Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 702 - Inheritor

Chapter 702 - Inheritor

Noong unang marinig ni Marvin ang boses na iyon ay natuwa siya, pero bigla rin siyang nag-alala.

'Nagising na si Wayne!'

Mabuting balita ito:

Pero ang paggising sa hindi magandang sitwasyon na ito ay hindi makakabuti para sa kanya!

Hindi naman maunawaan ng iba ang nangyayari.

Isang maliit na batang lalaki ang biglang lumitaw, lumulutang ito sa taas ng bulwagan.

Makikitang isa itong labing-dalawang taong gulang na bata, pero malinaw na makikitang mayroon itong lakas ng hindi bababa sa isang Legedn Wizard!

Namukhaan naman ng may mga matatalas na mata na ito ang batnag hinahanap ni Marvin sa labas ng Sky Tower!

Nakababatang kapatid pala ito ni Marvin!

Halimaw ba ang magkapatid na ito?

Isang binatang labing-anim na taog gulang lang na mayroong lakas ng isang Half-Plane Guardian.

At ang isa naman ay mas nakakagulat!

Isang labing-dalawang taong gulang na bata na isa nang Legend Wizard!

Idagdag pa na ngayon lang sila nakakita ng purong Arcane Energy!

Umapaw na ang nakakatakot na Arcane Energy sa bulawagan at hindi na ito mapakali.

Tila ba mayroong isang mabagsik na Beast sa loob at naghihintay lang ng pagkakataon na dambahan ang kalaban at lamunin ito!

Pero hindi na rin naman mababago ng paglitaw ng isang Legend Wizard ang sitwasyon.

Tunay na mahirap kalabanin ang isang Legend Wizard.

Pero ang sitwasyon ngayon ay hindi kakayaning solusyunan ng iisang Legend Wizard.

Kakailanganin ni Marvin ng kakamping hindi bababa ang lakas sa isang Half-Plane Guardian para mabaliktad muli ang sitwasyon!

Kahit na talentado ang maliit na batang ito, malinaw na hindi siya isang Half-Plane Guardian Wizard!

Puro lang ang Arcane Energy sa katawan nito, wala nang iba pa.

Marahil magiging isang kagilas-gilas na tao ito sa hinaharap pero hindi pa sa ngayon.

"Gusto naming lahat patayin ang kuya mo, kaya mo ba kaming lahat patayin?" Panunuya ni onnor. "Kung gusto mong manatiling buhay ang bloodline gn White River Valley, sabihin mo kay Marvin na ibigay na sa amin ang Fate Tablet."

"Kapag ginawa niya 'yon, baka hayaan naming kayong mabuhay!"

Walang ibang sinabi si Marvin.

Malaki ang tiwala niya kay Wayne.

Hindi man ito alam ng iba ngunit isang tunay na nakakamanghang bata si Wayne.

Isang Seer at Inheritor ng Wizard God.

Imposibleng maging mahina ang isang katulad niya.

Siguradong pagbabayaran ng Legend mula sa West Coast ang lahat ng pinagsasabi niya.

At tulad ng inaasahan, tinngnan ito ni Wayne at dahan-dahang sinabing, "Pwede kayong umatake nang isa-isa, o kahit sabay-sabay pa."

Natawa si Connor.

Pero hindi nagtagal ang kanyang pag-tawa.

"Bang!"

Isang nakakatakot na pagsabog ang nagmula sa loob nito.

Ang matikas nitong katawan ay sumabog at naging tla hamog ng dugo!

Kahit ang kaluluwa nito ay pnira-piraso ng biglaang pagsabog ng Arcane Energy!

Pinuksa siya nang ganoon-ganoon lang!

"Isang Ancient Arcane Spell?" Nagtatakang sabi ng anak ni Anuba Grant. "Estudyante ka ni Lance? Ang sinasabing Inheritor ng Wizard God?"

Hindi pinansin ito ni Wayne.

Tinuon lang nito ang kanyang paningin sa mga taong nagtangka sa buhay ni Marvin.

Ang lahat ng madapuan ng kanyang paningin, wala pang isang Segundo, ay sumabog na!

Natakot naman ang ilan sa mga natirang buhay dahil sa pambihiranng Arcane Burst!

Ngayon lang sila nakakita ng ganito kalakas na spell!

Higit na ito sa realm ng Magic.

Ang bawat titig nito ay nagreresulta ng kamatayan. Pumapatay ito gamit lang ang paningin, isang pambihirang eksena!

Kahit si Jessica at Eve, na nasa gitna pa rin ng matinding laban, ay natigilan.

Ang Inheritor ng Wizard God!

Kung sa ibang tao nanggaling ang titolong ito, marahil magtutunog biro ito.

Pero nangmula na ito sa anak ng God of Dawn and Protection! Iba na ito.

Maraming nalalaman ang anak ni Anuba Grant at hindi ito magsasalita ng walang katuturan.

At dahil sa purong Arcane Energy na iyon, ang mga nais sanang makakuha ng Fate Tablet ay nawala na ng pag-asa!

Paano pa nga naman sila magkakaroon ng pagkakataon kung ganitong klase ng magkapatid ang kanilang kalaban?

Isang Half-Plane Guardian Ruler of the Night.

At isang batang Legend Wizard na mayroong nakakatakot na paraan ng pagpatay!

Kung patuloy na lalakas ang mga ito…

'Hindi lang sa Feinan… Kundi sino pa sa buong Universe ang makakalaban sa kanilang kapangyarihan?'

Ito ang tumakbo sa isipan ng mga naroon.

Nagsimula nang humina ang paniniwala nila sa kanilang mga God!

Matapos pasabugin ni Wayne ang siyam pang Divine Servant, tumigil na ito.

Makikita ang pagod sa mukha nito.

Habang dahan-dahan itong bumababa sa lupa, tiningnan nito si Marvin at sinabing, "Ah…Sumapo na sayo ang Fate Tablet."

Nagkibit-balikat naman si Marvin at sinabing, "Hindi ko alam…"

"Walang problema doon!," Hinihingal pa rin si Wayne.

Tiningnan nito si Marvin at sinabing, "Kahit na sinabi kong gusto kong makuha ang Fate Tablet para mabilis na maging God of Magic, makakamit ko pa rin naman 'yon kahit wala ang Fate Tablet. Walang problema sa akin kung hawak ng kapatid ko ang Fate Tablet."

Tumango si Wayne. Talagang bumalik na sa dati si Wayne.

Siguradong mataas pa ang maaabot ni Wayne dahil sa nakamtan nitong kaalaman mula sa Wizard God.

Pabibilisin lang sana ng Fate Tablet ang proseso nito.

Hindi inaasahan ng lahat ang biglang paglitaw ni Wane. Kahit si Eve at Holy Paul ay ikinagulat ito.

Matapos ang pagpatay ni Wayne sa mga kalaban, kahit pa anong sabihng ng God of Dawn and Protection, wala nang silbi ito.

Maraming tao na ang namatay, at lahat sila ay hindi kayang labanan ang tahimik na Arcane Burst. Kahit ang ability ng ilang Divine Servant na pumoprotekta sa kanila mula sa isang mabilis na pagkamatay ay nawalan ng saysay. Gaano nga ba kalakas ang mga Arcane Spell ni Wayne?

Ayaw nang manatili pa sa lugar na ito ang mga natitirang mga tao. Tila halimaw ang magkapatid na ito na nagmula sa White River Valley.

Kahit si Eve ay tinawag na pabalik ang kanyang mga Holy Swords at napasimangot na lang. Naramdaman niyang hindi niya mapapatay ngayon si Marvin.

"Tara na," buntong hininga nito habang tinatawag ang anak ni Anuba Grant.

Pero tiningnan nito si Marvin nang walang sinasabi.

Malinaw ang ibig nitong sabihin.

Papatayin siya nito.

Wala rin ginawa si Marvin. At sa susunod na magkita sila ni Eve, hindi na bibigyan pa ng pagkakataon ni Marvin ito na makapagsalita.

Valkyrie Inherito? Three Northern Cities Guardian?

Pinagbantaan nito ang buhay ni Marvin, kaya siguradong ibubuhos ni Marvin ang lahat ng lakas niya sa oras na muli silang nagkita.

Hindi siya magpapakita ng awa ditto.

Ito ang napagdesisyonan ni Marvin!

Mukhang sa wakas ay natapos na rin ang labanan sa bulwagan.

Kumilos na ang lahat. Bukod sa grupo ni Marvin, umalis na ang lahat mula sa Sky Tower.

Bumintong-hininga ang Copper Dragon.

Matapos nitong gamitin ang Ciunter Storm kanina, nakatamo ito ng maraming pinsala.

Kahit na malakas ang pisikal na katawan ng mga Dragon, hindi madali ang pagharap sa napakaraming Divine Servant habang mayroong pinoprotektahan.

Natuwa naman si Marvin dahil sa mga nanatili sa tabi niya noong naging mapanganib ang sitwasyon.

May gusto sana siyang sabihin pero biglang nasira ang selyong ginawa ng Truth Scale Imprint kahit na matibay pa ito ilang sandali lang ang nakakaraan.

"Ssss!"

Dalawang malaking ulo ng ahas ang lumabas mula sa makapal na hamog!

Ang World Ending Twin Snakes!