Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 701 - Display Of Strength

Chapter 701 - Display Of Strength

Umalingawngaw sa buong palapag ng Sky Tower ang mahinahong boses ni Marvin.

Ang mga powerhouse na naghahanda ng mga Divine Spell o winawasiwas ang kanilang mga espada ay biglang natigilan.

Tila ba huminto ang oras.

Naglakad si Marvin palabas sa proteksyon ng Copper Dragon.

Ang kanyang titig ay mabagsik. "Gusto niyo pa rin akong patayin?"

Walang nangahas na sumagot!

Halos himatayin ang mga taong nakapaligid sa Copper Dragon!

Lahat sila ay umatake dahil sigurado sila sa iisang bagay: Matinding pinsala ang natamo ni Marvin, kaya ito na ang oras para umatake!

Pero nang biglang lumabas si Marvin na tila walang nangyari, biglang lumabas sa kanilang isipan ang eksena ng pagkalaban nito sa World Ending Twin Snakes.

Ang ilan sa kanila ay kusang dahan-dahan na umaatras dahil sa takot!

Dahil ginamit n ani Marvin ang Advanced Falsse Divine Vessel noong nagsalita siya.

Napuno ang lugar ng awra ng Slaughter Domain.

Halos markahan na ng kagustuhang pumatay nito ang lahat ng nagnais na samantalahin ang sitwasyon.

Isang kakaibang liwanag ang kumisap sa mga mata ng Copper Dragon, pero wala itong sinabi.

Tumayo lang si Marvin at walang emosyong tinitigan ang mga ito. Pakiramdam ng mga ito ay hindi sila makagalaw habang nasa harap ng isang mabangis na ahas.

Ang ilan ay umatras.

Sunod-sunod na ang mga pangyayari.

'Tapos na.' ito ang tumatakbo sa kanilang mga isipan.

Marahil ay gumagamit si Marvin ng kakaibang ability para pagalingin ang kanyang katawan. O marahil ang shapeshifting niya ang gumawa nito.

Alin man sa dalawa ang nanagyari, tapos na ang panghihina niya, at muli nang nakabawi ang napakalakas na nilalang na ito.

Kung pipilitin pa nilang lumaban, ilan lang sa kanila, kung mayroon man, ang makakalabas nang buhay.

Sinabihan na sila ng kanilang mga God na iwasang kalabanin si Marvin kapag tila buo ang lakas nito.

At pinatunayan ng laban nito sa Molten Archdevil na ang lakas niya ay nasa Half-Plane Guardian Level na.

Sa tantsa ng mga God, kahit pa nasa level na ng Plane Guardian si Marvin, at maaari nila itong matalo kapag nagtulong-tulong sila, mahihirapan pa rin silang patayin ito.

At sa ngayon, mukhang nasa mabuting kalagayan na muli si Marvin.

Kung umalik pa ngayon si Kangen, wala na talaga pag-asa ang kanilang mga kalaban.

Kahit na mahiap kalaban sina Eve at Holy Paul. Kayang-kayang tapatan ni Jessica si Eve at tila wala naman kagustuhang si Holy Paul na patayin si Marvin. Nakakagulat rin na hindi rin ito makikitaan ng pagnanasa sa Fate Tablet.

Kung ang anak ng God of Dawn and Protection ay tumigil sa paglaaban, sapat na ang lakas ni Marvin para patayin ang karamihan ng kanyang mga kalaban dito!

Isa pa, hawak na niya ngayon ang Fate Tablet. Walang nakakaalam kung gaano kalaki ang nadagdag nito sa kanyang lakas! Marahil nakatulong pa ito sa pagpapagaling ng kanyang mga natamong pinsala!

Tila ba napapayuko na lang ang lahat, at nakahinga nang maluwag si Marvin.

Isa siyang halibawa ng isang mahinang taong nalalampasan ang sitwasyon sa pagpapanggap bilang malakas.

Sa panlabas, mukhang nabawi n ani Marvin ang kanyang lakas na nasa level ng isang Half-Plane Guardian, pero sa katunayan, wala pa siyang lakas na lumaban ngayon!

Habang nasa anyong Devil Magic Egg ito, tunay naman na mabilis na gumaling ang kanyang katawan, pero ang masyadong malala ang pinsalang natamo niya sa World Ending Twin Snakes.

Hindi ganoon kadali ang makabawi mula sa bingit ng kamatayan.

Kailangan niya pa ng oras.

Pero nang matuklasan niya ang tungkol sa nangyayari sa bulwagan, nalaman niyang wala na siyang oras!

Kailangan nang lumabas ni Marvin at gawin ang makakaya niya para tulungan si Professor na binubuwis ang kanyang buhay maprotektahan lang siya.

Kahit na ang matindi ang depensa ng Magic Egg, ang ilan sa mga taga Astral Sea ay mayroong mga epsesyal na spell na para talaga sa mga nilalang ng Hell.

Kung ibuhos nga talaga ng mga ito ang lakas nila para atakihin siya, maaaring ikamatay niya ito.

Kaya naman, wala siyang magagawa kundi sumugal.

Pinawalang bisa niya ang Magic Addict Shape bago pa makuha ang kabuoang epekto nito, at sinubukan niyang sindakin ang mga kalaban.

At mukha namang gumana ang kanyang paninindak.

Karamihan ng mga tao ay umatras dahil sa hindi nila alam ang tunay na kalagayan ni Marvin.

Subalit, isang banayad na boses ang biglang nagsalita. "Matapang ka, lumabas ka na mula sa Magic Addict Shape kahit hindi pa lubusang nakakabawi ng lakas."

"Ano? Mayroong kang False Divine Vessel sa katawan mo? Nakakagulat ka talaga. Kung hindi lang dahil sa nakakasilaw na Fate Tablet, baka hindi ko na napansin 'yon."

"Mukhang sumanib na ang Fate Tablet sa False Divine Vessel mo. Sayang lang at hindi mo pa hawak ang susi. Kung magagamit mo lang sana ang kapangyarihan niyan, malaking benepisyo ang makukuha mo."

"Pero hinahangaan ko pa rin ang tapang mo. Hindi lahat ng tao ay kayang takutin ang napakaraming tao kahit na halos hindi mo na kayang lumaban dahil matindi pa ang panghihina mo."

Tumawa nang malakas ang anak ni Anuba Grant habang mahusak na sinasalag ang atake ng parehong Elf kasabay ng pagtaas ng hinlalaki nito kay Marvin.

Sa mga mata ni Marvin, tila may masamang balak ang ngiti nito!

Pero dahil lang sa mga sinabi nito, nagawa muli nitong baliktarin ang sitwasyon.

Ang mga powerhouse na kaninang binalak nang tumakas ay tiningnan nang mabuti si Marvin.

Pero sa pagkakataong ito, mararamdaman ang kagustuhan nilang patayin ito.

"Nagpapanggap lang pala siya! Bakit nga ba hindi ko napansin na wala siyang inilalabas na lakas!"

"Oo nga, naramdaman ko rin na wala siyang kapangyarihan, isa lang siyang mortal."

"Akala ko sinasadya niyang itago ang awra niya para hindi natin malaman kung gaano talaga siya kalakas. Kung tutuusin, paano nga naman siya magkakaroon pa ng sapat na lakas para itago ang awra niya matapos niyang kalabanin ang World Ending Twin Snakes."

Lahat sila ay ngumisi at muling bumalik ang lakas ng loob.

Napailing na lang si Marvin.

Tiningnan niya ang anak ng God of Dawn ang Protection at nagbanta ito, "Kapag nakalabas akong buhay ditto, sinisigurado ko sayong papatayin kita."

Umubo si Holy Paul at itinuro si Eve. "Wag mo sa akin ilabas ang galit mo, napag-utusan lang ako. Siya ang may gustong pumatay sayo."

Nanginig ang kilay ni Eve, pero hindi ito naglabas ng reaksyon dahil kalaban pa rin nito si Jessica.

Suminghal si Marvin.

Kahit na mukha itong kalmado sa panlabas, sa puso nito ay nasa bingit na ito ng kawalan ng pag-asa.

Sa dami ng mga Divine Servant na gustong atakihin siya, wala na siyang kawala. Kailangan niya ng tulong.

Sina Eve at Holy Paul… Kung magkakaroon lang si Marvin ng pagkakataon, hindi niya hahayaang mabuhay ang dalawang ito!

Kahit ano pa an ang maging dahilan ng mga ito!

'Tagapagmana ng Valkyrie?' Tiningnan mabuti ni Marvin si Eve.

sinubukan siyang patayin nito kaya wala na siyang interes kahit ano pa ang motibo nito.

'Pag nakalabas ako nang buhay dito!' Sabi ni Marvin sa kanyang loob.

Tiningnan niya ang mga Divine Servant na may masamang balak, may panghahamak sa mga mata ng mga ito.

Kung mamamatay na nga siya, wala nang problema sa kanya ang paggamit sa Imprint ni Diross.

Kahit na nararamdaman niyang walang mabuting idudulot ang Imprint ni Diross, hindi na niya kaya mag-isa ang sitwasyon na ito.

Gayunpaman, mas gugustuhin niya pang isama ang mga ito sa kanyang pagbagsak.

Tumingala ang Copper Dragon, ihinarang nito ang kanyang pakpak at muling sinubukan protektahan si Marvin.

Kumisap ang Divine Light sa bulwagan dahil sa hindi mabilang na Divine Spell na nag-iipon ng enerhiya.

Matindi na ang sitwasyon.

Nang biglang isang boses ng bata ang umalingawngaw sa buong palapag:

"Ang sino mang magtangka sa buhay ng kapatid ko ay mamamatay!"

Kasunod nito ay isang nakakatakot na Arcane Energy ang lumabas sa bulwagan!