Nabigla si Marvin sa nangyari. Muntik nang gamitin ni Marvin ang Diamond Shape!
'Ganoon katalas ang dagger na 'to?!
Dahil mukhang matanda at kalawangin na ang Hunting Knife, hindi ginamitan ni Marvin ng gaanong pwersa ito dahil natatakot siyang masira ito. Kaya naman natuwa si Marvin sa nangyari at hindi na siya nag-atubili pa. Iwinasiwas niya ang dagger na ito at mabilis na umatake.
Labis na namang napinsala muli ang Blade Demon dahil sa pagkasira ng kanyang kamay na patalim. At dahil sa Desperation Style na ginamit ni Marvin, halos hindi na ito nakalaban.
Hindi nagtagal, naputol na ni Marvin ang dalawnag kamay nito.
Kung wala ang mga kamay nito, wala nang panganib na dala ang Blade Demon. Bumalik na sa normal ang katawan nito, at makikita ang sakit sa mukha nito.
Pinatulog ni Marvin ito at itinali.
Napakalakas pala ng Hunting Knife na ito, nagawa nitong mabasag ang talim ng Blade Demon. At mukhang mas matalim pa ito kesa sa [Azure Leaf]!
O hindi kaya dahil sa Hunting Ground, ang Hunting Knife na ibinenta ng Ghost Mechant ay mayroong mga espesyal na attribute?
Nag-isip ng ilang posibilidad si Marvin, at makikita ang tuwa sa kanyang mata habang tinitingnan ang Hunting Knife.
Itinabi na niya ito at naghandang kwenstyunin ang bihag niya.
Pero nainis naman si Marvin sa kinalabasan nito dahil patuloy na nagpupumiglas ang Blade Demon matapos niyang mahuli ito..
Ano mang itanong ni Marvin ay ayaw sagutin nito.
Patuloy lang itong umatungal at umalulong. At kung may sabihin man ito, Abyssal ang gamit nito sa pagsasalita…
Walang nagawa si Marvin kundi tapusin ang buhay nito.
Noong oras na iyon, isang Imprint ang lumabas mula sa katawan ng Blade Demon at napunta ito sa kamay ni Marvin.
Isang Hunter Imprint.
Ang Blade Demon ay nasa loob rin ng Autumn Hunting Ground kaya makakakuha si Marvin ng Hunter Imprint dahil sa pagpatay niya rito.
Para naman sa nag-utos dito, kahit na hindi pa ito nakukumpirma ni Marvin, may naisip nas I Marvin at kailangan na lang niyang mag-ingat.
…
Matapos dispatyahin ang Blade Demon, binalak ni Marvin na umalis agad mula sa lugar na iyon.
Kung mabilis na nakarating doon ang Blade Demon, maaaring nasa paligid lang rin ang dalawang Dream Guardian.
Kung isa laban sa isa, maaari pang manalo si Marvin, pero kung dalawa laban sa isa, mahihirapan siya dito.
Ang magandang balita lang ay dahil sa pagkawala ng epekto ng Legend law, magiging pabor pa ito para kay Marvin.
Siguradong mas mataas ang level ng mga Dream Guardian kay Marvin.
Pero kung pare-pareho silang nasa level 20, maaaring manalo pa si Marvin dahil sa karanasan nito sa pakikipaglaban.
Pero ayaw pa rin makaharap ni Marvin ang dalawang ito sa Hunting Ground. Ang ganito kahirap na laban ay siguradong gagamit ng malaking bahagi ng kanyang stamina.
Walang nakakaalam kung ano pang mga panganib ang makakaharap niya sa nakakatakot na teritoryo ng Evil Wilderness God.
Ang paraan lang para makalabas si Marvin ay manatiling buhay at makakuha ng sapat na Hunter Imprint at magkaroon ng pagkakataon na makapasok sa Wilderness Hall.
Sandali pa siyang nanatili sa lugar na iyon at sa wakas ay binuksan na niya ang baul.
Gulat na gulat siya sa nilalaman ng baul.
Mayroong susing gawa sa tanso na mukhang susi ng pinto. Bukod dito, wala nang ibang laman ang baul.
Matapos makuha ang susi, sinugurado ni Marvin na walang ibang tao sa paligid bago tuluyang umalis.
Subalit, bigla na lang nagbago ang panahon.
Maraming itim na ulap ang naipon sa kalangitan at umalan nang malakas sa mapanglaw na kasukalang ito.
Nakaramdam si Marvin ng nakakapasong init habang pumapatak ang ulan sa kanyang balat!
'Hindi 'to ulan…'
Nanginig si Marvin at agad na napagtanto, "Pucha, asido!"
Isang malawakang Acid Rain!
walang ganitong klase ng panahon sa Feinan. Lumingon-lingon si Marvin pero nabalot na ng asido ang paligid, at kahit na mabilis siya, matinding pinsala pa rin ang matatamo niya.
Kinuyom niya ang kanyang ngpin at gumapang para pumasok sa maliit na kweba.
Ibang-iba ang loob ng kwebang ito sa labas. Kahit na makipot ang daan papasok, malawak ang loob nito.
Pababa ang lagusan, pero ang daan papasok ay mataas kaya hindi makakapasok ang Acid Rain.
Nakakita si Marvin ng sulok kung saan makikita niya ang nangyayari sa labas at nagpahinga na siya.
Sa lakas ng ulan, pati ang hanging ay naging mala-asido na rin .
Huminga nang malalim si Marvin at kinalma ang kanyang pag-iisip.
Sinamantala niya ang pagkakataon na ito para analisahin ang impormasyon na mayroon siya.
Sabi ng Ghost Mechant, ang Hunting Ground ay ginawa ng Wilderness God, kaya siya lang at ang mga taga-sunod nito ang makakapagbukas ng lugar na ito.
At sa pagkakataon na ito, malinaw na hindi ang Wilderness God ang nagbukas ng lugar na ito.
Naalala ni Marvin ang usapan ng Lich at ng Banshee sa Regis Ruins nang marinig niya ang boses na iyon!
Noong pinapakinggan niya ang usapan, narinig niyang may binabalak gawin ang Lich na mayroong kinalaman sa Wilderness Hall, at ang Regis Ruins naman ay may koneksyon kay Miss Silvermoon.
Pero hindi niya inasahan na maiipit siya sa pangyayaring ito dahil sa mga tumutugis sa kanya.
Ang isang bagay lang na sigurado ngayon ay hindi pa muling bumabangon an Wilderness God.
Ito lang ata ang magandang bagay sa sitwasyon na ito.
Lalo pa at napakahirap para sa isang mortal ang pagharap sa isang Legendary Ancient God na nagdudulot din ng takot sa iba pang mga God.
Sadyang ang Lich na iyon ay hindi rin madaling harapin.
Huminga nang malalim si Marvin. Malamang ay may mas malalim na sikreto pa ang pangyayaring ito.
Ang paglitaw ng Cold Light's Grasps, ang pagbubukas ang Autumn Hunting Ground… Malinaw na planado ang lahat ng ito.
Ano bang balak gawin ng Lich?
Sigurado naman na hindi niya hahayaang magpatayan ang mga tao nang walang dahilan… Lalo pa at kung gugustuhin pumatay ng Lich, bakit niya pa ito gagawin sa ganitong pamamaraan?
Malaking panganib ang pagtitipon-tipon ng mga Legend.
Kahit na nasa teritoryo niya ang Lich, mahihirapan siyang harapin ang napakaraming powerhouse kung magtulong-tulong ito laban sa kanya.
Pero ginawa niya pa rin ito, kaya siguradong may mas malalim na rason ito.
Habang iniisip ito, bigla na lang naalala ni Marvin ang bangkay ng Blade Demon!
Agad siyang nagtungo sa pasukan ng kweba at sumilip sa labas.
Kinilabutan siya sa kanyang nakita!
Unti-unti nang natutunwa dahil sa Acid Rain ang bangkay ng Blade Demon.
Gumagalaw naman ang lupa sa ilalim nito.
Tila isa itong bibig na nilalamon ang bangkay ng Blade Demon!
Kalaunan, nahigop na ang buong bangkay ng Blade Demon.
At muling naging mapayapa ang lupa.
Pero tumatak na sa isip ni Marvin ang nakakatakot na eksenang iyon.
Naunawaan niya ang isang bagay.
'Isa 'tong pag-aalay!'
'Pucha! Hindi itong isang Hunt! Ang Autumn hunting Ground ay isang Sacrificial Ground.'
'Anong balak niyang gawin at nag-aalay siya ng napakaraming Legend powerhouse?'
Habang mas nag-iisip si Marvin, mas lalo siyang natatakot. 'Hindi pwede 'to… Gusto bang gisingin uli ng baliw na 'to ang Wilderness God?'
Sa ngayon ay hindi niya makukumpirma ang hinuha niyang ito.
Tanging ang pananatiling buhay at pag-abot sa Wilderness Hall lang ang paraan para malaman ang sagot.
Kalaunan, tumigil na rin ang ulan at umalis na si Marvin sa kweba. Mukhang hindi naman bumaha ng asido.
Pero mas tumindi ang reaksyon sa mukha ni Marvin.
Ang lugar na ito ay parang sikmura!
Isang hindi nakukuntento at hindi nabubusog na sikura.
.
Siguradong marami pa siyang haharaping pagsubok kung gusto niyang makalabas sa lugar na ito.
Sa kalayuan, ilang anino nag nagpapatalon-talon.
Sumimangot si Marvin at gumamit ng Stealth bago mabilis na lumapit.