Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 457 - Invitation

Chapter 457 - Invitation

Dream God.

Siya pala.

Sa katunayan, nang maalala ni Marvin ang pangalan ng [Dream Scorpion], naisip niya na baka may kinalaman ito sa Dream God.

Malamang isa sa mga taga-sunod niya ang misteryosong babae na ito.

Ngayon kinumpirma na ito ni Senma. Pamilyar si Ambella sa pangalan ni Marvin. Isa siya sa mga unang Divine Servant ng Deam God.

Sa dating buhay ni Marvin, tahimik lang ang Dream God.

Kahit na nagtatago ang Shadow Prince sa mga anino, mahilig itong magpatalon-talon sa iba't ibang lugar. Habang ang Dream God naman ay matindi ang pagkakatago.

Walang nakaka-alam kung gaano kalaki ang kanyang impluwensya, pero noong nagaganap ang laban sa pagitan ng mga God, palawak nang palawak ang kanyang teritoryo.

Bibihira siyang nagpapakita, at sa halip ay pinapadala na lang niya ang kanyang mga Divine Servant.

Nakakatakot ang isang bagay na hindi mo alam.

Paraan din ito para pahiapan ang iba pa.

At ang pambihuran domain ng Dream God ay ang dahilan kung bakit nirerespeto siya ng mga tao.

Walang sino man ang makaka-iwas sa pagtulog.

Isa siyang God na malayang nakakapasok at nakokontrol ang panaginip ng mga tao.

Totoo ang sinabi ni Senma na kayang patayin ni Ambella ang mga tao sa kanilang mga panaginip. Bilang ang kauna-unahang Divien Servant, hindi na nakakagulat na mayroon siyang kaunting kakayahan ng Dream God.

Sa Laro, maraming mga God ang misterioso ang pagkamatay, at ang hinala ng ilan ay dahil ito sa Dream God.

Pero sinabi nila na dahil daw ito sa Shadow Prince. Espesyal ang koneksyon ng dalawa.

Pagkatapos malaman ni Marvin ang pinagmulan ng kanilang kalaban, agad siyang nagdesisyon.

Hindi siya natatakot sa Divine Servant ng Dream God.

Pagkatapos niyang malampasan ang pagsubok ng Night Monarch, hindi na natatakot si Marvin na habulin siya ni Ambella sa kanyang panaginip.

Para subukan patayin si Marvin sa kanyang panaginip, kakailanganin din nitong pumasok sa Dreamworld, at kapag namatay siya doon, mamamatay rin ito sa tunay na buhay.

Sa kasalukuyang willpower ni Marvin, hindi siya natatakot na matatalo siya nito.

Kung direkta naman itong pumunta sa kanya para makipaglaban, mas mabuti.

Ang pinakamahalaga ay ang katayuan ni Ambella bilang Divine Servant!

'Ang Dream God ay isang High God. Kung mapapatay ko ang kanyang First Divine Servant, siguradong malaki ang makukuha ko.'

Sa kasalukuyang lagay ni Marvin, hindi mapupunan ng mga ordinaryong halimaw ang pangangailangan ng kanyang Essence Absorption System.

Pawala nan ang pawala ang silbi ng Exp kay Marvin. Ngayon kaulangan niya nang pumatay ng mga Divine Servant, God Spawn, at iba pang katulad na nilalang.

Mayroon na siyang plano para rito, pero hindi niya inaasahan na suswertihin siya at mahahanap niya ang bakas ng isang Divine Servant sa Morrigan's Heart.

Isa pa, malamang ito ang unang Divine Serant na nagpunta sa Feinan.

Makikita ang pag-iisip sa mukha ni Marvin.

Paglipas ng ilang sandal, pinakawalan niya na si Senma. Agad naman itong tumakas, takot na takot.

Wala nang pakielam si Marvin sa kanya, minarkahan na niya si Senma at pwede na niyang magamit ang Night Tracking para matunton ito ano mang oras.

Sa panahon ng Great Calamity, makulimlim ang kalangitan at magulo ang mga Plane Law, kaya naman nagagamit niya ang karamihan sa kanyang mga skill kahit umaga, kaya mas malakas ngayon si Marvin.

Ang kasunod na dapat gawin ay pakitunguhan ang mga sundalo at dating naninirahan sa Steel City.

Bahagyang kinabhan ang grupo nina Alexis.

Lalo pa at isang tao ito na kayang-kayang patayin ang isang grupo ng mga bandido sa isang iglap.

Walang Karapatan magsalita ang kanyang grupo sa harap niya.

Pero noong mga oras na iyon, ang Elf na naka-Disgueise ay tinanggal ang kanyang sombrero, makikita ang kanyang batang-batang mukha.

"Ikaw nga!" Sigaw ni Amo sa gulat.

Makikita ang tuwa at gulat na may halong pagrespeto sa mukha ng mga tao.

"Sir Marvin!"

Pagkatapos ipakita ni Marvin ang kanyang mukha, natuwa ang lahat.

Lalo pa at kilala si Marvin sa buong Feinan.

Bago ang Great Calamity, ginamit niya ang sariling lakas niya para kalabanin ang dalawang hukbo. Siniklaban niya ang unang Source of Fire's Order nang tumama ang delubyo at nagtatag ng sarili niyang Sanctuary. At nagawa niya ring makapatay ng isang God!

Ang mga taong walang gaanong nalalaman ay iniisip na kapantay na ng lakas ng Great Elven King at ng iba pa ang lakas ni Marvin.

Mataas ang kanyang Prestige at Fame.

Kahit na ang mga taong ito, na nasa Morrigan's Heart ay matagal nang nasa underground, nagawa pa rin nilang malaman ang mga tungkol dito dahil nasa loob rin sila ng Steel City.

Isang magandang balita para sa kanila na si Marvin ang misteryosong lalaki.

Dahil alam ng mga ito na maganda ang ugali ng taong ito. Isa pa, mayroonrin siyang malaking teritoryo kaya siguradong wala itong masamang binabalak sa kanila.

Natuwa si Alexis pero kinakabahan pa rin ito. Pagkatapos ang biglang pagsasalita ni Amo, natahimik ito.

Nang makita ang reaksyon nilang lahat, wala nang magawa si Marvin.

Kilala na ang kanyang pangalan at alam na ng lahat ang tungkol sa kanya.

Kasama na dito ang mga God.

Ang lahat ng bagay ay may mabuti at masamang dinudulot, at wala siyang magagawa kundi hayaan ang daloy ng tadhana.

At mas madali na ang iba pang mga bagay.

Sinabi ni Marvin kay Alexis ang pakay niya rito.

Kulang sa pagkain at sandata ang White River Valley.

Kasabay nito, binigyan niya rin ng imbitasyon si Alexis. Lalo pa at ang Morrigan's Heart ay halos abandonado na rin at kakaunti lang ang depensa nito.

Kumpara sa Holy Sanctuary ng White River Valley, hindi na ligtas ng lugar na ito, kahit na tago ang lokasyon nito.

Inasahan naman na nina Alexis at ng iba pa ang imbitasyon ni Marvin, pero kailangan nila ng oras para mag-isip. Kapag naging bahagi sila ng White River Valley, kakailanganin nilang lumipat at mapapasakamay na rin ni Marvin ang mga pagkain at mga sandata sa loob ng Morrigan's Heart.

Isang mahirap na usapin ang negosasyon sa pagitan ng dalawang panig.

Binigyan sila ni Marvin ng oras.

Naroon lang naman ang mga sandata at pagkain, wala namang pupuntahan ang mga ito. Mas naging alisto siya tungkol sa Divine Servant ng Dream God.

Umalis siya sa underground fortress at sinumulang gamitin ang Night Tracking para habulin si Senma.

Pagkatapos makalabas mula sa paskot-sikot na mga lagusan, nakabalik na si Marvin sa ibabaw ng Steel City.

Mabilis na tumakas si Senma, pero dahil sa bilis ni Marvin, madali niya lang itong nahabol.

Hindi siya nagpunta sa lokasyon na ibingay sa kanya ni Senma. Totoo man o hindi ang kanyang sinabi, ang isang grupo ng mga bandido ay hindi maikukumpara sa isang Divine Servant.

'Isang Servant na pinili ng Dream God, paano niya nasabi nang ganoon kadali ang lokasyon nito?' Panunuya ni Marvin.

Sinadya niyang pakawalan si Senma para mahanap ang Servant ng Dream God.

At tulad ng inaasahan, sinundan niya si Senma pa-kanluran, umalis sila sa Steel City at nakarating sa isang madilim na kagubatan.

Pagkapasok sa kagubatan, maingat siyang pumasok sa Shadow Plane at muling ginamit ang mga Shadow Vortex para umusad.

Hindi nagtagal, dalawang anino ang lumitaw sa kanyang harapan.

Takot na nakatayo si Senma sa harap ng isang babaeng nakasuot ng balabal na gaya ng sinusuot ng mga intsik sa Mundo. Nakayuko ito at sinasabi, "May malaking problema po kaming hinarap."

"Napakalakas ng taong 'yon at siguradong isa siyang Legend Powerhouse. Wala po akong lakas para lumaban."

"Nagsabi lang po ako ng kaunting impormasyon tungkol sa inyo, at mukhang naniwala naman po siya. Kung hindi ako nagkakamali, nasa Creek Valley siya ngayon sa dakong silangan."

Walang kabuhay-buhay namang sumagot ang Divine Servant ng Dream God, "Malinaw na nagkakamali ka."

Tumingin ito sa isang walang laman na sulok at sinabing, "Legend Powerhouse ng Feinan, lumabas ka. Hindi natin kailangan maging magkalaban."