Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 695 - Grievous Injuries!

Chapter 695 - Grievous Injuries!

Mayroong mga hindi inaasahang pagbabago sa Sky Tower.

Dahil sa pagkuha ni Marvin ng Fate Tablet, maraming bagay ang nangyari.

Ang mga Transparent Room kung saan nakakulong ang hindi mabilang na mga powerhouse ay nawala na.

Ang lahat ng nasa loob ng mga ito ay lumitaw sa pinakatuktok na palapag ng Sky Tower.

Gulat nilang tinitingnan ang lagusan papasok ng Ethereal Plane.

Ang tibok ng puso na nagmumula sa kaloob-looban pati na ang mga kahindik-hindik na eksenang lumalabas sa kanilang harapan ang gumising sa mga Divine Servant na kanina'y lubog sa pagintindi ng stone tablet!

"Anong…Nangyari?"

"Anong nangyayari? Nakakita ako ng dalawang malaking ahas na tila hahatiin ang kalangitan!"

Ang Wold Ending Twin Snakes! Muling nabuhay ang World Ending Twin Snakes!"

Natatarantang ibinahagi ng mga Divine Servant ang lahat ng kanilang nakikita.

"Ito ang daan papasok sa Ethereal Plane! Kailangan nating iselyo ito kaagad!"

Isa sa kanila ang nakaisip ng ideya.

Ang lahat naman ng nasa Astral Sea ay agad na sumang-ayon.

Malaki ang takot ng mga Divine Servant sa kapangyarihan ng mga God.

Ito ang Law Power.

Kung lilitaw dito ang World Eding Twin Snakes, sapat na ito para patayin silang lahat!

Pero noong mga oras na iyon, isang malumanay na boses ang nagsalita, "Isasarado ang Ethereal Plane? Paano na ang Fate Tablet?"

Natahimik ang lahat ng Divine Servant nang banggitin ang Fate Tablet!

Ang ilan ay hinanap pa ito kung saan-saan, habang ang iba ay nakatanggap na ng impormasyon mula sa labas ng Feinan!

Tapos na ang laban sa pagitan ng mga God at ng Astral Beast, at matapos kunin ni Marvin ang Fate Tablet, ang Order Power sa Sky Tower ay nawala na.

Isang mensahe ang kumalat sa loob ng Sky Tower!

Mayroong napagtanto ang mga Divine Servant!

"Si Marvin!"

"Nakuha n ani Marvin ang Fate Tablet!"

"Siya ang nagpakawala ng World Ending Twin Snakes, siguradong nasa loob pa siya ng Ethereal Plane!"

"Pucha! Sinasabi ko na nga bang gagawa ng malaking delubyo ang Human na 'yon! Kailangan natin isara agad ang lagusan papasok ng Ethereal Plane!"

"Tama! Pero hindi natin maaaring hayaang makalabas ang World Ending Twin Snakes!"

Nagkakagulong nagsisigawan ang mga Divine Servant.

Malinaw na ang opinyon mula sa mga nasa Astral Sea.

Marami nang God ang nagsabi na mas gugustuhin nilang manatili muna ang Fate Tablet sa Ethereal Plane sa ngayon, at isugal na mapunta ito sa kamay ng World Ending Twin Snakes, kesa hayaang mapunta ito kay Marvin!

Ang i-selyo siya sa Etheral Plane ang pinakamagandang gawin sa ngayon.

Pero noong tatangkain na nila itong gawin, isang malaking kuko ang nahulog mula sa kalangitan, at bumagsak ito sa harap ng daan papasok ng Ethereal Plane.

Biglang lumitaw ang Copper Dragon at halos mapuno ang kabuoan ng tuktok na palapag ng Sky Tower dahil sa laki ng katawan nito.

Tiningnan niya ang mga Divine Servant gamit ang kanyang malaking mata, at ang boses niya ay tila kulog, "Walang maaaring magsara ng lagusan na ito!"

"Hanggang sa makalabas si Marvin, walang pwedeng magsara nito."

Kahit na ang Dragon Might ng Copper Dragon ay hindi madaling matatakot ang mga Divine Servant gaya ng sa mga mortal, sapat na ang lakas na pinakita nito sa pakikipaglaban sa labas ng Sky Tower para magdalawang isip ang mga ito.

Isa pa, hindi ito mag-isa.

Si Ivan, ang Sea Elven Queen, si Jessica, at ang iba pa ay mabilis na sumunod sa Copper Dragon.

Hindi ganoon karami ang mga taong nagmula sa Feinan ang pumasok sa Sky Tower pero ang lahat ng mga ito ay kabilang sa mga pinakamalalakas na tao.

Hindi lang sila basta manunuod at hahayaan ang grupo ng mga Divine Servant na i-selyo si Marvin sa loob ng Ethereal Plane.

Natigil ang lahat!

Sa loob ng Ethereal Plane, isang hindi patas na laban ang nagaganap!

Nang muling magising ang World Ending Twin Snakes, muling sumugod ang lahat ng halimaw kay Marvin.

Pero kahit na nakatamo ng pinsala si Marvin dahil sa ability ng Twin Snakes, mayroon pa rin siyang Post-Godly Dexterity.

Sa ilang pag-iwas lang, natakasan na niya ang mga halimaw na humahabol sa kanya!

'Nakakatakot ang lakas!'

'Nagawa ko nang masagad ang ebolusyon ng Advanced False Divine Vessel! Kaya kung tutuusin, dapat ay wala nang Law ang makakagawang puminsala sa akin!"

'Pero noong sinuntok niya ako, para bang isang buong bundok ang tumama sa sikmura ko.'

Kung tumama ang pag-atake kay Marvin nang wala siya sa kanyang Diamong Shape, maaaring ikinamatay na ito ni Marvin!

Nabahala sa sitwasyon si Marvin.

Dahil walang epekto sa kanya ang mga Law, isa lang ang posibleng dahilan nito.

Habang nasa kanilang Humaniod Shape, taglay pa rin ng World Ending Twin Snakes ang pisikal na lakas ng kanilang pangunahing katawan!

Ang katawan ng isang Evil God ay tila isang nakakatakot na halimaw. Hindi maarok ang kayang abutin ng kanilang mga attribute!

Dahil hindi nagtagumpay si Marvin sa kanyang pag-atake, wala na siyang magagawa kundi umatras.

Masyadong makapngyarihan ang dalawang ito. Isama pa ang hindi mabilang na mga halimaw sa paligid, sadyang wala siyang kakayahang harapin ang mga ito.

At kahit ang pagtakas ngayon ay tila kumplikado.

Muli nang nagising ang World Ending Twin Snakes!

Nagsimula nang gumuho ang kalangitan ng Ethereal Plane. Naghiwalay ang dalawa at naging isang malaking Azure Snake at isang malaking Crimson Snake!

"Grambol!" Nahulog mula sa kalangitan ang mga ahas, isa sa harap, isa sa likod, hinarangan ng mga ito ang dadaanan ni Marvin.

"Ikaw si Marvin," seryosong sabi ng Azure Snake, "Pinatay mo ang anak na lalaki namin."

"Pinatay mo rin ang anak na babae naming," dagdag pa ng Crimson Snake.

"At ikaw rin ang napili ng tampalasang 'yon."

"Kaya ba mamamatay na ako ngayong araw?" Panunuya ni Marvin.

Hindi nab ago sa kanya ang mga pangungusap na ito!

Pero hindi naman nagdulot ng pagbabago sa mga mukha ng Twin Snakes ang panunuya ni Marvin. Hinarangan ng Crimson Snake ang daan palabas ng Ethereal Plane habang papalapit naman kay Marvin ang Azure Snake!

Ang kanyang Katawan ay kasing laki ng Sky Temple. Sadyang nakakagula ito!

Wala nang pag-asa kung pipigilan pa Marvin ang kanyang lakas.

Wala siyang magagawa kundi ibuhos ang lahat!

Ginamit niya ang Ruler's Wrath!

Sa isang iglap, mabilis na nagbago ang laki ni Marvin!

Dahil sa mga bonus ng advances False Divine Vessel, at sa suporta ng Fate Power, naging isang higante si Marvin.

Iwinasiwas ng Azure Snake ang buntot nito kay Marvin.

Mahinahon naman na ibinuka ni Marvin ang kanyang mga kamay para subukang saluhin ito.

"Bang!"

Narining niyang nabali ang ilang buto niya sa kamay!

Talagang nakakatakot ang kapangyarihang ito!

Kahit pa ginamit na niya ang Ruler's Wrath, muntik nang matalo si Marvin dahil sa isang paghampas ng buntot!

Matinding sakit naman ang naramdaman ni Marvin sa kanyang isipan.

Mabuti na lang at malakas ang kanyang willpower at nagawa pa rin niyang hawakan ang buntot nito nang sapilitan.

Pero noong handa na siyang umatake, nakaramdam siya ng matinding sakit mula sa kanyang likuran!

Sinunggaban ng Crimson Snake si Marvin mula sa kanyang likuran at pumulupot ito sa kanyang baywang!

Sa isang iglap, inatake ng dalawang malaking ahas si Marvin at nailagay siya sa matinding panganib!

Nahihilo na si Marvin.

Pero alam niyang kung hindi siya makaka-alis sa sitwasyon na ito ay siguradong kamatayan ang naghihintay sa kanya.

Mabuti na lang ay taglay pa rin niya ang kanyang fighting instinct.

Tinigil niya ang paggamit ng Ruler's Wrath, at bumalik sa normal na laki ang kanyang katawan.

Malala na ang kanyang kalagayan. Iilang buto na lang niya ang natitirang buo, at malaki na rin ang pinsala ng kanyang mga lamang loob.

Mayroon ding mga salitang lumitaw sa kanyang interface: Grievous Injuries!

At kaunti na lang ay mag-aagaw buhay na siya.

Noong oras na iyon, saka lang naunawaan ni Marvin ang tunay na lakas ng World Ending Twin Snakes.

Ang kanilang pisikal na lakas pa lang ay maihahalintulad na sa isang Astral Beast.

Isama pa na hindi pa gumagamit ng Magic ang mga ito, napagtanto ni Marvin na hindi niya kakayaning talunin nang mag-isa ang mga ito!

Kaya naman, wala siyang magagawa ngayon kundi ang tumakas!

Pero.. Kung nasa harapan at likuran niya ang mga Ancient Evil God na ito, paano nga ba siya makakatakas?

____

Shiraishi

Sofa -

So, for anyone interested in a shot at the Steam Key, here's the riddle:

Shiraishi goes to the nonfiction section of his local library to find 5 volumes of -Rodeur Nocturne- lined up on the shelf from 1 to 5 with their spines facing him. The volumes have no covers, and each volume is 5 cm thick. Shiraishi would like to know:

How far is it (in cm) from the first page of volume 1 to the last page of volume 5?

Please give your answer to the above riddle along with an explanation of your answer in the #riddle-contest channel in the Discord server if you want a chance to win the Steam key for Castlevania: Lords of Shadow 2.

And why does he want to know this? Idk, maybe his math skills aren't the best. Are yours better?

Shiraishi -

Shoo. My Maths are unequalled.