Higit pa sa inaakala ni Marvin ang Perception ni Ambella.
Kapag nagtatago siya sa Shadow Plane, kahit si Dakr Phoenix ay hindi magawang masabi ang eksaktong lokasyon niya. Hindi inasahan ni Marvin na direkta siyang titingnan ng Dream God Divin Servant.
'Inuuto niya ba ako?'
Nasurpresa si Marvin at muling ginamit ang Shadow Vortex para mag-iba ng lokasyon.
Pero lumingon si Ambella at patuloy siyang sinusundan ng tingin.
Mahigpit nitong hinawakan ang staff sa kanyang kamay, malinaw na handa itong gumamit ng Divine Spell ano mang oras.
Mukhang mahinahon ito, pero iba ang sinasabi ng kanyang mga kamay na mahigpit ang kapit sa kanyang staff
Kapag may kaharap silang malakas ang Stealth, kahit na makapangyarihan ang mga Divine Servant, kailangan pa rin nilang maging maingat.
Nabigla si Marvin, mahirap kalaban ang babaeng ito. Nagagawa nitong mahanap siya sa loob ng Shadow Plane.
Nag-atubili si Marvin bago tuluyang lumabas.
Agad namang namutla ang mukha ni Senma.
Pero bago pa man makahakbang si Marvin, isang bola ng liwanag ang lumabas mula sa kamay ni Ambella.
Lumiwanag ang Divine Spell at napasigaw si Senma nang tamaan siya nito, hanggang sa naging abo na lang ito.
Tila napakaganda ng ginintuang abo habang bumabagsak ito sa lupa, amoy na amoy ang dugo dito.
"Pwede na tayong mag-usap."
Makikita ang pagiging kampante ni Ambella.
Pinatay nito si Senma nang walang ano-ano. Binigyan niya na ito ng pagkakataon pero pumalya ito.
Hindi nararapat ang lalaking ito sa kanyang pag-suporta, at alam ng lalaking ito kung sino siya, kaya naman kakailanganin talaga niya itong patayin kalaunan.
Kasabay nito, ang pagpatay kay Senma sa harap ni Marvin ay magsisilbing panakot at babala.
Pero hindi inasahan ni Ambella na hindi magugulat si Marvin sa pagkamatay ni Senma, na para bang inasahan na niya itong mangyari.
Tiningnan nitong maigi si Marvin at siniyasat, saka ito ngumiti at nag-isip, "Ikaw pala…'
"Ikaw ang pumatay kay Dark Phoenix, tama? Ikaw si Marvin?"
…
Mahinahon lang si Marvin sa panlabas, pero sa loob-loob niya ay hindi siya mapakali.
Hindi na nakakagulat na nalaman ni Ambella kung sino siya, ang hindi niya maunawaan ay ang hindi maipaliwanag na pakiramdam na ibinigay sa kanya ng babaeng ito.
Hindi siya nakaramdam ng ganoon mula sa Dark Phoenix.
Maingat niyang tiningnan ito. Sa kanyang Perception, tila hindi niya maramdaman ang taong ito.
Pero malinaw na nasa haapan niya lang ito.
"Mayroon pa bang dapat pag-usapan?" Hindi pa rin nagpakita ng pagkabahala si Marvin.
Ngumiti nang malaki si Ambella, "Alam mo na siguro kung sino ako, dahil sa tanga na iyon, hindi ba?"
"Sa katunayan, gusto kong makipagtulungan."
"Pero wag ka munang tatanggi agad-agad, pakinggan mo muna ang sasabihin ko. Napansin kong hindi mo nauunawaan nang lubusan ang mga God…. Na tila normal lang na maging magkalaban kayo, tama?"
Sinenyasan siya ni Marvin na magpatuloy.
"Pero sa katunayan, hindi mo dapat kalimutan na ang mga God ngayon ay dating mga bayani ng Feinan noong 3rd Era."
Seryosong nagpatuloy si Ambella, "Sa paningin mo isang mapaghiganting bagay ang pag-atake nila sa universe Magic Pool. Pero ang mga God ay kumikilos din base sa kanilang mga prinsipyo. Hindi nila aatakihin ang Universe Magic Pool nang walang dahilan. Masisira lang nito ang balanse ng Universe at magdudulot ng malaking delubyo."
Bahagyang naiinip na si Marvin, "Anong punto mo?"
"Ibig mo bang sabihin, ang mga Wizard at sibilyan na malagim ang pagkamatay ay dapat lang at nakatadhana talagang mamatay?"
Naging seryoso ang mukha ni Ambella, "Wala akong sinabing dapat lang silang mamatay. May halaga ang bawat buhay."
"Sadyang minalas lang sila na nabuhay sila sa era na 'to."
"Habang ikaw naman, at kami, isa itong oportunidad."
"Hindi ka ba interesado sa 4th Fate Tablet?"
Mapanukso ang boses ni AMbella, "Ang sino mang makakuha ng bahagi ng Fate Tablet ay maaaring mag-ascend sa pagiging God, paano pa kaya kung buong Fate Tablet?"
Ngumisi si Marvin, "Alamat lang ang 4th Fate Tablet."
"Kung totoo man 'yon, pag-aawayan lang 'yon ng mga God. Hindi-hindi pakakawalan ng tinatawag mong God ang bagay na 'yon. Sa tingin mo ba makikipagtulungan ako sayo dahil doon? Nahihibang ka na ba?"
Hindi pa rin nagbago ang reaksyon ni Ambella at sinabing, "Ang ibig kong sabihin, sa era na 'to, ang lahat ng mga powerhouse ay may pagkakataon pagpalain ng Providence."
"Hindi isang masamang bagay ang pagtutulongan ng mga malalakas. Hindi mo kailangan masyadong ipagtulakan ang mga God."
"Sa katunayan, nakakamangha ang pagpatay mo sa Dark Phoenix, pero naging maingat na ang mga God sayo dahil doon. Kung wala kang suporta ng isang High God, malalagay ka sa panganib sa hinaharap."
"Lalo pa at parating an ang tunay na God Era."
umiling si Marvin, "Mahusay kang mangumbinsi. Pero wala akong interes na maging utusan ng isang God."
Biglang nag-iba ang itsura ni Ambella.
Isang sampal sa kanyang mukha ang sinabi ni Marvin.
Kung iba ito, siguradong nag-cast na ito ng Divine Spell.
Pero si Marvin ang kalaban nito.
Hindi mawari ang lakas nito, siya ang pinakamahalagang tao na akitin. Inalala niya ang rason ng kanyang pagpunta sa mundong ito at nanatiling mahinahon, "Gusto ko lang bigyan diin, isa itong pakikipagtulungan. Lahat tayo ay may makukuha dito."
"Talaga?"
Nagpanggap si Marvin na interesado siya at bahgyang humakbang paharap, "Kung pagtutulungan 'to, ano naman ang makukuha ko mula sa Dream God?"
"Proteksyon."
Walang alam si Ambella sa parating na panganib sa kanya at nagpatuloy lang ito sa pagsasalit, "Alam mo naman na siguro, hindi ba? Na nasa listahan ka ng mga taong nais patayin ng mga God."
"Ang may pakana sa pagpapasabo ng God Realm ng Shadow Prince ay tulong-tulong na inimbestigahan na ng mga God, at nalaman nga nila na ikaw 'yon. Malaking problema na ang dinudulot mo."
"Kahit na nahimlay a pagtulog si Glynos, nakahanap na ng paraan ang isa sa mga kaibigan niya kung paano siya mabilis na makakabawi ng lakas. Sa loob ng hindi hihigit sa anim na buwan, magbabalik ang Shadow Prince. Sa ugali niyang iyon, siguradong maghihiganti sayo 'yon."
"Isama mo pa ang iba pang makapangyarihang mga God. Marami sa kanila ang iniisip na isang paraan para ipakita ang kanilang lakas pagbabasa Feinan, ay ang pagpatay sayo…"
Mahinahong nagpaliwanag si Ambella, "Sa kasalukuyang kalagayan ng mundo… Gaano pa ba kahaba ang itatagal nito? Hindi magtatagal ay mawawasak na ang Universe Magic Pool."
"At kapag nangyari iyon, walang sino man ang makakapigil sa pag-descend ng mga God."
"Kailangan mo ng proteksyon ng isang makapangyarihang God, at ang Dream God ay malugod kang inaalok ng proteksyon na 'to. Ang kapalit lang na hinihingi niya ay tulungan mo siya sa ilang mga bagay."
Hindi mapigilang mapabuntong hininga ni Marvin sa kanyang sarili dahil sa inis, mahusay talaga sa panunukso ang babaeng ito.
Kung nais na siyang patayin ng mga God, bakit pa gugustuhin ng Dream God na galitin ang mga ito?
Pero sumimangot ito at nagsabing, "Mga bagay gaya ng?"
Nagkunwari itong humakbang nang hindi sinasadya.
Isang mapagmataas na reaksyon ang makikita sa mga mata ni Ambella.
Pero sa sunod na sandal, biglang Nawala si Marvin.
'Hindi maganda 'to!'
Nabigla si Ambella, at bigla itong nagalit.