Sa Dead Area, ang malakas ay laging nirerespeto.
Kahit na may pagdududa sa mga mata ng nakatingin kay Ivan, siya lang sa limang Legend ang nakalabas, kaya naman hindi sila nangahas na galitin ito.
Kahit na ang mga Blackfire Lava Wizard na nagbarikada sa lugar na ito ay hindi napanatili ang kanilang pagamataas dahil ang natatangi nilang Legend Wizard ay nawala sa Secret Garden.
Kahit na magtulong-tulong pa ang mga tao dito, hindi nila matatapatan si Ivan.
Umalis silang lahat, nagdududa at malungkot.
Hindi na rin nagtagal sina Marvin at Ian sa Breton Village.
Hindi magtatagal, seselyohan n ani Astral Beast Eric ang lugar na ito bago siya mawala.
Sa susunod na tawagin ni Marvin si Eric, marahil iyon na ang huling beses na lilitaw ang binate sa mundong ito.
Habang iniisip ito, bahagyang nabalisa si Marvin.
"Masyadong bang makasarili 'yon?"
"Nakaka-awa na si Eric, pero may gusto pa akong ipagawa sa kanya. Hindi ba masyado ko na siyang inaabuso."
"Maraming beses nang nadurog ang kaluluwa niya at dapat malaya na siya. Alam niya naman siguro 'to."
"Pero…"
Tiningnan ni Marvin ang piraso ng buto na hawak niya, na tila isang buwan at nakaramdam ng lungkot.
Tinapik ni Ivan ang kanyang balikat, nauunawaan niya ang reaksyon ni Marvin.
Dahil sa nalalapit na Great Calamity sa Feinan, kailangan niyang matipon ang lahat ng pwersang maari niyang makuha.
Ang mga Elven race, mga Human, mga Vampire, mga Sha clansmen, mga Night Walker, mga Legend Wzard, ang mga tiga Rocky Mountain, at pati na ang Astral Beast na si Eric!
Para sa mga God, si Eric ay isang nilalang na hindi nakatadhana.
Kung magkakaroon talaga ng isang labanan, sigurado siyang magugulat ang mga God sa paglitaw nito.
Kayang yanigin ng isang Astral Beast ang mundo kahit pa nasa bingit na ito ng kamatayan.
Hindi mangangahas ang mga God na galitin ito!
…
Umalis ang dalawa sa Breton Village pero wala silang balak na bumalik agas sa Thousand Leaves Forest.
Dinala ni Marvin si Ivan sa isang abandonadong minahan sa dakong hilaga ng Breton Village.
Mapanganib na lugar din ang minahan na ito.
Iilang tao lang sa Dead Area ang nagpupunta rito.
Pero dahil sa makapangyarihang dalawa na ito, ang iilang construct sa minahan ay pinira-piraso nila.
Nakuha na ni Marvin ang ikalawang Memory Chip na hinahanap niya.
Saka sila bumalik sa Xunshan Town.
Gustong tingnan ni Marvin kug ang Black Knight Sangore ay muling umatake, kaya naman nag-ikot siya sa Xunshan Town at mayroong mga nalaman.
Pagkatapos niyang umalis, nagdalaa si Sangore ng Black Wizard dito.
Ang Black Wizard ay balot ng malaking damit, kaya hindi siya malinaw na nakita ng mga tao.
Ang kanyang mga spell ay nakakatakot at halos nawasak na niya ang bayan sa paanan ng bundok.
Namagitan naman ang Cloud Monk at Blade Technique Master Kangen sa kritikal na oras.
Matinding pinsala ang tinamo ng Black Knight mula sa Cloud Monk. Sa pagkakataon na ito, galita na galit ito at muntik nang mapatay si Sangore.
Pero gumamit ang Black Knight ng isang misteryosong spell para makatakas.
Hindi naman ito nagawa ng Black Wizard. Ayon sa mga nakakita ng pangyayari, ang Wizard ay hinati sa dalawa ni Kangen.
Sumimangot si Marvin.
Hindi ito ang inaasahang kalalabasan ni Marvin.
Tunay nga na ang mga nakikipagkasundo sa mga Devil ay mayroong ilang pamamaraan para manatiling buhay.
Ang matandang Monk ay seryosong inatake si Sangore pero hindi pa rin niya ito nagawang patayin, at nakatakas pa ito.
Kahit na nasa bingit na ng kamatayan si Sangore noong nakatakas ito, dahil sa espesyal na Constitution ng mga Black Knight, oras lang ang kailangan niya para gumaling.
Para naman sa tinatawag na "Black Wizard," ito siguro ang pinakamalakas na miyembro ng Black Knight Monastery.
Hindi naman na kakagulat na nagawang hatiin ni Kangen ito sa dalawa. Si Kangen ay isang taong nagagagawang kalabanin ang mga God sa panahon ng Great Calamity.
Pero ang pekeng katawan lang ng Black Wizard ang namatay.
Sigurado si Marvin na isang Lick ang lalaking iyon!
Basta hindi nawasak ang Phylactery nito, hindi mamamatay ang kaluluwa nito.
Ang dalawang ito ay isa pa ring tagong panganib na maaaring bumalik ano mang oras. Pero hindi ito ang oras para problemahin ito. Pero malaki ang naitulong sa kanyang ng Xunshan Monastery.
Balak sana niyang bisitahin si Kangen pero sinabi sa kanya ng mga Monk ng Monastery na umalis na ito.
Umalis na ito kasama ang Copper Dragon.
Nadismaya si Marvin at walang nagawa kundi maghanda para umalis sa Dead Are Continent kasama si Ivan.
Pero nang balikan niya si Ivan sa paanan ng bundok, napansin niya ang dalawang nilalang sa tabi ng Elven Prince.
Nakangiting tiningnan ni Ivan ang dalawa at masayang sinabi kay Marvin, " Tingnan mo ang nahanap ko, dalawang descendant ng mga Ancient Gnome."
"Ang Disguisng Potion nila ay epektibo at naloko nila ang lahat."
Nakatayo lang ang dalawa, tila natatakot at hindi mapakali.
Huminga nang malalim si Marvin!
"Kayo!"
Naaalala ni MArivn ang dalawa!
Nakasalubong niya ang dalawang ito sa Desolate Tower Ruins, gamit ang kakaibang tela para magtago sa kanyang Perception. Noong mga oras na iyon, gumamit ang mga ito ng pangmalapitang escape tool. At ngayon, hindi inaasahan na nakita sila ni Ivan.
"Mga Ancient Gnome talaga sila?" Naghihinala si Marvin. "Paano mo sila nahuli?"
"Pinain ko sila." Suminghal si Ivan, "Pinagmamasdan nila ako sa malayo habang sinusubukang manatiling nakatago."
Biglang nagsalita ng dalawa, "Hindi kami nagmamasid, ..Sa totoo lang, kailangan naming ng tulong niyo…"
"Tulong?"
Sumimangot si Ivan.
Nagtinginan ang dalawang Gnome bago dinala sina Marvin at Ivan sa isang abandonadong lugar. Tinanggal nila ang kanilang disguise at bumalik sa orihinal na itsura.
Ang mga Ancient Gnome na ito ay bahagyang mas matangkad kesa sa kanilang mga ninuno. Tila mas malaki ang kanilang mga ulo, pero nararapat pa rin ang laki nito sa kanilang katawan.
Asul ang kanilang mga mata, tila kumikinanang sa katalinuhan.
Bukod doon, ang iba pa nilang katangian ay pareho na sa isang Wild Gnome.
"Hayaan niyo muna kaming magpakilala. Ako si Zac Rael, at ito ang nakababata kong kapatid, si David Rael."
"May problema kami at kailangan ng tulong. Pero wala kaming tiwala sa mga Human."
Maingat na tiningnan ng nakatatandang Gnome si Marvin bago sinabing, "Pero handa kaming magtiwala sa mga Elf."
"May ilang mga Elf sa Dead Area, at karamihan sa kanila ay masasamang Elf."
"Kaya naman, umaasa akong matutulungan mo kami," sabi nito.
Napakamot si Ivan sa kanyang ulo. Nasurpresa siya na mayroong mga Ancient Gnome na naghahanap sa kanya.
Hindi ito isang pagnkaraniwang race. Ang mga Ancient Gnome ay ibang-iba mula sa mga Wild Gnome. Maraming nalalaman ang mga ito at mayroong malalim na pagkakaibigang nabuo sa mga High Elf.
Mukhang mayroong kasunduan sa pagitan ng mga ito.
Kahit ang kanyang ama na si Nicholas, marahil ay hindi na naaalala ang mga kasunduang ito.
Pero wala naman sa kanya ang pagtulong sa mga ito.
Pero wala na silang oras. Gusto niyang tanggihan ito pero biglang nagtanong si Marvin, "Anong tulong, pwede niyo bang ipaliwanag?"
Interesado ito at tila ba makikita ang "Tutulong kami sa tamang halaga!" na reaksyon sa kanyang mukha.