Dahil sa epekto ng Slow Halo, bumaba ang Perception ni Marvin.
Pero hindi ibig sabihin noon na wala na siyang paraan para makiramdam sa kanyang paligid.
Ang Earth Perception na itinuro sa kanya ni Blade Master Kangen ang pinakamabisa sa oras na ito.
Ang skill na ito ay base sa pagkakaintidi at pagkakonekta ng gumagamit nito sa mundo, at hindi sa impormasyon lang.
Maganda ang pagkakaintindi ni Marvin, natanggap niya ang ability na ito dahil sa pagsasanay niya ng Desperation.
Gamit ang Earth Perception, sinimulan niyang intindihin ang mga katangian ng lugar na ito.
Ang buong underground temple ay binubuo ng paste-like substance, kaya naman tila mamasa-masa ito.
Ilang impormasyon ang lumitaw sa interface ni Marvin bilang resulta ng kanyang Perception.
At agad na nagkaroon ng reaksyon ang isipan ni Marvin sa impormasyong ito.
Ito ang unang beses na pumasok siya sa Fantastic Realm, io ang unang beses na hindi na niya kailangan tingnan ang kanyang interface at direkta niyang natatanggap ang impormasyon.
Ang mga bloke ng undergound temple at kulay puti.
Hindi malinaw kung saan ito yari.
Pero sa isang lugar sa hindi kalayuan, naging itim na ang sahig.
Mukhang nasunog ito.
At alam ni Marvin na hindi ito dahil sa Dragon Breath o Dragon spell.
Hindi naman itim ang sahig kanina.
Dahil tandang-tanda niya na nakatayo si Buttergly sa kaparehong sahig kanina lang.
Sinimulan niyang isipin nang mabuti kung ang orihinal na kulay nito bago muling tumalon ang kanyang isipan!
'Mapula-pula!'
'Oo, mapula-pula nga!'
Wala naman talaga pakialam si Marvin sa kulay ng templo, pero dahil sa Earth Perception, nakakuha siya ng ilang palatandaan.
Malinaw na hindi nawala si Butterfly nang walang dahilan.
Kanina lang ay nakatayo siya sa sahig na iyon.
At ngayon itim na ang bahagi ng sahig na iyon.
Ang ibang bahagi ng sahig ay hindi pa rin nagbabago.
Umaalingawngaw pa rin mula sa malayo ang mga pagsabog.
'Hindi kaya ang mapulang bahagi ng sahig ang daan papuntang ikalawang palapag?' Biglang pumasok ito sa isip ni Marvin.
Mukhang posible ito.
Kahit na hindi maaasahan si Butterfly, hindi pa rin naman ito aalis nang hindi man lang nag-iiwan ng bakas.
Mukhang may nagalaw siya mekanismo at hindi niya sinasadyang mabuksan ito.
At ito ang templo ng Dragon God, kung mayroon mang ganoong klase ng mekanismo, siguradong patungo ito sa susunod na palapag.
Itinigil n ani Marvin ang paggamit ng Earth Perception at nag-eksperimento sa bahagi ng sahig na itim, pero walang nangyari.
Kasabay nito, ang itim na bahagi ng sahig ay bumalik sa dati nitong kulay at naging pareho na sa iba, wala na ito halos pinagkaiba.
'Isang beses lang ba pwedeng gamitin'yon?' tiningnan ito ni Marvin habang nag-iisip.
Gayunpaman, hindi na siya makakadaan dito.
Bahagya siyang nagdalawang-isip bago tuluyang tumungo sa pinanggalingan ng pagsabog!
Alam niyang mayroong nangyari, mas mabuting subukan niyang puntahan ito.
…
Tahimik ang bawat yapak ni Marvin sa madilim na templo.
Maingat niyang pinagmasdan ang sahig sa templo habang tumatakbo siya.
Pero kahit na napakahaba ng pasilyong ito, pare-pareho lang ang kulay ng mga ito, puti.
Hindi pa siya nakakakita ng mapulang bloke sa sahig.
Bahagyang nainis si Marvin.
Paglagpas niya sa pasilyong ito, isang asul na liwanag ang nakita niya sa kanyang harapan.
Mayroong napakaliwanag na ilaw, at doon nanggaling ang pagsabog.
Sa katunayan, hindi ito isang pagsabog, kundi pigil na pag-atungal ng Dragon.
Tumigil si Marvin sa dulo ng asul na liwanag, naaawang tinitingnan ang nasa gitna nito.
Nang madama nitong may papalapit, lumiit ang liwanag, bago galit na umusad, ipinakita nito ang itsura nito bagi ito mamatay.
Pero Malabo ang mga Dragon Soul, hindi rin malinaw kung ano ang nais ipakita nito.
Naunawaan ni Marvin na isa itong Dragon Soul, pero bukod doon, wala na siyang alam tungkol dito.
Ang kaawa-awang Dragon Soul na ito ay hindi masasaktan si Marvin.
Nakakulong ito.
Maingat na siniyasat ni Marvin ang kalagayan ng Dragon Soul. Kahit na tila bayolente ito, nanghihina ito.
Sa gitna ng asul na ilaw, mayroong anim na ngipin ng Dragon ang biglang lumitaw mula sa kawalan at ipinako sa lupa ang Dragon Soul.
Malamlam na dilaw ang kulay ng mga ngipin na ito, markado ito ng mga rune na may matinding Divine Power.
Hinihigop nito ang kapagnyarihan ng ng Dragon Soul.
Isa itong matinding kapangyarihan.
Sumimangot si Marvin.
Sino bang nilalang ang napakasama na kahit Dragon Soul ay hindi nito pakakawalan?
Nakaktakot na mga bagay ang mga Dragon Teeth na ito kapag pinino ng Alchemy pati ng Divine Power. Kahit na mukhang magaspang ang mga ito, sa katunayan at napakatalas nito at puno ng maliliit na tinik.
Isang maliit na pagkakamali lang at maaaring mahigop ang lahat ng lakas ng isang tao sa isang iglap.
Sa naramdaman ni Marvin, ang Dragon Teeth na ito ay tila mga masasamang halimaw na gustong mabuhay.
Pero tila maamo ito sa mga Dragon Soul dahil kung hindi, hindi na tatagal nang ganito ang Dragon Soul na ito.
'Sayang, kung mayroon lang Master Alchemist.'
'Ayos na rin sana kahit maalam na Legend Wizard. Malaki siguro ang pakinabang ng Dragon Soul na 'to.'
Tiningnan ni Marvin ang mahina at galit na Dragin Soul at napailing na lang sa kanyang isip.
Wala siyang paraan para mahuli ito, hindi niya ito specialty.
Subalit, noong papaalis na siya, mayroon siyang napansing kakaibang kulay sa gitna ng asul na ilaw!
Dahil sa ilaw, kulay asul din ang buong kapaligiran, bukod sa bloke sa sahig na iyon.
'Pulang bloke sa sahig!'
Tuwang-tuwa si Marvin.
Pero mayroong problema.
Ang bloke ng sahig ay nasa gitna ng asul na iaw, sa gitna ng Dragon Teech Encirclement.
Kung gusto niyang umapak sa bloke na iyon para paganahin ang mekanismo, kakailanganin niyang pumasok sa Dragon Soul Boundary.
Hindi ito madali.
Kahit na ang Dragon Soul ay nanghihina at hindi nito masasaktan si Marvin, bilang isang uri ng force field, baka hindi makapasok dito si Marvin.
Sinubukan niyang mas lumapit sa asul na ilaw, pero hindi niya inakala na may mamumuong ulo ng Dragon sa kanyang harapan at susubukan siyang kagatin nito!
Naka-iwas si Marvin gamit ang Shadow Step at puro hangin lang ang natamaan ng Dragon Head.
Pero malayo pa rin kay Marvin ang bloke ng sahig.
Mahirap ang sitwasyon niya.
Umatungal ang asul na Dragon Soul, tila may sinasabi ito.
Alam ni Marvin na maraming Dragon ang nadalala ang kanilang kaalaman noong nabubuhay sila hanggang kamataya. At dahil buhay pa ito hanggang ngayon, baka kaya nitong makipag-usap.
Ang Problema lang ay hindi siya nakakaintindi ng Draconic.
Kaya naman wala siyang nagawa kundi magtanong, "Hoy, nakakapagsalita ka ba ng Common? Kung oo, baka pwede tayong mag-usap.
Pagkatapos nito, biglang natahimik ang Dragon.
Umatras ang asul na ilaw at may maliit na Dragon Head na lumitaw.
Sinabi nito sa isang malalim na boses, "Pakawalan…. Pakawalan mo ko…"
Pumalakpak si Marvin, may magandang palabas!
…
Mga sulo, mural, at amoy sunog.
Tulirong nakatayo si Butterfly sa harap ng isang mural. Mayroong manipis na hamog sa harap ng mural, kaya hindi niya ito makita nang mabuti.
Isang madunong na matandang lalaki ang nakatayo sa kasama niya, magkatabi sila at huminga nang malalim ang lalaki.
"Ito pa lang ang ikalawang palapag ng underground temple."
"Mayroong mga nakasulat sa mural.. Kung gusto gusto mong malaman kung ano 'yon, tumingin ka na. Pero baka pagsisihan mo 'to pagkatapos."
"Sa katunayan, magmula nang maakit ka sa papasok ng Lumber Woods dahil sa Green Dragon, mayroong mga bagay talagang mangyayari at mangyayari."
Tulirong tiningnan ni Butterfly si Professor, "Tulad ng?"
"Mga bagay na pagsisisihan mo,." Sagot ni Professor.
Sumimangot si Butterfly, "Bakit?"
"Dahil siguradong titingnan mo ang mural." Kampanteng sagot ni Professor, "Mabuti kang tao."
Pagkatapos nito, humarap ito sa kadiliman.
Sa sunod na sandali, nawala na ang hamog na nakaharang sa mural at malinaw nang nakikita ang imahe ditt.
"Hmpf! Kung magsalita ka, akala mo kilala mo ako."
Umirap si Buterfly, walang siyang pakialam sa pagitan ng kanilang lakas.
Sadyang… Nagdadalawang-isip siya dahil sa sinabi ng Professor.
Pero dahil sa pagtataka nito, nais sana niyang tumingin, hindi naman kasi nagsasabi si Professor nang walang dahilan.
Isa pa, tila may boses sa kanyang puso na sumisigaw ng, "Wag kang titingin, wag kang titingin."
Kung mural lang ito, ano ba ang posibleng mangyari?
Bumulong si Butterfly bago naglabas ng puting bulakak. Isa-isa niyang binunot ang talutot nito, "Tingin, hindi titingin, tingin, …"
…
Underground temple, unang palapag.
Mabigat ang usapan sa pagitan nina Marvin at ng Dragon Head.
Kahit na taglay pa rin ng Dragon na ito ang kanyang kaalaman, malinaw na nalalapit nang mawala ang kanyang katalinuhan.
Nakakapagsalita ito ng Common, pero hindi mahusay at medyo kakaiba ito.
Paulit-ulit nitong hinihiling kay Marvin na pakawalan siya
At ang pinakanakakainis, hindi pa rin nito sinasabi kay Marvin kung anong dapat gawin sa mga Dragon Teeth.
Kung mag-isa lang si Marvin, imposible niyang matanggal ang mga Dragon Teeth.
Pero hindi ibig sabihin nito na walang magagawa si Marvin sa mga Dragon Teeth.
Sa katunayan, basta gamitin niya ang Weeping Sky, ay agad na magiging abo ang mga Dragon Teeth na ito.
Ang problema ay madadamay ang Dragon Soul kapag ginawa niya iyon.
Naramdaman ni Marvin na konektado ang Dragon Teeth sa isang bagay sa underground temple. Kung sapilitan niyang wawasakin ang mga ito, baka magdulot ito ng sakuna.
Kaya naman, ginawa pa rin niya ang lahat para makipag-usap sa Dragon Soul.
Pagkatapos mag-usap panandalian, kahit na hindi pa malinaw ang lahat, bahagyang naunawaan na ni Marvin ang ibig sabihin ng Dragon Soul.
Mayroong bagay sa ikalawang palapag ng underground temple na makakapagdispatya sa Dragon Teeth.
Umaasa ang Dragon Soul na mapapakawalan siya ni Marvin, bilang kapalit handa siyang magbigay ng benepisyo kay Marvin.
Nang marinig ang tungkol dito, labis na natuwa si Marvin.
Pagtapos ng ilang pag-aalinlangan, dahil nahihirapan silang mag-usap, inilabas niya ang book of Nalu.
– Ikaw ang magiging translator ko –
– Nakakaintindi ka ba ng Draconic? –
Tanong ni Marvin.
Mabilis na sumagot ang Book of Nalu:
– Isang Divinity, translator ng isang oras –