Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 467 - Book of Forgiveness

Chapter 467 - Book of Forgiveness

Sa harap ng gahaman na Book of Nalu, ngumisi si Marvin at isinulat.

– Tuloy-tuloy na pag-trasnlate, kung hindi, hindi ka na makakakuha ng Divinity –

Agad na nanahimik ang Book of Nalu.

Sa kasaluuyang pagkakaintindi ni Marvin sa Book of Nalu, kahit na mas malakas na ito ngayon, hindi pa ito umaabot sa punto na makakapaghanap ito ng Divinity nang mag-isa

Si Marvin pa rin ang Master nito.

Kahit na may kasunduan ang dalawang ito, dahil sa makapangyarihang willpower ni Marvin, kaya walang magawa ang Book of Nalu kundi makipagkompormiso.

– Ngayon lang –

– O bigyan mo ako ng isang Divinity at direkta kong ibibigay sayo ang kaalaman ng Draconic –

Mabilis na sumagot ang Book of Nalu.

Nagdalawang-isip si Marvin pero sa huli, hindi niya tinanggap ang alok ng Book of Nalu.

Kahit na gustong-gusto niyang maunawaan ang Draconic, masyadong direkta ang pagbibigay kaalaman ng Book Of Nalu.

Hindi naman siya nagdududa kung mayroong ganitong kakayahan ang Book of Nalu, pero hindi pa niya nalilimutan na isa itong artifact ng God of Deception.

At kaunting panahon pa lang ang lumilipas nang subukan nitong i-overmaster si Marvin.

Kung may gagawin ito habang nagbibigay kaalaman kay Marvin, malalagay sa panganib si Marvin.

Sa huli, mas pinili niya ang pansamantalang translator.

Kaya naman, nagkaroon na sila ng kasunduan. Nagsimula nang magsalita ng Draconic ang Dragon Soul para kausapin si Marvin, at agad naman itong isinalin sa Common ng Book of Nalu para kay MArvn.

Paglipas ng limang minuto, naunawaan na ni Marvin ang sitwasyon.

Malapit na ito sa kung ano ang hinihinala niya. Nakatamo ng pinsala ang alaala ng Dragon Soul, ang naalala niya lang ay ipinako siya doon ng isang makapangyarihang pwersa bilang parusa.

Ang anim na Dragon Teetch na iyon ang pumipigil sa kanya.

Isang Item ang kailangan para matanggal ang mga ito. Tinatawag itong [Book of Forgiveness].

Sa tingin ni Marvin, personal na ikinulong ni Dragon God Hartson ang Dragon Soul na ito.

Hindi naman malinaw sa kanya ang tunay na dahilan nito.

Pero base sa kasalukuyang itsura ng Dragon Soul, hindi naman lubusang masama ang Dragon Soul na ito.

Kahit na bayolente ito, dahil ito sa Dragon Teeth na patuloy siyang sinasaktan.

Pagkatapos makipag-usap ni Marvin dito, huminahon ito at sinikap na makabuo ng maayos na kasunduan. Kahit na kinailangan niyang makipagkompormiso, karamihan ng mga Evil Dragon Soul ay puro instinct lang ang pinapairal at siguradong inatake na nito si Marvin.

Lalo pa at kadalasan, ang mga Dragon Soul ay purong willpower energy lang. Ni hindi ito pasok sa pamantayan ng pagiging isang Soul, tulad ng mga Ghost at Evil Spirit. Isa itong Soul na may pinsala.

Dahil sa pagpapaliwanag ng Dragon Soul, Naunawaan n ani Marvin na ang Book of Forgiveness ay matatagpuan sa aklatan na nasa ikalawang palapag ng underground temple.

Sinasabi rin na ang aklatan na ito ay maraming kaalaman na nilalaman. Isa ito sa mga pinakamahalagang lihim na lugar para sa mga Chromatic Dragon.

Itinuro ng Dragon Soul ang daan para makapasok sa aklatan.

Pero mayroon pa rin isang problema.

Kahit na namatay na si Dragon God Hartson, mayroon pa ring nagbabantay sa aklatan sa ikalawang palapag.

Librarian Fati.

Isang kakaibang Wizard Dragonborn. Ang katawan niya ay binago ni Dragon God Hartson at sinasabi na naging isa na ito sa aklatan, habangbuhay na itong mabubuhay at hindi ito mapapatay.

Malakas ang Magic Power nito at ang pinanggagalingan ng kapangyarihan niya ay mula sa lihim ng Dragon Magic at hindi sa Universe Magic Pool.

Si Wizard Dragonborn Fati ay ang Guardian ng aklata. Ang sino mang pumasok ay mamamatay.

Binalaan si Marvin ng Dragon Soul na si Fati ay napakalakas at kung maaari, ay wag na niya itong kalabanin nang harapan, kung hindi, baka hindi kayanin ni Marvin ito.

Tungkol naman sa daan patungo sa 2nd floor, kinumpirma na ni Marvin na ang mga pulang bloke nga ang daan.

Basta umapak siya sa mga ito at may sabihin gamit ang Draconic, agad siyang mapupunta sa ikalawang palapag.

Marahil ito ang rason kung bakit biglang nawala si Butterfly.

Hindi lang nakakaintindi ng Draconic ang Wood Elf na ito, mukhang mahusay rin ito sa pagsasalita nito, at baka hindi niya namalayan may nasabi siyang salita.

Pagkatapos mag-usap ng dalawa, itinabi na ni Marvin ang Book of Nalu habang tumabi naman ang Dragon Soul at hinayaan si Marvin na umapak sa bloke ng sahig.

Mayroon na silang kasunduan, at ang kasunduan ay naselyohan gamit ang isang uri ng soul contract.

Itinuro sa kanya ng Dragon Soul ang daan patungo ikalawang palapag, pati na ang eksaktong lokasyon ng aklata, at ang kailangan gawin ni Marvin ay kunin ang Book of Forgiveness para mailigtas ang Dragon Soul.

Pero syempre, hindi lang iyon ganoon ka-simple.

Pero ang mga iyon ay hindi na narinig ng Book of Nalu.

Noong tumayo si Marvin sa pulang bloke, malalim at putol-putol na sinabi ng Dragon Soul gamit ang Common, "Pagpigil sa Book of Nalu…. Hindi sapat ang Willpower."

"Isang bagay… sa aklatan….Makakatulong sayo."

"Habang hinahanap Book of Forgivess, pwede rin subukan hanapin."

Nagpasalamat si Marvin pagkatapos niyang kabisaduhin ang paglalarawan na ibinigay ng Dragon Soul.

Nang ilabas ni Marvin ang Book of Nalu kanina, nagkaroon nang matinding reaksyon ang Dragon Soul.

Binalaan niya si Marvin na ang pahinang iyon ay mapanganib.

Pero mayroong isang bagay na makakapigil dito. Sa katunayan, matatagpuan ito sa aklatan ng Dragon God.

Dahil sa mabuting Gawain na ito, walang pag-aalinlangang tutulungan ni Marvin ang Dragon Soul.

Kung hindi, hindi sapat ang daan patungo sa ikalawang palapag para makumbinsi si Marvin.

Lalo pa at marami pa namang pulang bloke sa unang palapag. Basta maging maingat siya, makakahanap siya nito nang may natitira pang enerhiya. 

Sa madaling salita, bumuo sila ng mababaw na kasunduan sa harap ng Book of Nali, saka sila gumawa ng ikalawa.

'Sa Feinan, kahit anong aklatan pa 'yan, siguradong maraming pwedeng makuha.'

'Lalo na ang inimbak ni Dragon God Hartson. Bukod sa Book of Forgiveness at ang item na sinasabi ng Dragon Soul, mayroon pa naman sigurong iba pang bagay, hindi ba?"

Tumayo si Marvin sa bloke at inikot ang mga mata, iniisip kung paano pa niya masusulit ang kanyang mga makukuha.

Sa panuto ng Dragon Soul, inulit na niya ang Draconic na pangungusap.

Sa sumunod na sandali, isang makapangyarihang pwersa ang humila sa kanya papasok sa bloke!

"Woosh!"

Biglang nawala si Marvin.

Nagpatuloy naman na magliwanag ang asul na ilaw sa lugar.

Noong mga oras na iyon, lumiit ang Dragon Soul at nabuo ang isang buong Dragon.

At ang itsura nito ay pareho sa istatwang nakita nina Marvin at Butterfly.

Deep Blue.

Nang buksan ni Marvin ang kanyang mga mata, sumalamin sa mga mat ani Marvin ang kulay ng ikalawang palapag.

Ang lugar na ito ay mas maliwanag kesa sa unang palapag. Napunta siya sa isang makipot na pasilyo at ang magkabilang gilid ng pasilyo ay tila transparent.

Tila may malalim na karagatang bumabalot sa transparent na lagusan.

Bahagyang nakikita ni Marvin ang isang apoy na kumikisap sa dulo ng lagusan.

'Ito ang Azure Hallway.'

Naalala ni Marvin ang mapa ng ikalawang palapag na ipinaliwanag ng Dragon Soul.

Nang maabot niya ang dulo ng pasilyo, nakakita siya ng mga pamilyar na anino.

Si Butterfly!

Naisip ni Marvin na ang tindi naman ng pagkakataon na dalawang beses silang magkita pagkatapos ma-i-teleport.

Pero hindi maayos ang itsura ni Butterfly.

Nakatingin ito sa isang mural sa pader na bato bago ito lumingon at tumingin kay Marvin, hindi maipinta ang mukha nito:

"Nagsisisi ako."