Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 596 - Contract Stone

Chapter 596 - Contract Stone

Naramdaman ni Saydis na ang lahat ng nangyari ay napakalayo sa kahit anong inaasahan ng sino man.

Ginawa niyang pyesa si Black Knight Sangore para gawin ang mga nais ng Extreme Evil Hell sa Feinan.

Mahigpit na minanipula ni Saydis ang kaluluwa ni Black Knight, at ginamit ang kanyang pyesa para gawin sa Feinan ang mga bagay na hindi niya mismo magagawa

Tulad na lang ng pangongolekta ng utang.

Hindi malilimutan noong nagpunta siya para singilin ang Bloody Emperor, ipinahiya siya nito at muntik pa siyang mamatay. Iyon ang panahon kung saan nagdiwang ang buong Underdark Empire at napakaraming nakakita ng kanyang kahihiyan. Inakala niya noong una na susunod sa kanilang Contract ang Bloody Emperor, sa halip, gumawa ng nakakagulat na bagay ito.

Hindi nito sinunod ang Contract at ginalit ang buong Hell.

Pero sa loob ng maraming taon, ang ipinagtataka ni Saydis ay kung paano nalusutan ng Bloody Emperor ang Contract.

Kaya naman inutusan niya ang Black Knight na pumasok sa tomb ng Emperor para linawin ito

Pero hindi maganda ang kinalabasan nito.

Nang madurog ang katawan ng Black Knight, si Saydis, na nagmamay-ari ng kaluluwa nito, ay agad na naramdaman ito.

Napaisip si Saydis.

Hindi naman siya gaanong nagulat sa pagkamatay ni Black Knight sa loob ng tomb. Isa lang itong pagpapatunay na marami pa rin iniwan na alas ang mandurugas na ito.

At ang masama pa doon, kailangan niya pang gumamit ng ibang mga tau-tauhan niya para subukan pumasok sa tomb.

Pero nang lumabas si Marvin nang ligtas sa tomb kasama ang tatlo pa, nawala ang pagkamahinahon ni Saydis!

'Paanong?'

'Nagtagumpay ang taong 'to?'

'Mayroong tinatagong alas si Sangore, ang Book of Nalu, pati na ang aking Supporting Contract. Kahit na hindi niyakayanin ang Spirit ng Bloody Emperor, dapat ay nagawa pa rin niyang makatakas…. Hindi kaya…'

'Pinatay ni Marvin ang Black Knight?'

Nahihirapan siyang paniwalaan ito.

Sa mga mat ani Saydis, kahit na hindi naman mahina si Marvin, nararamdaman niyang masyadong maraming pinagkukuhanan ng lakas si Marvin. Hinahamak ng noble na Devil gaya ni Saydis ang lahat ng ability na mayroon si Marvin, dahil nagmumula ang mga ito kung saan-saan kaya tila lumalabnaw ang kapangyarihan nito.

Hindi siya naniniwala na matatalo ang Black Knight kay Marvin.

Pero nasa harapan niya na ang realidad.

Inilabas ni Marvin ang batong puso at iniabot ito kay Blackhand, hindi man lang nito tiningnan si Saydis.

Nakangiti naman si Blackhand noong tatanggapin na niya ito.

Pero biglang sumigaw si Saydis, "Mister Marvin!"

'Sandali lang!"

Ngumiti si Marvin at nilingon ito para tingnan. "Ano 'yon, Sir Saydis?'

Tumawa si Saydis, pansamantalang isinantabi ang kanyang pagkagulat at pagdududa.

Makatotohanan siyang tao.

Tiningnan niya ang pusong bato sa kamay ni Marvin. Isa lang ang ibig sabihin nito, nadispatya na niya nang tuluyan ang Bloody Emperor Spirit.

Hindi lang niya tinuturing na kamuhi-muhing nilalang ni Saydis ang Bloody Emperor, umabot pa ito sa punto na: para sa mga Devil ng Nine hells, kahit pa gaanong karaming dahilan ang sabihin ni Saydis, siya ang kauna-unahang Devil na naisahan ng isang Human. Isa itong malaking kahihiyan.

Ang Extreme Evil Lord ay nakatamo ng maluluhang pinsala dahil sa pakikipaglaban nito para sa piraso ng ikatlong Fate Tablet, at ngayon ay nasa bingit na ito ng kamataya.

Ambisyoso ang mga Devil, at ang mga nasa Exterme Evil Hell ay tila mga buwitre, tahimik na nagmamasid nilalang na nakaupo sa trono habang pahina na ito nang pahina.

Bilang ikalawang anak ng Lord, ganito rin si Saydis.

Pero walang gaanong sumusuporta sa kanya sa Extreme Evil Hell.

Sa sobrang tuso at sa lakas ni Saydis, isa dapat siya sa mga pangunahing pagpipilian para pumalit sa trono.

Pero hindi na mabubura na nalinlang siya ng Bloody Emperor ilang taon na ang nakakalipas.

Para manahin niya ang trono pati na ang kapangyarihang kasama nito, kailangan niyang mahugasan ang kanyang kahihiyan!

Sa madaling salita, kailangan niyang makuha ang nakatakda sa Contract nila ng Bloody Emperor!

Kailangan niyang makuha ang kaluluwa ng mandarayang ito! Napakahalaga nito para sa kanya!

Sa sitwasyon na ito, kahit na hindi maganda ang naging relasyon nito kay Marvin, biglang nagbago ang pakikitungo nito.

Iniayos niya ang kanyang sarili at ngumit nang napakalaki. "Handa akong magbayad nang malaki para bilhin ang Contact Stone na nakuha mo mula sa bangkay ng Bloody Emperor.

Tumaas ang kilay ni Marvin sa gulat, at nagpanggap ito na hindi niya naiintingihan. "Stone? Anong Stone? Ito ba ang sinasabi mo?"

"Pero ito ang pusong bato hindi ang Contract Stone. Ito ang hiningi sa akin ng Scorrched Hell. Ito ang dahilan kung bakit nila ako tinulungan makapasok sa Devil Town." Nakakakumbinsi ang pag-arte ni Marvin.

Hindi magandang bagay ang panlilinlang kay Saydis. Lalo pa at base sa pagkaka-unawa niya sa mga Devil, masasabi niya kung gaano kagusto ni Saydis ang Contract Stone.

Pero sa kasamaang palad, hindi ito maaaring ibigay sa kanya ni Marvin.

Ang Contract Stone na ito ang susi para matapos ni Marvin ang misyon na ibinigay sa kanya ng Spirit. Tanging kapag pag-aabot nito kay Butterfly, saka niya lang makukuha ang pahintulot ng Tyrant para sa Sodom's Blades.

Kasabay nito, maaari rin niyang malaman kung ano ang nangyari noong taon na iyon sa Underdark Empire.

Kaya naman, handa siyang itago ito kay Saydis.

Nang makita ang tapat na reakson ni Marvin, napasimangot na lang si Saydis. "Wala ang Stone?" Tanong nito.

Ibinuka ni Marvin ang kanyang mga kamay at inulit na, "Walang bato."

Bumuntong hininga si Saydis at sinabing, "Kung ganoon…. Namangha ako sa ipinamalas mo. Makapangyarihang Spirit 'yon, at hindi ka lang nakabalik nang buhay, nagawa mo pang makakuha ng benepisyo mula dito. Wag mo nang itanggi, nakakaramdam ako ng isang pares ng mapanganib na sandata sayo. Nakakalungkot lang na wala ang Contract Stone, pero makatwiran naman akong Devil."

"Kung balang araw… oo sabihin na natin na balang araw, maalala mong may nakuha kang Stone sa Tomb. Nakikiusap ako na tawagan mo ako."

"Handa akong magbayad nang malaking halaga, isang halagang hindi mo maaarok, at ipinapangako ko rin ang pakikipagkaibigan ng Extreme Evil Hell."

Matapos sabihin ito, unti-unto nang nawala si Saydis.

Isang itim na rune ang naiwan sa kamay ni Marvin.

Dinama ni Marvin ang bigat ng rune at itinago na ito.

Kahit na hindi mabuti si Saydis, iba't ibang klase ng kaibigan ang matatagpuan sa iba't ibang lugar. Sa Era na ito, walang makakapagsabi na wala silang magiging problema, at hindi nila kakailanganin ng ka-alyansa.

Marahil isang araw, kailanganin niya ang itim na rune na iyon.

Matapos umalis si Saydis, nakahinga na nang maluwag ang lahat.

Matinding banta ang dala ng makapangyarihang Devil na ito sa lahat ng nasa paligid nito, kahit pa na sa Devil Town ang mga ito.

Ibinigay ni Marvin kay Blackhand ang pusong bato, na ipinangako niya dito bago siya pumasok sa tomb. Pagkatapos nito ay umalis na si Blackhand at bumalik na sa Scorched Hell.

Tulad ni Saydis, binigyan siya ni Blackhan Bard ng ibang paraan para matawagan ang Scorched Hell.

Tiningnan ni Marvin ang itim na rune sa kanyang storage, pati na ang kulay pulang bato na hawak niya, at malalim na nag-iisp.

Ang pinakamalaking bagay na nakuha niya, bukod sa Sodom's Blade at ang isang pahina ng Book of Nalu, ay ang dalawang bagay na ito.

Dalawang bagay na kumakatawan sa dalawang kapangyarihan ng Nine Hells.

Dahil sa kumplikadong sitwasyon ng Feinan, maaari niyang mapakinabangan ang dalawang bagay na ito kalaunan.

Sigurado siya dito.

....

Matapos niyang umalis sa Devil Town, humiwalay na si Marvin sa tatlo.

Susundan ng tatlong iyon ang parehong ruta na dinaanan nila para makarating sa Devil Town, tatawid sila sa isang lagusan para makapunta sa kabilang dako ng baybayin, aalis sila ng Underdark at magtutungko sa White River Valley. Pagkatapos nito ay magbabalita ang mga ito kay Madeline at susundin ang mga ibibilin nito.

Para naman kay Marvin, mayroon siyang sinundang lubak-lubak na daan at nagtungo siya pa-kanluran.

'Oras na para bisitahin ang traydor na Witch.'

Tiningnan niya ang swamp, at mayroong ngiti na gumuhit sa mukha niya.