Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 524 - Oracle

Chapter 524 - Oracle

Balot ang Hunting Ground ng amoy ng asido.

Pero nakakapagtaka tila hindi naapektuhan ang lupa.

Mahinahon na kumikilos si Marvin, humahalo siya sa kasukalan habang nagiging isang mabilis na anino sa dilim.

Hindi nagtagal ay naabutan na niya ang grupo.

'Dream Shrine?!'

Tumingin nang mabuti si Marvin, wala namang naramdaman na kaba ang kanyang puso.

Wala sa mga ito ang dalawang Dream Guardian

Mukhang ibang grupo ang mga ito.

'Ito siguro ang pwersa ng Dream Shrin ng holy Light City.'

Pinagmasdang mabuti ni Marvin ang paligid, pinapalibutan ng mga taong ito ang isang kakaibang Beast.

Mayroong itong anim na mata, ang katawan nito ay tila isang Leopard, at napakabilis nitong kumilos.

Isa itong pambihirang nilalang at kahit na si Marvin, na maraming nalalaman, ay ngayon lang nakakita ng ganito.

Hindi ito nagmula sa Abyss, Hell, Negative Energy Plane, o sa Astral Plane!

Posibleng isa itong Beast ng ancient time.

Biglang naramdaman ni Marvin na tumitibok ang Hunter Imprint sa kanyang kamay.

May isang bagay naman na napagtanto si Marvin, 'Makakakuha ako ng Hunter Imprint basta mapatay ko ang Leopard na 'to.'

'Nag-iipon rin sila ng Hunter Imprint. Mukhang gusto rin nilang makapasok sa Wilderness Hall.'

'Pero bakit parang handang-handa sila? Para bang pinlano talaga nilang makapasok sa templo?!'

Napansin ni Marvin na ang mga Paladin ng Shrine ay mahusay ang koordinasyon sa isa't isa, kahit na maliksi ang Leopard at mayroong mga espesyal na kakayahan, napaligiran na nila ito.

Malinaw na mayroong blessing ng Dream God ang anim na Paladin.

At dahil sa blessing na ito, mayroong silang lakas ng isang ordinaryong Legend kahit na walang bisa ang kanilang mga Legend ability. Mukhang pinlano talaga nila ang pangyayaring ito.

Mas lalong naging alisto si Marvin.

Inakala ni Marvin na kaunti lang ang lamang ng dalawang Dream Guardian dahil wala ang mga Legend ability ng mga ito.

Pero iyon ay kung pareho lang walang bisa ang Legend law ng mga ito, hindi niya naisip ang tungkol sa blessing na nakuha ng mga Dream Guardian.

.

Ang Law na ito ay mula sa ibang Domain, kahit na makapangyarihan ang Wilderness God, hindi nito mabubura ang Law na pagmamay-ari ng isa pang God.

'Hindi maganda kung makakaharap ko pa rin ang dalawang 'yon.'

Tahimik na nag-isip si Marvin. Ganoon din ang mga taong ito, kahit na hindi kasing lakas ng mga Dream Guardian ang mga ito, marami sila, at mag-isa lang si Marvin. Mahihirapan siyang talunin ang lahat ng mga ito.

Noong tahimik na niya sanang iikutan ito, biglang may narinig itong boses sa kanyang isipan, 'Mag-iingat ka! Wag kang pupunta sa dakong timog, mayroong dalawang tao doon na didispatyahin ka.'

Ito ang boses ni Paladin Griffin.

Tahimik na itinaas ni Marvin ang kanyang ulo.

Sa mga Paladin, isang lalaki lang, na nakabalabal, ang walang emosyon na nakatingin sa kanya!

'Ang lakas ng Perception niya…'

Kahit na alam niyang ang isang taong kayang gamitin ang Truth Scale ay makapangyarihan, nagulat pa rin ito sa lakas ng Perception nito.

Sa kabuoan ay mayroong pitong katao sa grupo ng Dream Shrine, anim na Paladin at isang Clreic, pero walang isa sa mga ito ang nakaramdam kay Marvin.

Tanging ang lalaking may bitbit na batang babae sa kanyang likuran na si Griffin ang nakapansin sa kanya. At gumamit pa ito ng espesyal na pamamaraan para maihatid sa isipan ni Marvin ang kanyang mensahe.

Naramdaman niyang unti-unting may nabubuong koneksyon sa pagitan ng isipan niya at ng Paladin. Pansamantalang konektado ang kanilang isipan.

Bahagyang nabigla si Marvin.

Dahil nalaman niyang ang ability na ito ay hindi isang uri ng magic. Kailan lang ay nag-advance si Marvin sa Ruler of the Night class, kaya naman alam niya ang pagkakaiba sa magic ng mortal at sa Divine Spell's Law ng mga God.

Ang kapangyarihang ito ay nalalapit sa isang Divine Spell Law!

Ganoon na kalakas ang taong ito? Pero hindi malalampasan ng isang Human ang limitasyon kung wala silang hawak na Fate Tablet.

Hindi kaya matapos ang pagbagsak ng God of Truth, nakalusot na ang lalaking iyon sa Law?

Wala nang oras si Marvin na pag-isipan pa ito nang mabuti, dahil bigla nang sinabi ni Griffin na, 'Kahit na hindi ko alam kung bakit galit sayo ang mga taong 'to, hindi madaling harapin ang dalawang Dream Guardian na iyon. Kahit na hindi ko sila kinaibagan, nakasalubong naming sila at nagtungo sila pa-timog para dispatyahin ka.'

Nagdududa naman na natanong si Marvin, 'Bakit ka nandito? Hindi ba nila kasamahan ang mga grupo na 'to?'

Agad na sumagot ang Paladin, 'Nakipagkasundo ako sa kanila. Sa ganitong paraan lang sila pumayag na tanggalin ang Curse ni Molly. Hindi nagtutulungan ang grupong 'to at ang dalawang Dream Guardian, ang Cold Light's Grasps ang pakay nila.'

Handa nga silang nagpunta rito.

Tiningnan mabuti ni Marvin ang Cleric, nararamadaman niyang isa itong makapangyarihang Cleric, pero ang Perception nito ay hindi kasing talas nang kay Griffin.

Ang atensyon nito ay nasa Leopard pa rin.

Sinamantala na ni Marvin ang sitwasyon at mabilis na tinanong, 'Anong nalalaman mo sa Hunting Ground na 'to? Tsaka, anong klaseng kasunduanang mayroon ka sa kanila?'

Sumagot si Griffin, 'Base sa impormasyong nakuha ng Dream Shrine sa lugar na 'to, hindi pa muling nabubuhay ang Wilderness God. Isang baliw ang nagbukas ng Autumn Hunting Ground. Sinasabi nilang Disicple daw ito ng Wilderness God, isang Lich na nagngangalang Bandel. Ilang daan taon na nilibot ng Bandel na 'yon sa Crimson Wasteland para humanap ng impormasyonna may kinalaman sa Wilderness God. Hindi ako gaanong sigurado sa mga detalye, ito lang ang nakuhang impormasyon ng Dream Shrine mula sa oracle ng Dream God. Tama naman siguro ang lahat ng 'to.'

Oracle?!

Ganoon ito kalaking bagay?

Nagulat si Marvin.

Kung hindi siya nagkakamali, ang mga God ay wala pa ring tigil sa pag-atake sa Universe Magic Pool!

.

Isa itong kritikal na panahon, bukod sa kayang lumaban ng Universe Magic Pool, mayroon din itong malakas na recovery ability. Isa pa, mayroong hindi bababa sa dalawang Plane Guardian na lumalaban sa mga ito.

Ang paglalaan ng oras para magpadala ng Oracle sa ganitong sitwasyon ay pagpapatunay na mahalaga sa Dream God ang kaganapan na ito.

Hindi isang mahinang God ang Dream God. Sa pagkakaalam ni Marvin, matalino ito at tuso, kaya mayroon itong itinatago!

'Muntik kong makalimutan sabihin, wag mong mamaliitin ang mga Paladin na 'to, mga Adjucator silang lahat.'

Tahimik na umalingawngaw ang boses ni Griffin sa kanyang isipan, 'Kahit a hindi ako sigurado kung bakit magpapadala ang Dream Shrine ng napakalakas na pwersa para kumuha ng isang artifact, nasa panganib ka.'

'Ang magagawa ko lang para sayo ay ipaalam sayo ang tungkol dito. Kaya umalis ka na agad.'

'Kung sudwertehin tayo pareho, magkia tayo sa Wilderness Hall.'

Nagalak naman si Marvin.

Sa katunayan, wala silang malalim na pagkakaibigan ng Paladin.

Magkasama lang silang lumaban sa bundok. Noong oras na iyon, hinarap ni Marvin ang Mist Dragon nang mag-isa para hindi maapektuhan ng laban ang batang si Molly. Malinaw na hindi ito nakalimutan ni Griffin.

Kung hindi siya binalaan ni Griffin, baka nagtungo na pa-timog si Marvin.

'Salamat, sa ibang lugar na lang ako maghahanp ng Hunter Prints.'

Alam ni Marvin na delikado kung mananatili pa siya doon, at matapos pasalamatan si Griffin, umalis na siya kaagad.

Pinutol n ani Griffin ang koneksyon.

Kasabay nito, isang maliit na ngiti ang lumitaw sa labi ng Clreric na pinapanuod ang laban.