Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 380 - Ambushed

Chapter 380 - Ambushed

Hindi nila inaasahan na ganito ang magiging reaksyon ni Owl.

Walang limitasyon ang taong ito, makikita ito noong pinagnakawan niya ag Shadow Prince, pero ito ang unang beses na napamura siya sa harap ng lahat.

"Anong nangyari kay Marvin?" Hindi mapakaling tanong ni Constantine.

Mas kabado naman sina Wayne at Daniela. Alalang-alala si Wayne habang hindi naman alam ni Daniela ang kanyang mararamdaman. Hindi naman ganoon kalalim ang nararamdaman niya para kay Marvin, pero naipangako niya ang Ancestor's Mystery sa kanyang clan. At kung mamatay si Marvin, mawawala na habang buhay sa Dead Area ito at hindi na siya makakabalik sa Norte.

Napa-iling lang si Shadow Thief Owl at iniabot ang sulat.

Isa-isa nila itong binasa, nagbago ang mga mukha nila.

...

Paglipas ng ilang minuto, nakita na ng lahat ang laman ng sulat at naging malungkot ang kapaligiran.

"Mapagkakatiwalaan ba ang pinanggalinang ng impormasyon?" Binasag ni Inheim ang katahimikan nagsalita ito.

Saglit na pinag-isipan ito ni Owl. "Kahit na iresponsable ang batang si Marvin at mahilig maglakwatsa, hindi siya magsisinungaling tungkol ditto."

"Sabi niya na galing sa Hell ang impormasyon, siguradong 100% totoo 'to."

"Hell?" Makikita ang pagdududa at paghihinala sa mga mat ani Inheim. "Hindi madaling pakitunguhan ang mga Devil na iyon. Magaling sila sa paglalaro ng isipan at puso ng tao."

Malinaw na nag-aalala siyang nalinlang si Marvin.

"Imposible."

Biglang nagsalita si Wayne. "Totoo ang sinabi ng kuya ko."

Gulat silang tumingin lahat kay Wayne, at mahinahon nitong sinabi, "Bago umalis si Lady Hathaway, nag-iwan siya ng isang training manual para sa akin."

"Sa loob nito, mayroong propesiya na isang araw ay mababaliw ang mga God at babasagin nila ang Universe Magic Pool"

"Sinabi niya na hindi mapipigilan ang sakuna na 'to."

"Ngayon naiintindihan ko na kung bakit alalang-alala si kuya…"

Puno ng pagsisisi ang kanyang tono. Kung mas maaga niya lang nalaman ang tungkol dito, mas nagsipag pa sana siya at hindi hinayaang buhatin ni Marvin mag-isa sa kanyang balikat ang responsibilidad ng White River Valley.

Masyado nang maraming naka-atang sa kanyang balikat.

"Propesiya ng isang Seer…"

Sa pagkakataong ito, wala nang magagawa si Inheim kundi paniwalaan ito. Hindi siya naghihinala kay Marvin, pero dahil hindi pa ito ganoon kalakas, maaaring nalinlang ito ng ibang tao.

Pero iba si Hathaway.

Isang Legend Wizard Seer. Ang mga bagay na nakikita niya ay siguradong totoo.

Dismayado silang nagkatinginan. Kahit na naramdaman na nilang may mangyayari, at may kinalaman ito sa mga God na nasa itaas…

Hindi nila inakalang ganito katindi ang nais nilang gawin!

Ang direktang pag-atake sa Universe Magic Pool!

Hindi ba sila natatakot na magagalit ang Wizard God sa kanilang gagawin?" Naguguluhan si Daniela.

"Hindi natin alam, baka iniisip nila na malilinlang nila ang Wizard God," sabi ng Heavenly Deer Lorant. "Nakasalamuha ko na ang ilan sa mga New God na ito, prang hindi sila mga God. Lahat sila ay puno ng kasakiman at kabaliwan ng mga race sa Feinan."

"Sa tingin ko hindi malabong atakihin nga nila ang Universe Magic Pool."

Natahimik ang lahat pagkatapos ng mga sinabi ni Lorant.

Noong una, umasa pa sila na hindi totoo ang impormasyon na ito.

Dahil kung tunay ito, isang malaking delubyo ang magaganap.

Sa kanilang isip, ang pagkawasak ng Universe Magic Pool ay babaguhin ang mundo, pero hindi nila maisip kung ano ang kalalabasan nito.

Paglipas ng oras tila hindi sila makahinga.

"Paano ang tungkol kay Hathaway?" Malumanay na tanong ni Endless Ocean.

Umiling si Owl. "Sabi ni Marvin mag-ingat sa Dark Phoenix

Nagdalawang-isip siya bago kinuyom ang kanyang ngipin at tinginan silang lahat. "May dalawang impormasyon siyang sinabi sa akin. Ang isa ay tungkol sa Dark Phoneix… hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa lahat…"

"Sabihin mo na," mahinahong panghihikayat ni Inheim.

Saglit na natahimik si Owl at tiningnan silang lahat. Magkakampi naman siguro silang lahat dito.

At sinabi na nga niya, "Sabi ng batang iyon, pagkatapos ng imbestigasyon niya kay Dark Phoenix, napag-alaman niya…"

"Na may kinalaman siya sa kanila," sinabi niya ito habang nakaturo ang daliri sa kalangitan.

Natahimik ang lahat.

Hindi masayang tumutol so Leymann. "Paano nasabi ni Marvin 'to, si Lady Dark Phoenix ay isa sa mga nagtatag ng South Wizard Alliance! Walang nakaka-alam kung gaano na siya katagal nabubuhay. At kahit na Medyo kakaiba siya pero…"

Nang umabot siya sa puntong ito, bigla siyang may napagtanto at nagdalawang-isip.

"…ang apat pang iba na nagtatag ng South Wizard Alliance ay namatay na sa katandaan. Wala naman siyang awra ng isang taong nakalagpas na sa Extreme Bottleneck, at mukhang hindi pa niya nagagamay ang Longevity skill."

Tinapos ni Constantine ang sinasabi nito, " Pero buhay pa rin siya. At sinamantala niya ang pagkakataon na ito para kunin si Hathaway."

Ayaw paniwalaan ito ni Leymann. "Pero inalagaan niya kaming mabuti."

"Ang paghuli at pag-selyo ng isang Legend Wizard Seer na may malaking potensyal sa Black Coral Island ay hindi pag-aalaga nang mabuti." Si O'Brien na bibihirang magsalita ay nagsalita. "Noong napadaan ako sa Bass Harbor, gusto ko sanang silipin ito pero itinulak ako palayo ng isang napakalakas na pwersa. AT mukhang si Dark Phoenix 'yon."

Nanlumo silang lahat.

Bilang pinuno ng mga Night Walker, may bigat ang mga salitang binibitawan ni O'Brien.

Isa pa, nakakatakot ang lakas nito. Pinugot niya ang ulo ng Molten Overlord. Pinasabog niya ang pito sa mga ulo ng Azure Matriarch. Matindi ang kapangyarihan nito at umabot na sa sukdulan sa mundong ito.

Para magawa siyang paatrasin, wala nang ibang makakagawa nito sa paligid ng Bass Harbor.

"Sabihin na nating totoo ito… Anong dapat nating gawin?" Hirap na itinanong ni Leymann.

Madali namang kausap na Wizard ito at maganda ang tingin nito kay Marvin. Alam niyang kahit na madaming gulong pinapasok ang batang ito, hindi ito magsisinungaling.

Mayroong dahilan kung bakit maraming Legend ang nagtitipon sa White River Valley.

May karismang taglay si Marvin para magtipon-tipon dito ang mga powerhouse kahit na wala siya.

"Mayroong pang isang impormasyon."

Sumimangot si Shadow Thief Owl. "Binigyan tayo ni Marvin ng mga gagawin."

"Baka kailanganin nating umalis pansamantala sa White River Valley hanggang sa matapos natin ang mga ito."

"At si Hathaway naman… Gusto niyang siya mismo ang magligtas sa kanya."

Tama, gustong iligtas ni Marvin si Hathaway.

Walang nakaka-alam sa kakayahan ng Dark Phoenix bukod sa kanya. Kahit isang Legend powerhouse ay madaling matatalo nito.

Ayaw niyang mangyari muli ang nangyari sa Decaying Plateau.

Matinding pinsala ang tinamo ng Great Elven King. Sa pagkakataon na ito, walang dapat umako ng gagawin.

Sa katunayan, dahil pasensyosong naghintay ang Dark Phoenix sa loob ng napakaraming taon nang hindi gumagawa ng relihiyon para makakkuha ng Faith, sinakripisyo niya ang malaking bahagi ng kanyang potensyal sa pagpapalakas.

Gumamit siya ng isang mortal na anyo para manatili sa mundo ng mga mortal kaya naman may kahinaan ito ng isang mortal.

Sa mga mat ani Marvin, kung gusto niyang makakuha ng Divine Vessel, ang Dark Phoenix ang pinakamagandang punteryahin.

At bilang alas, handa siyang ilabas ang kapangyarihan ng Scarlet Monastery!

Maging ang Heavenly Sword Saint man ito na nangangalaga sa kanyang kapatid, o ang natutulog na Lich mismo, magiging interesado ang mga ito sa Divine Vessel at Divine Source ng Dark Phoenix.

Sa ngayon, kailangan niya munang malampasan ang Secret Garden at mahanap agad si Ivan bago bumalik ng White River Valley!

Kailangan niyang mabawi si Hathaway bago ang Great Calamity. Kahit na isa itong Legend, walang nakaka-alam kung anong gagawin sa kanya ng Dark Phoenix.

Nagpipigil pa ito hangga't wala pa ang Great Calamity, pero sa oras na maging permanente na ang epekto ng delubyong ito, wala nang makakapigil kay Dark Phoenix.

Pero kung makakapagtago siya, gagawin niya pa rin ito.

Lalo pa at matagal na siyang nagatatago, handa siyang magtiis pa para lang magtagumpay ang kanyang pinaplano.

Ito ang dahilan kung bakit nakakatakot ang babaeng ito.

Alam ni Marvin na kailangan niyang makahanap ng tamang pagkakataon para ibunyag kung sino ito.

'Ivan!'

Pumikit si Marvin at inilabas ang isang item mula sa kanyang bulsa, isang bagay na ginamit ni Ivan dati at mayroong awra nito. Nakuha niya ito mula sa Thousand Leaves Forest.

Sa sumunod na sandali, ginamit na niya ang [Night Tracking].

Isang pulang linya ang lumitaw sa kanyang harapan at umaabot ito sa malayo.

Sa tantya ni Marvin, nakalagpas na si Ivan sa Lost Villa at Desolate Tower Ruins, at papalapit na ito sa ika-apat na bahagi ng Secret Garden, ang [Mills Garden].

Ang Mills Garden ang pinakanakakatakot an bahagi ng Secret Garden.

Doon pinakamaraming nakatanim na mga Magic Medicine, pero karamihan sa mga ito ay nilamon n ani Eric, at ang naiwan na lang ay mga patibong, mga peke, at ang pinaplano ng Magic Medicine King.

"Hindi maganda 'to, kailangan ko siyang mahanap agad!"

Pagkatapos malaman ang plano ng mga God, nabalisa nang sobra si Marvin.

Tuwing gabi, lumalakas siya nang sobra. Kailangan niyan tapusin ang lahat ng ito ngayong gabi.

Habang iniisip ito, lalo pa siyang nagmadali sa pagtawid sa Lost Villa!

Wala rin naman mahahalagang bagay ditto.

Pero habang nagmamadali siya sa pagtawid sa Lost Villa, inatake siya ng isang [Earth Swamp] spell!

Simple lang ang epekto nito. Ang lupa ay magiging kumunoy at lulubog ang mga tao dito.

Sa kasamaang palad para sa caster, mahusay si Marvin at ginamit niya ang kanayng Godly Dexterity para talunan ang kumunoy na ito na bigla na lang lumitaw.

Bago pa man niya makumpronta ang umatake sa kanya kung bakit siya inatake nito, isang Ice Bolt, Lightning Ball, at Acid Spray ang magkakasunod na nai-cast.

Napakabilis ng casting speed ng kanyang kaaban. Tumayo lang siya at umulan ng mga spell na parang isang machine gun, puno ito ng makapangyarihang arcane energy!

Gumamits ito ng malalakas na low level spell, nag-cast ng mabilis at epektibo.

Isang Hlg-Legend ng Blackfire Lava!

Napansin ni Marvin ang kulay berdeng hamog sa kanyang likuran.

'Basura talaga ang willpower ng mga Wizard na 'to!'

Iniwasan niya ito at hinamak ang kahinaan nito. 'Namanipula kaagad siya ng Magic Medicine King.'

Hindi siya nagpakita ng awa, ginamit niya ang kanyang liksi sa pagkilos para maiwasan ang sunod-sunod na mga spell.

"Woosh!"

Paglagpas ng mga spell, agad na tumakbo papalapit si Marvin sa Wizard.

Nagulat naman ito pero mabilis din bumalik ang bangis sa mukha nito.

Nakita ni Marvin kung ano ang nangyayari at mabilis na sinubukang gumamit ng Shadow Escape para maiwasan ito!

Pero huli na ang lahat para makatakas sa pagkakataong ito, at nakarinig ng isang pagsabog kasabay ng pagpapasabog ng Wizard sa kanyang sarili!

Malaking halaga ng Arcane Energy at tumama sa katawan ni Marvin!

"Pucha… Baliw…" Pagmumura ni Marvin.

Pero sa hindi inaasahan, nakita niya ang Blackfire Lava Wizard na lumitaw mula sa isang eskinita na walang galos, tinitigan ito ni Marvin.