"Magsisimula na ang Hunt."
"Mahal kong teacher, sinisigurado kong gigisingin kita muli," isang malungkot na boses ang umalingawngaw sa isang sulok ngn kwarto.
isang matangkad at naka-itim na balabal na lalaki ang nakatayo sa harap ng isang kabaong.
Mayroong maliliwanag na ilaw na tila mga bituin ang lumabas sa magkabilang gilid ng mga kabaong. Kung narito si Marvin, makikilala niya ang matitingkad na liwanag ng bituin. Ang maninging na pares ng mga dagger!
Ang Cold Light's Grasp!
Sa oras na ito, ang mga dagger ay nakasingit sa magkabilang gilid ng kabaong.
Isang dumadagundong na atungal ng halimaw ang lumabas mula sa kabaong!
"Roar!"
Tila isa itong mabangis na ancient spirit na magigising na!
Pero mayroong kakaibang rune na kumisap sa kabaong at sapilitan na pinigil ang mga pag-atungal na ito.
Ang lalaking naka-itim na balabal at tahimik na itinaas ang kanyang ulo at malungkot na tumingin sa kadiliman, na tila may itinatagong lihim.
Sa likod nito, makapal na hamog ang lumabas, at lumabas mula ditto ang Two-Headed Dragon.
Kasunod nito ang Jade Banshee.
"Master, delikado itong gawin."
"Alam niyong pinwersa kayo nito na ma-corrupt dati. Pinatay rin nito si Miss Silvermoon."
Kumplikado ang reaksyon ng Banshee.
Bago makaabot sa Wildernes Hall, wala siyang kaalam-alam sa pinaplano ng kanyang Master.
"Walang nakakatiis sa willpower nito, papatayin niyo lang ang sarili niyo!"
Lumingon ang lalaking naka-itim, kumikisap-kisap ang berdeng soul fire. "Tanging ang Divine Vessel ng isang God ang maaaring isakripisyo para muling buhayin ang isang God."
"Ito ang pumatay kay Luna, kaya oras na para magbayad utang."
"Wag kang mag-alala, hahanap ako ng paraan para kayanin ito."
Nakakapangilabot ang pagiging mahinahon nito habang sinasabing, "Selyo lang, masyadong magaan ang kaparusahan nito, masyadong magaan!"
May lamig sa boses nito.
Kahit ang Banshee, na matagal na siyang sinusundan, ay nanginig.
"Magsisimula na ang Hunt."
"Ang mga sakim na taong 'yon ay magbabayad gamit ang kanilang mga buhay. Isang kasalanan ang pagiging sakim, at ang lahat ng mga powerhouse, maging Devil man o Angel, na nagpunta sa hilgang-silangang bahagi ng Holy Light City para hanapin ang Cold Light's Grasp ay iisa lang ang kahahantungan."
"I-aactivate ko na ang \[Autumn Hunting Ground\] at papakawalan ang tunay na madugong kapangyarihan ng kasukalan!"
…
Sa mga malilit na kwarto, ang bawat Legend ay sunod-sunod na nagising.
Ang bawat sa kanila ay humarap sa Ghost merchant. Ang ilan ay tumanggi, ang ilan ay piniling patayin ang Ghost, at ang ilan, tulad ni Marvin ay may nakuhang impormasyon mula sa Ghost.
Pero walang nakahadlang sa pagpapatuloy ng plano ng Lich.
"Papasok ka sa kasukalan, isang mapanganib na lugar. Maaari kang maging biktima, pero kung sapat ang lakas mo, maaari kang maging Hunter."
Malumbay na sabi ng Ghost, "Dati akong malakas na Legend powerhouse. Namatay ako sa hunt at naging ganito."
"Wag kang umasa sa iyong Legendary Class masyado. Sa \[Autumn Hunting Ground\], tinaggal na ang Legend law!
Ano!
Tinanggal ang Legend law?
Bahagyang nanginig si Marvin sa pangungusap na ito.
Mayroon na siyang kauntin hula at preparasyon, preparasyon, pero nang marinig niya ang mga salitang iyon, gulat na gulat si Marvin.
Ang mga Legend powerhouse ay umaasa lahat sa kanilang Legendary Class. Ang pagkawaa ng Legend law ay nangangahulugan na hindi nila magagamit ang kanilang Legendary Class.
Bumaba ang kanyang lakas sa level 20.
Ang mga Legend na masyado nang nasanay sa pagiging makapangyarihan ay siguradong hindi makakasabay sa pagbabago ito.
Walang nakakaalam kung anong mga nakakatakot na nilalang ang nasa Hunting Ground?
"Isa bai tong laro ng Wilderness God?"
Bumili si Marvin ng ikalawang item para makapagtanong pa. Isang Torch.
Hindi niya alam kung mawawalan din ng epekto ang kanyang Darksight, kaya bumili na rin siya kung sakali.
"Hindi ko alam."
"Pero ang Autumn Hunting Ground at ang hunting game ay parehong ginawa ng Wilderness God."
"Tanging ang Wilderness God at ang mga taga-sunod nito ang may kakayahang buksan ang Wilderness Hall."
Huminga nang malalim ang Ghost bago sinabing, "Kahit na maraming bagay na hindi malinaw sa akin, naaalala kong hindi o sinasadyang pumasok sa kasukalan dahil mayroon akong item na hinahanap. Malupit ang Hunting Ground, karamihan ng tao ay hindi nabubuhay…."
"Paano kami makakaalis?"
Bumili si Marvin ng huli niyang item, isang \[Hunting Knife\]. Kung totoo ang sinasabi ng Ghost, na ang nakakatakot na Autumn Hunting Ground ay gawa ng Wilderness God, maaaring maraming iba't ibang law na may kinalaman sa mga Legend ang nabago.
Hindi sigurado kung magagamit niya ang Azure Leaf o hindi.
Binili niya ang sandatang ito para makasiguro.
"Kailangan ikaw ang huling manlalaro ng hunting game."
Naging seryoso ang Ghost at sinabing, "Pilitin mong mabuhay at malalaman mo."
Sumimangot si Marvin, malinaw na hindi siya nakuntento sa sagot na iyon.
Pero bago pa man siya muling makapagsalita, tumawa ang Ghost at sinabing, "Wala ka nang pera."
"Wag mon ang isipin na dayain ako, nararamdaman ko. Dahil wala ka nang pera, makakaalis ka na."
"Kawawang bata, umaasa akong hahaba pa ang buhay mo… siguro magkikita uli tayo."
Pagkatapos ay nawala na ang Ghost sa kwarto.
Ang pulang kalangitan ay nag-uumapaw sag alit na emosyon.
Nasa kasukalan na si Marvin.
Sa malayo, nakikita niya ang apoy ng isang sulo.
Mayroong malaking buwan sa kalangitan.
"Maligayang pagdating sa Autumn Hunting Ground."
Isang nakakatakot na boses ang narinig ni Marvin.
"Nakuha mo ang isang hunter mark. Susundan ka ng markang ito sa Autumn Hunting Ground."
"Gusto mong mabuhay? Patayin mo ang lahat ng makakaya mong patayin."
"Tanging sa pagpatay at pangunguha ka lang makakaipon ng karagdagang hunter mark, tao, o halimaw."
"Noon pa man ay naniniwala na ako na ang kamatayan at pagpatay ay napakagandang mga bagay. Sa tuwing nahaharap lang sa ganito, saka lang lumalabas ang nakakamanghang potensyal ng mga nilalang."
"Aabangan ko ang iyong ipapamalas."
"Lumaban ka para mabuhay."
Unti-unting nawala ang boses.
Pero hindi nawala ang pagkabigla sa puso ni Marvin.
Kahit na maingat na iniba nag boses, alam pa rin ni Marvin kung kanino nanggaling ito.
'Ang Lich na 'yon!'
'Pucha, hindi nag Wilderness God ang nagbukas ng Wilderness Hall?'
'Anong gusto ng Lich? Bakit siya magpapasok ng napakaraming tao sa Autumn Hunting Ground para paglaban-labanin ang mga 'to?'
Namamanhid si Marvin.
Napansin niya ang imprentang nasa kanyang kamay ay may marka ng Wilderness God.
Ito pala ang tinatawag nilang \[Hunter Imprint\]?
Kung gusto niyang makalabas sa Hunting Ground, kailangan niyang ipagpatuloy ang Hunt.
Patayin ang iba pa at kunin ang hunter imprint nila, at kailangan maka-ipon ng sapat na bilang para makaalis.
Sinong baliw ang nakaisip nito?
Ang Lich na iyon. Ano ba talagang gusto niyang makamtan? Bakit napakalakas nito na nagawa itong manipulahin ang napakaraming Legend?
Anong layunin niya?
Walang patid ang mga tanong an pumapasok sa isipan ni Marvin.
Pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili.
Hindi ito ang oras para pag-isipan ito.
Dahil habang lumilipas ang oras, parami nan ang parami ang mga taong lumilitaw sa kasulakan.
Kailangan niya munang makahanap ng lugar na pagtataguan!