Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 397 - Ruler of the Night!

Chapter 397 - Ruler of the Night!

Sa tower sa labas ng River Shore City, isang nakakatakot na awra ang bumalot sa hangin.

Nag-uumapaw ang awra ng Shadow Diamon at kahit si Madeline ay hindi makalapit.

Isang itim na tala ang kumisap sa kanyang mga mata. Tila hindi mapakali ang Book of Nalu, tila ba nag-iingat ito mula sa advancement ni Marvin.

Hindi siya makalapit dahil masyadong malala ang pinsalang natamo niya.

Ito rin ang dahilan kung bakit naglakas loob na si Marvin mag-advance!

Paglipas ng ilang sandalai, tila naunawaan na ng Book of Nalu ang sitwasyon at hinayaan na si Marvin na mag-advance sa Ruler of the Night.

Bumalik sa normal si Madeline at naglagay ng Barrier si Madeline sa Wizard Tower para hindi makalabas ang awra ng advancement na ito mula doon.

Sa walang hanggang kadiliman, mag-isang nakatayo si Marvin.

Ang mga log na ito ay liumitaw sa kanyang interface:

[Na-activate na ang Shadow Diamond…]

[Hinihigop na ang Domain Power ng Shadow Diamond…]

[Naabot na ang Advancement requirements…]

[Mag-advance sa Ruler of the Night?]

Agad na pinili ni Marvin ang oo!

Sa sumunod na sandali, dumaloy sa katawan ni Marvin ang kapangyarihan ng Shadow diamond.

Mayroong na siyang sapat na exp at ang kanyang mga class ay naabot na ang kinakailangan. Oportunidad na lang ang hinihintay niya.

Nararamdaman ni Marvin na palakas siya nang palakas, ikinatuwa naman niya ito.

Ito ang dahilan kung bakit ibinuhos niya ang lahat para makuha ang Shadow Diamon sa templo ni Glynos.

Kung wala ang artifact na ito, sadyang hind siya makakapag-advance sa makapangyarihang class, ang Ruler of the Night!

Palakas nang palakas ang kapangyarihan na pumapasok sa katawan ni Marvin at wala ring tigil ang mga log sa interface ni Marvin.

Nagkakagulo ang mga log!

Mabuti na lang at paglipas ng ilang sandali, kumalma na uli ito!

[Matagumpay ang advancement sa Ruler of the Night!]

[Nakakuha ka ng isang Legend attribute point]

[Matagumpay mong nakuha ang class na: Ruler of the Night]

Huminga nang malalim si Marvin!

Matagal na niyang hinihintay ang araw na ito!

Sa wakas, may lakas na siya para kalabanin ang mga Legend sa plane na ito!

Ngayon, nagbago na ang kanyang class list:

[Ranger Lv10 – Night Walker Lv10 – Ruler of the Night Lv1]

[Subclasses: Shapeshift Sorcerer Lv6 – Battle Gunner Lv1]

Pagkatapos maging Legend, lahat ng level ng mga class na mas mababasa Legend rank ay hindi na kasama sa kabuoang level. Level 20 ang magiging base bago makapagdagdag ng Legend level.

Ang Kasalukuyang si Marvin ay nakaabot na sa Level 21 Legend Realm!

Pero hindi pa tapos ang lahat. Kahit na tapos na ang pag-advance sa Ruler of the Night, nagsisimula pa lang lumabas ang mga nadagdag sa kanya!

Isang log pa ang lumitaw.

[Pagtuklas ng Domain power sa Shadow Diamond, pumili ng isa:]

[Shadow/Mystery/Slaughter/Fear]

Isa itong pambihirang katangian ng mga Legend Powerhouse, ang pagkakaroon ng Domain!

Ang isang Domain ay isang tatak ng Legend at bahagi ito ng pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga planar law.

Maaari rin siyang pumili ng mga Domain bukod sa apat na ipinresenta ng Shadow Diamon. Ang Ranger class ay mayroong [Forest/Imparitality] habang ang Night Walker class ay mayroong [Night/Wind/Disguise]. Ang lahat ng mga Domain na ito ay maaari niyang piliin.

Kaso nga lang, isa lang ang maaari niyang piliin bilang isang bagong Legend.

Hindi naman siya nag-atubili at agad na pinili ang [Shadow]!

Nakalasamuha niya ang Shadow Prince sa parehong buhay niya, at ang Domain na ito ay napakalawak. Ito rin ang Domain na pinakanaiintindihan ni Marvin.

Pero hindi niya inasahan na lalabas ang log na mayroong sinasabing:

[Nasa sa iyo na ang Shadow Domain, pumili ng isa pa.]

Natigilan si Marvin at tiningnan nang mabuti ang kanyang interface. Nagulat siya nang makitang pagkatapos niyang mag-advance sa Ruler of the night, ang kanyang Shapeshift Sorcerer class ay nagbigay sa kanya ng karagdagang Domain, ang [Shadow]!

Pero hindi naman siya gaanong nagulat, dahil nakikita niya kung paano ito nangyari.

Nang makuha niya ang pahina ng Book od Nalu, nakakuha siya ng innate spell, ang Shadow Doppleganger. Kalaunan, noong binubuhay niya ang kanyang Numan Bloodline, nakakuha rin siya ng Shadow-shape ng kanyang Shapeshift Sorcerer.

Sa madaling salita, ang katangian ng Shadow Domain ay natural na dumadaloy sa kanyang bloodline. Noong advancement niya sa Legend, sa lakas ng kapangyarihan na ibinigay ng Shadow Diamon, direkta nitong na-activate ang kanyang bloodline, kaya nabigyan siya nito ng karagdagang Domain.

Isa itong malaking benepisyo!

At tunay nga malaki ang nakukuha sa ilang mga bloodline.

Tuwang-tuwa si Marvin. Isang bagong Legend na mayroong dalawang Domain! Walang sino mang mag-aakala nito!

Kahit ang Seer na tulad ni Hahaway ay mayroong lang [Ashes].

Ang Ashes ay Domain ng matinding pagwasak. Kung lalo niyang palalakasin ang Domain na ito, siguradong magkakaroon siya ng nakakatakot na kapangyarihan.

...

Para naman sa mga natitirang Domain, sinukuan na ni Marvin ang tatlong Domain sa Night Walker class. Maging [Night], [Wind], o [Disguise] man, wala itong pakinabang sa kanya o di kaya ay tila pagulit-ulit lang.

Ang [Forest] at [Impartiality] naman ng Ranger ay mas lalong hindi nababagay sa kanyang path na napili.

Kailangan niya pa rin mamili mula sa tatlong natitirang Domain sa Shadow Diamond.

Siguradong hindi pwede ang [Mystery]. Isa itong pinakamalakas na Domain ng pagiging tuso, pero hindi ito nababagay sa Ruler of the Night.

Dalawa na lang ang natitira. [Slaughter] at [Fear] pareho itong nakakatakot. 

Saglit na nagdalawang-isip si Marvin hanggang sa pinili na nga niya ang [Slaughter].

Siya ay isang Overlord ng teritoryo. Lahat ng ginagawa niya ay para mabantayan ang kanyang teritoryo at maprotektahan ang mga tao sa paligid niya.

Ayaw niyang malayo sa ibang tao. Dahil kung gugustuhin niyang lumakas sa Fear Domain, kailangan niyang magkintal ng takot sa puso ng marami.

Isa itong bagay na ayaw gawin ni Marvin.

Mas makakabuti ang Slaughter para sa papalapit na Great Calamity, dahil marami siyang mga kalaban na kailangan patayin.

Isa pa, palalakasin nang labis ng Domain na ito ang kanyang fighting strength. Kilala talaga ang Ruler of the Night sa kakayahan nito sa pakikipaglaban. Dahil sa pagdagdag ng Slaughter Domain, kampante si Marvin na matatapatan niya na ang mga matatandang Legend!

Kahit na ang Black Knight Sangore ay naroon, magagawa niya itong talunin!

Pagkatapos niyang piliin ang kanyang Domain, ang susunod na hakbang ay ang kanyang mga Legend specialty!

Ito ang ginagamit ng mga Legend para mamukod tangi sa lahat.

Higit sa animnapu ang mga specialty na ibinigay kay Marvin para pagpilian bilang Ruler of the Night!

At sampu lang ang maaari niyang piliin.

Sa pagkakataon na ito, hindi siya nagmadali sa pagdedesisyon. Inisa-isa niyang tingnan ang paglalarawan ng mga specialty.

Gumawa pa nga ito ng listahan at kinopya ang maraming kombinasyon ng specialty para mas makitang mabuti.

Paglipas ng humigit kumulang na dalawang oras, huminga nang malalim si Marvin.

Sa wakas, nakapagdesisyon na siya at pinili niya ang mga sumusunod na specialty:

[Astral Connection]: Kada buwan maaari kang magtungo sa Astral Sea (Hindi sa Astral Plane).

[Immemorial Darkness]: Tumaas ang haba ng Eternal Night (500%).

[Death Immunity]: Immunity sa mga Instant Death Spell.

[Curse Agreement]: Malaking dagdag sa resistance sa mga sumpa.

[Eternal Night Banish]: Tuwing gabi, may tyansa kang i-banish ang sino man na hindi mas malakas sa iyo, sa ibang lugar sa loob ng ilang oras.

[Double Efficiency]: Sa tuwing gagamit ka ng skill o ability, may tyansang madoble ang epekto nito.

[Short Weapons Greatmaster]: Maaari mong pagpalit-paliting gamitin ang mga Curved Dagger at Straight Dagger, at ang mastery nila ay hindi bababa sa Greatmaster.

[Shadow Home]: Ang Shadow Plane ay magiging tahanan mo, malaya kang makakakilos dito.

[Shadow Sneak Attack]: Maari kang lumitaw at mawala sa kahit anong lugar na may anino.

[Ruler of the Night]: Tuwing gabi, ang lahat ng attribute mo ay pansamantalang tataas ng 20%.

Sampung Legendary specialty at bawat isa sa mga ito ay napakalakas.

Ang mga epekto ng bawat isa nito ay siguradong makikita sa mga susunod na laban.

Pero ang lakas ng Ruler of the Night class ay hindi nakadepende sa mga specialty na ito.

Nang mag-advance siya sa Level 1 Ruler of the Night, ang HP ni Marvin ay tumaas ng 1000 at nakakuha siya ng 60 Legend skill point.

Agad niyang ginamit ang lahat ng ito sa isang skill.

[Summon Shadow Dragon (60)]: Maaari kang mag-summong ng mga Shadow Dragon mula sa Shadow Plane para lumaban para sayo. 15 minuto ang itatagal nito.

Ang dami ng mga Shadow Dragon ay nakadepende sa dami ng skill point.

Ngumiti si Marvin. Alam niya ang matematika nito. Nasa 10 SP ito kada isang Shadow Dragon.

Ang 60 SP ay nangangahulugan na maari siyagn mag-summon ng 6 na Shadow Dragon para lumaban para sa kanya!

Bawat Shadow Dragon ay hindi bababa sa level 18!

Sa kabuoan, ang pag-summon ng anim na nilalang nang sabay-sabay ay ang limitasyong itinatalaga ng mga plane law.

Pero nakahanap si Marvin ng mahusay na paraan para malusutan ang limitasyon na ito.

Sa kanyang mga Specialty, mayroong [Double Efficiency]. Isa itong skill na pinag-isipan niyang mabuti para tumugma sa kanyang mga skill.

Kung magamit ang Double Efficiency, magagawa niyang malampasan ang plane law at makapag-summong ng 12 Shadow Dragon!

At mayroong siyang 19 na Dark Knight!

Ang pagiging Ruler of the Night ay hindi lang nangangahulugan ng pagiging isang Legend Powerhouse, nanganghulugan din ito nang pagkakaroon ng hukbo!

Kahit ang isang Legend na mayroong makapangyarihang mga ability ay walang magagawa kundi umatras kapag kaharap na ang pag-atake ng grupo ni Marvin!

Sapat na ang labing-dalawang Dragon para magsimula ng digmaan!

Idagdag pa na mayroon pa siyang ibang alas.

Isa pa, kahit sa mga dwelo, ang Ruler of the Night ay halos kasing lahat ng isang Pale Hand!

Matagal niyang hinintay ang araw na ito!

Kinuyom niya ang kanyang kamao!

Dark Phoenix, oras na para magbayad ng utang!

Unti-unti nang nawala ang madilim na awra sa Wizard Tower. Nanatiling mahinahon na nakaupo si Marvin sa lapag. Wala nang laman ang Shadow Diamon na hawak niya sa kanyang kamay.

Nanginginig si Madeline sa isang sulok.

Hindi siya nakaramdam ng makapangyarihang awra mula kay Marvin, pero base sa kanyang instincts ay nakakatakot na nilalang na si Marvin!

Binabalaan siya ng Book of Nalu.

Sa isang malayong sulok ng Underdark, isang babaeng Drow na bumubuo ng nakakatakot na plano ang biglang nanginig.

Hindi niya mapigilang ibulong sa kanyang sarili, "Master….Napakamakapangyarihan…."

Sa sumunod na gabi. Ang Barrier na bumabalot sa River Shore City at sa pangunahing kalsada ay nawala na.

Sa mga mata ng mga tagapagtanggol ng River Shore City, wala nang pag-asa.

Matinding pinsala na ang tinamo ni Lady Madeline, at wala na silang maibubuga.

Sa labas ng nabasag na Barrier, isang babaeng may magarang damit ang ngumiti habang tinitingnan ang namumutlang si Madeline. "Sundin mo ko at buksan ang daan, munting Succubus. Itatapon mo lang ang buhay mo kung ipagpapatuloy mo ang pagtutol sa akin."

Pero noong mga oras na iyon, isang payat na anino ang lumitaw sa kanyang tabi.

Sa isang mahinahong tono, sinabi niya, "Gusto kong lang malaman, ano ang dahilan ng Alliance para atakihin ang isang lehitimong teritoryo ng isang noble?"