Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 595 - Seed (2)

Chapter 595 - Seed (2)

Sa mundong ito, laging mayroong hindi malinaw na mga nagkataon na pangyayari.

Nagpunta si Marvin sa Devil Town para hanapin ang Sodom's Blades. Sa katunayan, naisip niya ito dahil sa instinct niya bilang manlalaro. Dahil sa patuloy niyang paglakas, kailangan niya rin palitan ang kanyang kagamitan.

Bilang isang Ruler of the Night, hindi mahalaga ang ibang mga kagamita, pero importante ang isang magandang sandata. 

Noon pa man ay ipinagmamalaki na ni Marvin ang kanyang husay sa pagpatay, pero habang kinakalaban niya ang mga Divine Servant noong mga nakaraan, tila ba napag-iiwanan na ang kanyang mga Legendary Dagger.

Isang era na ang nakakalipas, sapat na ang lakas ng Azure Leaf.

Pero ito na ang panahon pagkatapos ng Great Calamity!

Isa itong Era ng mga maningning na bituin, at ito ang pinakamagulong Era.

Kahit na hindi katulad ng Feinan, ngayong pagkatapos ng Great Calamity, ang ikatlong Era kung saan ipinanganak ang napakaraming henyo, marami-rami pa ring naglilitawan sa paligid. At ang pinakanakakatakot sa Era na ito ay ang muling pagbabalik sa Feinan ng mga God nagtaga ng kanilang pangalan sa ikatlong Era.

Kahit na hindi pa rin tuluyang nawawasak ang Universe Magic Pool sa ngayon, mararamdaman na malapit na ito.

Si Ambella, na unang Divine Servant ng Dream God, ay isang maliit lang na bahagi ng kabuoan.

Sa liham na pinadala ni Eve kay Marvin, binanggit rito na mayroong isang church ng Dawn and Protection na itinatag sa maliit na bayan sa Norte. .

Dahil sa mabilis na pagtatayo ng isang Church matapos ang Great Calamity, hindi maniniwala si Marvin kung sasabihin na walang Divine Servant na nasa likod nito. Sa madaling salita, ang isang Divine Servant ng God of Dawn and Protection ay nag-descend na.

Lalo pa at makasarili ang mga tao sa Era na ito. Walang sino man ang susunod sa isang protektor na hindi sapat ang lakas.

Kahit na isang God pa ang protektor na ito.

Kumapara sa laro, mas mababa ang respeto ng mga tao sa Feinan sa mga God, kahit pa sabihin na wala ang mga Golden Children.

Bahagya pa ngang kinamumuhian ng mga ito ang mga God.

Sa kasaysayan ng laro, nabawasan ang pagkamuhi na tio dahil sa takot ng mga tao na mamatay kaya naman naaakit sila na manampalataya. At unti-unti, dahil sa kanilang kagustuhang mabuhay, nalimutan na nila kung sino nga ba ang dahilan ng kaguluhan na ito.

Nagsimula silang maniwala sa mga God at umambag sa Faith na natatanggap ng mga ito. Kaya naman mas lalong lumakas ang mga God.

Pero iba na sa pagkakataon na ito.

Sa pagdating ng isang makayanig mundong delubyo, hindi mabilang na bayani ang nagsulputan.

At mga mortal pa ang mga ito.

Ang lahat ng nakakita sa eksenang ito ay nakramdam ng galak.

Lumabas ng Feinan ang Great Elven King! Lumabas ng Feinan ang Cloud Monk! Lumabas ng Feinan ang North Guardian!

Mayroon din binatang, hindi nila alam ang pangalan, naging isang Astral Beast at tahimik na pinrotektahan ang Feinan.

Ang mga bayaning ito ay lumaban para sa kanila sa kalangitan ng Feinan, habang sa lupa, ang pag-ascend ng Dark Phoenix ay nakapukaw din ng atensyon ng napakaraming tao.

Ang White River Valley, ang mga Night Walker, ang mga Great Duid, ang mga Sea Elf, ang Old Alliance of the Seven Order, ang Valkyrie ng North, ang Rocky Mountain…

Ibinuhos ng mga bayaning ito ng sangkatauhan ang kanilang lakas para protektahan ang lupang ito.

Nakakahawa ang simbuyo ng damdamin.

Pati na ang tapang.

Matapos mamatay ng Dark Pheonix, nakita ng mga tao na kahit ang mga God ay maaaring mapatay. Kaya naman, nawala na ang respeto ng mga tao sa Feinan sa mga God, at lalong tumindi ang galit at pagkamuhi nila sa mga ito.

Matapos ang pagkamatay ni Eric… Naalala nila ang itsura ng binatang itom pero hindi sila nawalang ng pag-asa o pinanghinaan ng loob. Ang alaala ng paglaban nito ay naging pundasyon ng kanilang tapang.

Ang lahat ng ito ay gumawa ng mga pagbabagong hindi namamalayan, at ikinatuwa naman ito ni Marvin.

Nakakamangha ang isipan ng mga mortal. Minsan madaling paglaruan ang mga ito, pero minsan matigas ang ulo ng mga ito at hindi papayag na manipulahin.

Alam ni Marvin na para tunay na maimpluwensyahan ang mundong ito at baguhin an kasaysayan, alam niyang kailangan niyang magsimula dito.

Hindi niya makakayanan labanan ang God Realms at iba pang plane nang mag-isa.

Kailangan niya ang buong Feinan na sumamasa paglaban ng White River Valley.

At syempre, makakatulong rin ang kanyang personal na lakas para magawa ito.

Habang lumalakas si Marvin, mas bumibigat rin ang bigat na dinadala ni Marvin sa kanyang balikat.

Pinapanuod siya ng maraming tao, at hindi magtatagal ay hahabulin na rin siya ng Dream God, kalaunan ay darating na ang masamang intensyon nito mula sa Dream World.

Bukod pa rito ang iba pang mga God na ginalit niya.

Ang natutulog, o maaaring nagpapalakas, na Shadow Prince, ang tahimik na Black Dragon God, at ang tatlong Great God na hindi niya alam ang katayuan…

Ito ang kapangyarihan ng God Realm!

Hindi rin nalimutan ni Marvin si Hartson ng Negative Energy Plane na tinatawag nang Tidomas. Kung hindi siya dinala ni Louise sa Elemental Plane of Water, walang nakakaalam kung ano ang kinailangan gawin ni Marvin para matakasan ang pagtugis sa kanya ni Tidomas.

Hawak pa rin niya ang Divine Source ni Tidomas!

Kung iisipin, marami-rami ang mga kalaban ni Marvin. Sa katunyan, bukod sa pwersa ng Hell, na hindi pa rin niya alam kung ano ang nararamdaman ng mga ito sa kanya, tatlo pang pwersa ang ginalit niya.

Kalaunan ay malulusutan na ang Universe Magic Pool, at ang tanging magagawa lang ni Marvin bgo iyon ay palakasin ang kanyang sarili at abutin ang isang level na mahirap abutin.

At mahalaga ang pagkakaroon ng akmang sandata para doon.

Para kay Marvin, ang Sodom's Choice ang una sa kanyang listahan. Sa kanyang pagkaka-alala, mayroong hindi bababa sa tatlong lokasyon kung saan nakatago ang mga Artifact-level na mga curved dagger.

Ang attribute ng mga Artifact na ito ay hindi kasing lakas ng mga attribute ng Sodom's Blade, kaya naman naging desidido na siya.

Pero hindi pa rin niya inakala na matapos mahanap ang Sodom's Blade, may koneksyon pa rin dito ang isa sa mga kakilala niya.

….

'Ang babaeng iyon…'

'Si Butterfly?'

Nang mamukhaan niya ang imahe sa kanyang isipan, nagbago ang reaksyon ni Marvin.

Sa Chromatic Dragon Temple, nalaman niya ang katayuan ni Butterfly bilang High Elf.

Una siyang kinoronahan bilang High Elven Queen noong ikalawang Era.

At siya ang pinakatapat na kasamahan ng Night Monarch.

Kilala ang pagiging imortal ng mga High Elf, pero hindi naisip ni Marvin na mayroong koneksyon ang High Even Queen na ito sa Tyrant ng Underdark.

'Kilala mo siya?'

Napansin ng Spirit sa loobngn Sodom's Blades ang biglang pagbabago ng timpla ni Marvin.

'Oo.' Tumango si Marvin.

Masasabi naman na pamilyar siya kay Butterfly, hindi ba? Matapos bumalik ang mga alaala nito sa templo, walang nakakaalam kung ano ang gagawin ng taong ito. Subalit, Si Professor ang may gawa nito kaya siguradong para ito sa ikabubuti ng Feinan, at hindi na rin masama na magkaroon ng isa pang powerhouse, na ka-level ng mga Plane Guardian ang mga mortal.

Malapit siguro ito sa Thousand Leaves Forest sa ngayon. Noong huli niyang nakita ito, mukhang patungo ito sa underground realm ng Night Monarch

Habang iniisip ito, matapat na nangako si Marvin, 'Sinisigurado kong, ibibigay ko ang Seed na iyan sa kanya.'

Saglit na natahimik ang Spirit bago ito naglabas ng bahagyang masayang pakiramdam.'Kung ganoon… nasa kamay mo na ang mga dagger na 'to.'

'Matutulog muna ako sa ngayon, bukod na lang kung mayroong mangyaring kakaiba. Maaari mo nang magamit ang bahagi ng lakas ng aking mga dagger hanggang sa matupad mo ang pangako mo.'

'Ang Seed ay nasa bangkay ko. Mayroong bag sa tabi ng Ruler's Blood Jade. Pwede mo 'yon kunin.'

Pagkatapos mangako ni Marvin ay tila nanghina na ang boses ng Spirit. Kalaunan ay nawala na ito sa isipan ni Marvin.

Ang pares ng curved dagger ay nasa kamay n ani Marvin sa wakas.