Sa pinakamataas na palapag ng Sky Tower.
Unti-unti nang nagiging transparent ang lagusan patungo sa Ethereal Plane.
Ang lahat ng nakatingin dito ay malinaw na nakikita ang nangyayari sa Ethereal Plane.
Hindi nila inaasahan na ang una nilang makikita ay ang higanteng si Marvin na kinakalaban atn dalawang World Ending Twin Snakes!
Ang laban sa pagitan ng higante at ng mga mabangis na ahas ay isang matinding eksena para sa kanilang lahat.
Ang ilan sa mga Divine Servant na handa na sanang kumilos laban kay Marvin ay lalo pang natakot!
Ganito pala kalakas si Marvin?
Kaya na niyang harapin ang World Ending Twin Snakes?
Matinding takot ang naramdaman nila sa kanilang mga dibdib.
Pero bago pa man nila maunawaan ang nangyayari, nagbago na agad ang sitwasyon!
Sa ilalim ng sabay ng pag-atake ng World Ending Twin Snakes, nalagay sa matinding panganib si Marvin!
Matapos itigil ang paggamit sa Ruler's Wrath, tila isang maliit na bangka na lang si Marvin na sinusuong ang isang napakalakas na bagyo nang lumapag ito sa pagitan ng dalawang dambuhalang ahas.
Napigil ang paghinga ng lahat ng manonood, lahat sila ay tutok sa eksena sa kanilang harapan.
Kung mamamatay si Marvin sa kamay ng World Ending Twin Snakes, magiging mas mabuti dahil hindi na nila kakailanganinpang lumaban.
Pero nag-aalala ang lahat ng tagapagtanggol ng Feinan.
Sa sitwasyon na ito, hindi magandang ideya ang basta-basta na lang pagpasok sa Ethereal Plane.
Lalo pa at malayo -layo pa rin sila sa lugar kung saan nagaganap ang laba. Kahit si Professor, na pinakamalapit sa lagusan, ay hindi magagawang tulungan si Marvin hangga't hindi nakakatakas ito nang mag-isa mula sa Twin Snakes!
Walang ibang maaasahan si Marvin kundi ang kanyang sarili!
Dahil sa kritikal na stiwasyon na ito, nagdesisyon si Marvin.
Sa harap ng lahat ng gulat na manonood, ang payat at maliit na pigurang iyon ay nagdesisyong atakihin ang Azure Snake na mas malayo sa lagusan ng Ethereal Plane!
"Nababaliw na ba siya?"
"Sa sitwasyon niya, bakit hindi pa siya tumakas?!"
"Tumatakbo siya nang ganoon kabilis patungo sa Twin Snakes, kahit na isa pa soyang tunay na higante, hindi ba madudurog lang siya?"
Lahat sila ay nagulat.
Ngumisi ang Azure Snake. Wala na itong pakielam sa kung ano pa ang subukang gawin ni Marvin bilang pagtatangkang mabuhay.
Agad nitong iwinasiwas ang buntot nito kay Marvin!
Kahit na malaki ang kanyang katawan, mabilis ang pagkilos nito.
Gumihit ang anino ni Marvin sa kalangitan, pero hindi siya umiwas. Sa halip, binilisan pa nito ang takbo patungo sa buntot!
Sa isang iglap, biglang nagbago ang kanyang katawan. Mula sa kanyang Human Shape, naging itim na itim siya, at nagbabagang Devil Magic Egg!
Shapeshift Sorcerer – Magic Addict Shape!
Sa oras na ito, na hindi pa maaaring muling gamitin ang kanyang Diamond Shape, Walang magagawa si Marvin kundi umasa sa pambihirang depensa ng Magic Addict Shape!
Kahit na makapangyarihan ang World Ending Twin Snakes, makapangyarihan din si Marvin, at ang Magic Addict Shape ay ang kanyang huling baraha!
Matapos higupin ang Devil Spawn ng Molten Archdevil, lalo pang lumakas ang epekto ng Magic Addict Shape.
Maaari na lang siyang sumugal gamit ito!
"Bang!"
Isang malaking buntot ang tumama sa Devil Magic Egg!
Marahil ay nagulat ang mga ito sa biglaang pagpapalit ng anyo ni Marvin dahil pinatalsik siya ng mga ito!
Tila isang baseball bat ang buntot ng Azure Snake at naiitsa si Marvin sa malayo!
Direktang nilampasan ni Marvin ang depensa ng Crimson Snake at lumipad patungo sa lagusan ng Ethereal Plane!
Sa isang iglap, naunawaan ng lahat ang plano ni Marvin.
Gamit ang sariling pag-atake ng Twin Snake, gumawa siya ng paraan para makatakas mula sa mga ito!
Pero ang problema ay nasa Magic Addict Shape ngayon si Marvin kaya hindi siya maaring gumalaw.
At kahit na matatag na depensa ng Magic Addict Shape, mahirap para kay Marvin na saluhin ang atake ng Azure Snake.
Ang Status sa kanya interface ay naging [Near-Death] na!
Kung walang tutulong sa kanya, maaaring mamatay na si Marvin kapag tinamaan pa ito muli!
Ang Crimson Snake, na humaharang kay Marvin mula sa lagusan ng Ethereal Plane ay umatungal nang napakalakas at sinugod ito. Balak nitong lamunin ito nang buo.
Sa kritikal na oras na ito, hindi binigo ng mga powerhouse ng Feinan si Marvin!
"Rawr!"
umalingawngaw ang pag-atungal ng isang Dragon at isang nakakatakot na Dragon Breath ang lumabas mula sa bibig ni Professor.
Magkahalong Lava at apoy ang magkahalong lumabas!
Hindi lang ito isang pangkaraniwang Dragon Breath, bagkus ito ay lava na naipon at namuo sa kanyang katawan sa loob ng ilang dosenang taon!
Ang mabagsik na pag-atake ay sapat na para sapilitang mapatigil ang World Ending Twin Snakes panandalian.
Matapos ilabas ng Professor ang Dragon Breath na iyon, ang orihinal na punong dibdib nito ay tila bahagyang lumiit, at tila nawalan ng kinang ang mga mata nito.
Pero sapat na ang pagkakataong nagawa nito.
Kumilos na rin si Ivan pero naunahan na ito ni Jessica.
Ang 7th Layer Fate Power ay lumitaw, hindi ito nagpatinag sa mga Ethereal Plane Law at hinila pabalik si Marvin!
Tila ba hinihila nito si Ding papunta sa kanya.
"Woosh!"
Isang anino ang nahila, pero hindi ito naging madali.
Ilang sandali lang, nakabalik na si Marvin sa pinakamataas na palapag ng Sky Tower.
Agad naman na umatras sina Professor at ang iba pa.
Galit na gait ang World Ending Twin Snakes kasabay ng pamumuno nila sa grupo ng mga halimaw palabas ng Ethereal Plane.
Biglang nagbago ang mukha ng lahat ng nasa Sky Tower. Tila ba lahat na sila ay gustong tumakas!
Kahit na wala silang alam tungkol sa kakayahan ng World Ending Twin Snakes noon, ngayon ay natunghayan na nila ito!
Ang kanilang pisikal na lakas pa lang ay higit na sa buong lakas ni Marvin. Kaya sadyang hindi kakayaning harapin ng iba sa mga ito ang Twin Snakes.
Kung talaga ngang makatakas ang Twin Snakes mula sa Ethereal Plane, kahit na magtulong-tulong pa ang mga Divine Servant na ito, na nasa taas ng Sky Tower, at ang mga powerhouse, ay hindi pa rin nila makakayang talunin ito.
Gayunpaman, sa Magic Addict Shape ni MAvin, isang malalim na marka ng Scale ang makikita.
Ang liwanag ng Truth Scale ay agad na pinaliwanag ang Sy Tower!
Umagos sa lugar ang Boundless Divine Power!
Sa isang iglap, sa impluwensya ng Truth Scale, nagsimula nang sumara ang lagusan ng Ethereal Plane.
Umabot na sa dulo ang World Ending Twin Snakes at walang habas na inatake ang nagsasarang lagusan.
Mukhang hindi matatag ang Truth Scale Imprint dahil tila kumakalat ito kapag nahaharap sa isang malakas na pag-atake.
Sa kabila nito, bahagyang kumalma ang lahat.
Ang lahat ng mayroong matalas na paningin ay malinaw na nakikita ang Truth Scale Imprint.
Alam naman ng lahat na mayroong magandang relasyon si Marvin sa Goddess of Truth, kaya hindi na nakakagulat na mayroong itong Truth Imprint.
Gayunpaman, sigurado ang napakaraming Divine Servant na hindi makakapagpakita ang Truth Goddess sa lugar na ito.
Tulad ng ibang mga God, ang kanyang Divine Vessel ay masyadong malakas. Nararamdaman nilang kapag pumasok ito sa Feinan ngayon, siguradong malaking delubyo ang ihahatid nito.
At dahil nalutas na ang problema sa Ethereal Plane sa ngayon, muling napunta ang atensyon ng lahat kay Marvin na walang tigil na humihigop ng Chaos Power para pagalingin ang kaniyang sarili!
Ang 4th Fate Tablet!
Hindi pa nila nalilimutan ang tungkol dito.
Kasalukuyang nanghihina si Marvin!
Alam ito ng lahat.
At marahil… marahil kahit ang mga powerhouse ng Feinan ay hindi magtulungan sa pagbabantay kay Marvin dahil sa tukso ng Fate Tablet. Tila ba kayang manipulahin ng Fate Tablet ang isipan ng mga nasa kapaligian nito at magdulot ng walang hanggang pagnanasa.
Isang Legend mula sa West Coast ang direktang nagsalita, "Mister Professor, sa tingn ko hindi nararapat na manatili kay Marvin ang Fate Tablet."
"Nakita mo mismo. Mayroon siyang dugo ng Hell na dumadaloy sa kanyang katawan, at naging isa Devil Magic Egg pa siya!"
"Malnaw na isa siyang nilalang na nagmula sa Nine Hells… Sa tingin ko ay wala nang dapat pag-usapan pa! Paano mo pagkakatiwalaan ang apo ni Diross, ang Lord ng Scorched Hell, na panghawakan ang Fate Tablet? Dapat ay manatili sa kamay ng Feinan ang kayamanan na 'yan!"
Nang lumabas ang mga salitang ito, nagdulot ito ng kaguluhan sa lahat ng nasa Sky Tower.