Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 519 - Hunt

Chapter 519 - Hunt

Dumidilim na ang kalangitan.

Nagkatinginan ang mga tao sa kasukalan nang tila wala nang pag-asa. Walang nakakalam kung paano sila makakalabas sa nakakatakot na sitwasyon na iyon.

Marami pang nakita si Marvin na powerhouse ng mga Shrine, kasama na ang mga nasa level ng Divine Servant!

'Mga tauhan ng Dream Shrine?'

Bahagyang nasurpresa si Marvin.

Tila ilang taong mula sa Dream Shrine ang nagsasagawa ng misyon. Mukhang iba ang misyon na mg ito sa dalawang Dream Guardian na sumusunod sa kanya.

Dalawang pamilyar na mukha ang nakita ni Marvin.

Ito ay sina Paladin Griffin at ang batang babae na bibit nito sa kanyang likuran.

Talaga ngang nagpunta ito sa Dream Shrine.

Pero bakit rin sila nandito?

Tiningnan ni Marvin ang iba pa, at tumingin din ang mga ito sa kanilang paligid. Ang mga kadalasang nakakatakot na mga powerhouse ay mukhang mahina sa ilalim ng kapangyarihan ng boses.

Sa ngayon, tila mabagal ang pagtakbo ng oras.

Hindi alam ni Marvin kung gaano na katagal ang lumipas nang lumitaw ang isang bagyo sa kasukalan.

Ang bagyo ay nahati at naging isang maliliit na mga vortex.

Ang mga vortex na ito ay nakakalat at tumama sa lahat.

Ang bawat isa sa mga ito ay mayroong malakas na gravitational pull at sadyang hindi makalaban ang mga tao. Nahigop silang lahat!

Pati na si Marvin.

Habang papalapit ang vortex kay Marvin, naramdaman niya lang na parang dinudurog ang kanyang katawan bago siya higupin papasok!

Nang magkamalay si Marvin, nawala na ang nakakatakot na boses na umaawit.

Nalaman ni Marvin na nasa isang madilim na lugar siya.

Walang kahit anong ingay at napakalamig ng sahig.

Pero dahil sa Darksight, nagawa niyang makita na isa itong kwartong naka-selyo.

Mukhang espesyal ang kwartong ito. Gawa ito sa kahoy pero napakatatag at napakatibay nito. Hinawakan ni Marvin ang pader.

Medyo may kalambutan ito.

'Nasaan ako?' pagtataka niya habang tila natutuliro.

Pero hindi niya inasahan na may isang maputlang mukha ang lalabas sa kanyang harapan!

"Wag kang mag-alala, ligtas ka sa kwartong 'to."

Isa itong Ghost!

Mapanglaw ang boses ng Ghost at halos nakadikit na ang mukha nito sa mukha ni Marvin.

Nakakaramdam siya ng lamig sa boses ng Ghost.

Talagang nagulat si Marvin, pero agad niyang pinilit ang sarili na huminahon.

Naranasan na ni Marvin ang maraming masasamang sitwasyon, kaya hindi siya matatakot sa isang Ghost.

Magtatanong na sana ito pero patuloy na nagsalita ang Ghost:

"Pero hindi ka pwedeng magtagal dito."

"Minamanmanan ka."

"Mahilig 'yon sa sariwang karne gaya mo." Dagdag ng Ghost.

Sumimangot si Marvin. "Iyon? Anong 'iyon'?"

Umiwas sa pagsagot ang Ghost.

Mayroon lang itong mukha; hindi alam ni Marvin kung anong nangyari sa katawan nito.

Biglang nagliwanag ang isang sinag ng liwanag sa kwarto.

Isang kandila ang lumitaw mula sa kawalan na nakapatong sa isang makalumang lamesa.

Sa ilalim ng malamlam na liwanag ng kandila, isang scroll ang lumitaw, na mayroong mga nakalistang item.

"Magsisimula na ang Hunt, kailangan mo ng bagay na poprotekta sayo."

"Wala ka nang oras, bilisan mo at bumili ka na ng kakailanganin mo."

Lumapit si Marvin.

Napakaraming item ang nasa listahan.

[Torch – Price: 10 Blood Essence Stones]

[Flint – Price: 5 Blood Essence Stones]

[Hunting Bow – Price: 5 Blood Essence Stones]

Walang deskripsyon ang mga item na ito sa tabi ng kanilang mga pangalan. Pero marami siyang nakitang impormasyon sa mga presyong nakalista.

May kataasan ang presyo ng mga item na ito.

May isa pang bagay na ikinalilito ni Marvin.

"Anong hunt?"

"Kailangan ko bang bilhin ang mga bagay na'to?"

Biglang naging mabangis ang mukha ng Ghost. "Syempre!"

"Bakit kita bibigyan ng basbas kung hindi ka bibili?"

"Kung hindi ka bibili, gagamitan kita ng curse. Nakakatakot ang mga curse ko, mabilis kang mamamatay sa hunt!"

Biglang sumama ang kutob ni Marvin.

Mukhang mahina ang Ghost na nasa harap niya, pero naramdaman niyang totoo ang sinasabi ng Ghost na ito.

Kakaiba ang lahat ng nasa lugar na ito.

Malinaw na isa itong kwartong nakaselyo, pero may inilalabas itong pakiramdam ng isang probinsya.

Vortex sa kasukalan, paglitaw ng isang Ghost, listahan ng mga item na napakamahal, at isang tinatawag na [Hunt]…

Ano bang nangyayari sa kanya?

Nahigop kaya siya papasok sa Wilderness Hall?

Parang sasabog ang utak ni Marvin.

"Bibigyan kita ng sampung segundo." Mabagsik ang tono ng Ghost.

"Kung hindi ka bibili. Papatayin kita."

Agad naman napasigaw si Marvin, "Bibili ako!"

Nang marinig ito, kumalma na muli ang kilay ng Ghost.

"Mabuti, mabuti, mabuti, tumingin ka muna. Pwede mong bilhin ano mang gusto mo."

"Kada item na bibilhin mo pwede mo kong tanungin ng tanong."

Tumango si Marvin.

Napakamahal ng mga item sa listahan.

Kakaunti na lang ang natitirang Blood Essence Stone niya. Malaki-laki ang nagastos niya sa Black Swan Hill at sa Holy Light City, kaya naman 60 na lang ang natitira sa kanya.

Mas mabuti kung ang mumurahing item ang bilhin niya para marami siyang maitanong…Pero ayaw niya rin naman na makakuha ng walang kwentang item.

"Bago ko bumili, pwede ko bang itanong kung para saan ito?" Tanong ni Marvin.

"Simple lang ang mga bagay na 'yan. Hindi mo ba alam kung paano gamitin ang mga 'yan? Kung ganoon ka kamangmang, mukhang mamamatay ka kaagad sa Hunt!" Iritadong sabi ng Ghost.

Mukhang wala itong balak sagutin nang maayos ang tanong ni Marvin.

Nagkamot ng ulo si Marvin.

Muli niyang tiningnan ang listahan.

"Bigyan moa ko ng charm," sabi niya habang nakaturo sa listahan.

[Charm – Price: 30 Blood Essence Stones]

Sa lahat ng mga item, ang presyo ng charm ang nasa gitna, pero kalahati na agad ito ng Blood Essence Stone ni Marvin.

Sadya niya itong binili.

Wala siyang paggamitan ng ibang mga bagay sa listahan. Torch? Flint? Mas maganda bai yon kesa sa kanyang Darksight?

Para naman doon sa mga sandata at patibong, si Marvin ay isang Ruler of the Night na mayroong ability ng Ranger. Bakit niya ito bibilhin?

Tanging ang charm lang ang mukhang mapapakinabangan niya.

"Charm? Maganda ang napili mo…"

Lumalim ang tono ng Ghost.

Kinuha nito ang tatlumpung Essence Stine ni Marvin at ibinigay ang isang mukang pangkaraniwang amulet na hugis tatsulok.

"Mailiigtas niyan ang buhay mon ang isang beses. Kailangan mong malaman kung paano 'yan gagamitin sa Hunt."

Kinuha ni Marvin ang charm.

Ang impormasyong nakalagay ay – [Charm – ????]

Isa itong item na hindi pa na-appraise… Ibig sabihin, kailangan niyang malaman ito nang mag-isa.

Napailing na lang si Marvin at isinuto ang charm.

"Kung ganoon, magtatanong na ko?"

Agad na nagtanong si Marvin.

"Ang [Hunt], ano 'yon?"