Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 394 - Return

Chapter 394 - Return

Ang descendant ng mga Ancient Gnome ay napatingin sa isa't isa at muling tumingin kay Marvin, muli nilang sinabing, "Wala kaming tiwala sa mga Human!"

Umirap naman ang mga mat ani Marvin.

Basesa kanilang ipinapakita, malaki siguro ang nawala sa kanila nang may nakasalamuha silang Human.

Pero mabuti na lang at naroon si Ivan. Malinaw na nakita niyang interesado si Marvin at agad na kinausap ang mga ito para kay Marvin.

Si Zac at David ay tunay na mga Ancient Gnome.

Ang matinding delubyo na nangyari noon ay wumasak sa Ancient Gnome Empire pero mayroon pa rin naman naiwang buhay.

Nagtago sila sa isang Sanctuary sa loob ng napakaraming taon.

Halos hindi sila nakipag-uganayan sa labas dahil hindi nila alam kugn ang delubyong sinasabi ng kanilang mga ninuno ay tapos na o hindi pa.

Syempre ang dalawang Ancient Gnome na ito ay hindi sasabihin ang lokasyon ng Sanctuary kahit na pahirapan pa sila.

Ang mga naiwang Ancient Gnome na buhay hanggang ngayon ay alam na iba na ang era na ito. Mga Human na ang nangingibabaw.

Umaasa sila na maari silang manatiling tago mula sa mundo.

Pero nagkaroon ng problema sa kanilang Sanctuary.

Nangyayari na ang mga nakasaad sa propesiya: Ang Sanctuary ay nasa bungit ng pagkasira at kakaharapin nila ang isang mas nakakatakot na delubyo!

"Propesiya? Anong Propesiya?"

Makikita ang gulat sa mga mukha ni Marvin at Ivan.

Nagpaliwanag si Zac, "Sa tribo naming, mayroong propesiya sa isang pahina ng libro. Walang nakakaalam kung kailan lumitaw ang pahinang ito. Ilang araw matapos naming lumipat sa Sanctuary, bigla itong lumitaw sa altar ng ancestral shrine namin. Nakasulat ito gamit ang Ancient God Language, na tanging ang High Priest lang naming ang nakakabasa, at binasa niya sa amin ang propesiya."

"Sinasabi sa propesiya na ito na hindi maiiwasan ang delubyo."

"Kahit na nagawang mabuhay ng tribo namin mula sa delubyong sumira sa Ancient Gnome Empire maraming taon na ang nakakalipas, mauulit at mauulit daw ito.

"Iyon ang nabalitaan ko," natapos na ang Ancient Gnome, tiningnan nito si Ivan.

Mukhang kapaki-pakinabang ang pagkakakilanlan ng Wood Elf. Magagawa niyang pagkatiwalaan siya ng mga ito.

Kumpara sa mga Human… Kahit na marami ring mga bayani sa sankatauhan, marami ring masasamang tao sa mga ito. Ang mga mapagmatigas na Dwarf at Ancient Gnome ay siguradong hindi agad pagkakatiwalaan ang mga Human.

Nanahimik si Ivan pagkatapos nito.

May kakaibang naramdaman si Marvin sa kanyang puso!

Ang pagbagsak ng Sanctuary ay nangangahulugan ng pagbabalik ng mga Ancient Gnome sa Feinan.

Para bang nauulit na ang mga pangyayari.

'Ang…. Ang Expansion na ang kasunod.'

'[Return]!'

Huminga nang malalim si Marvin.

Noong nag-transmigrate siya, mayroon lang kaunting pagpapaliwanag tungkol sa kwento ng susunod na Expansion.

Hindi lang bumalik ang mga God sa Feinan, pero ang mga Ancient Race ay sunod-sunod ring babali.

Siguradong hindi lang ang mga Ancient Gnome ito.

Ganito rin ang mangyayari sa mga High Elf na nagpunta sa Eternal Country. Bumalik rin ang mga ito dahil sa parehong rason ng mga Ancient Gnome. Ang pinagpalang High Elven Eternal Country ay nasa bingit rin ng pagbagsak.

Napilitan silang bumalik sa Feinan, per hindi na ito ang kanilang mundo.

Mayroon pang ibang mga race, mga race na nawala noong ikalawa at ikatlong Era tulad ng mga Dark Iron Dwarf at ang mga na-banish na Numan, ang magbabalik.

Ang buong plane ng Feinan ay mababalot ng kaguluhan .

Pero ang problema, dapat sa hinaharap pa ito magaganap!

Anong nangyayari sa dalawang ito?

Nagtanong muli si Marvin pero tinrato pa rin siyang isang masamang Human na nais agawin ang Sanctuary.

Mabuti na lang at sinigurado ni Ivan sa mga ito na mabuti si Marvin kaya napilitan itong sumagot, "Ang Santuary namin… ay kaya pang tumagal ng ilang taon, pero hindi ako naniniwala sa pahina ng propesiyang iyon."

"Tama! Puro walang saysay ang mga nakasaad doon!" Biglang sabat bi David. "Isa akong eksperto sa kaalaman tungkol sa plane structure. Base sa pagsasaliksik ko, ang Sanctuary ay malayo pa sa katapusan nito. Kulang lang ito sa enerhiya."

"Kailangan naming makahanap ng ilang Purple Fire Crystal, na magiging sapat para mapanatiling nagliliyab ang apoy sa Sanctuary ng….higit sa isang daang taon!"

Tumango si Marvin.

Gumagamit nga ang mga Ancient Gnome ng Purple Fire Crystal bilang enerhiya.

Ibig sabihin, ang sistema ng Mechanical Tita ay kailangan din ng Purple Fire Crystal.

Bumuntong hininga si Ivan. "Hindi naman sa ayaw naming kayong tulungan."

"Pero alam niyo ba kung ilan na lang ang natitirang Purple Fire Crystal sa mundo?"

"Wala! Hinukay na lahat ng mga pesteng Dark Iron Dwarf!" Galit na sabi ni Zac habang nagngangalit ang kanyang mga ngipin.

Mukhang nagsaliksik ang dalawang ito bago sila umalis ng Sanctuary.

"Eh kayo?" Tanong ni Marvin.

"Pumasok kayo sa Secret Garden para maghanap ng Purple Fire Crystal? Walang ganoon sa lugar na iyon."

Umiling si David. "Wala kaming magagawa, kailangan naming subukan. Nakakuha kami ng impormasyon nab aka mayroon doon."

"Ang mga Elf lang ang tanging race na naiwan mula sa sinaunang panahon. Kung hindi moa lam kung saan dapat maghanap ng Purple Fire Crystal, hindi na naming alam kung saan pa dapat maghanap."

Nadismaya ang dalawang magkapatid.

Palihim silang umalis sa Sactuary dahil mayroon silang malaking balak na makakuha ng sapat na Purple Fire Crystal bago sila marangal na bumalik.

Pero hindi nila alam na malaki na ang ipinagbago ng mundo sa paglipas ng mga taon.

Kinailangan pa nilang itago nang maigi ang kanilang pagkakakilanlan!

Kinamot ni Marvin ang kanyang ilong at nag-isip nang mabuti bago sinabing, "Sa pagkakaalam ko, ang Purple Fire Crystal ay hindi pa tuluyang nawawala sa mundong ito."

Biglang nabuhayan ng pag-asa ang magkapatid na Ancient Gnome. "Saan?"

"Ang mga vestige ng mga Ancient Gnome," paliwanag ni Marvin. "Sa kanlurang baybayin ng Feinan Continent, maraming vestige ang mga Ancient Gnome. Mayroong pa sigurong Purple Fire Crystal na natitira sa ilan sa mga ito, tulad na lang sa Saruha."

"Saruha? Nanggaling ka sa Saruha?"

Nagningning ang mga mata ni Zac at David. "Mayroon pa bang mga Purple Fire Crystal sa lugar na iyon?"

"Wala na," tapat na sagot ni Marvin, "mayroon lang Mechanical Titan na kinontrol ko."

"Sayang lang at hindi nakadisenyo 'yon para sa tulad ko; hindi ako komprotable sa pagpapatakbo non."

Isang Mechanical Titan!

Halos magliwanag na ang mga mata ng magkapatid!

Agad silang nakiusap, "Dalhin mo kami doon!"

"Nagkaroon ng problema ang teleportation naming nang umalis kami sa Sanctuary at bigla kaming napunta sa Continent na ito."

"Dalhin mo kami sa Mechanical Titan!"

Alam ni Ivan ang ginagawa ni Marvin base sa itsura nito, at hindi niya mapigilang matawa.

Malinaw na dinidikta ni Marvin kung ano ang iniisip ng magkapatid.

Pero hindi niya alam na nakakuha ng Mechanical Titan si Marvin, at interesado rin siya dito. Gayunpaman, mabilis silang makakabalik kapag ginamit nila ang scroll.

Hindi problema na nadagdagan sila ng dalawang Ancient Gnome.

"Sige, tara na."

Humawak ng tig isang Ancient Gnome sina Marvin at Ivan saka binuksan ni Ivan ang return scroll.

"Woosh!" Pagkatapos ng limang segundo, Lumitaw sila sa isang kulay berdeng silid.

"Kamahalang Ivan, sa wakas, nagbalik na kayo!" Ang babaeng Elf na si Joan ay puno ng paghanga habang tinitingnan nito si Ivan.