Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 381 - Desolate Tower Ruins

Chapter 381 - Desolate Tower Ruins

Ano iyon? Mirror Image Magic?

Bahayang naguluhan si Marvin. Ngayon lang siya nakakita ng Mirror Image na sumasabog!

'Makapangyarihan ang taong 'to. Mukhang kahit sa mundong 'to, malakas pa rin ang explosion-type magic niya.'

Bahagyang nasugatan si Marvin, kahit na protektado siya ng Magic's Foe!

Dahil doon at sa malakas na resistance ni Marvin, hindi dapat siya maaapektuhan ng mga ordinaryong pagsagbog ng magic.

Habang tinitingnan ang ngiti ng Blackfire Lava Wizard, nalaman na ni Marvin ano ito.

'Ang lalaking iyon… Hindi siya minamanipula ng Magic Medicine King!'

Kasabay ng pagtatanto ni Marvin na ito, ang ornamento sa kanyang kanang braso ay naglabas ng pulang liwanag!

Ang Spirit Armband ay nagkaroon ng kakaibang reaksyon.

Hindi mapigilang pagpawisan nang malamig ni Marvin.

Hindi ba niya namalayan na pumasok siya sa ilusyon ng Magic Medicine King?

'Kelan pa nagsimula?'

'Sandali… Hindi kaya nagsimula na 'to pagpasok ko pa lang ng Secret Garden? Natambangan na ba ako agad?'

Bahagyang natuliro si Marvin.

Bigla naman nawala ang Blackfire Lava Wizard na nasa malayo. Muling naging tila payapa ang kapaligiran.

Pero naramdaman ni Marvin na simula na ito ng laban.

'Hindi kaya, hindi rin totoo na mas maagang magaganap ang Great Calamity?'

'At hindi lumitaw ang lolo ko para ibigay sa akin ang impormasyon na 'to? Panlilinglang lang ba 'to ng Magic Medicine King?'

Hindi gumamit ng Stealth si Marvin.

Kapag nasa loob ng lugar na 'to, makikita pa rin ng Magic Medicine King Eric ang mga kilos niya kahit na gumamit siya ng Stealth.

Nanatili siyang alisto sa kanyang kapaligiran habang pinag-iisipan ang nangyari,

Kakapasok niya lang sa Secret Garden nang bigyan siya ng impormasyon ng kanyang lolo. Nagkataon lang ba ito?

Hindi kaya isang pagkakamali lang ito?

Hindi makapaniwala si Marvin.

Nag-isip siya sandali at binuksan ang kanyang status window.

Walang impormasyon tungkol sa pagpasok niya sa isang ilusyon.

Mukhang hindi laging umeepekto ang sistemang ito sa ganitong pagkakataon.

Nagamit na niya ang berdeng Thousand Paper Crane na inihanda para sa kanya ni Owl. Nararamdaman niya rin na natanggap na niya ito.

Kahit na malakas ang Magic Medicine King, hindi naman nito magagaya ang secret ability ni Shadow Thief Owl, hindi ba?

Hindi na ito kailangan pagdudahan.

At totoo rin naman siguro ang naging reaksyon ng Ancestor's Mystery. Kahit na sinasalamin ng mga ilusyon ang nasa isipan ng isang tao, hindi naman iniisip ni Marvin ang kanyang lolo kaya bakit naman ito lilitaw?

'Teka…'

'Kung ilusyon lang ang lahat, hindi ko dapat nakikita ang interface.'

'Pero pwede pa rin ang mag-isip at magkaroon ng reaksyon. Talagang nasugatan ako sa pagpapasabog ng caster…. Kahit na ang pinakamalakas na ilusyon ay gawing katotohanan ang hindi, hindi naman siguro ito isang ilusyon.

Malinaw na ang pag-iisip ni Marvin.

Marahil nagalaw niya ang isang patibong ng Magic Medicine King noong tumatakbo siya nang mabilis.

Ang Blackfire Lava Wizard na iyon siguro ay kakapasok lang sa Secret Garden at nalamon na agad at ginawang isang ilusyon.

Pagkatapos malaman ito ni Marvin, nawala agad ito.

Sa madaling salita, nasa tunay na mundo pa rin siya at wala sa isang ilusyon, pero nahulog siya sa isa sa mga patibong ni Eric.

Malumanay niyang hinawakan ang Spirit Armband at ang Vanessa's Gift. Huminahon na muli ang dalawang item na nagpapataas ng willpower.

'Mukhang hindi pala totoo.'

Pilit na ngumiti si Marvin. Kung tutuusin, kahit gaano pa kalakas si Magic Medicine King Eric, kailangan nitong ituon ang lahat ng lakas niya sa mga Legend, kaya paano mapupunta ang atensyon nito kay Marvin?

Malaking enerhiya ang kakainin ng malalaking ilusyon at kung direkta ito sa tao, mas malaki ang tyansang malaman ito ng mga Legend.

Kapag nangyari iyon, si Eric ang siguradong mamamatay.

Kaya naman, ligtas pa sa ngayon si Marvin, at dahil doon, hindi na siya nag-alinlangan at nagpatuloy na sa kanyang pagtawid sa Lost Villa.

Inabot siya ng sampung minuto bago niya naabot ang kalsadang papunta sa baba ng bundo, at paalis ng Lost Villa.

Noong umalis siya, nakakita siya ng mas maraming mga Half-Legend na dumating sa Lost Villa.

Baka magtagal sila sa lugar na iyon. Lalo pa at kaunti lang ang alam ng mga ito tungkol sa Secret Garden, kaya iisipin ng mga ito na may mga kayamanan sa loob ng mga bahay.

Pero wala nang laman ang lugar na ito.

Nagmadali na si Marvin at nakarating na siya sa ikalawang bahagi ng Secret Garden.

Ang Desolate Tower Ruins.

Ang ipinagbabawal na bahaging ito ay hindi maaaring iwasan.

Puno ito ng iba't ibang bersek arcane energy, habang gumagawa ng mga nakakatakot na Magic Beast.

Nagtatago sila sa dilim at kinakain ang isa't isa, mababangis rin ang mga ito.

Kung hindi dahil sa pag-iwan ng Mikenshi School ng ilang Shackles of Order, baka lumabas na ang mga halimaw na ito at kahit ang Magic Medicine King ay walang magagawa laban dito.

Ito lang ang tanging bahagi ng Secret Garden na hindi kayang kontrolin ng Magic Medicine King.

Hindi abot ng kanyang mga mata ang lugar na ito at hindi rin umeepekto ang mga ilusyon.

Tumigil si Marvin sa harap ng isang bumagsak na bato at tiningnan ang Desolate Tower Ruins.

Ang lugar na ito ay grupo ng mga gusali na itinayo sa isang lambak.

Dahil magandang lokasyon ito para sa depensa, walang paraan para maikutan ito. Mas mapanganib ang pag-akyat sa matataas na bahagi nito sa magkabilang gilid.

Ang Secret Garden ay isang Demi-Plane na itinatag ng mga Mikenshi Wizard na malapit sa Hell at Astral Sea.

Kahit na mababa ang posibilidad na makasalubong ng Devil o Astral Beast sa daan na ito, alam ng kahit na sinong may sapat na kaalaman tungkol sa mga plane na hindi matatag ang mga hangganan ng Demi-Plane

At dahil magkakadikit ang mga plane, kung tuloy-tuloy kayng maglalakad, pagtingila mo ay baka magulat ka na lang na nahila ka na pala papuntang Hell ng isang hindi maipaliwanag na kapangyarihan, o pira-pirasuhin ng isang Devil na napadpad sa hangganan ng plane. Ang pinakamalas na maaaring mangyari sayo sa hangganan ng plane ay mahulog mula ditto at mapunta sa void sa pamamagitan ng spatial interference.

Sa madaling salita, ang Desolate Tower Ruins ay mapanganib, pero hindi ito makukumpara sa hangganan nito.

Pumasok na si Marvin sa ruins.

Isang mataas na itim na tore na matatag na dating nakatayo sa lugar na ito, at tila inabot ang mga ulap, ang bumagsak at naging pader na lang.

Kung ang [Lost Villa] ang lugar kung saan tumatanggap ng mga bisita ang mga Mikenshi Wizard, ang lambak na ito ay ang lugar kung saan sila nagsasaliksik ng magic.

Dalubhasa at kilala sa paglilinang ng mga Magic Medicine ang mga Mikenshi Wizard.

Pero sa katunayan, ang mga pag-aaral nila tungkol sa magic array ay mas nakakamangha.

Dahil kung hindi, hindi sila makakagawa ng isang kakaibang lugar na makakapigil kahit sa mga Legend.

Pumasok si Marvin at dama niya ang panglaw sa kapaligiran.

Maraming bagay na ang naluma na dahil sa paglipas ng panahon pero, sa hindi malaman na dahilan, naroon pa rin ang misteryosong pwersa nito, kaya naman nakatayo pa rin ito at hindi gumuguho.

Pero sa oras na hawakan ito, maaabo ang mga ito.

Ang Desolate Tower Ruins ay isang lugar kung saan kalat ang panganib sa kapaligiran.

Sa isang banda, magandang lugar ito.

Dahil hindi maiimpluwensyahan ng Magic Medicine King ang lugar na ito, at marami pang mga kayamanang naiwan dito ang mga Mikenshi Wizard.

May isang bagay pa nga na alam mismo ni Marvin.

Nang biglang umatungal ang isang anino sa malayo.

Ang mga pangil nito ay may kulay rosas na liwanag na kumikisap-kisap sa gitna ng gabi.

Huminga nang malalim si Marvin, at hawak na agad niya ang kanyang mga [Azure Leaf].