Matindi ang pinsalang natamo ni Madeline, pero dahil sa Book of Nalu, kailangan niyang sundin ang utos ni Marvin at magbukas ng Teleportation Door.
Napigil ang paghinga ni Marvin, makikita ang kabagsikan sa kanyang mga mata.
Nawala lang siya sa kanyang teritoryo at ganito na ang nangyari?
Nagawa ring saktan nang ganito si Madeline?
Siguradong tau-tauhan ng Dark Pheonix ang South Wizard Alliance.
Hindi niya pinansin ang puntong ito dati. Lalo pa at ang White River Valley ay isang tunay na teritoryo sa ilalim ng pangalan ng Alliance.
Ang Alliance ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihan at kung wala siyang ginagawang mali, hindi nila ito basta-basta mababawi.
Pero sa pagkakataon na ito, na minamanipula ng Dark Phoenix ang Alliance, nagbago na ang lahat.
Karamihan ng mga Legend Wizard ay hindi alam ang tungkol sa paparating na delubyo.
Kakaunti lang ang nakakaalam ng impormasyon tungkol dito, habang ang ibang mga Wizard ng Alliance ay nililinlang ng Dark Phoenix.
Sa oras na ito, dalawang Legend Wizard ang nanggigipit sa White River Valley, at mayroong militar sa silangan at kanluran.
Isa itong bagay na hindi inasahan ni Marvin o ng iba pa.
Ang buong Jewel Bay ay naalarma at kumakalat ang balitang may ginalit na bigating tao ng Alliance si Marvin, dahil kung hindi, hindi naman mangyayari ang ganito.
May iba pa nga na nagsabi na namatay na raw si Viscount Marvin, at sinasabing nakita ng mga ito ang kanyang bangkay. Dahil tinraydor niya raw ang Alliance, kaya siya pinarusahan ng mga nakatataas.
Siguradong ang balitang ito ay kagagawan ng Dark Phoenix. Dahil sa Book of Nalu, nakita niyang namatay si Marvin sa pekeng Hathaway.
Pero hindi niya inasahan na hindi makukuntento ang Dar Phoenix sa pagpatay sa kanya, at pinunterya pa rin nito ang White River Valley.
Umatake sila at inutos na ibalik ni Marvin ang Southie, pero alam ni Marvin na kahit ibalik niya ang Southie, kikilos pa rin ang Alliance laban sa kanyang teritoryo.
Kapag dumating ang oras, hindi na maiiwasang hindi lumaban ng mga sundalo.
…
Agad na nagpaalam si Marvin kina Ivan at bumalik sa River Shore City kasama si Madeline.
Ang kasalukuyang River Shore City ay malumbay dahil sa paparating na panganib.
Maraming noble na ang umalis sa siyudad dahil s autos ng Alliance.
Isang malaking hukbong militar ang binuo mula sa pwersa ng mga noble ng Jewel Bay at papalapit na ang mga ito sa River Shore City.
Iniutos ng mga ito na buksan ni Madeline ang pangunahing kalsada dahil ang White River Valley ang kanilang pakay at hindi ang River Shore City.
Madali namang unawain ang puntong ito.
Ang Alliance ay kontrolado ng Dark Phoenix at hindi aatakihin ang isang Legend Wizard na walang kinalaman nang walang dahilan.
Pero hindi nagpatinag si Madeline at hindi hinayaang makapasok ang sino man sa mga ito sa pangunahing kalsada.
Dahil sa Shrieking Mountain Range, magkahiwalay ang White River Valley at Jewel Bay, kailangan dumaan ng kanilang hukbo sa River Shore City para makakarating lang sa White River Valley.
Naging barikada ang River Shore City para pigilan ang pwersa na mula sa Hilaga.
Pero hindi ligtas ang barikadang ito.
Ang namumuno sa hukbong ito ay ang discple ng Dark Phoenix, ang Legend Wizard na si Monica.
Marami itong natutunan mula sa Dark Phoenix at kilala bulang isa sa mga pinakamalakas na tao sa South Wizard Alliance.
Kailan lang naging Legend si Madeline at tinaggal pa ni Marvin ang masamang bahagi niya, kaya naman malaki ang nabawas sa lakas nito.
Naglaban ang dalawa sa labas ng River Shore City, at malubhang pinsala ang natamo ni Madeline habang binubuhos ang kanyang lakas para pigilan ang hukbo.
Hindi siya nakatagal.
Sa isang banda, sugatan na siya, at sa kabilang banda, ang kanyang Barrier sa siyudad ay hindi tatagal nang higit sa tatlong araw.
Dalawang araw na ang nakalipas nang tawagan siya ni Marvin.
Kung lumipas pa ang isang araw, siguradong nakapasok na sa siyudad ang hukbo ni Monica.
Malala ang sitwasyon ng River Shore City sa ngayon.
Maraming tao na ang lumikas.
Karamihan ng mga naiwan ay ang mga taong sa sobrang hirap ay wala nang magagawa kundi tanggapin ang kanilang kapalaran, at ang iba pa ay ang mga tapat na tauhan ni Madeline.
At hindi pa ito ang pinakamasamang balita.
Inaatake ng Alliance ang White River Valley mula sa magkabilang panig.
Sa karagatan, may isang armada na pinamumunuan ng White Chamber of Commerce, kasama na ang mga slave-trading na mga barkong ginawang mga warship, pati na ang anino ng Black Sails Fleet.
Kahit ang Pirate King ay personal na nagpakita.
Ang balitang ito mula sa Jewel Bay ay mabilis na kumalat sa White River Valley at River Shore City.
Malinaw na naghahanda silang dumaong sa Sword Harvor at ipitin ang White River Valley.
Ikinagulat ng buong Katimugan ang ganitong pagkilos.
Lahat ay may haka-haka sa tunay na dahilan nito.
Ano ba talagang ginagawa ng South Wizard Alliance?
Si Marvin ay isang masaganang noble noong mga nakaraan. Marami siyang nakilalang Legend at personal na sinira ang Evil Spirit Plane!
Ang ganitong uri ng tao ay matatawag na bayani… kaya bakit naman gustong kalabanin ng Alliance ang kanyang teritoryo?
Nakakapagtaka ito.
Pero hindi lahat ng tanong ay may kasagutan.
Ang alam lang nila sa ngayon, ang White River Valley ay nasa matinding panganib.
Sa kritikal na puntong ito, isang impormasyon ang nanggaling sa White River Valley: Si Viscount Marvin ay wala sa kanyang teritoryo.
Hindi nila alam kung saan nagpunta ito.
…
Sa tower, nagawang makabawi ni Madeline kahit papaano at nasabi kay Marvin ang mga nangyayari.
Pagkatapos makinig ni Marvin, mabigat ang kanyang naging reaksyon.
Para gawin ito ng Dark Phoenix, marahil mayroon siyang binabalak.
Dahil kung hindi, hindi naman niya babasagin ang isang libong taon niyang pananahimik at paghihintay.
Ang sino mang may matalas na pag-iisip ay makikitang ang pagkilos ng Alliance na ito ay paraan ng Dark Phoenix para pahirapan si Marvin.
At may iilang taong napagtanto na si Hathaway ay nakakulong sa yelo sa Black Coral Islands.
Walang magagawa ang mga tao kundi manghinayang sa kahahantungan ni Viscount Marvin at ng White River Valley.
Kung naroon si Hathaway, kahit na gustuhing kumilos ni Dark Phoenix laban sa White River Valley, magiging kumlikado ang sitwasyon.
Dahil hindi bababa sa tatlong Legend Wizard ng Alliance ang kakampi ni Marvin:
Si Hathaway ng Ashes Tower, Si Leymann ng Thunder Tower, at si Madeline.
Sa kasamaang palad, ipinadala si Leymann sa isang mapanganib na misyon, na sinasabing nanggaling mismo kay Dark Phoenix.
Ngayong nasa malayo si Leymann at si Hathaway ay nakakulong sa yelo, si Madeline na lang natititra, pero mahihirapan itong lumaban nang mag-isa.
Isa pa, pinili ng Dark Phoenix ang pinakamagandang tyempo para umatake.
Bago ang Great Calamity, ang lakas ng Alliance ay maaari niyang magamit.
At pagkatapos ng balita tungkol sa paparating na Great Calamity, ang mga Legend na nananatili sa White River Valley ay umalis para maghanda.
Lahat sila ay may mga kaiban o pwersang kailangan kausapin.
Nagpunta si O'Brien sa Thousand Leaves Forest para tipunin ang lahat ng mga Night Walker. Ang matandang Shadow Thief ay nagpunta sa dakong hilaga, nawala ang Heavenly Deer, at ang mga Great Druid ay nagpunta rin pa-hilaga sa Migratory Bird Council. Kahit si Constantine ay nagpunta sa Saint Desert para ipaalam sa mga natitirang Sha clan ang paparating na panganib.
Nahaharap sa isang matinding krisis ang White River Valley.
Isa pa, ang teritoryong ito ay tila isang Dragon na walang ulo, dahil hindi mapakalma nina Daniela at Wayne ang mga tao.
Masasabing ngayon pinakakailangan ng White River Valley si Marvin.
Pero hindi nagpasindak si Marvin.
Pinag-isipan niyang mabuti ang sitwasyon at tinanong, "Sabi mo mawawala na ang Barrier mo bukas at makakapasok na si Monica kapag nangyari iyon?"
Tumango agad si Madeline.
Ngumiti nang mabagsik si Marvin. "Kung ganoon, patay na si Monica."
Hindi makapaniwalang tiningnan ni Madeline si Marvin. Inilabas naman ni Marvin ang Shadow Diamond.
Biglang tumaas nang tumaas ang kanyang awra!
Matatag ang kanyang pagtitig.
Oras na!
Advancement, Ruler of the Night!