Ang Rotten Mushroom Swamp ang nasa pinaka-timog na bahagi ng Underdark.
Dahil sa Snake Witch, karamihan ng mga taong nagpupunta rito nang mag-isa ay hindi na nakakalabas nang buhay.
Naglagay ng patibong ang Snake Witch sa buong kapaligiran at saka ito bumalik at nanirahan sa isang bahay sa gitna ng swamp. Ginugugol niya ang lahat ng kanyang oras para alisin ang curse ng Witch Queen.
Sa kasamaang pala, baka mawalan na siya ng pagkakataon na matanggal ang curse.
Dahil bibisitahin siya ngayon ni Marvin!
…
Hindi si Marvin ang klase ng tao na papatay nang walang dahilan, pero ang isang masamang nilalang gaya ng Snake Witch ay naiiba.
Tinuturing na taksil ang babae na ito sa mga salaysay sa kasaysayan ng Feinan.
Dahil hindi niya nakuha ang kagustuhan na maging Witch Queen, tumiwalag ito at ibinunyag ang lokasyon ng headquarter ng mga Anzed sa kanilang mga kalaban, kaya naman marami ang namatay sa mga Anzed Witch. Pagtapos nito, puasok siya sa Underdak at sinubukang pangsiwaan ang isang pwersa para mayroong siyang pamunuan. Pero dahil ang lalaking kinakasama niya ay mayroon ding iba pang mga babae, ginamit niya ang lason para patayin ang lalaking iyon. Dahil doon nalugmok sa takot sa lason at sakit ang buong siyudad.
Hindi bababa sa 3000 inosente ang namatay dahil sa kanyang ginawa.
Ayon sa ulat, noong taon na iyon, higit sa tatlong daan na noble ang nalason at namatay sa [Mottled City], at hindi naman mabilang ang mga namatay na mga pangkaraniwang tao at mga alipin.
Kahit na isa itong sikat na siyudad sa Underdark, hindi na nakabangon muli ang Mottled City, at nagpatuloy ang pagbagsak nito sa paglipas ng tao.
Kalaunan, naubos na ang mga tao sa siyudad, at ang mga dating nakatira dito ay nagpakalayo-layo na at lumipat sa Rosen Strongholds.
At ang lahat ng ito ay dahil sa mabagsik na pag-atake ng Snake Witch.
At nang magpunta ang Witch Queen para pagbayarin ito sa kanyang mga nagawa, sinubukan niya pang makipagsabwatan sa isang externa plane, pero nalaman din ng Witch Queen ang plano nito.
Ang Aberration ay itinapon sa Astral Plane Void, at pinatawan siya ng curse.
Mayroon itong nakaka-akit na itsura, pero sa oras na lumabas siya ng Swamp, magiging napakapangit nito.
Kapag nasinagan siya ng araw, magsisimulang mabulok ang kanyang balat.
At dahil sa curse, walang magkakagusto sa kanya. Makakaramdam ang lahat ng tao ng pandidiri at pagkasuklam sa kanyang kapag nakikita ang kanyang mukha.
Ito ang kaparusahang ibinigay sa kanya ng Witch Queen.
Sa loob ng isang libong taon, mag-isang namuhay ang Snake Witch sa dilim.
Matindin ang kapangyarihan ng pagkamuhi, at gusto niya rin matanggal ang curse ng Witch Queen.
May ilang manlalaro sa laro na posibleng piliin na tulungan ang Snake Witch sa paghihiganti nito.
Pero ang quest na ito madalas ginagawa lang ng mga manlalarong nakahanay sa kasamaan, dahil kapag nagtagumpay ito, matatanggap nila ang galit ng mga Anzed.
At ang Snake Witch ay magssagawa rin ng mga paghihiganti nang mag-isa.
Malas lang nito, sa laro, nasira na ng grupo ng mga player ang quest na ito.
Nakakatanggap sila ng mga misyon mula sa mga Anzed Witch para malaman kung ano ang kalagayan ng Snake Witch, at sa oras na dumating sila sa Swamp, pinapatay nila ito.
Nalaman ni Marvin ang tungkol sa Snake Witch nang lumabas ang balita tungkol sa quest na ito.
Makapangyarihan ang babaeng ito. Sa katunayan, kung hindi lang masama pagkatao nito, magiging malaking tulong ang talent nito.
Ang kanyag Alchemy at Potioneering, lalo na sa paggawa ng mga lason, ay umabot na sa napakataas na level, at kung gagamitin ito nang maayos, maaari rin siyang makakuha ng malaking halaga ng pera sa pamamagitan ng marangal na paraan.
Sa kasamaang palad, napatunayan na ng kasaysayan na hindi isusuko ng babaeng ito ang pagkamkam ng kapangyarihan, at hindi siya ang uri ng tao na madaling kumbinsihin.
Nagpunta si Marvin dito para malaman ang tungkol sa kanyang Potioneering at para makuha ang kanyang mga Alchemy Item.
At kung kailangan niyang patayin ito, parang dinispatya niya lang ang isa sa mga sakit sa ulo ng mga Anzed. Maaari niya itong gawin.
Lalo pa at si Hathaway na ang kasalukuyang Anzed Witch Queen, kaya ang pagdispatya sa isa sa mga kalaban nito ay isa lang sa mga bagay na maaari niyang gawin para dito.
…
Maraming patibong sa buong Rotten Mishroom Swamp, pero mayroong alam si Marvin na ligtas na rutang dadaan sa gitna ng swamp.
Ang daan na ito ay ginagamit na daan sa pagtakas ng Snake Witch. Para magamit ito, kailangan ikutan ang Devil Town at pumasok sa swamp mula sa mga katimugan.
Naisip ng Snake Witch na sapat nang hadlang ang Dark River kaya walang problema kung mag-iiwan siya ng maliit na daan na maaari niyang gamit kapag kailangan niyang umalis.
Malas lang niya na dumating sa mundong ito si Loremaster Marvin.
Siguradong mamamatay siya ngayon sa swamp na ito!
…
Isang mahinang bulok na amoy ang bumabalot sa hangin.
Ang mga Will-o'-wisp at mga paminsan-minsang sumasabog na mushroom ang dahilan kung bakit dapat maging alerto ang lahat ng dadaan dito.
Ginamit ni Marvin ang kanyang Stealth at mabagal na naglakad sa maputik na daan, palipat-lipat siya ng pinagtataguan.
Alam niyang na kailangan niyang maging maingat.
Tuso ang Snake Witch. Marami siyng inilagay na mga patibong at monitoring item sa daan na ito.
Kung magiging pabaya siya at may magalaw siyang hindi dapat, maaalerto ito at mapaghahandaan siya ng Snake Witch.
Ang Snake Witch ay isang Legend sa ikatlong Era, at dahil buhay pa siya, nangangahulugan na marami itong skill.
Kampante naman si Marvin na kaya niyang patayin ang Snake Witch kung masusurpresa niya ito.
Kung handa ito, magiging mas mahirap ito.
Kaya naman maingat siyang nagpatuloy habang papalapit siya sa hindi gumagalaw na Dark River.
'Buong buhay siyang nakatira sa isang lugar na ni hindi maiisipang umipot ng mga ibon. Kahit isang normal na tao ay hindi mananatiling normal…'
Bumuntong hininga si Marvin sa kanyang sarili.
At gaya ng inasahan niya, isang uwak ang dumapo sa isang malaking tumpok ng damo na lumulutang sa ilog na nasa bandang harapan niya, kaya napatigil si Marvin.
Pula ang mga mata ng uwak, at tinutuka nito ang damo, Base sa hugis ng damo, hakatang mayroong makapal at gutay-gutay na bangkay sa ilalim nito.
Tiningnan ni Marvin ito at nasabing bangkay ito ng isang buwaya.
Hindi pa rin siya kumilis.
Ang uwak na ito ang isa sa mga hayop na ginagamit ng Snake Witch para magmanman sa kanyang paligid. Kahit na mataas ang Stealth ni Marvin, sa harap ng isang matalinong nilalang na, mas mabuting manatili siyang nakatago.
Nagdesisyon si Marvin na gawin ang pinakaligtas na pamamaraan.
Ang paghihintay!
Bilang isang Legend rogue, alam ni Marvin ang kahalagahan ng paghihintay, sapat din naman ang pasensya niya para gawin ito.
Maaari niyang hintayin na lumipad papalayo ng uwak at samantalahin ang pagkakataon na tumalon sa tumpok ng buwaya.
Mabagal ang paglutang ng tumpok ng damo sa ilog. Kapag masyado na itong lumayo, hindi niya alam kung kailan pa siya uli makakakit ang tumpok ng damo.
Sa Swamp na ito, ang padalos-dalos na paggamit ng displacement skill ay maaaring maramdaman ng Witch.
Kaya kailangan maging tahimik at maingat ni Marvin.
Pero habang nakatingin sa distansyang nasa pagitan niya at ng tumpok ng damo, hindi mapigilan ni Marvin na mapakamot sa kanyang ulo.
'Mukhang medyo malayo.'
'Kung tumalon ako nang malayo at tumalon uli habang nasa ere, maaabot ko naman siguro yon, pero ang ganoong klaseng movement skill ay maaaring maalarma rin ang Witch…'
Iniisip ni Marvin ang pinakamagandang gawin, nang biglang may napagtanto siya.
'Sandali…Ang Dexterity ko….'
'Ang katawan ko…. Kelan ako nakalagpas sa limitasyon?!'
Nang makita niya ang kanyang interface, bigla siyang nagulat at natuwa.
Dahil nakita niya sa ilalim ng hanay ng mga attribute sa kanyang interface ay mayroong nakasulat na:
[Dexterity: 35] (Post-Godly Dexterity)