Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 382 - 7th Tower

Chapter 382 - 7th Tower

Sa Desolate Tower Ruins, iba't ibang uri ng Berserk Magic Beasts ang karaniwang makikita.

Kung mahihina lang ang pwersa nito, hindi ito pipiliin ni Marvin para maging lugar ng pagkukunan niya ng exp.

Pero ang kasalukuyan nyang lakas ay nabawasan, dahil sa plane law ng Secret Garden. Kung hindi dahil sa limitasyong dulot ng mga Array na iniwan ng mga Mikenshi, marahil naiwasan din ni Marvin ang pagpapasabog ng Blackfire Lava gamit ang kanyang Shadow Escape.

Dahil sa Major Tenacity at Endurance, walang pakialam si Marvin sa pinsalang natamo niya, pero mas malakas ang limitasyon sa kanyang mga kakayahan sa lugar na ito.

Sa Lost Villa, may ilang skill siya na maaari pa ring magamit.

Tulad na lang ng Shadow Escape.

Pero pagpasok niya sa Desolate Tower Ruins, naramdaman niyang mas lumakas ang sealing power.

Lahat ng skill niya ay hindi na niya maaaring magamit. Katulad na lang noong nasa Ice Mosnter Cave siya.

Nang makita ni Marvin na papalapit na ang Beast, itinaas ni Marvin ang kanyang mga dagdder, at seryosong sinisiyasat ang kalaban.

Mabuti na lang, mayroong pa rin siyang Desperation Style!

Maliliit lang ang katawan ng mga Magic Beast. Dati itong isang maliit na hayop pero dahil sa radiation ng Arcane Energy, dumaan ito sa nakkatakot na pagbabago. Madalas itong mangyari sa mga Vestige ng mga Ancient Caster.

Ang mga maliliit na bayan sa sulok-sulok ng Feinan ay mga kakaibang insidente ng pagpatay, tulad ng [Magic Swordsman Killer], ang [Blacksmith House Bloodbath], at iba pa. Ito ay mga Beginner Mission na unang ginagawa ng mga baguhan. Kadalasan, dahil pala ito sa isang item na naapektuhan ng Arcane Energy, kaya naman lumalabas ang pagnanasang pumatay ng may-ari nito at nagiging halimaw.

Makapangyarihan ang magic pero mayroon itong mabigat na kapalit. Chaos ang kinakatawan ng Magic Power. Base sa teorya ng isang Scholar ng Pearl Tower, sa tuwing gumagamit ng spell ang isang Wizard, mas laling nagiging magulo ang mundo.

Kapag umabot na ang kaguluhan sa limitasyon ng mundo, mangyayari na ang katapusan nito.

At ang Universe Magic Pool ang pumipigil sa pangyayaring ito. Bukod sa mas napadali ang paggamit ng mga Wizard ng kanilang spell, mas naging ligtas din ito.

Hindi alam ni Marvin kung tama man o hindi ang teoryang ito.

Pero walang dahilan para pagdudahan ang [Magic is Chaos] na teorya.

Pagkatapos ng Great Calamity, marami siyang nakasalamuhang Humanoid Monster at Magic Beast. Lahat sila ay naapektuhan ng Chaos Magic Power dahil sa mahihina ang mga will nito.

Para naman sa Magic Beast na ito sa kanyang harapan, ang mga ninuno nito ay nahuli na ng mga Wizard at ginamit sa mga eksperimento sa magic.

Sa kasamaang palad, pagkatapos bumagsak ng Secret Garden, bumagsak rin ang Black Tower Valley, at kalaunan ito ang naging Desolate Tower Ruins sa laro.

Sunod-sunod na namatay ang mga Wizard, habang ang mga nilalang na ito ay nanatiling buhay dahil sa matinding katatagan at sigla nito.

Kabisadong-kabisado na ng mga ito ang teritoryong ito kaya naman nagawa nilang manatiling buhay.

Pero hindi ito minaliit ni Marvin.

Mula sa malayo, mukha itong maliit na baboy-ramo, pero ang burst power nito ay mabangis at mas malakas pa kesa sa tigre!

Inatake naman nito si Marvin nang harapan!

"Napakabilis!"

Tumabi naman si Marvin, sinusubukang umiwas, pero maliksing lumiko ang Beast sa ere, at inatake si Marvin gamit ang kanyang mga tusk!

Kung tatamaan nito si Marvin, malubhang pinsala ang matatamo niya.

Napigil ang kanyang paghinga, ang kanyang Super Reflexes ang tumulong sa kanyang para gumalaw ayon sa kanyang instinct.

Isang Azure Leaf ang tumaas.

"Klang!"

Nagsalubong ang magkabilang. Nangininig ang braso ni Marvin. Muntik nang mapatalsik ng Beast ang dagger sa mga kamay ni Marvin.

Umatras siya, inikot ang kanyang dagger para masalag ang atake ng Beast.

Muling harapang nagtapat ang dalawa.

'Napakabilis..'

Bahagyang napabilib si Marvin.

Mahirap ang naging palitan nila kahit na dalawang pag-atake pa lang iyon, pero nagawa naman ni Marvin na ma-kontrol ang sitwasyon gamit ang kanyang Godly Dexterity.

Pero ang bilis, reaksyon, at liksi ng Magic Beast ay hindi mas mahina kesa kay Marvin.

Tila bahagyang mas malakas din ito kay Marvin!

'Kaya pala buhay pa 'to hanggang ngayon. Sa mga 4th rank na halimaw, masasabing isa 'to sa mga pinakamalakas.'

Inalog ni Marvin ang kanyang mga kamay, mas naging seryoso ang kanyang reaksyon.

Muling umatungal ang Magic Beast at inatake si Marvin!

Ngumisi si Marvin. Ang unang palitan nila ay para lang sukatin niya ang lakas nito, hindi pa niya pinapakita ang tunay niyang kakayahan!

Ang dalawang [Azure Leaf] ay nagpatuloy sa paghiwa at pag-atake, pinupunterya nito ang mahahalagang bahagi ng katawan ng Magic Beast mula sa iba't ibang anggulo.

Desperation Style!

Mabilis rin ang reaksyon ng halimaw habang sinusubukang iwasan ang mga nakamamatay na atake ni Marvin.

Pero dahil sa husay ng Blade Technique Style na ito, siguradong makakapagtama ito ng nakamamatay na pag-atake.

Kahit na maliksy ang Magic Beast na ito, hindi nito kakayaning sabayan ang sunod-sunod na pag-atake ni Marvin.

Tuloy-tuloy ang pagwasiwas ng kanyang dagger na para bang gumgawa ito ng lambat ng mga atake, at dahan-dahan niyang kinukulong ang Magic Beast sa loob nito.

Pagkatapos nito ay tila bumagal ang Beast, sinusubukang mabuhay sa kabila ng mga tumamang pag-atake sa kanyang katawa, dahan-dahang nauubos ang kanyang buhay.

Bilang desperado na ito, sinubukan nitong magwala.

Pero nanatiling mahinahon si Marvin, ipinagpatuloy niya ang pag-atake at inipit ang Beast sa kinalalagyan nito!

Dito niya lubos na nakita ang kahalagahan at kagandahan ng Desperation Style.

Sa kanyang mga nakaraang laban, sa loob lang ng maikling oras, nakikita na ang resulta.

Gagamit siya ng mga pinagsama-samang taktika sa pagpatay at mamamatay na lang ang kalaban.

Pero kapag umabot siya sa Legend Realm, hindi na magiging ganoon kadali ang mga bagay. Ang bawat Legend ay mayroong skill na makakapagligtas ng kanilang buhay. Para mapatay sila sa isang atake, bukod sa palihim na pag-atake, kailangan ay mas mataas ang iyong level. Isang halimbawa na dito ang pagtatangka ng Shadow Prince na patayin ang ilang mga Legend. Hindi lang makapangyarihan ang kanyang mga lihim na pag-atake, isa rin siyang God, na mas mataas kesa sa mga Legend.

Sa hinaharap, siguradong mas dadami pa ang mahahabang melee battle ni Marvin.

Napupunan ng Desperation Style ang kakulangan ni Marvin.

Nilalaro na lang niya ang mabangis na Magic Beast gamit ang kanyang Blade Technique Style.

Galit itong umatungal pero wala itong nagawa.

Mula simula hanggang pagtapos, hindi tinapos ni Marvin ang laban sa isang atake, sa halip, nagpatuloy lang siya na pahinain ang kanyang kalaban.

Kalaunan, paglipas ng ilang minuto, ang Berserk Magic Beast ay nakatanggap ng matinding pinsala dahil kay Marvin!

"Woosh!"

Kumislap ang isang liwanag kasabay ng isang malakas na pag-atake!

Hinati sa dalawa ni Marvin ang Berserk Magic Beast!

'Hu…. Halos apat na minute. Kahit na mas matagal kumpara sa dati, mas ligtas at maganda naman ang pagkapanalo ko.

Kuntento si Marvin sa kinalabasan ng laban na ito. Nakakagulat naman na maganda rin ang exp na nakuha niya mula sa Magic Beast na 4000 exp.

Marahil dahil matagal itong nakahigop ng Arcane Energy.

Sayang lang at ang materyales ng halimaw na ito ay walang silbi, kaya walang makukuha si Marvin sa pagpatay dito.

Hindi itinago ni Marvin ang kanyang mga curved dagger, at tumingin ito sa gilid.

"Kanina ka pa nanunuod, lumabas ka na diyan." Sabi ni Marvin.

Katahimikan…

Suminghal si Marvin at pahigang itinaas ang kanyang mga dagger at aatake na sana.

Nang biglang humangin sa kanyang harapan at dalawang lalaking may kakaibang kasuotan ang lumitaw sa harapan niya mula sa kawalan.

May hawak ang mga ito na kakaibang basahan na balot ng grasa at tila ba hindi io komportable.

"Sino kayo?" bahagyang sumimangot si Marvin.

Tumawa lang ang dalawa at ang usa ay sumagot gamit ang Common Language, "Wala kaming masamang intensyon…"

"Walang masamang intention…" Tinitigan ni Marvin ang dalawa at naamoy. "Among ng transformation potion… pamilyar na pakiramdam….Hindi kayo tao!"

"Ano talaga kayo?!" Sigaw ni Marvin.

Mabagsik ang kanyang reaksyon na para bang aatakihin niya ang dalawa kapag hindi siya matuwa sa isasagot ng mga ito.

Sa katunayan, gustong malaman ni Marvin ang mga ito.

Ang lakas ng dalawang ito ay mas mababa sa 2nd rank. Kahit na itinatago nila ng bahagya ang kanilang lakas, siguradong hindi lalagpas sa 3rd rank ang kabuoang lakas nila.

Paano sila nakapasok?

At anong mayroon sa kakaibang basahan na iyon? Kung hindi lang pamilyar ang nadama niya, hindi na niya papakialaman ang dalawnag ito.

May sinusubukang takpan ang dalawa. At biglang ang isa sa kanila ay naglabas ng kakaibang item, at kasabay ng pagkislap ng liwanag, nawala silang dalawa!

Nagulat si Marvin.

Hindi ito ang unang beses niyang makakita ng Alchemy Item.

Isa itong Short Range Displacement Tool, isang item na ginawa ng mga Ancient Gnome…

Teka, Ancient Gnome!

Biglang may napagtanto si Marvin. Kaya pamilyar ang dalawang iyon dahil mayroon silang awra ng mga Ancient Gnome.

Kahit na hindi pang expert ang Perception ni Marvin, sa tulong ng kanyang sistema, pagkatapos ng pagpunta niya sa Saruha, sensitibo na siya sa mga artifact ng mga Ancient Gnome.

Sino ng aba talaga ang dalawang nasa harap niya kanina? At bakit sila may kagamitan ng mga Ancient Gnome?

Hindi maunawaan ni Marvin ang nangyari. Pero ang dalawang iyon ay mahina at hindi naman siya pinupunterya ng mga ito. Mas kaunti ang komplikasyon, mas mabuti.

Mabilis niya itong siniyasat at nakumpirma na walang ibang nagtatago sa paligid bago siya umalis.

Tinawid niya ang Desolate Tower Ruins, at pagkatapos pumatay ng isa pang mabagsik na Magic Beast, sa wakas ay nakarating na siya sa destinasyon niya.

Isang itim na tore na hindi pa bumabagsak.

Mayroong higit sa sampung tore kagaya nito, may ilang malaki, at ilang maliit. Nakasalansan ang mga ito mula sa pagpasok hanggang sa labasan ng lambak.

Hinahanap ni Marvin ang 7th Tower.

Ang tore na ito ay may kayamanan na iniwan ng isang Mikenshi Wizard, at ang iba sa mga ito ay mahalaga.

Isang piraso ng Earth Crystal!

Mayroon nang hawak na dalawang Earth Crytsal si Marvin, at kung may tatlo siya, makakabuo na siya ng isang tunay na Earth Crystal!

At ang Earth Crystal ay gagamitin para maging pundasyon ng isang [Ancient Refuge]. Kapag mayroon siyang kumpletong Earth Crystal, saka lang niya mapagsasama-sama ang apat na Wayne Pillar at ang Divine Blessing Scroll para mabuksan ang Ancient Refuge; at makapag-summon ng Earth Guardian.

Kaya naman, kailangan makuha ni Marvin ng piraso ng Earth Crystal na ito!

Habang iniisip ito, hindi na nag-atubili si Marvin at direktang pumasok sa black tower!

Puno ng alikabok ang unang palapag.

Kakaiba ang mga Ancient Wizard. Hindi sila gumagamit ng mga Teleportation Door para magpunta sa ibang mga palapag, sa halip, ginagamit nila ang paikot na hagdan.

At ang mga hagdan na ito ay mayroong hindi mabilang na mga patibong para sa mga manghihimasok dito.

Tanging ang mga nakaka-alam lang ng lihim na incantation ang makakadaan nang walang sagabal dito.

Pero si Marvin, kailangan niyang lumaban paakyat.