Si Marvin na nagmamadaling umalis sa kabilang dulo ng Nightmare Boundary, ay walang kaalam-alam sa usapan ng dalawang makapangyarihang nilalang.
Matapos niyang makuha ang Crystal Statue, kailangan niyang makahanap ng paraan para makalabas sa mundong ito na isang external plane.
Kahit na kayang pumasok ni Marvin sa Shadow Plane, lokasyon lang ang mayroon siya at ang kakayahang makapaglakbay sa Shadow Plane ay nagagawa lang niya sa Feinan.
Kung susubukan niyang pumasok sa Shadow Plane basta-basta habang narito pa siya, maaari siyang makapasok sa isang kakaibang lugar at biglang lamunin ng isang Shadow Monster na nagtatago sa Shadow Plane.
Tulad ng sinabi ni Louise, mapanganib ang pagpunta sa lugar na ito.
Noong mga oras na iyon, kampante si Marvin na makakaalis siya dito, pero binati ito ni Lousie.
Hindi siya makaals sa Nightmare Boundary.
Nang makatakas siya mula sa Ancient Well, ginamit ni Marvin ang item na binigay n Madeline para gumawa ng pansamantalang Teleportation Gate para makabalik sa White Rive Valley.
Pero nakaramdam siya ng matinding sakit ng ulo nang mapagtanto na niya mayharang sa Teleportation Gate!
Ibig-sabihin, mayroong gumamit ng malakas na kapangyarihan para harangan ang daan sa pagitan ng plane na ito at sa Feinan.
Isang pangkaraniwang interplanar Teleportation Gate lang ang ginawa ni Madeline para kay Marvin, pero kahit na ang isang Teleportation Gate na gawa ng isang makapangyaihang Legend Wizard ay hindi malulusutan ang malakas na hadlang na ito.
Naramdaman ni Marvin ang awra ng mga Evil Spirit mula sa barikadang nakaharang sa lagusan.
Malamang ay kagagawan ito ni Hartson.
Dumating na siya.
Nang mapagtanto niya ito, nabahala si Marvin.
Kahit na ilang beses na niyang nakaharap ang projection ni Dragon God Tidomas, hindi pa sila naglalaban nang tunay.
Isa pa, wala sila sa Feinan, isa itong outer layer ng Universe!
Maaaring gamitin ni Hartson ang buong lakas niya ditto. Kahit na isa lang itong avatar, madali lang nitong mapapatay si Marvin.
Isa pa, matindi ang sitwasyon nila ngayon, at siguradong magpunpunta si Hartson gamit ang kanyang tunay na katawan.
Nang maisip ito, nainis si Marvin.
Para sa isang Advanced False Divinity Vessel, malaking panganib ang pinasok niya.
Gayunpaman, hindi na siya pwedeng umatras.
Hindi alam ni Marvin kung may hahabol sa kanya pero isa lang ang kailangan niyang gawin: hanapin si Louise.
Isa siyang Legend caster at siguradong makakahanap siya ng paraan para makalabas sa mundong ito.
Walang araw sa Nightmare Boundary at makulimlim dito buong araw, kaya maaaring magamit ni Marvin ang lahat ng skill niya bilang Night Walker, isang bagay na ikinatuwa niya.
Bago sila pumasok sa Teleportation Gate, "aksidenteng" nabunot ni Marvin ang isa sa mga buhok ni Lousie, ginawa niya ito para maging handa sa ganutong uri ng mga sitwasyon. At naging kapaki-pakinabang naman ito ngayon.
Matapos niyang gamitin ang Night Tracking, nakakuha si Marvin ng indikasyon kung nasaan siya.
Mabuti na lang at malapit lang sa kanya si Louise.
…
Habang tumatakbo siya sa walang hanggang desyerto, isang impormasyon na nagmula sa Fairy ang nagpapaulit-ulit sa isipan ni Marvin.
MArahil iilang tao lang sa Feinan ang nakakaalam ng impormasyon na ito.
Ito'y isang bagay na tanging ang pinakamalalakas na powerhouse lang ang makakaalam, kasama na rito ang ilang pag-unawa sa ilang mga God.
Dahil nag-transmigrate siya, mas malaki ang pag-unawa ni Marvin sa mundong ito kumpara sa isang pangkaraniwang tao.
Sa pagkakaalam niya, bawat mundo ay may kanya-kanyang mga batas.
Ang mundo ay parang sala-salabat na chessboard. Ang lahat ng nilalang ay ang mga piraso nito.
Ang pinagkaiba lang ay kung malakas ang pirasong iyon o hindi.
Ang malupit na batas ng kompetisyon ay lalamunin ng malakas ang mahihina.
Ang hindi alam ni Marvin ay kung mayroon bang makapangyarihang kamay na nagmamanipula sa laro.
Pero isang bagay lang ang sigurado, kung mayroon man, siguradong hindi iyon ang mga God. At hindi rin ang mga Evil Spirit Overlord, ang mga Demon ng Abyss, o ang mga Devil ng Hell.
Sadyang mga makapangyarihang piraso lang ang mga ito.
Tanging ang paglabas lang sa chessboard ang paraan para maging isang manlalaro at makapaglaro ng iba pang mga laro.
…
Kung titingnan ito sa perspektibong ito, dahil isa itong chessboard, mayroong pa rin itong mga patakaran, at iyon ang bumubuo sa Universe Law.
Ang ilang sa mga Universe Law ay malinaw, tulad ng pagkakaiba ng lakas ng bawat isa. Ang iba naman ay Malabo, kaya naman ang mga madunong na tao lang ang nakakaunawa nito.
Ang pinagmumulang ng kapangyarihan ng mga piraso sa chessboard ay binubuo ng Chaos Magic Power at Essence.
Pero ginagamit din ng mga ito ang Universe Law.
Sa mababang level, nakatuon lang ang atensyon ng mga tao sa mga skill o paraan ng pagsasanay. Dadaan sila sa mga mahihirap na pagsubok para lang mapataas ang kanilang level o mapalakas ang kanilang sarili, kailangan nila ng mas malaking pang-unawa.
At ang pang0unawa na iyon ay higit pa sa kahit ano.
Tulad na lang ng Legend Domain.
Isa ito sa mga Law.
Ang bawat Legend Domain ay magkakaiba, at ang mga batas na kumokontrol sa mga ito at mayroong mga pagkakaiba-iba.
Pero bago maabot ang realm na iyon, kailangan munang dumaan sa matinding karanasan ang isang tao.
Mahihirapan nang magpalakas ang isang tao kapag naunawaan na niya ang isang Domain.
Mas madali ang maging isang God, pero malaki rin ang kapalit ng landas na ito.
Ang tinatawag na ascension ay isang pamamaraan lang para sumanib ang isang tao sa mga Universe Law sa pamamagitan ng Fate Tablet.
Ang Fate Tablet ang isa sa mga misteryosong bagay na nagmula pa sa sinaunang panahon. Ang iba ay nabaliw sa mga ito, kasama na ang ilang mga God na nakapag-ascend na. Nakakuha sila ng malaking benepisyo mula dito pero nabalisa rin sila dahil dito.
Sa pamamagitan ng pag-ascend, ang isang God ay magkakaroon ng Divine Vessel, pati na Divine Power.
Ang laki ng Divine Vessel na iyon ay nakadepende kung gaano kahusay ang pakikisanib nila sa Universe Law.
Halimbawa, ang Anient Nature God ay mayroong Great level Divine Vessel (Kilala bilang pinakamalaki), dahil ang mga Universe Law na hawak niya ay malawak, sakop nito ang lahat ng Law of Nature. Para naman sa God of Forest, kumpara sa Nature God, ang mga Law na nakuha niya ay mas kaunti at limitado lang sa mga kagubatan.
Sa madaling salita, ang Godhood at Divine Vessel ay natutukoy lang sa pag-ascend. Ang Godhood ang tumutukoy sa Domain, habang ang Divine Vessel naman ang tutukoy sa lawak ng Domain.
Ang Divinit ay nnatutukoy kung gaano kalalim ang control nito sa isang Domain.
Madalas na proporsyonal ang Divinity at level ng Divine Vessel, sa madaling salita, kapag mas makapangyarihan ang Divine Vessel ng isang God, mas malalim ang pang-unawa niya sa Domain. Isa itong natural na pangyayari.
Pero kakaunti lang ang nakakaalam na ang Divinity ay katulad lang ng [Authorization].
Kung walang Divinity, hindi magagamit ng isang tao ang mga lakas ng law na ito.
Maraming kayamanan ang nangangailangan ng Divinity at ang dahilan nito ay, ang mga kayamanan na ito ay may kinalaman sa kapangyarihan ng plane law o iba pang mga law.
Para naman sa Divine Power, ito ay panlabas na anyo lang ng kapangyarihan. Hindi ito direktang mas malakas kesa sa Chaos Magic Power, pisikal na kapangyarihan o iba pang mga kapangyarihan.
Sa madaling salita, ang Divine Vessel ay parang pandikit na hinahayaan ang mga God na idikita ang kanilang sarili sa sistema ng mga Law at tinutukoy nito kung alin ang mako-kontrol nila.
Ang Divinity ang nagdedesisyon kung gaano kalalim ang kontrol ng mga ito sa mga Law. Kumbaga para itong tubig, dahil ang isang patak ay naiiba sa isang buong karagatan.
Habang ang Divine Power naman, isa itong kapangyarihan na ipinamamalas ng mga God sa pamamagitan ng pananamantala sa Faith na naiipon mula sa kanilang mga tagasunod. Nakuha nila ang mga Follower na ito sa dahil sa kakayahan nilang gamitin ang mga Law. Ang isang God na walang Divine Power ay hindi makatotohanan.
…
Matapos malaman ang katotohanan sa pagiging isang God, mas madali nang maintindihan kung bakit ayaw nang mag-ascend ni Marvin sa pagkakataon na ito.
Sa laro, ang pag-ascend ay ang pinakamadaling paraan para lumakas, kaya natural lang na ito ang piliin nila.
Pero sa pagkakataon na ito, tunay na buhay na ito.
Kapag nag-ascend siya, makukulong na siya sa laro na ito.
Ang pag-ascend ay nangangahulugan nang pagsanib sa chessboard. Ang kanyang kaluluwa ay habang-buhay nang naka-imprenta sa Universe na ito at habang-buhay nang nakakulong sa mga Law ng mundong ito.
Tunay nga na basta nandyan ang mga Law na ito, imortal ang mga God ma iyon.
Pero paano kung isang araw, masira ang mga Law na ito?
Kahit na mayroong lang itong posibilidad na mangyari sa hinaharap, ayaw ni Marvin na malimitahan siya nang ganoon.
Alam na niya na wala ring mapapala ang mga God sa pag-atake sa Universe Magic Pool.
Grupo lang rin sila ng mga taong nakakulong sa chessboard, at ginagawa lang nila ang kanilang makakaya para makatalon palabas dito.
Sa kasamaang palad, hindi nila ito magagawa. Naging isa na ang kanilang mga kaluluwa sa Universe Law ng mundong ito.
Iniisip rin ni Marvin kung ang supreme Wizard God Lance ay nakakulong rin sa larong ito.
May kinalaman kaya ang pagkawala niya rito?
…
Pero opinion lang ito ni Marvin. Sa madaling salita, hindi siya interesado sa pag-ascend.
At dahil doon, kailangan niyang humanap ng ibang landas.
Para makuha niya ang kapangyarihan ng mga Law nang hindi siya sumasanib dito, ang tanging solusyon lang ay mapangibabawan niya ang mga ito.
Para sa isang mababang uri ng nilalang, mahirap ito.
Pero ang paglitaw ng Advanced False Divinity Vessel ay nagbigay sa kanya ng panibagong pagkakataon.
Tulad ng sabi ng Fairy, ang False Divinity Vessel ay isang magandang imbensyon ng ancient alchemy bago ito nakalimutan.
Ang tinatawag na False Divinity Vessel ay isang [Divine Vessel] na gawa ng tao. Para itong isang tulay na nagkokonekta sa mga pangkaraniwang tao sa mga World Law.
Iba ito sa tunay na Divine Vessel dahil ang ang False Divine Vessel ay hindi pinag-iisa ang nagmamay-ari nito at ang mga Universe Law.
Kahit na mayroon itong benepisyong taglay, ang kapangyarihang nakukuha nito ay mas mahina pa rin kumpara sa nakukuha ng tunay na Divine Vessel, pero ang Advanced False Divinity Vessel ay may posibilidad na lumaki pa.
Hinihiram lang nito ang kapangyarihan ng mga Law, sa halip na pinag-iisa at minaminupala ito tulad ng sa mga God.
Halimbawa nito, ang isa sa mga Domain ni Marvin, ang Shadow at Slaughter, ang gagamitin niya sa pag-ascend.
Kapag nangyari iyon, makakalaban niya ang God of Slaughter at ang Shadow Prince.
Hindi sila maaaring magkapareho. Kung mag-aascend si Marvin, makukuha ni Marvin ang mga Law na ito at wala nang matitira sa kanila.
Pero hindi ganoon ang False Diviniy Vessel.
Kinokonekta lang nito ang tulay para manghiram ng kapangyarihan. At ni hindi ito matutuklasan ng mga God.
Isa ito sa benepisyo ng False Divinity Vessel.
Ayon sa impormasyon ng Fairy, maaari pa itong lumaki!
Maaaring itali ni Marvin ang kanyang Domain sa Advanced False Divinity Vessel para makakuha ng mas malakas na kapangyarihan.
Pero ang paggamit sa mga Law ay kakailanganin ng maraming enerhiya. Ito ang dahilan kung bakit kailangan makakuha ng mas maraming taga-sunod ang mga God.
Ang enerhiya ng kanilang pangunahing katawan ay hindi kakayanin ang pangangailangan para magamit ang mga Law.
Ito ang pinakamalaing suliranin na kakaharapin ni Marvin sa hinaharap.
Sa kabaliktaran, ang impormasyon sinabi ng Fairy tungkol sa limitasyon ng kanyang katawan ay mas simple.
…
"Mapapakinabangan ko ang False Divine Vessel na 'to. Kailangan ko nga ang bagay na 'to.'
'Pagbalik ko sa Feinan, papatay ako ng ilang Divine Servant para makakuha ng mas maraming Divinity. Mapapataas ko rin siguro kalaunan ang level ng Divine Vessel…'
'Tungkol naman sa paglagpas ko sa level 30 restriction, baka umasa rin ako sa Advanced False Divinity Vessel…'
Habang nag-iisip si Marvin, nakalabas na siya ng desyerto at nakapasok na sa kagubatan.
Noong mga oras na iyon, isang halakhak ang narinig niya sa kanyang likuran!
Lumingon siya at agad na sumimangot.
Dalawang Evil Dragons ang mabilis na papalapit.
Napakabilis ng mga ito, mas mabilis kesa dati.
Habang ang itsura nila ay napakapangit, tulad ng itsura ng Corrupt Modana.
'Sabi na nga ba, na-corrupt na rin ang dalawang 'yon.'
Bahagyang nabahala si Marvin.
Ang mga Evil Dragon ay hindi katulad ng mga normal na Dragon. Gawa sa Negative Energy ang mga ito.
Sino mang mahawaan nito, mababawasan ang resistance nito ay maaari silang mabulok.
Mabuti na lang at nasa kagubatan na sila at maraming lugar na pwedeng pagtaguan si Marvin.
Pero ang pinagtaka niya ay ayon sa Night Tracking, nasa paligid lang daw si Lousie. Bakit walang Nakita si Marvin kahit isang anino?
Nauubos na ang kanyang oras at wala na siyang oras pang mag-isip. Direkta siyang tumalon papasok sa kaibuturan ng kagubatan.
"Roar!" Atungal ng mga Dragon habang pababa ang mga ito.
Ang reaksyon nila ay dahil sa kapangyarhang nanggagaling sa Crystal Statue.
Habang patuloy na binabaybay ni Marvin ang gubat, isang uwak ang biglang dumapo sa kanyang balikat.
"Kakaiba talaga ang kakayahan mo sa paggawa ng gulo, bata."
Bumulong ng pabiro si Louise sa tenga ni Marvin.
Nakaramdam ng tuwa si Marvin habang nanatili naman siyang mahinahon ang itsura. "Tama lang. Bumaba si Tidomas, at karamihan ng mga Chromatic Dragon ay naging Evil Dragon/"
"Nakikita mo ba ang dalawang Dragon sa taas? Hindi naman sa gumawa ako ng gulo, sadyang isang malaking sabwatan ang nangyari."
Iniisip pa lang ni Marvin na ipaliwanag kay Louise ang nangyari.
Pero hindi niya inaasahan na sabihin nitong, "Alam ko na."
"Paano nga naman magiging mabuti si Hartson? Hindi naman siya ang tipo ng God na binibiyayaan ang mga anak noong nabubuhay pansiya, kaya bakit naman siya magiging mapagbigay noong namatay siya?"
"Tinanggap ko ang imbitasyon ni Kangen dito para alamin ang nangyari."
Natuliro si Marvin. Tila mas marami pang nalalaman si Lousie kesa sa kanya.
Bago pa man makapagsalita muli si Marvin, mabilis na nagsalita si Lusie, "Mayroong lawa sa loob-loob ng kagubatan."
"Mayroong Teleportation Gate sa ilalim ng lawa, hihintayin kita doon. Mayroon ka lang dalawang minute."
"Kapag hindi mo pa naliligaw ang dalawang 'to sa oras na 'yon, o kung di ka darating agad, mauuna na ako."
Pagkatapos sabihin ito, naging abo na ang uwak!
Isa lang palang spell iyon!
Napamura si Marvin. Masyadong mapanlinlang ang kanyang kakampi.
Tiningnan niya ang dalawang Dragon sa itaas at mabilis na nag-isip ng plano.
…
Sa taas ng gubat, tila baliw ang dalawang Dragon na pilit na naghahanap ng bakas ni Marvin.
Pero masyadong makapal ang mga puno, kaya naman nahihirapan silang hanapin ito.
Noong mga otas na ito, bigla na nilang napansin ang isang anino na palapas sa dulo ng gubat!
Agad naman itong hinabol ng dalawang Dragon!