Pagkalipas ng tatlumpung minuto, sa ikatlong palapag, sa paikot na hagdan.
Hinihingal si Marvin. Sa likod niya ay mayroong bangkay ng Magic Beast pati na bakas ng maraming patibong.
Naiwasan niya ang karamihan sa mga patibong, pero ang ilan sa mga ito ay hindi niya naiwasan dahil sa bilis, gaya na lang ng mga lightining trap.
Maaari sana siyang gumamit ng maraming mga Origami Doppleganger para daanan ang mga patibong kung mahusay na siya sa paggamit nito, pero dahil hindi pa sapat ang taas ng skill level niya, hindi siya makakagawa nang marami gaya ng ginawa ni Shadow Thief Owl
Nakatamo siya nang maraming pinsala, pero nagawa pa rin niyang maka-abot sa ikatlong palapag.
Kahit na mataas ang Blak Tower, mayroon lang itong tatlong palapag.
Simple lang ang istruktura ng mga ancient caster tower, mayroon itong lugar sa underground na puno ng mga kulungan at bulwagan sa baba. Ang ikalawang palapag, nandito tirahan ng mga Apprentice at ang laboratory habang ang pinakamataas na palapag ay ang pribadong tirahan ng caster.
Hindi ito kasing kumplikado gaya ng mga makabagong Wizard Tower.
Nakadepende sa swerte ni Marvin ang kanyang pag-akyat.
Hindi niya nauunawaan ang mga lihim na incantation at kailangan niya lang lumaban paakyat. Kung mayroong lang sapat na enerhiyang natitira sa tore, baka naabo na siya.
Sa ganitong larangan, mas mahuhusay ang mga Thief. Marami silang pamamaraan para matunton at patayin ang mga patibong. Maraming karanasan dito si Marvin pero wala siya ng mga kinakailangan na skill.
Kahit na mayroon siyang iba't ibang item sa kanyang storage item at hindi niya kailangan tanggalin ang mga patibong gamit ang kanyang mga kamay, madalas pa rin siyang tinatamaan ng mga ito.
Isa ring dahilan ang matagal na pagiging abandonado nito kya naglakas loob si Marvin na pasukin ang tore na ito.
…
Ang Black Tower Valley ay tahanan ng mga Mikenshi Wizard.
At ang matatangkad na gusali ay pagmamay-ari ng Protector ng Secret Garde, isang makapangyarihang Mikenshi Wizard.
Sa pagkaka-alam ni Marvin, ang 7th Black Tower ay ang pinakamakapangyarihang istruktura sa mga Black Tower.
Tanging ang tore na ito ang mayroong kayamanan. Ang mga bagay sa ibang tore ay nawala na o nasayang na.
Hindi naman sigurado si Marvin sa pagkakataon na ito.
Pero noong tumayo siya sa sahig ng ikatlong palapag, kinilabutan siya.
Mayroong naramandaman niyang may kasamaan sa paligid.
Wala siyang napansin na kahit anong halimaw, pero kusang nagbukas ang anim na maliit na lampara sa kanyang harapan. Ang mga ancient caster ay hindi marangya kung mabuhya. Ang ilang kwarto ay walang laman, at tanging ang pangunahing silid at ang silid para sa meditation ang maganda ang pagkakagawa.
'Ano 'tong nararamdaman ko? Isa ba 'tong ilusyon?'
Pagkatapos ng nakaraang pangyayari, naging maingat na si Marvin.
Tiningnan niya ang kanyang interface at walang nakita anong senyales ng willpower check.
Mahinahon niyang sinimulan ang pagtingin sa bawat silid.
Kumapara sa napakaraming panganib sa hagdan, mas ligtas ang mga kwartong ito.
Sino nga naman ang gustong matulog sa isang kwartong puno ng patibong?
Nagpunta lang dito si Marvin para sa piraso ng Earth Crystal. Kung wala dito ang kailangan niya para mabuo ang isang Earth Crystal, dumeretso na sana siya sa ikatlong bahagi ng Secret Garden para hanapin si Ivan.
Pagkatapos libutin ang lugar, nakakita siya ng kahon sa pangunahing silid.
Ang kahon ay nakatago sa ilalim ng kama at isang mahinang pwersa ng magic ang lumalabas mula dito.
Maingat ng binuksan ni Marvin ang kahon, na wala naman palang kahit anong patibong sa loob.
Pero walang laman ang kahon kundi dayami.
"Sa tingin mo maloloko mo ko?" panunuya ni Marvin .
Pinasok niya ang kamay niya.
Nakaramdam ng pwersa si Marvin sa dayami at kinuha ang isa. Sa sumunod na sandal isang dilaw na piraso ang lumitaw sa kamay niya.
'Sa wakas, nakuha ko na.'
Dali-dali naman inilabas ni Marvin ang dalawa pang Earth Crystal.
Ang una ay nanggaling sa pugad ng Hook Horror, ang ikalawa naman ay sa Saruha, at ngayon naman ay hawak na niya ang isa na ito na mula sa Secret Garden ng Dead Area.
Maraming mga piraso ng Earth Crystal sa iba't ibang sulok ng Feinan plane, hindi lang tatlo.
Pero hindi naging madali para kay Marvin ang pagkolekta sa mga ito.
Natural na nalalapit sa isa't isa ang mga piraso ng Earth Crystal at hindi na nito kailangan ng kahit anong ritwal o proseso para pagsamahin ito. Pinagsama-sama ito ni Marvin at kusa itong nagsimula na magsama-sama.
Aabutin ito ng humigit kumulang labing limang minute. Walang ibang kailangan gawin si Marvin sa ngayon, kaya maaari niyang ipagpatuloy ang pagsiyasat sa silid.
Noong naghahanap siya kanina, ang tanging nasa isip niya ay ang piraso ng Earth Crystal at hindi gaanong pinansin ang ibang mga bagay.
Ang karamihan sa mga bagay dito ay naabo na dahil sa paglipas ng panahon.
Tanging isang simpleng kwaderno lang ang naiwan sa lamesa, at mukhang walang kahit anong sira.
Nagdesisyon si Marvin na tingnan ang kwaderno.
'Balat ng hayop… mukhang isang uri ng snake-dragon…"
Bahagyang nagulat si Marvin.
Tanging ang kwadernong gawa sa ganitong materyal ang kayang mapanatili ang kondisyon nito sa paglipas ng mga taon.
Mukhang isa itong tala-arawan.
'Naiwan kaya 'to ng Tower Master?'
Gustong malaman ni Marvin ang nasa loob.
Nagsimula siyang buklatin ito at tingnan ang mga pahina.
Dahil hindi ito isang pormal na Magic Book, walang iniwang spell o seal ang may-ari nito.
At kung mayroon man itong kahit ano, marahil nawala na ito sa paglipas ng mga taon.
Isa-isang nilipat ni Marvin ang mga pahina. Ang sulat dito ay malabo at kupas na.
Baka mawalan na ng silbi ang librong ito sa mga susunod na dekada.
Sa paglipas ng panahon, bukod sa mga God, walang kahit anong panghabang buhay.
Tinitingnan ni Marvin ang kwaderno habang binabantayan ang pagsasama-sama ng Earth Crystal.
Pero labis niyang ikinagulat ang mga nilalaman ng kwaderno!
Kung tama ang hula niya. Iniwan ito ng isang Tower Master, na kilala bilang Orica. Siya raw ang pinuno ng mga Black Tower Wizard at isa sa pitong pinakamataas na kinatawan ng Mikenshi School.
Makapangyarihan ang taong ito at kahit wala ang Universe Magic Pool noong mga panahon na iyon, nagawa niyang mag-advance sa Legend!
Ibang-iba siya mula sa mga Mikenshi Wizard, dahil bukod sa kaalaman niya sa Magic Medicine, nagsasaliksik rin si Orica tungkol sa kaluluwa.
Mayroong mga bahagi sa tala-arawan na binabanggit niya ang interes niya sa Soul Magic.
Noong una ay nagawa pa niyang pigilan ang kanyang sarili, pero kalaunan ay sinimulan na niyang gamitin nang palihim ang kanyang awtoridad para gumawa ng mga eksperimento.
Hanggang sa dumating ang Astral Beast.
Bilang pinuno ng Black Tower Valley, kailangan niyang tumulong sa paglaban sa Beast.
hanggang sa matalo niya pati ng iba pa ito at maiselyo.
Pero nabanggit sa tala-arawan na hindi siya mapalagay sa nangyari.
'Nabuhay ang taong ito sa pagtataksil sa mga kasamahan niya.'
Sinubukan niyang ipagtanggol ang kanyang mga nagawa sa kwadernong ito… nakaramdaman ng paghamak si Marvin sa tao na ito.
Pagkatapos ng laban na iyon, marami sa mga pwersa ng Mikenshi Wizard ang nakatamo ng malubhang pinsala. At konektado dito ang pagtraydor ni Orica sa kanyang mga kasamahan.
Siya mismo ay nakalabas ng buhay nang walang ano mang galos nang walang nakaka-alam sa ginawa niya, pero humina ang buong Mikenshi School.
Kaya naman, tumaas pa lalo ang awtoridad niya sa konseha at sinimulan na niya ang pagsasaliksik tungkol sa imortalidad.
Sa dulo ng tala-arawan, naramdaman na ni Marvin na nasa dapit hapon na ng buhay si Orica at nababalit na ito.
At noong mga oras na iyon, dumating ang mga kalaban.
Ang plano nang pagpapakawala sa Astral Beast para labanan ang kalaban ay si Orica mismo ang nagmungkahi.
Maraming tao ang tumutol dito, pero noong mga panahon na iyon, malakas na ang awtoridad at impluwansya ni Orica sa konseha.
Dahil natalo sila sa laban, sa wakas ay pumayag na ang mga Wizard na gamitin ang Astral Beast.
Kaya naman nagulat ang kanilang mga kalaban dito. Namatay ang Astral Beast pero malaki rin ang nawala sa mga kalaban nila.
Sa katunayan, alam ni Marvin na ang ikatlong bahagi ay kilala bilang [Astral Beast Remains].
Pero kinilabutan si Marvin sa huling nabasa niya sa huling pahina.
[Gumana ang plano ko… Kalaunan ay pumayag silang pakawalan si Duruna…]
[Hahahaha, bukas ko gagawin ang pinakamahalagang hakbang sa pagtamo ng imortalidad! Magkakaroon ako ng mas maraming oras, oras, kailangan ko ng oras! Ako ang pinaka mahusay na henyo! Hindi ako magpapatalo sa oras!]
[Ang huling laban, ganoon man ito sa kanilang pangingin, pero para sa akin, ito ang simula ng aking kadakilaan.]
Doon na natapos ang mga nakasulat.
Wala nang nakasulat sa mga susunod na pahina.
Sa tingin ni Marvin isinula ni Orica ang mga iyon sa araw na pumayag na ang mga Wizard na pakawalan ang Astral Beast.
Anong nangyari sa plano niya?
Nagtagumpay ba siya?
May kutob siya na hindi lang ganoon kasimple iyon. Kung nabuhay si Orica pagkatapos ng huling laban, ibig sabihin, dalawa ang nabuhay pagkatapos ng labanan sa Secret Garden!
Ang Wizard Apprentice Eric at Legend Wizard Orica!
Nilamong si Eric ng Magic Medicine King at tila biglang nawala si Orica.
Nilamong din ba siya ng Magic Medicine King?
Mukhang hindi ganoon ang nangyari.
Mahina pa ang Magic Medicine King noong mga panahon na iyon, at kinailangan pang gumamit ng panlilinlang para palapitin sa kanya ang Wizard Apprentice.
Siguradong hindi nito kakayanin ang isang Legend Wizard.
'Pumalya ba ang plano ng lalaking 'to? Ano nga ba ang plano niya? Anong kinalaman nito sa pagpapakawala sa Astral Beast?'
Sumimangot si Marvin.
Naguguluhan siya.
Pero hindi niya alam ang mga nagyari noong panahon na iyon, kung nagtagumpay man ito, hindi pa rin naman siya siguro makakakuha ng walang hanggang buhay.
Kung wala ang Fate Tablet, hindi isya makaka-advance sa Godhood. Bukod sa mga God, iilang class na lang gaya ng Cloud Moch at Lich at maaaring maging imortal.
Kung hindi, hindi naman ang Magic Medicine King ang mamumuno sa buong Secret Garden, hindi ba?
Ibinaba ni Marvin ang tala-arawan at kinalimutan muna ito sa ngayon.
Tapos nang magsama ang Earth Crystal, at naging isang matalas na kristal na naglalabas ng isang makapangyarihang enerhiya. Sa kamay ng isang Wizard, maaari itong gamitin para baguhin ang mga kalupaan.
Maikukumpara ang Earth Crystal sa spell na [Transmutation], at ang paggamit nito nang sabay ay maaaring gumawa ng permanenteng pagbabago sa mga kalupaan!
Maaaring mong patagin ang isang mabundok na lugar, o gawin dagat ang isang bungok na puno ng nyebe!
Ito ang kapangyarihan ng Earth Crystal!
…
Pagkatapos niyang asikasuhin ang Earh Crystal, hindi na nagtagal si Marvin at umalis na sa 7th Tower.
Wala nang siyang dahilan para manatili sa Desolate Tower Ruins.
Ginamit ni Marvin ang Stealth at tumakbo. Mayroong siyang [Stealth Master] na ability na magbibigay sa kanya ng kakayahang tumakbo nang mabilis habang naka-Stealth.
Kapag nakasalubong siya ng Magic Beast, gagamitin na lang niya ang kanyang bilis para maiwasan ito.
Nagmadali siya paalis ng Desolate Tower Ruins hanggang sa makalabas siya.
Nakakakita niya sa malayo ang isang malaking kalansay na halos isang kilomtero ang haba, at nakalatag sa isang patag na lugar.
Ito ang nakakatakot na Astral Beast. Kung tutuusin, maliit lang ang Astral Beast na ito, pero halos mawasak nito ang buong Mikenshi School.
Pero ang ikinatuwa niya ay may taong nasa tabi ng bangkay.
Ivan!
Sabik na nagmadali si Marvin.
Seryoso ang mukha ng Elven Prince. Nang makita niya si Marvin parang gulat na gulat ito, pero sinenyasan niya ito na wag gagawa ng kahit anong ingay.
Bahagyang naguluhan si Marvin habang papalapit siya.
"Wag kang maingay, buhay pa siya!"
Nakakagulat ang mga sinabi ni Ivan.