Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 462 - Nightmare Boundary

Chapter 462 - Nightmare Boundary

Isang makapal na hamog ang lumitaw sa paligid nina Butterfly at Marvin nang hindi nila napapansin.

Ang hamog na ito ay nakabalot sa kanila, pero hindi ito mapanganib, sa halip ay komportable pa ito.

At sa isang iglap, nasurpresa si Marvin!

Isa na namang Dragon!

Pero sa pagkakataong ito, ang Dragon sa kanilang harapan ay isang elegante at noble na Silver Dragon.

Ang mga Metalloc Dragon ay iba sa mga masasamang Chromatic Dragon. Karamihan sa kanila ay mabuti ang mga kalooban, at isang magandang halimbawa ang Silver Dragon.

Nakatira sila sa malalamig na bundok, hilig nilang manipulahin ang mga ulap at hamog, at hindi basta-basta mananakit ng sino man.

Ang mapungay na mga mata ng Silver Dragon ay nakatitig kay Marvin, "Nabalitaan ko ang tungkol sayo, bulilit."

"Mayroon kang sandata na malaking banta sa buong Dragon Race, pero malinaw na hindi 'yon sapat para sa limang tusong Dragon na ito."

"Samantalahin niyo na ang makapal na hamog ko para ligtas na maka-alis."

Hindi pa nakakapagsalita si Marvin ay biglang nagtanong si Butterfly na nanlalaki ang mga mata, "Isa kang Silver Dragon, hindi ba?"

Malumanay namang sumagot ang Silver Dragon, "Oo"

"Nabalitaan ko na ang mga Chromatic Dragon at mga Metallic Dragon ay mortal na magkaaway. Nandito ka ba para kalabanin sila?" Tanong ni Butterfly.

Tumango ang Silver Dragon.

At si MArvinna nasa isang tabi ay hindi na kinailangan pang tinginan ang mga kaliskis nito para masabing isa rin itong Ancient Dragon!

Buhay na buhay ang Lumber Woods ngayon, mayroong malaking grupo ng mga Ancient Dragon.

Kadalasan, ang mga nilalang na ito ay nag-hi-hibernate.

Pero ngayon ay nagtipon-tipon sila sa ruins na ito.

Siguradong hindi sapat ang iisang Silver Dragon laban sa grupo ng mga Chromatic Dragon.

Biglang may naisip si Marvin, "Mayroon ka namang mga kasamahan, hindi ba?"

"Mayroon."

Isang pamilyar na boses ang nanggaling sa hamog habang may ilang anino ang papalapit.

"Hindi ko inaasahang makikita kita dito."

Isang lalaking nakasuot ng armor na kulay tanso ang ngumiti at tumingin kay Marvin.

"Professor?" Tanong ni Marvin.

Tumango naman ito.

Tulad ng inaasahan, hindi lang ang mga Chromatic Dragon ang nagtipon-tipon, pati na ang mga Metallic Dragon.

Nag-shapshift ang mga Metallic Dragon at nag-anyong tao para lumiit sila at hindi sila makita.

Agad naman nagbilang si Marvin. Kasama ang Silver Dragon na nasa orihinal na anyo nito, at si Professor, mayroong lang apat na Metallic Dragon.

Base sa kulay ng kanilang mga damit, madaling malaman kung sino sila. Ang grupo na ito ay ang Silver Dragon, Copper Dragon, Brass Dragon, at Gold Dragon.

'Walang pinagkaiba sa mga tao ang itsura nila ngayon.'

'Siguradong isa 'tong 7th-circle Shapeshift skill… At mukhang lahat naman sila ay mga Ancient Dragon?'

Mapait na ngumiti si Marvin.

Apat na Metallic Dragon, limang Chromatic Dragon.

Sinadyang magtipon-tipon ng mga ito at hindi lang basta-basta napadaan.

Hindi ba masyadong maaga nangyari ang Dragon God's Wrath?

Hindi maalis ni Marvin sa kanyang isipan ang posibilidad na ito.

Dahil sa kanyang pagdating, malaki na ang pinagbago ng kasaysayan ng mundong ito.

Saruha, Secret Garden, at ang iba pang instance ay mas maaga nang lumilitaw. Kaya hindi na malayong maaga rin mangyari ang Dragon God's Wrath.

Pero tila hindi siya sigurado sa pagkakataon na ito.

Mayroon siyang karanasan sa paglalaro bilang pundasyon noon, pero naranasan na niyang madama sa Secret Garden na tila hindi na niya na nakokontrol ang nangyayari.

Kung hindi niya nakit ang kanyang lolo, marahil napahamak na siya nang mapunta siya sa space crack.

At sa pagkakataon na ito, wala siyang nalalaman tungkol sa Dragon God's Wrath.

Kung wala ang kanyang mala-propetang kakayahan, wala nang pinagkaiba si Marvin sa ibang tao.

Sa kasamaang palad, mas lalo lang mawawalan ng bisa ang mga nalalaman niya sa mga susunod na araw.

Lalo pa at nagbabago na ang hinaharap.

Huminga nang malalim si Marvin. Mabuti na lang at inihanda na niya ang sarili niya para dito.

"Anong sitwasyon?" Mahina niyang tanong.

Tiningnan ng Copper Dragon ang iba pa, at ang limang Chromatic Dragon na nakapalibot sa altar, bago sinabing, "Maghanap tayo ng lugar para mag-usap."

Dakong hilaga ng ruins, sa isang tagong kweba.

Isang asul na Dragon Eye ang lumulutang sa ere, minamasdan nito ang nangyayari sa ruins sa isang tingin lang.

Dahil sa pagpapakilala ni Professor, nakilala ni Marvin ang tatlo pang Metallic Dragon.

Silver Dragon Stein, Gold Dragon Modique, pati na ang Brass Dragon Cromwell.

Katulad rin sila ni Progessor na mga Ancient Dragon. Makapangyarihan sila at hindi basta-basta nagpapakita sa harap ng isang mortal.

"Mukhang may kinalaman sa Dragon God ng mga Chromatic Dragon ang pagtitipon niyo ngayon dito?"

Tanong ni Marvin habang tinitingnan ang nangyayari sa Dragon Eye. Ang mga Chromatic Dragon, na nasa anyong tao, ay may pinag-uusapan.

Gayunpaman, dahil nagaganap na ito, mas mabuting malaman na ang mga detalye.

Habang si Butterflu naman, ay namamakaawa na makakuha ng isang Silver Dragon Scale… At ang dahilan nito ay dahil daw maganda ito, kaya naman natuwa at nahiya si Silver Dragon Stein.

Mahalaga ang mga Dragon Scale sa mga Dragon, kaya hindi nila ito maaaring ipamigay basta-basta. Pero dahil sa mat ani Butterfly at walang humpay na pagmamakaawa nito, nahirapan si Stein na tanggihan ito.

Ayaw alagaan ni Marvin ang Wood Elf na ito, sa katunayan, mukhang hindi niya kakayanin ito.

Bumulong si Professor, "Dahil sinundan mo si Green Dragon Modana at aksidenteng natuklasan ang bagay na ito, wala na akong itatago sayo."

"Sa katunayan, simple lang ang sitwasyon: Gustong buksan ng mga Chromatic Dragon ang [Nightmate Boundary]. Nakita na naming ito sa pangitain at gusto naming pigilan ito."

"Sadyang nagkaroon lang ng problema nang tinitipon naming ang aming pwersa…"

Base sa kwento ni Professor, nagawang maintindihan ni Marvin ang mga detalye ng sitwasyon.

Ang Dragon God's Wrath expansin sa laroay magaganap lang ilang taon pagkatapos ng Great Calamity.

Ang susi ditto ay ang [Hartson Temple].

Si Hartson ay dating Chromatic Dragon at isa rin sa mga Evil God.

Noong unang panahon, naninirahan ito sa Lumber Woods, at pinamamahalaan ang kanyang kaharian mula doon.

Noong mga panahon na iyon, hindi pa naghihiwa-hiwalay ang mga Chromatic Dragon, magkakasama sila bilang taga-sunod ni Hartson at tinuturing nila itong isang God.

Ibang-iba ang mga Chromatic Dragon noon kumpara ngayon, mahihina ang mga ito at mayroon lang instinct para lumipad at gumamit ng Dragon Breath.

Isa pa, bobo rin ang mga ito, at halos mas mapanganib pa ang Wyvern kumpara sa mga ito. Biniyayaan sila ng Evil Dragon God Hartson ng kaalaman at magic. Binigyan rin sila nito ng iba't ibang katangian base sa kanilang mga subrace.

Kaya naman, lumitaw ang mga clan sa Chromatic Dragon race.

Ang orihinal na layunin ni Hartson ay para payabungin ng kanyang mga nasasakupan ang kanilang mga sarili, pero kalaunan, nagkahiwa-hiwalay ang mga ito. Pagkatapos makakuha ng kapangyarihan, nagsimula na ang away ng mga ito at nag-agawan na sila ng mga teritoryo.

Ang ilan sa mga Chromatic Dragon ay hindi na rin komportableng mabuhay sa kagubatan dahil sa mga attribute na ibinigay ni Hartson, tulad na lang ng Blue Dragon na mas gustong mamuhay sa mga desyerto.

Nagsimula silang mag-aklas.

Dahil sa pangyayaring ito, nagbukas ng isang Demi-Plane ang Dragon God Hartson sa loob ng Lumber Woods.

Ang kanyang Demi-Plane ay may iba't ibang mga kapaligiran, desyerto para sa mga Blue Dragon, bundok para sa mga Red Dragon, swamp para sa mga Black Dragon…

Sapat ang lawak ng plane na iyon para magkasya silang lahat at hindi na nila kailangan mag-away para sa teritoryo.

Marahil nais ni Hartson noong una na pakalmahin ang kanyang nasasakupan.

Sinasabi na mayroon siyang kasunduan sa Wizard God Lance. Kung masyadong maraming Chrimatic Dragon ang lumitaw sa Feinan, kikilos si Lance para pigilan ang mga magugulo at masasama sa mga ito.

Sa madalin salita, pagkatapos maitatag ng Demi-Plane, ipinasok ni Hartson ang lahat ng nasasakupan niya rito.

Noong una ay inisip niyang walang magiging problema ito.

Pero nagkamali siya.

Ang pangalan ng Demi-Plane na iyon na hindi na iyon ay tinatawag na lang na [Nightmare Bundary] ng mga Chromatic Dragon.

Ang dahilan kung bakit nila ito tinatawag na Nightmare Boundary ay dahil noong una, hindi masaya ang mga Chromatic Dragon sa Demi-Plane na ito at pakiramdam nila ay mga preso sila dito.

Pagkatapos magkaroon ng kapangyarihan at ng kaalaman, maraming Chromatic Dragon ang palihim na gumamit ng iba't ibang paraan para samantalahin ang pagtulog ni Hartson at umalis ng Nightmare Boundary.

Ang pinakamapagmalabis sa mga ito ay ang Black Dragon Clan.

Pagkatapos matalo sa kanilang unang digmaan laban sa mga Red Dragon, napahiya ang mga ito.

Galit silang nagrereklamo sa madamot na si Hartson dahil hindi sila binigyan nito ng magical ability at ginawa pa nitong mabagal ang kanilang pagpapalahi. Kaya naman, matapos ang digmaan, tumiwalag ang buong Black Dragon Clan sa Nightmare Boundary.

Isa itong seryosong bagay.

Ang mga Red Dragon ang nangibabaw sa Nightmare Boundary at walang tigil silang nagdiwang, kaya naman nagising ng mga ito ang natutulog na si Hartson.

Nang makita ang kaguluhan sa Nightmare Boundary, labis na nagalit si Hartson.

Pinalayas niya ang mga Chromatic Dragon sa Nightmare Boundary at sinelyo ito.

Sinelyo niya ang ilan sa mga ability ng Chromatic Dragon at ginawang niyang ipinagbabawal na lugar ang Lumber Woods para sa apat na clan, tanging ang Green Dragon Clan, na alam ang kanilag lugar, ang naiwan. At sa kanilang pinuno ibinigay ang suso para mabuksan ang Demi-Plane pati na ang isang propesiya.

Ang propesiyang ito ay may kinalaman sa pagbabalik ng mga Chromatic Dragon sa Nightmare Boundary.

Kahit ang Professor ay hindi malinaw sa mga detalye nito.

Sa madaling salita, pagkatapos nito, nagsimula nang maghasik ng lagim ang mga Chromatic Dragon sa Feinan.

Noong mga panahong iyon, hindi mabilang ang namatay sa mga Human, Elf, Dwarf, at iba pang mga race.

Bumagsak ang kanilang mga siyudad, at walang habas na ninakaw ang kanilang mga kayamanan.

Nagsasaya ang mga Chromatic Dragon sa mga huling araw ng kanilang katanyagan.

Sa katunayan, ang sikat na mga Dragon Slaying Weapon ay nabuo noong mga panahon na ito.

At ang mga sumunod na nangyari ay gaya ng inaasahan ni Hartson: Ang Wizard God na nagbigay ng babala noon, ay walang habas na kumilos.

Pinatay niya ang humigit kumulang 70% ng mga Chromatic Dragon at tinakot ang mga natitira pa na bumalik sa kanilang mga lungga.

At noon nila simulang hanap-hanapin ang Nightmare Boundary.

Pero sarado na ang Nightmare Boundary.

At ang Dragon God Hartson ay namatay rin dahil sa hindi malamang dahilan.

Ang kanyang templo ay naging ruins, at inilibing siya sa ilalim ng tempo, at patuloy na binabantayan ng isang tapat na tagapagbantay.

At ang pangalan ng tagapagbantay na iyon ay [Tidomas].

Lumipas ang mga taon.

Napalapit ang Great Calamity at ang Black Dragon Clan ay halos maubos ni Marvin. Biglang napagtanto ng mga Chromatic Dragon na isa itong magandang pagkakataon.

Dahil nangyari na ang nilalaman ng propesiya, oras na para buksan ang Nightmare Boundary!

Oras na para bawiin ang kapangyarihan na kinuha sa kanila ni Hartson.