Ang pinakamasamang epekto ng pagiging isang Evil Spirit ay ang malaking kabawasan sa katalinuhan ng isang tao.
Wala nang magagawa tungkol doon.
Malaking problema ito para sa mga Evil Spirit Envoy. Kung gusto nilang maging prominente sa Negative Energy Plane, kailangan nilang makahanap ng paraan na hindi maapektuhan ng Negative Energy ang kanilang mga utak.
Ang mga tulad nina Dragon God Hartson, Diggles, at iba pa, ay may kanya-kanyang pamamaraan.
Pero walang ganitong pamamaraan ang mga pangkaraniwang Evil Spirit.
Tulad na lang ng dalawang Dragon na naging Evil Dragon.
Isa ito sa mga kakulangan ng mga Evil Spirit. Mayroong taglay na katalinuhan ang mga powerhouse, pero ang kanilang mga tauhan ay tila retarded…
Binibigyan sila ng pambiirang kapangyarihan ng Evil Spirit Sea, pero mayroon itong kapalit. Pagkatapos maapektuhan ang kanilang katalinuhan, wala na silang alam kundi sumunod sa utos at wala na rin silang kakayahan na gumawa ng mga simple at tamang desisyon.
Kinailangan lang ni Marvin ng simpleng Origami Clone para pasunurin ang dalawang Corrupt Dragon palayo.
Habang mas humuhusay ang kanyang Origami skill, nagagawa na niyang gumamit ng higit sa isang Origami Clone.
Pero hindi pa rin ito maikukumpara sa mga Origami Clone na nagagawa ni Shadow Thief Owl. Kahit ang isang tao na may ordinaryong paningin ay makikita ang pagkakaiba, hindi pa Pulido ang mga tupi nito kaya naman hindi pa ginagamit ni Marvin ang mga ito sa laban.
Pero sapat na ito para lansihin ang mga Dragon na nabawasan nang malaking porsyento ang katalinuhan.
Kaya naman, nang sinusundan na ng mga Dragon papalayo ang Origami Clone, agad na tumakbo si Marvn sa kaloob-looban ng gubat.
Hindi niya alam kung gaano katagal ang epekto ng Origami Clone, kaya mas mabuti kung mas mabilis siyang makakapunta sa lokasyon ni Louise.
…
Ang hindi alam ni Marvin, kung wala siya sa kabilang dako ng Nightmare Boundary at hindi abala si Hartson sa pakikipag-usap kay Grant, hindi siya basta-basta makakatakas. Kahit na Corrupt na ang mga Dragon, pwede pa rin silang manipulahin ni Hartson mula sa kinatatayuan niya.
Pero habang kausap si Grant, hindi nangahas si Hartson na ituon ang atensyon sa ibang bagay.
Isa ito sa mga pinakamakapangyarihang God.
Isa pa, mayroon siyang bagay na narinig kay Grant na ayaw na sana pa niyang marinig.
Si Lance.
Noong mga oras na iyon, nakatakas si Marvin nang hindi napapansin.
"Nagbibiro ka ba?" Natigilan ang puso ni Hartson. "Hindi mo ba alam na wala na si Lance?"
"Dahil kung hindi, hindi naman kayo mangangahas na atakihin ang Universe Magic Pool na siya mismo ang gumawa, hindi ba?"
"Saan mo naman nakuha ang impormasyon na 'yan?" Mahinahong anong ng God of Dawn and Protection.
Natigilan ang Evil Spirit Overlord at sinabing, "Sa God Realms niyo… Sandali…"
Biglang natakot si Hartson. "Peke ba ang impormasyon na ipinakalat niyong tatlo?"
Lahat ng makapangyarihang nilalang ay binigyan pansin ang tungkol sa pagbagsak ng Wizard God na si Lance.
Kalaunan ang mga aksyon na ginawa sa God Realms noong mga nakaraan, pati na ang pagsiyasat ng tatlong Great God sa Chaos Primal Fringe, ay nagdulot ng mga bali-balita, kaya naman marami sa mga tao ang naniwala na patay na si Wizard God Lance.
Sa Hell, Abbys, Negative Energy Plane… Hindi mabilang ang mga powerhouse na naghahanda na at naghihintay na lang ng pagkakataon para pasukin ang Feinan.
Pero sa pagkakataon na ito, sa loob ng Nightmare Boundary, bigkang naunawaan ni Hartson ang ibig-sabihin ni Grant.
"Kung wala ang pekeng impormasyon na 'to, bakit naman sila mangangahas na atakihin ang Universe Magic Pool?"
Ngumiti si Grant at sinabing, "Kung hindi, hindi ba mananatili kang nagtatago sa dilim?"
"Walang nakakaalam kung patay na nga ang Wizard God o hindi."
"Pero ako mismo ay naniniwalang buhay pansiya. At kung buhay pa nga siya, ano sa tingin mo ang gagawin niya kapag nakita ka niya."
Nanlamig si Hartson.
Noon hindi siya nagdalawang isip na magkunwaring patay. May dahilan kung bakit siya pumayag na mawala ang bahagi ng kanyang Divine Source, at iyon ay para hindi mapansin ni Lance.
Natatakot siya sa makapanyarihang nilalang na iyon.
Tinatablan pa rin ng takot ang mga Evil Spirit. Para sa kanila, habang mas lumalakas sila, mas natatakot silang mamatay.
Matapos niyang makamit at maramdaman ang ganitong lakas at katayuan, masakit sa kanya kapag nawala uli ang lahat ng ito.
Alam niya na dahil sa pangako niya, kung buhay pa si Lance, at nalaman na nagkunwari lang siyang namatay, siguradong hindi niya ito palalampasin.
At kapag nangyari iyon, kahit na ipapanganak na ang nilalang na iyon sa Evil Spirit Sea, hindi pa rin siya maililigtas nito.
Pero hindi naman agad-agad natakot si Hartson sa mga sinabi ni Grant.
Seryoso siyang sumagot, "Kung buhay pa nga si Lance, at nakita niyang inatake niyo ang Universe Magic Pool, edi sana ay inuna na niya kayong pabagsakin, hindi ba?"
"Tuso ka pa rin, Grant. Hindi bagay sayo ang pagiging God of Dawn ang Protection. Bakante naman ang posisyon para sa God of Deception, subukan mo kaya."
Hindi niya inakala na ngingiti lang si Grant sa kanya. "Alam mo ba na ang pag-atake sa Universe Magic Pool ay kaming tatlo mismo ang nag-isip?"
"Paano mo nalaman na ayaw masira ni Lance ang Universe Magic Pool?"
"Sir Hartson, masyadong mababaw ang pagtingin niyo sa mga bagay…."
"Isa ka lang dayo sa plane na 'to. Hindi mo kailanman naunawaan ang sitwasyon at sinubukan mo pang pagharian ang mundong ito. Hindi ito gawain ng isang matalinong tao."
"Ayoko naman maglabas pa ng impormasyon. Nasa sayo na kung maniniwala ka sa akin o hindi."
"Umalis ka na sa mundong 'to, kung hindi, wawasakin ko ang [Evil Dragon Cemetery]."
Desidido at mapagmataas ang tono ni Grant, pero tila natural lang ito sa kanya, na para bang madali lang sa kanyang gawin ang lahat ng ito.
Namutla si Hartson.
…
Sa gubat, mabilis na tumatakbo si Marvin.
Sa sinabi ni Louise, malapit lang ang lawa at mabilis niya itong nahanap.
Pero medyo malalim ang lawa. Matapos uminom ng underwater breathing potion, inabot si Marvin ng sampung minute para marating ang ilalim ng lawa.
"Ang tagal mo!"
"Di bale na, ayoko nang makipagtalo sayo. Umalis na muna tayo rito."
Lumangoy si Lousie sa gilid at hinila ang kamay ni Marvin patungo sa mabatong bahagi ng lawa.
Sa isang tumpok ng mga bato, isang makipot na Teleportation Gate ang nakakagulat na bumukas.
Naramdaman ni Marvin na ang rune sa Teleportation Gate ay pamilyar.
Pero hindi na siya binigyan ng pagkakataon ni Louise tingnan ito nang mabuti dahil itinulak na siya nito papasok sa Teleportation Gate.
Paglipas ng ilang sandali, minulat ni Marvin ang kanyang mga mata.
Napapalibutan pa rin siya ng tubig.
'Ano? Hindi ba gumana ang Teleportation?'
Nanlumo si Marvin nang makitang pareho pa rin ang kapaligiran.
Pero bigla itong nanlaki.
Dalawang hanay ng labing dawalang Higher Water Elemental Guardian ang biglang lumitaw at yumuko sa direksyon ni Marvin. "Maligayang pagdating, Princess."
"Mukhang napagod ang Princess, ang kamahalang King ay naghihintay sa inyo sa Heart od th Whirlpool."
Bumulong si Marvin, "Elemental Plane of Water…"