Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 522 - Confrontation

Chapter 522 - Confrontation

Isang maliwanag na apoy ang lumabas sa tila ordinaryong shotgun.

Makalas ang pagputok nito at nabasag nito ang sikmura ng Blade Demon!

Ang mga Demon ng Abyss ay kilala sa kanilang malakas na Constitution, pero matapos mawala ang mga Legend ability nito, malinaw na humina ang Constitution nito.

Kung buo ang lakas nito, kahit pa ang shotgun na ito ay ang pagsasama-sama ng kaalaman ng mga Sha, hindi nito magagawang magdulot ng pinsala sa Blade Demon.

Pero iba ang kinalabasan nito.

Kasabay ng paghupa ng apoy, mahinahong lumapag si Marvin sa burol.

Habang ang Demon naman ay nakatingalang umaalulong sa posisyon nito.

Kaawa-awa ang kalagayan ng sikmura nito, at mukhang may malaking butas na tumagos hanggang sa likod nito!

Mayroon ring mga putting apoy na patuloy na lumiliyab sa sugat nito.

Lalong lumalala ang kalagayan ng sugat!

Tumaas ang kilay ni Marvin. Higit pa ito sa kanyang inaasahan.

Mukhang hindi nagbibiro si Constantine sa kanyang mga sinabi. Ang lakas ng mga Battle Gunner ay namumula sa kakayahan nilang magpapalit-palit ng kanilang bala para kalabanin ang iba't ibang mga kalaban. Kaya naman malaki ang lamang nila sa kanilang kalaban kapag naihanda ito nang maayos.

Bibihirang gamitin ni Marvin ang shotgun na ito dahil nakadisenyo ito para sa mga Demon ng Abyss.

Bilang isang baguhang Battle Gunner, umaasa lang si Marvin sa mga sandatang bigay ni Constantine. Mismong ang Demon Hunter ay tila isang buhay na arsenal. Bukod sa Brilliant Purple na ibinigay ni Constantine sa kanya, nakakatakot ang mga sandatang nasa katawan nito.

Mayroon siyang mga baril para sa mga Demon, baril para sa mga Devil, espesyal na baril para mapigilan ang mga Celestial na nilalang, at mga baril para pumatay sa mga Evil Spirit. Sa madaling salita, ang Demon Hunter ay mayroong espesyal na kagamitan para sa lahat ng uri ng masasamang nilalang.

Isa rin ito sa dahilan kung bakit walang makapigil kay Constantine sa Feinan at naging sikat bilang Demon Hunter. Mahusay niyang napag-isa ang kanyang Night Walker class at Battle Gunner class para maipamalas ang pinakamalakas na katangian ng mga isang Battle Gunner.

Salamat kay Constantine, masasabing nasa mabuting kalagayan si Marvin, at kaya nitong sabayan ang kanyang mga kalaban.

Siguradong nabigla ang Blade Demon sa kanyang sandata.

Kahit ang shotgun na iyon ay mayroong kapintasan: Isang beses lang ito maaaring gamitin sa loob ng ilang oras dahil kung hindin, sasabog ito. Ito rin ang isa sa mga rason kung bakit hindi ganoon kalakas ang mga Battle Gunner kahit na mayroon itong malaking kalamangan sa kanilang mga kalaban. Pero kahit na ganoon, nagawa na ni Marvin ang kanyang kailangan gawin.

Itinabi na niya ang kanyang shotgun at nagmadaling lumapit para harapin ang Blade Demon!

At syempre, ayaw naman niya talagang kalabanin pa ang Demon. Lumapit ito para tingnan ang pinsalang natamo ng Blade Demon!

Natuwa naman si Marvin sa epekto ng shotgun.

Labis na nanghina ang Blade Demon. Kahit na noong una pa lang ay mas mabilis na si Marvin dito, mayroong senyales sa katawan nito na mas lalo pa itong bumagal matapos ang pagbaril niya dito.

Napansin ni Marvin tunog ng apoy na nanggagaling sa butas sa sikmura nito.

Ang mga bala daw nito ay hinaluan ng maraming high-purity holy water na mayroong malakas na epekto sa mga Demon.

Kaya naman maaaring gawin ni Marvin kung ano man ang gusto niya.

Agad niyang inilabas ang Hunting Knife at mabagsik na umatake!

Sa paanan ng burol, mayroong dalawang aninong naglalaban.

Kahit na walang bisa ang mga Legend law, mayroon pa ring Godly Dexterity si Marvin!

At ang kanyang Night Walker class ay mayroong napakaraming malakas na mga skill, kaya naman mas mapapadali ang mga bagay para kay Marvin. Matapos niyang masurpresa ang kanyang kalaban at makapagdulot ng malaking pinsalan, malaki na ang kanyang lamang dito.

Pero hindi siya nagmadali na tapusin ang Demon.

Alam ni Marvin na ang ganitong uri ng kalaban ang pinakamapanganib. Hindi ito gaanong nagsalita at basta na lang itong umaatake para subukan patayin si Marvin.

Pinili ni Marvin na ikutan ito.

Habang mas tumatagal, mas lalong nakakalamang si Marvin sa sitwasyon na ito.

Kung basta na lang itong umatake, maaari pang mawala ang kanyang lamang sa Blade Demon.

Isa pa, mukhang mapurol ang hunting Knife na ito. Nararamdaman ni Marvin na mahihirapan siyang patayin ang Blade Demon gamit ito.

Hinihintay niyang lumamig ang shotgun.

Gamit ang kanyang Demon Hunter Steps at ang kanyang Godly Dexterity, patuloy na nililito at sinisindak ni Marvin ang Blade Demon.

Madalas na umasa sa kanilang pambihirang lakas ang mga Blade Demon sa pakikipaglaban, kaya natural lang na hindi kasing husay sa pagkilos ni Marvin ang Demon na ito.

Limang minuto pang pinatagal ni Marvin nag laban.

Kahit na hindi ito ganoon katagal, tanging mga expert lang na naranasan na ang ganitong laban ang nakakaalam kung gaano karaming stamina ang nagagamit dito.

Pantay ang kanilang lakas. Ang Blade Demon ay lamang pagdating sa lakas nito, at ang paglaban ng pwersa gamit ang pwersa ay nakakaubos ng stamina.

Sa kabilang banda, malubha na ang kalagayan ng Demon.

At tulad ng inaasahan, kalaunan ay mas bumagal pa ang kilos ng Blade Demon.

Natuwa naman si Marvin, ipinagpatuloy niya ang kanyang istratehiya habang patuloy na nag-iingat. Hindi niya maaaring hayaan na makatakas ang Demon na ito.

Kailangan niyang malaman kung sino ang Demon na nagpapapatay sa kanya!

Kahit na malaki ang tyansang si Demon Lord Balkh ito, nais pa rin niyang makasiguro.

Kasabay ng pagpasok ng ideyang ito sa isipan ni Marvin, mayroong nangyari!

Biglang umatungal ang Blade Demon, at mabilis na lumalaki ang katawan nito!

Dumoble ang laki nito mula sa dalawang metrong orihinal na laki nito!

At kasabay nito, mabilis na rin na gumagaling ang sugat sa sikmura nito.

Humaba ang mga braso nito at mas nagiging matalas ang patalim sa kamay nito!

'Hindi maganda 'to!'

Hindi inasahan ni Marvin na mayroong ganitong klaseng skill ang Demon na ito.

Marami-rami na siyang mga Demon na nakalaban sa kanyang dating buhay, pero mas kaunti ang kaalaman niya tungkol sa mga ito kumpara sa mga Evil Spirit at mga Devil. Ang Blade Demon ay isa sa mga pinaka-akmang race para maging mga Assassin. Hindi pa naman niya lubusang nakakaharap ang race na ito.

Biglang nadehado si Marvin sa laban dahil sa ginawa ng Demon.

Dahil nang mangyari ito, lumiit ang distansya sa pagitan ng dalawa!

Ang kakaiba at mahabang mga braso ng Blade Demon ay tila dalawang malalaking guillotine!

Sadyang hindi maiwasan nang maayos ni Marvin ang mga ito. Masyadong mabilis ang pagkilos ng kanyang kalaban, at papalapit na sana si Marvin para umatake nang bigla itong lumaki.

Noong mga oras na iyon, wala siyang magawa kundi umatras at piliting lumayo rito.

Pero hindi siya hinayaang makalayo ng Blade Demon. Humakbang ito paharap para lumiit ang espasyong ginagalawan ni Marvin.

Walang habas itong umatake at walang magawa si Marvin kundi subukang harangin ito gamit ang Hunting Knife.

Hinanda niya ang sarili para gamitin ang Diamond Shape kung hindi niya ito masalag. Lalo pa at mababa ang kalidad ng Hunting Knife.

Pero ikinagulat niya ang susunod na nangyari!

Nang magsalubong ang patalim na kamay ng Blade Demon at ang dagger, mayroon siyang narinig na pagbitak. Ang matalim na dulo ng patalim ng Blade Demon ay naputol!

Naramdaman ni Marvin ang malakas na pwersa mula sa atake, at kung hindi niya hinanda ang kanyang sarili na saluhin ang atakeng ito, marahil ay natumba na siya.

Habang walang kahit na maliit na gasgas sa Hunting Knife.

Nanlaki ang mga mata ni Marvin.

Napaatras ang Blade Demon sa sakit!