Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 379 - Impending

Chapter 379 - Impending

Sa ika-16 ng Enero!

Mas maaga nang isang buwan ito kumpara sa ika-16 ng Pebrero na naalala ni Marvin!

Hindi na makapaghintay ang mga God, pero ang presensya ng Wizard God ay laging umaaligid lang sa kanila. Naglakas loob lang silang gawin ito dahil nakakuha sila ng ebidensya na hindi na makaka-impluwensya ang Wizard God sa Feinan.

Kahit na maraming ginawa si Marvin magmula nang mag-transimigrate siya sa Feinan, nan aka-apekto sa mundong ito at nagdulot ng maliliit na pagbabago, hindi dapat nito maaapektuhan ang Astral Sea!

'Hindi kaya dahil sa ginawa ko kay Glynos?' Nanlumo si Marvin.

Ngayong mas maaga nang darating ang Great Calamity, ibig sabihin, nasira na ang lahat ng plano niya.

Ngayon ay ika-2 ng Enero, 14 na araw na lang bago magsimula ang Great Calamity!

Syempre, kahit magtulungan ang mga God na atakihin ang Universe Magic Pool, hindi nila ito magagawa sa loob lang ng isang atake. Kakailanganin nila ng hindi bababa sa kalahating buwan!

Sa laro, ang gurpong binuo ng mga New God ay maraming malalakas na nilalang na kasama, pero hindi nila nagawang wasakin ito hanggang sa Marso ng taon na iyon!

At noong mga panahon na iyon, nawalan na ng epekto ang magic ng mga Wizard at nagkaroon ng kaguluhan sa iba't ibang lugar. Ito ay magulong panahon.

May mga powerhouse na nakaramdam sa paparating na sakuna pero limitado lang ang bilang ng taong kaya nilang protektahan.

Nabalisa ang mga Wizard at tumagas ang Chaos Magic Power mula sa Universe Magci Pool, at inatake nito ang kanilang mga willpower.

Maraming nabaliw at naging taong halimaw.

Napuno ng mga bangkay ang Feinan Continent noon at berserk arcane energy. Hindi lang ang mga probinsya ang nalagay sa panganib, pati na rin mga siyudad.

Lalo na sa Katimugan. Dahul sa pamumuno ng Sout Wizard Alliance, maraming siyudad ang puno ng mga Wizard.

Pagkatapos ng Calamity, ang mga lugar na may mga Wizard ay tila may mga nakatanim na bomba.

Sa katunayan, mas ligtas pa sa kasukalan.

Kahit na may ilang magic creature na apektado ng Chaos Magic Power at naging mabangis at uhaw sa dugo, malayo pa rin ito sa panganib na dala ng grupo-grupong Wizard.

Ang mga bombang nakakalat ay mas maliit ang dalang panganib kesa sa mga bombang sama-sama.

Sa madaling salita, sa oras na magsimula ang Great Calamity, malulubog sa kaguluhan ang buong Feinan!

Hindi rin makakatakas ang White River Valley!

Binigyang diin ni Marvin sa simula ng pagbuo ng White RiverValley, na wala dapat silang kunin na mga Wizard na mas mababa sa Legend Realm.

Pero dahil sa koneksyon niya kina Hathaway at Madeline, ang White River Valley ay mayroon pa ring mga Wizard mula sa River Shore City at Ashes Tower.

Walang makakapagsabi kung ilan sa mga Wizard na ito ang makakapasa sa willpower test ng Great Calamity.

Kapag nangyari iyon, kung wala si Marvin doon, magkakagulo ang White River Valley.

At baka bumagsak pa ang kanyang teritoryo dahil dito!

'Pucha! Bakit naman sobrang napaaga!'

Marami nang naisip na mga posibilidad at sitwasyon si Marvin, pero hindi niya inasahan na mapapaaga ang Great Calamity.

Kakaunting oras na lang ang natitira sa kanya.

14 na araw na lang ang natitira!

"Nagulat din ako noong una kong nalaman ang tungkol dito."

Kahit na nagkibit balikat lang ang binata, makikita pa rin ang pagkabahala sa kanyang mga mata. "Kaya naman nanigurado ako. Kumuha ako ng ilang Overlord ng Hell at kinumpirma ko ang sinabi ko sayo."

"Inilabas nila ang isang lihim na sandatang matagal na nilang inihanda para sa pag-atake sa Universe Magic Pool. Kahit na hindi makikilahok ang Hell at Abyss, mayroon pa rin silang paraan para makakuha ng impormasyon. Maraming Overlord na ang naghahanda para sa laban, para magmartsa papuntang Feinan."

"Nariyan din ang Negative Energy Plane. Nabalitaan kong nadispatya mo ang isang Evil Spirit Overlord? Nakakamangha… Pero maraming mga Evil Spirit Overlord. Si Tidomas ang pinaka-aktibo sa ngayon. Kailangan mong mag-ingat sa kanya."

"Pucha… Mayroon na naman sumasagabal."

Lumabo ang imahe ng kanyang lolo. "Babalik ako agad, pero bago 'yon, siguraduhing mong…"

Naputol na ang sinasabi nito at biglang nawala.

Matatag ang puso ni Marvin.

Sa totoo lang, wala siyang naramdaman sa kanyang lolo. Para kay Marvin masyadong misterioso ito, dahil matagal na siyang nawala. Kahit ang nagmamay-ari ng kanyang katawan ay walang naaalala tungkol dito.

Gayunpaman, mayroon pa rin silang pagkakapareho dahil sa koneksyon ng kanilang bloodline.

Tunay na nag-aalala ang kanyang lolo para sa kanya. Malinaw na kahit na nagagawa siyang kausapin ng kanyang lolo sa pamamagitan ng Ancestor's Mystery, malaking halaga ng Magic Power pa rin ang kailangan dito para makapagpadala ng signal sa mga plane papuntang Feinan.

Mahalaga ang sinabi nitong impormasyon kay Marvin na tungkol sa mas maagang pagdating ng Great Calamity.

Mas mabuti na ito para mapaghandaan niya at hindi siya mabibigla.

Kung tutuusin, kung hindi niya alam ang tungkol sa maagang pagdating ng Great Calamity, baka naglalakbay pa rin siya noon at malalagay sa panganib ang White River Valley!

Hindi naman sa wala siyang tiwala sa kakayahan ni Constantine, Daniela, at ng iba pa, sadyang hindi lang nila malalabanan ang Chaos Magic Power!

Baka kailangan nilang abandunahin ang White River Valley at magtago sa Shrieking Mountain Range, na protektado ng Shackles of Order, pero marami sa mga lilikas ang mamamatay dahil sa dami ng mga halimaw na nakatira doon.

Kailangan niyang magmadali at bumalik sa White River Valley. Hindi siya pwedeng mahuli!

Habang iniisip ito, naglabas siya ng berdeng Thousand Paper Crane.

Isa itong crane na inihanda ni Owl para kay Marvin. Makakapagpadala ito ng mensahe nang isang beses kahit gaano pa ito kalayo.

Kailangan niyang maiparating ang impormasyon na ito sa White River Valley!

Sa isang madilim na palasyo, isang grupo ng tao ang naka-upo sa isang bilog na mesa, masigasig na nag-uusap ang mga ito.

Sa harap ng mga taong ito, kahit ang Proxy Overlord ng White River Valley na si Wayne, at ang mapapangasawa ng Overlord na si Daniela ay kailangan maging magalang.

Constantine, Inheim, O'Brien, Endless Ocean, Heavenly Deer Lorant, Shadow Thief Owl… at ang Legend Wizard Leymann!

Ang mga Legend powerhouse na ito ay nagtipon sa White River Valley.

"Tungkol kay Hathaway, dapat maging malinaw 'to sa lahat." Mahinahon na paliwanag I Shadow Thief Owl. "Hindi pangkaraniwan at hindi pa lumalagpas sa kanyang hangganan si Lady Dark Phoenix noon. Alam niya rin na isang Seer si Lady Hathaway."

"Mayroong nakapagsabi sa akin na si Lady Dark Phoenix ay napakalakas, hindi bababa kumpara kay Sir Nicholas ang kanyang lakas."

Pagkatapos ng mga salitang ito, napayuko si Wayne. Siya ang tinutukoy ni Owl.

Hindi tulad ni Marvin, isa siyang tunay na Seer… Totoo ang kanyang panaginip.

Ang napanaginipan niya sa pagkaktaong ito ay isang malaking laban sa pagitan nina Mrvin at Dark Phoenix. Nakatamo ng matinding pagkatalo si Marvin sa kamay ng napakalakas na si Dark Phoenix.

Tumatak kay Wayne ang napakalakas na awra na ito at isa itong bagay na hindi matatapatan ng ibang mga Legend.

"Ang mga nasa itaas ay siguradong may pinaplano. Kailangan natin ang kakayahan ng pagiging Seer ni Hathaway."

"Wala akong kahit anong koneksyon sa kay Dark Phoenix. Ako na ang bahala ditto." Mahinahong sabi ni Inheim.

Pilit na ngumiti si Owl at may sasabihin na dapat na ito nang biglang kumislap ang kulay berdeng liwanag.

"Ano 'yon?"

Sumimangot ang lahat ng Legend.

Kinuha ni Shadow Thief Owl ang Thousand Paper Crane at hindi nag-iisp na sinabing, "Impormasyon galing kay Marvin. Baka may nangyari sa kanya habang nagsasanay sa Dead Area at hinihintay niya tayong iligtas siya…"

Pero sa sumunod na segundo, napatayo siya mula sa kanyang upuan, "Pucha! Mga baliw sila!"