Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 384 - Complicated

Chapter 384 - Complicated

Natigilan si Marvin.

Natagalan bago siya makabawi!

Ang katawan ng maliit na Astral Beast sa kanyang harapan ay halos maabo na, at tanging naiwan na lang ay mga buto.

At sinabi ni Ivan na buhay pa ito?

Imposible!

Pero seryosong-seryoso ang mukha ni Ivan. Alisto ito at pinagmamasdang mabuti ang Astral Beast.

Nagulat si Marvin.

Pumayat si Ivan magmula noong huli silang nagkita ni Ivan.

Magmula Feinan hanggang Dead Area, lumaban ito.

Kahit na isa siyang Elven War Saint, malaki ang magiging epekto sa katawan nito.

Mukhang bago ang mga damit niya pero butas-butas ito. Mukhang maraming beses na siyang nakipaglaban sa loob ng Secret Garden.

Maydala itong espada na nakuha niya sa isang lugar lang, at ang ang kalidad nito ay pangkaraniwan.

Alam ni Marvin na mayroong makapangyarihang specialty ang Elven War Saint Class, ang [Weapon Greatmaster].

[Weapon Greatmaster]: Maaari mong magamit ang lahat ng sandata ano mang oras, kasama na ditto ang mga martial weapon, unusual weapon, at iba pa. At ang mastery mo dito ay hindi bababa sa Greatmaster!

Ang nakakatakot na specialty na ito ay nagbibigay kakayahan kay Ivan na gamitin ang ano mang sandata sa kahit anong sitwasyon.

Isa pa, malakas din siyang makipaglaban nang mano-mano. Ang attack power ng kanyang class ay napakataas.

Habang tinitingnan ang espada sa mga kamay ni Ivan, bigla siyang tumakbo papunta rito.

Hindi inasahan ni Ivan ang biglang pagkilos ni Marvin.

"Anong ginagawa mo?" Bahagya siyang nagulat.

Walang awang hinampas ni Marvin ang kamay ni Ivan!

Edge Snatch!

Lumuwag ang kamay ni Ivan at inikot ni Ivan ang kanyang kamay, kinuha niya ang espada sa kamay ni Ivan.

Pero bago niya ito mahawakang Mabuti, isang mas malakas na paghampas ang tumama sa kanyang kamay.

Reverse Edge Snatch!

Sa isang iglap, inagaw ni Ivan pabalik ang kanyang espada dahil sa kanyang instinct

Nakaramdam ng pagsakit sa kamay si Marvin at napahinga nang malalim.

Naguguluhan si Ivan.

Ngumiti si Marvin. "Naninigurado lang ako na ikaw 'yan."

Sa loob ng kakaibang hardin na ito, hindi niya basta-basta ang isang taong bigla na lang niyang nakita. Kahit pa kakilala niya ito, maninigurado pa rin siya.

Si Ivan ang nagturo sa kanya ng Edge Snatch kaya madali niya itong makikilala.

Sa mahusay nitong reaksyon, siguradong si Ivan ito.

Natuliro ang Elven Prince.

Umubo si Marvin. "Pwede ba tayong maghanap ng lugar para mag-usap? Pakiramdam ko may nagmamasid sa atin."

Tiningnan ni Ivan si Marvin. "Nararamdaman mo rin?"

"Akala ko noong una ang Astral Beast 'yon. Pero mukhang hindi naman pala. Hindi pa ito nagigising…"

Nag-usap ang dalawa habang naglalakad palayo sa kalansay ng Astral Beast

Naglabas si Ivan ng scroll at pinunit ito.

Isang makapangyarihang barikada ang pumalibot sa kanila, walang ingay na makakalabas mula dito.

"Magsalita ka nga, anong nangyayari? Bakit ka nagpunta sa Dead Area?"

"Sandali, ang rank mo…"

Tiningnan ni Ivan si Marvin na para ba siyang nakakita ng halimaw!

Noong una silang nagkakilala, isang maliit na lalaki lang si Marvin na mag-aadvance sa Night Walker.

Kahit na mayroong siyang Night Monarch's blessing, hindi niya inakalang makakaabot agad si Marvin sa puntong ito.

Bahagyang nararamdaman ni Ivan ang awra ng Legend sa kanya. Hindi na ito nakakagulat, kahit na nakatuon ang Elven War Saint sa opensa, maraming enchantment at blessing sa kanyang katawan na inilagay ng Great Elven King. Ang isa sa mga blessing ay nagpapalakas sa kanya kesa sa ibang mga Legend, at ganoon din para sa kanyang Perception.

Nakita niyang maingat na pinipigil ni Marvin ang kanyang lakas at hindi pa siya nag-aadvance sa Legend, pero may kakayahan na siyang gawin ito.

"May gusto kang espesyal na Advanced Legendary Class?" Hula ni Ivan pagkatapos ag-isip nang kaunti.

Karamihan ng mga miyembro ng organisasyon ng mga Night Walker ay pinipiling mag-adance sa Legend Night Walker class.

Lalo pa at malakas ang class na ito, dahil maaari silang makatanggap ng isa pang blessing mula sa Night Monarch.

Pero hindi ganito si Marvin.

Ibang class ang pinili niya.

"Anong class?" Mukhang interesado si Ivan.

"Ruler of the Night." Hindi itinago ni Marvin ito.

Natigilan si Ivan at may kakaibang rekasyon sa kanyan mukha. "Gusto mong gayahin ang Night Monarch?"

Nagulat naman si Marvin sa naging reaksyon nito. "Bakit mo naman nasabi?"

Saglit na natahimik si Ivan bago nagtanong, "Hindi mo ba alam na ang Legend class ng dakilang Night Monarch ay [Ruler of the Night]?"

Nagulat si Marvin, dahil hindi niya talaga ito alam

Kahit na mahaba na ang kasaysayan ng organisasyon ng mga Night Walker, kakaunti lang ang mga nakasulat tungkol sa Night Monarch.

Kahit si Sean, O'Brien at ang iba pa ay hindi alam ang Legend Class ng Night Monarch.

Pero mahaba ang buhay ng mga Elf.

Maraming natutunang kaalaman si Ivan magmula noong bata pa siya, kaya hindi na nakakagulat na alam niya ang tungkol sa Legend class ng Night Monarch.

Mayroong naramdaman si Marvin.

Hindi niya inasahang isa ring Ruler of the Night ang Night Monarch.

Kaya naman pala pinangalanan siyang Night Monarch ng mga susunod na henerasyon.

May katuturan naman. Mayroong balita na hinarap dati ng Night Monarch ang isang Ancient God. Sa Eternal Night Era, marahil ang Ruler of the Night lang ang makakapagpamalas ng ganoong lakas.

Mayroon pa ring hibla ng kaluluwa ng Night Monarch na natutulog si Marvin sa kanyang katawan. Pagkatapos ng laban niya sa baliw na Madeline, hindi pa uli ito nagigising.

Naisip ni Marvin na kailangan niyang mapunta sa isang klase ng sitwasyon para mabuhay uli ito.

'Naging Night Walker, kinuha ang mga Dark Knight, mayroong piraso ng kaluluwa ng Night Monarch sa katawan ko, at ang Ruler of the Night path.'

Kakaiba ang naramdaman ni Marvin.

Tila ba mayroong pwersang nagkokonekta sa kanya at sa Night Monarch.

Pero hindi ito ang oras para pagusapan ito. Kinausap ni Marvin si Ivan at sinabi ang lahat ng kanyang nalalaman.

Mayroong tatlong mahahalagang punto:

– Ang lahat ng nalalaman niya sa Secret Garden.

– Ang mas maagang pagdating ng Great Calamity.

– Ang kagustuhan ng Great Elven King na bumalik si Ivan sa Thousand Leaves Forest agad-agad.

Kahit na sinabi lang ni Marvin sa kanya ang mga mahahalagang bahagi, mahabang oras pa rin ang inabot nito.

Nagulat si Ivan nang marinig ang mga bagay na ito.

"Sinasabi mo bang ang mga Magic Medicine ng Secret Garden ay nilamon na ng Eric na 'yon?"

"Aatakihin ng mga god ang Universe Magic Pool? Paano… Paanong nangyari ito?"

"Siya mismo ang nag-banish sa akin, ngayon gusto niya kong pabalikin?"

Nalilito si Ivan, at hindi niya alam ang dapat sabihin.

"Mamaya na ulit natin pag-usapan 'to." Tiningnan ni Marvin ang barikada na kumikisap-kisap, " Kailangan nating makalabas agad mula dito.

"Pero kung mapagbibigyan ng pagkakataon, gagawin natin ang makakaya natin para mahanap si Magic Medicine King Eric o ang Underground River Water."

May naunawaan si Ivan at sinabing, "Naiintindihan ko na ngayon."

Sinimulan niyang sabihin kay Marvin ang napagdaanan niya.

Isang araw na mas maagang nakapasok si Ivan sa Secret Garden kaya naman mas marami na siyang pinagdaanan kesa sa inakala ni Marvin.

Pagkapasok nila sa Garden, nagtulong-tulong ang limang Legend para magpatuloy. Walang kahirap-hirap na naitumba ng limang ito ang mga Magic Beast.

Pero bago sila makaabot sa ika-apat na bahagi, may malaking problema silang kinaharap.

Ang ika-apat na bahagi ang pinakamahalagang bahagi ng Secret Garden, ang [Mills Garden].

Mayroong mga mahahalagang Magic Medicine ang tumutubo sa lugar na iyon.

Pero may dinaanang suliranin ang mga Legend Powerhouse.

Mayroong halimaw na nagbabantay sa daan papasok nito.

Nine-Headed Vines.

Kung papakinggan ay tila ordinary lang ito, pero isa itongLegend Monster. Malakas ang regenerative ability nito at nakakagamit ito ng magic!

Ang Nine-Headed Vines ay nahasa na at umunlad na ang pag-iisip nito. Ito na ang tagapagbantay ng hardin. Makakapasok lang sa hardin kapag napatay siya.

Pero ang problema, maaaring lumaban ng buong lakas ang Nine-Headed Vines, habang nasa 2/3 lang ang maaaring gamiting lakas ng mga Legend.

Hindi sapat ang kanilang lakas para kalabanin ang Nine-Headed Vines.

Ang apat na iba pang Legend ay sinubukang maghanap ng paraan para labanan ang depensa ng Nine Headed Vines.

Pero may napansin si Ivan at umatras.

Ang instinct niya ay nakaramdam ng matinding panganib.

Itinuro niya ang bangkay ng Astral Beast at sinabing, "May kutob ako na mabubuhay 'yan muli."

Kinilabutan si Marvin.

Ang Astral Beast. Isa itong pagnkaraniwang termino para sa mga halimaw sa Astral Plane. Pero maraming mga uri nito.

Pero ano pa man ang uri nito, ang mga nilalang na kayang mamuhay sa Astral Plane ay may kapangyarihang wumasak ng mundo.

Kung mabuhay uli ito, kahit hindi pa nasisira ang Universe Magic Pool. Nasa malaking panganib ang Feinan.

May naalala rin si Marvin dahil sa mga sinabi ni Ivan.

Bangkay ng Astral Beast…Muling pagkabuhay…

Ang mga sinulat ng matandang caster!

Napalunok ito at sinabing, "Hindi…"

Sumimangot ito at inisip, 'Imposible, walang paraan para maging isang Astral Beast sa laro, at walang kahit anong impormasyon tungkol dito.'

Naguguluhan si Marvin.

Alam niyang hindi siya maniniwala nang lubusan sa mga grupong nagbebenta ng impormasyon. May mga malalaking guild na sinasarili ang mga impormasyon. Sa katunayan, bukod sa mga pinakamalakas, walang nakakaalam kung ano ang nakuha ng uanng guild na nakatapos ng instance na ito.

 .

Sikreto ang pinagdaanan nila, dahil walang video ang inilabas si publiko bago nag-transmigrate si Marvin.

Kapag unang beses natatapos ang isang instance, naiimpluwensyahan nito ang kwento ng buong Feinan plane.

Ang mga iba't ibang kaganapang ito ay mahalaga para sa Feinan, at kung magagamit nang tama, pwedeng makakuha ng maraming benepisyo ang mga manlalaro.

Kaya naman, hindi dapat basta-basta pinaniniwalaan ang mga impormasyon na galing sa iba!

Nagsalita si Ivan, "KAkaiba talaga, malinaw na ilang taon nang patay ang Astral Beast na ito, kaya bakit may awra pa rin ito?"

Kuminang ang mga mat ani Marvin. Sa katunayan mayroong siyang naisip na teorya.

Pero wala siyang ebidensya sa ngayon at maaari lang siyang manghula.

"Pabayaan mo muna," sabi ni Marvin. "May alam akong maliit na daan para malampasan natin ang Nine-Headed Vines at makapasok sa Mills Garden."

"Pero ang daan na iyon ay mapanganib… Baka may makasalubong tayong mga nilalang ng Hell."

Desidido naman sumagot si Ivan, "Tara! Wala namang problema kung lumitaw ang mga ordinaryong nilalang ng Hell."

Sumang-ayon naman si Marvin at agad na umalis ang dalawa.

Habang ang bangkay naman ng Astral Beast ay naroon pa rin. Pero, paminsan-minsan, may maliliit na apoy na kumikisap. 

Related Books

Popular novel hashtag