enerhiyang naubos dahil sa paglaban nito sa pwersa ng Earth Essence.

"Tara na! Asarin natin ang mga God!" Masiglang sabi ng Dragon. "Dadalhin kita sa Evil Street!"

Tumango si Marvin.

Ang Evil Street. Matatagpuan ito sa kaibuturan ng Abyss, dito naghihintay ang kasunod na pahina ng Book of Nalu!

Related Books

Popular novel hashtag