Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 463 - Crystal Statue

Chapter 463 - Crystal Statue

"Mayroong dalawang bagay sa Nightmate Boundary na gusto ng mga Chromatic Dragon."

Pinapanuod ng Professor ang nangyayari sa ruins at ipinapaliwanag ito kay Marvin, "Ang una ay ang Hartson's Crystal Statue."

"At ang ikalawa ay ag Rainbow Spring."

Sinasabing ang Hartson's Crystal Statue ay ginawa ng Chromatic Dragon God Hartson bago ito mamatay.

Ang artifact na ito ay mayroong espesyal na kakayahan. Ang sino mang may hawak ng artifact na ito ay may tatlong pagkakataon na utusan na mga Chromatic Dragon sa Feinan.

Isa itong nakakatakot na ability.

Kayang pabagsakin ng Dragon mag-isa ang isang siyudad, at ang grupo ng mga Dragon ay kayang tumalo ng ilang Mid-God.

At nasa 40 ang bilang ng mga Chromatic Dragon sa buong Feinan. Mas marami pa sana ito pero napatay ni Marvin ang ilang Black Dragon, pati na ang isang Red Dragon na ipinadala para guluhin si Ivan na namatay rin.

Ang mga Dragon na ito ay tila mga nilalang ng Shadow Dragon, mga pambihirang mga Dragon.

Kahit na ang mga Chromatic at Metallic Dragon ay mga True Dragon, at hindi kasing lakas ng mga pambihirang mga Epic Prismatic Dragon at Time Dragon, malalakas pa rin ang mga ito.

Ang isang Adult Chromatic Dragon ay katumbas ng isang grupo ng mga Legend ng ibang race.

Para naman sa mga Powerhouse sa Dragon Race, tulad ng Ancient Red Dragon Ell, pumapangalawa lang sila sa mga taong may lakas ng isang Plane Guardian, kakaunti lang ang nakakatapat sa lakas ng mga ito sa kanilang Plane.

Sa oras na matagpuan ang Hartson's Crystal Statue, magkakaroon sila ng pagkakataon na utusan ang mga makapangyarihang Chromatic Dragon.

Ang ability na ito ay inaasam-asam ng lahat ng Chromatic Dragon.

Isa pa, balita rin na pinino ng piraso ng Fate Tablet ang Hartson's Crystal Statue at naglalaman ito ng sikreto kung paano maging Chromatic Dragon God.

Ang pag-uutos sa mga Chromatic Dragon ay isa lang sa mga simpleng ability.

Sa madaling salita, ang Crystal Statue na ito ay isa sa mga bagay na determinadong makuha ng limang Chromatic Dragon.

Ang ikalawa ay ang [Rainbow Spring], hindi rin ito maaaring ipagsawalang bahala.

Tulad ng Crystal Statue, nakatago rin ito sa loob ng Nightmare Boundary. Kahit ang mga Green Dragon na pinakamalapit kay Hartson ay walang ideya kung nasaan ito.

Maari lang nilang gamitin kung ano mang impormasyon ang mayroon sila.

Pero ang natatanging bagay na sigurado bago ito mamatay, malinaw na sinabi ni Hartson na ang mga ability na sinelyo niya ay nasa Rainbow Spring.

Kapag nahanap nila ang Rainbow Spring at hinigop nila ang tubig nito, bibigyan sila nito ng kakayahan na malampasan ang kanilang mga limitasyon.

Sa katunayan, sa isang powerhouse na gay ani Ell, na naabot na ang kanyang upper limit, ang Rainbow Spring ang pinakakaakit-akit na bagay sa ngayon.

Dahil naabot na niya ang kanyang upper limit, kung nais pa niyang lumakas, kakailanganin niya ng tulong nito.

Ang Rainbow Spring na iniwan ni Hartson ay ang bagay na siguradong pinupunterya nito.

Gumawa ng mga patakaran ang mga Chromatic Dragon para mapaglabanan nila ang dalawang bagay na ito at masigurado ang kanilang pagtutulungan.

Para sa kaganapang ito, ang pinakamalakas lang ang ipadadala ng kanilang clan.

Magandang balita ito para sa mga Black Dragon na nasa bingit na nang pagkabura.

Habang para naman sa karamihan ng mga Red Dragon, mapanghamak ang mga ito. Malinaw na mas malakas si Ell kumpara sa mga Ancient Dragon ng ibang clan, kaya malinaw na siya na ang mananalo.

Kaya naman, nagtipon ang limang Dragon sa Lumber Woods.

Sinimulan nilang sundan ang mga palatandaan na iniwan ng Chromatic Dragon at sinubukang buksan ang lihim na Chromatic Altar, para muling buksan ang Nightmare Boundary.

Pero marami silang oras na nasayang dahil sa paghahanda ng planong ito.

At sa proseso, ilang balita ang nakalabas.

Sa katunayan, hindi na ito nakakagulat.

Natural na kaaway ng mga Metallic Dragon ang mga Chromatic Dragon. Halos lahat ng pugad ng mga Chromatic Dragon ay binabantayan ng isang Metallic Dragon. Nakakuha sila ng ilang impormasyon habang nag-uusap ang mga Chromatic Dragon kaya naman kumilos na rin sila.

Kahit na halos walang epekto ang Hartson's Crystal Statue at Rainbow Spring sa mga Metallic Dragon, hindi pa rin nila maaaring hayaan na makuha ng mga Chromatic Dragon ang mga ito.

Kung hindi, hindi ang ito magdudulot ng delubyo para sa mga Metallic Dragon, pero magkakaroon rin ito ng malaking epekto sa buong Feinan.

Ang karamihan ng mga Chromatic Dragon ay walang awa, mahilig silang pumatay at gumawa ng gulo.

Ang kasalukuyang Feinan ay nagbabago na dahil sa Great Calamity. Ang mga dumedepensa sa Fienan ay nahihirapan na sa mga God, mga Demon, mga Devil, mga Evil Spirit, at mga halimaw, paano pa kaya kapag dumagdag pa ang grupo ng mga Dragon na nabawi na ang kanilang mga Kapangyarihan… Ayaw na itong isipin ng mga Metallic Dragon.

Kaya naman, sa pamumuno ni Professor, ang mga kadalasan kalmadong Metallic Dragon ay nagsama-sama.

Mahigpit nilang sinundan ang plano at nagtipon ng mga Expert mula sa bawat Clan ngayong araw.

Isa pa, tinawag nila ang mas malalakas na Powerhouse kesa sa mga Chromatic Dragon.

Pero may problema pa rin sa panig ng mga Metallic Dragon, masyado pa rin silang kalmado at pabaya.

Ang ilan sa mga Ancient Dragon na kanilang inimbita ay papunta pa lang at hindi nila alam kung kelan darating ang mga ito.

"Pero sapat na maagap ang apat sa amin."

Pagkatapos sabihin ito, pilit na tumawa ang Professor, "Noon pa man ay wala na sa isip ng mga kasamahan ko ang konsepto ng oras."

Napa-iling si Marvin sa kanyang isip bago naalalang pinadala siya dati ni Professor para maghatid ng isang bagay!

"Sandali…"

"Pinapunta mo ko sa Xunshan Monastery noon…"

Hindi pa man natatapos ang sinasabi ni Marvin, may anino ng isang matangkad na lalaki ang lumitaw sa pasukan ng kweba.

"Para iyon dito."

Blade Master Kangen.

Gumuhit ang ngiti sa mukha ni Professor, "Dahil nagpunta ka, parating na rin siguro sina Louise at Carter."

"Iniwan ko sila para magmanman sa dakong hilaga ng kagubatan." Mahinahong sabi ni Kangen, "Mukhang may bakas ng pagkilos ang Green Dragon at Blue Dragon doon."

"Hehe…. Mukhang may masamang balak sa isa't isa ang mga Chromatic Dragon Clan." Tumawa si Brass Dragon Cromwell, "Pupusta ako, magkakaroon ng kaguluhan bago pa man nila makuha ang mga bagay na 'yon."

"Kailangan walang makahanap ng Crystal Statue." Mabigat na sabi ng Professor, "Iyon ang susi para magkaisa ang mga Chromatic Dragon."

Tumango ang iba pa.

Kung makuha ng isang Dragon ang Crystal Statue, at magkaisa ang mga Chromatic Dragon, magiging mas nakakatakot na ang kanilang lakas.

"Hindi ba't nandito tayo para sirain ang mga plano nila?" Hindi mapigilang tanong ni Gold Dragon Modique, "Bakit hindi pa tayo kumikilos? Pwede natin silang mabigla."

"Walang ring saysay kapag ginawa natin 'yon."

"Ang susi para mabuksan ang Nightmare Boundary ay nasa kamay ni Green Dragon Modana. Isang beses lang nila maaaring gamitin 'yon. Kung kikilos na tayo ngayon, mapipigilan nga natin ang kanilang plano, pero hindi natin mabubura ang pagkakataon nila na makuha ang Crystal Statue o Rainbow Spring sa hinaharap."

"Tuso ang mga Chromatic Dragon, kapag napaligiran natin sila, siguradong pipiliin nilang tumakas, o maaaring tayo rin ang maging dahilan para magkaisa sila. Hindi natin gustong mangyari 'yon."

"Kapag nakatakas sila, hindi natin alam kung gaano katagal bago sila babalik. Hindi naman natin maaaring bantayan ang ruins na ito habang-buhay, hindi ba?"

"Kaya naman, para sirain ang plano nila, kailangan nating hayaan si Green Dragon Modana na gamitin ang kanyang susi."

Wala nang kumontra dahil sa pagpapaliwanag ni Professor.

"Pero kung gagamitin niya ang susi, mabubuksan ang Night Boundary." Paalala ni Silver Dragon Stein.

"Alam niyo naman na hindi tayo pwedeng pumasok sa Nightmare Boundary. Bilang mga Metallic Dragon, mayroon itong repelling effect sa atin, sadyang hindi tayo maaaring pumasok sa mundo ni Hartson. "

Tumango si Professor, "Kaya naman, naghanap ako ng ilang mga katulong."

Agad naman tumingin ang mga Dragon kay Blade Master Kangen.

Direkta namang sinabi nito na, "Walang magiging problema kay Louise, pero hindi ko masasabi iyon tungkol kay Carter."

Isa siyang Assassin, noong kinuha ko siya, para lang iyon sa pagmamanman, baka hindi siya pumayag na pumasok sa Nightmare Boundary."

Walang pag-aatubili namang sinabi ni Progessor, Ang Shapeshift skill ko ay nasa 10th-circle, sapat naman na siguro 'yon para malilang ang repelling boundary ni Hartson. Makakapsok naman siguro ako bilang tao."

"Kung ganoon tatlo na tayo."

Noong mga oras na iyon, hindi mapigilang magtanong ni Marvin, "Pwede ko bang malaman ang plano niyo?"

Sa Ruins, sa wasak na Chromatic Altar.

"Modana, 64 na beses mo nang sinubukan."

Muli na namang maririnig ang iritableng boses ni Ell, "Unang pinto pa lang naman 'yan, tingin ko hindi na kailangan hanapin ang tamang kombinasyon, basagin mo na lang."

"O pwede naman tayong maghanap ng ibang daan para makapasok sa underground temple. Alam naman natin na ang lagusan patungo sa Nightmare Boundary ay nasa ikatlong palapag ng underground temple."

Isang babaeng naka-berde ang nakayuko sa may Chromatic Altar, mahinahon niya itong inaayos, tila nais nitong ibalik ang sa dati nitong itsura.

Ang lugar na ito ay may kahanga-hangang gusali na mayroong napakaraming lagusan patungo sa underground temple.

Pero matapos ang pagkamatay ng Dragon God Hartson, naselyo na ang mga lagusan na ito.

Para maabot ang underground temple, kailangan nilang dumaan sa Chromatic Altar.

"Malinaw na hindi lang kapangyarihan ang kinuha ni Hartson sayo, pati na rin [Patience], bakit hindi mo subukang lampasan?"

Sinagot ni Modana si Ell habang patuloy na sinusubukang ayusin ang Chromatic Altar.

Agad namang nagpuyos sag alit ang Ancient Red Dragon, kung hindi lang dahil sa ibang mga Dragon, marahil umatake na ito.

Noong kinuha ng Dragon God na si Hartson ang mga bagay sa kanila, hindi lang kapangyarihan ang kinha nito, mayroon ding ibang mga bagay.

Ang mga Black Dragon ay pinagkaitan ng kanilang [Reproduction], kaya naman mas lalong humina ang kakayahan nilang magparami.

Ang mga Green Dragon ay nawala ang kanilang [Courage], kaya naman madalas silang gumagamit ng iba at lihim na paraan at hindi direktang hinaharap ang kanilang mga kalaban.

Ang mga Blue Dragon ay nawala ang kanilang [Precise Cognitive Abilities], ang mga White Dragon ay nawalan ng [Advanced Wisdom], habang ang mga Red Dragon, [Patience] ang nawala sa kanila.

Ang kawalan ng mga bagay na ito ang dahilan kung bakit mas tumindi ang kahinaan ng mga Chromatic Dragon. Isa rin ito sa mga rason kung bakit galit na galit ang mga Chromatic Dragon sa Ancient Dragon God Hartson.

Lalo pa at hinayaan nito ang isang Lesser Dragon na bantayan ang kanyang mga labi, kaya naman naging masama ito, at naging Evil Spirit Overlord!

Sinasabi na ang tagumpay ni Tidomas ay may kinalaman sa mga buto ng Dragon God.

Nakakuha ito ng malakas na apangyarihan sa pamamagitan ng mga buto ng Dragon God at saka lang siya kinilala ng Evil Spirit Sea.

Pagkatapos mangyari ng mga ito, ang magulo at masamang mga Chrmatic Dragon at sumama na ang tingin kay Hartson.

Unti-unting lumipas ang oras, at paglipas ng walong minute, nabuo na ang Chromatic Altar.

"Ayos na." Tumayo si Modana at tiningnan ang iba pa, "Kailangan na lang nating gumamit ng Legend item para buksan ang lagusan."

"Sinong mauuna?"