Nang pumasok na ang mga Chromatic Dragon sa altar, lumabas na ang mga Metallic Dragon.
"Hindi mo ba talaga kailangan ng tulong naminpara pumasok sa Demi-Plane?"
Si Silver Dragon Stein, na tila nag-aalala pa rin at nag-aalinlangan na tinitingnan ang limang Dragon, "Baka mapahamak ka kapag makaharap mo ang mga Chromatic Dragon sa underground temple bago sila pumasok ng Nightmare Boudnary."
Pilit naman na ngumiti si Marvin, ito rin ang inaalala niya.
Pagkatapos marinig ang plano ni Professor, pinili ni Marvin na tumulong.
Tutal, nangyayari na ito sa kanyang harapan, at nangako rin si Professor na tutulungan siya nito na makarating sa Supreme Jungle sa lalong madaling panahon pagkatapos nito. Mas mabuti na ito kumapara kina Butterfly at sa griffin nito na hindi niya maaasahan.
Isa pa, ang kanyang Chrimatic Dragon Enmity ay pumapangalawa lang sa mga Evil Spirit. Kalaunan ay makakalaban na rin naman niya ang mga ito, kaya mas mabuting makipagtulungan na siya sa mga Metallic Dragon ngayon para mapigilan ang paglakas ng mga ito habang maaga pa. AT kapag nag-abang siya ng pagkakataon para gamitin ang kanyang Dragon Slaying Spear, maaari siyang makakuha ng hindi inaasahang bagay mula sa Nightmare Boundary.
Hindi naman tumutol ang mga Dragon sa pagtulong ni Marvin.
Dragon Slayer, Plane Destroyer, God Slayer…Malinaw na ang mga titolong ito ay nagbibigay ng kapani-paniwalang awra sa katawan ni Marvin. Kahit na bibihirang bigyan pansin ng mga Dragon ang mga tao, kung ganito karami na ang maka-yanig mundong nagawa, wala silang magagawa kundi, magpakumbaba at ibigay ang respetong nararapat na ibigay.
Dahil sa pagsama ni Marvin, apat na ang papasok sa Nightmare Boundary.
Si Blade Master Kanger, si Louise, na hindi pa kilalang kaibigan ni Kangen na isang maasahang babaeng caster, si Marvin, at si Professor na kayang gumamit ng isang advanced Shapeshifting skill.
Magandang kupunan na ito dahil nabalitaan ng mga Metallic Dragon na mayroong tatlo hanggangapat na lugar na maaaring kinalalagyan ng Crystal Statue at ng Rainbow Spring, kaya naman, kailangan nila ng sapat na tao para labanan ang mga Chromatic Dragon.
Pero noong oras na iyon, isang boses ang nagsalita.
"Pwede rin ba akong sumama?" Tanong ni Butterfly.
Tiningnan ng mga Dragon ang hamak na Elf at isa-isang nanlaki ang kanilang mga mata.
Pilit na ngumiti si Silver Dragon Stein habang tinitingnan ang kumikinang na Dragon Sclae na hawak nito, iniisip na pigilan ito.
Hindi ito isang laro. Lahat ng kalaban nila ay mga Powerhouse na Dragon ng Feinan, mayroong silang nakakatakot na pangangatawan at magic, samahan pa ng napakasamang pag-uugali. Limang Ancient Chromatic Dragon, kahit ang mga Ancient Metallic Dragon ay hindi sila mamaliitin.
Isang mahinang Wood Elf, balak niya bang maging meryenda?
Pero hindi pa nakakapagsalita si Stein nang biglang may nagsalita, "Sige."
Tila siguradong-sigurado si Professor.
Tuwang-tuwa naman si Butterfly habang makikita ang pagtataka sa mukha ng ibangmga Dragon.
…
Bukod sa Chromatic Altar, si Professor, na nag-shapeshift na sa anyong tao, ay mukhang isang madunong na tao.
Tinapik niya ang balikat ni Stein, "Wag kang mag-aalala, puro makapangyarihang Powerhouse ang nasa grupo natin."
Muling tiningnan ni Stein si Butterfly na hindi pa umaabot sa 3rd rank at napailing na lang.
Hindi rin sang-ayon ang iba pa sa desisyon noi Professor, pero malinaw naman na mataas ang katayuan ng Copper Dragon sa mga Dragon na ito, kaya naman, walang tumutol sa desisyon nito.
Kaya naman, sa harap ng mga Metallic Dragon, nagsimula na rin silang maglabas ng mga Legendary Item sa altar gaya ng ginawa ng mga Chromatic Dragon.
Sa tuwing ginagamit ang isang Legendary Item, bibigyan sila nito ng kakayahan na gumamit ng Teleportation.
Sinasabi na matakaw ang Chromatic Altar, kailangan nito ng mga Legendary Item para gumana.
Mabuti na lang at may grupo ng mga Ancient Dragon na kasama si Marvin.
Siguradong maraming mga Item na nakukuha ang mga ito sa paglipas ng panahon.
Si Kangen ang unang pumasok sa Altar.
Sinundan siya ni Louise na balot ng itim na damit ang buong katawa, na halos hindi na siya maaninang ni MARvin. Pero alam niyang malakas ito, siguradong hindi ito mas mahina kumpara sa kanya.
Sunod ay si Butterfly. Sabik na sabik na pumuslit ang Wood Elf sa altar at agad na Nawala.
Nag-aalala namang lumapit si Marvin at siya ang ika-apat na pumasok sa Chromatic Altar.
…
Gumagamit ng Random Teleportation ang Chromatic Altar. Dadalhin ka nito sa kahit saang bahagi ng underground temple.
Nababalot ang underground temple ng isang misteryosong barikada, guguho lang ang templo kapag sapilitan itong pinasok.
Base sa nakuhang mapa ng mga Metallic Dragon, mayroong limang palapag sa underground temple. Bawat palapag ay mayroong ibang itsura at malaki na ang sira ng mapa. Hindi magiging madali ang paghahanap ng daan papasok sa mga palapag.
Ang pinakamahirap pa dito ay maaari nilang makaharap ang mga Chromatic Dragon o isang halimaw na nakatira sa underground temple.
Dahil sa lapit nito sa libingan ng Dragon God, mayroong Divinity ang mga halimaw na ito!
Nang malaman ang tungkol dito, bahagyang nagsisi si Marvin na pinakawalan na niya ang kanyang Hellhound.
Kung kasama niya ito sa underground temple, siguragong marami itong makakain at mas lalakas pa ito.
Pero syempre, mayroon din namang makukuha si Marvin sa mga nilalang na may Divinity
Kahit na kaunti lang ang kayang lamanin ang kanyang Fake Divinity Vessel, madali lang makukuha ng Book of Nalu ang mga iyon.
Kamakailan lang, nagkaroon ng bagong kasunduan si Marvin at ang Book of Nalu.
Bibigyan ito ni Marvin ng kaunting Divinity, at magbibigay ng ilang lihim na na gustong malaman ni Marvin ang Book of Nalu.
Alam ni Marvin na mapanganib ang kasunduang ito. Dahil sa nangyari noon kay Madeline, naging mas maingat na si Marvin sa pahina ng [Rebirth], pero dahil sa lakas ng galing sa Witch's Tear, sa tinging ni Marvin ay magagawa niyang pigilan ang Book of Nalu at magagawa niyang magtanong dito paminsan-minsan.
…
Walang hanggan ang kadiliman.
Pag-apak ni Marvin sa isang basang bato, naka-amoy siya ng uling.
Tila mayroong nasusunog na ulam.
Walang liwanag, walang apoy, puro kadiliman lang at ang basang hangin.
Sadyang nakakatakot ang kapaligiran ng lugar na ito.
'Sabi na nga ba, Night Walker ang pinakamagandang piliin.'
Maliit na bagay lang ang kadiliman kay Marvin.
'3/4 ng mga instance sa Feinan ay mga underground city at karamihan sa mga ito ay malaki ang naitutulong ng Darksight.'
Naalala ni Marvin na dati, mayroong ilang guild na tinaasan nang sobra ang presyo ng mga item gaya ng [Low Light Vision] at [Dark Vision].
At mas bibihira ang [Darksight].
Walang hadlang sa pagkilos ni Marvin, at ginamit niya ang kanyang pang-amoy para mabilis na mahanap kung saan nanggagaling ang amoy sunod.
Pero ang tanging naita niya ay isang tuyong lugar na mamasa-masa ang sahig.
May init pa ring mararamdaman sa lugar at mayroong mga abo sa paligid. Kung titingnan mabuti, nakakita si Marvin ng kalahati ng isang matabang uod sa dulo ng lugar na ito.
Hindi pa ito namamatay at lumalaban pa.
Nang hawakan ito Marvin, naglabas ito ng sarili nitong sandata, isang malambot na karayom.
Kaya nitong tumusok sa balat ng sino man at humigop ng dugo.
Diniinan ito ni Marvin at pinatay na ito.
Nakakuha siya ng napakaliit na exp mula dito.
'Dragon Breath…. Darkness Worm…'
'Mukhang kadadaan lang ni Ell o ng Ancient Black Dragon…' Hula ni Marvin.
Ang lugar na ito ay pugad ng mga Darkness Worm, aktibo ang mga ito sa paligid at tinuturing nilang teritoryo ang lugar na ito.
Hanggang sa may dumating.
At tanging ang Red Dragon at Black Dragon lang ang may kakayahang bumuga ng Dragon Breath.
Kung ang Black Dragon ito, hindi gaanong mababahala si Marvin. Ang Black Dragon lang ang sigurado siyang kakayanin niyang talunin sa mga Chromatic Dragon, kung hindi, hindi naman magiging masunurin si Black Dragon Izaka.
Pero kung ang Red Dragon ito, kailangan niyang maging maingat.
Nakakatakot si Ell, hindi gugustuhin ni Marvin na mapunta sa parehong palapag kasama nito.
Pero kakaiba ang istruktura ng underground temple.
Ang lugar na ito ang koneksyon sa pagitan ng Nightmare Boundary at ng Prime Material Plane, mayroong space-time distortion sa lugar na ito. Kahit ang kakayahan ni Marvin na lumabas-pasok sa Shadow Plane ay napigilan.
Hindi rin siya naging mapangahas dahil baka mapunta siya sa isang walang hanggang sulok ng kalawakan dahil sa pagiging pabaya niya.
Noong huli ay iniligtas siya ni Ding at Jessica nang mapunta siya sa Astral Plane. Sa pagkakataong ito, walang tutulong sa kanya sa madilim na templong ito.
Nanatili siyang mahinahon at dahan-dahan na naghanap.
Napakalawak ng templo.
Umaabot sa sampung metro ang taas ng bawat palapag, napakaluwag
Pero sa hindi malamang dahilan, mamasa-masa ang mga sahig. Gustong malaman ni Marvin kung saan nanggagaling ang halumigmig na ito.
Mayroon bang ilog sa ikalawang palapag?
Lumiko siya at mayroong napansin na anino.
Sumimangot si Marvin, hindi gumagalaw ang anino at interesado itong nakatngin sa isang malaking istatwa.
'Hindi ko alam kung swerte ba ako….o malas…'
Bumulong ito at mabilis na lumapit.
Dahil sa disenyo ng teleportation, para makita niya agad si Buterfly… napakataas ba ng Luck Attribute nito?
Hawak ng Wood Elf ang kanyang baba, tinititigan ang napakalaking istatwa at binabasa ang mga nakasulat sa taas nito.
"Una, madilim ang lugar na 'to, wala namang Darkvision ang mga Wood Elf, hindi ba?" pabalang na tanong ni Marvin.
"Ikalawa, Draconic 'yan, nakakaintindi ka ba ng Draconic?"
Nagulat si Butterfly at napatalon. Tumalikod siya at nang makita niya si Marvin, tinapik niya ang dibdib niya sa tuwa.
"Hindi ako nakakakita, kaya nagsuot ako ng salamin."
Itinuro nito ang kaaya-ayang salamin sa kanyang ilong at sinabing, "Nakakakita ako sa dilim dahil dito, kung hindi, hindi ako sasama sa underground temple."
"Hindi ka na dapat sumama." Sagot ni Marvin.
Hindi ito pinansin ni Butterfly at nagpatuloy, "Tungkol naman sa Draconic… kahit na hindi ko inaral 'yon, ngayon ko lang nalaman na kaya ko siyang basahin!"
"Alam ko kung ano ang mga nakasulat doon."
Nag-isip si Marvin.
Tiningnan niya ang istatwa, isa itong istatwa ng Dragon na nakabuka ang pakpak, at tila pamilyar ang ulo ng Dragon na ito.
"Sabi doon na [Loyal Tidomas] ang pangalan ng Dragon na 'to, gusto mo bang malaman ang kwento niya?" Mahinahong tanong ni Butterfly.