Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 378 - Ahead of Time

Chapter 378 - Ahead of Time

Hindi naisip ni Marvin na mabubuhay ang Ancestor's Myetery sa lugar na ito.

Ang bagay na ito ay isang sealing item, ginagamit ito para mapigilan ang ulo ng Archdevil. Pagkatapos niyang isuot ito, lumgar na ang ulo ng Archdevil at ang matandang naka-itim na balabal ay hindi na nagpakita sa White River Valley.

Para naman sa mga mismong Ancestor's Mystery bracelet, wala naman nagbago.

Pero nang pumasok siya sa Secret Garden, nag-init ang kanyang mga braso.

Nasurpresa si Marvin, pero hindi niya tiningnan ang kakaibang kalagayan ng Ancestor's Mistery. Sa halip, mahinahon niyang pinagmasdan ang sitwasyon sa paligid.

Ang daan papasok ng Secret Garden ay nasa isang luntiang bukid na may iba't ibang mga pananim. Kahit ang mga daan ay balot ng mga kaaya-ayang halaman, at mabango ang kapaliggiran kaya naman napakaganda at tila payapa ng lugar na ito.

Pero alam ni Marvin na panlabas na anyo lang ito na ginawa ng Magic Medicine King.

Magmula nang pumasok siya sa Secret Garden, lahat ng bawat pagkilos niya ay alam ng Magic Medicine Kung na si Eric.

Maaaring totoo o hindi ang nakikita niyang mga tanawin.

'Hindi maganda 'to. Kailangan kong maka-alis sa lugar na 'to.'

'Kung dito ko titingnan kung anong problema ng Ancestor's Mystery, baka malagay ako sa panganib.'

Nagsimulang kumilos si Marvin habang ginagamit ang [Earth Perception].

Sinubukan niyang gamitin ang kanyang isipan para kumonekta sa lugar na ito, pero tila isang Demi-Plane ito na binuksan ng Mikenshi School. Ang plane law dito ay iba sa Feinan Plane. Hanggang ngayon ay wala pa ring masagap ang Perception ni Marvin.

...

Nasa isang patag na burol ang [Lost Villa]. Noong kasaganahan nito, ginagamit ng mga Mikenshi Wizard ang Secret Garden para sa pagtitipon-tipon ng mga Wizard. Maraming Wizard ang magpupunta rito mula sa iba't ibang lugar sa Dead Sea para mag-usap at mangalakal. Makikita kung gaano kasagana ang lugar na ito sa laki ng mga gusali.

Pero bilang bahagi ng Secret Garden, ang Lost Villa ay kakaunti lang ang magagandang bagay at mas marami ang panganib.

Alam ni Marvin na pagkatapos lamunin ng Magic Medicine King ang Wizard Apprentice na si Eri, una itong nagpunta sa Lost Villa. Doon niya mabilisang natutunan ang tungkol sa mga kaalaman ng mga Mikenshi Wizard.

Simple lang ang paraan ng pakuha nito ng kaalaman, at iyon ang…pag kain!

Isang libong taon na nanirahan dito ang Magic Medicine King at kinain ang lahat ng kapaki-pakinabang na mga libro. Ilang mga Magic Item lang na hindi na magagamit ang iniwan nito. Bukod sa iilang lugar, ang ibang mga bahagi nito ay magulo.

Nagpatuloy si Marvin sa paglilibot sa paligid ng mga gusali ng Lost Villa.

Hindi niya masayadong binilisan ang kanyang paglakad dahil baka maghinala ang Magic Medicine King na kasalukyang nagmamasid.

Pero hindi siya nababahala. Lalo pa at mayroong limang Legend na pumasok bago siya. Siguradong ang atensyon niya ay nasa mga ito.

Lalo pa at limang Legend ang mga ito! Ang sakim na si Eric ay gugustuhin lamunin ang mga ito pero ang plano niya ay pang matagalan.

Dumaan sa isang sira-sirang kalye si Marvin. TUmayo siya sa pinakataas ng burol at lumingon pabalik. Sa luntiang bukid, makikitang pumasok na ang ilang mga tao.

Pero mukhang hindi maganda ang relasyon ng mga ito. Kakapasok pa lang nila sa Secret Garden ay inatake na nila ang isa't isa.

Napailing at napabuntong hininga na lang si Marvin dahil ditto.

Hindi na niya pinansin ang mga taong iyon at nagpatuloy sa paglalakad, mabilis niyang naabot ang malawak na gusali kung saan nanirahan ang mga tao.

Pumasok siya dito at natuklasang walang bahid ng alikabok dito.

'Kahit ang maliit na kwartong ito ay may malakas na [Dirtless] enchantment.'

Sa isang iglap napansin ni Marvin ang dahilan kung bakit malinis ang kwartong ito.

Hindi na niya tiningnan ang mga detalye nito, sa halip, tiningnan niya ang kanyang braso at nanatiling alisto.

Ang dalawang simpleng pulseras ay lalo pang uminit.

Mukhang balisa ang mga ito, at painit nang painit ang mga ito.

Paglipas ng ilang sandali, nagsimula nang kumisap ang pulang liwanag mula sa mga ito.

Nag-isip si Marvin… parang nauulit ang mga nangyayari.

Selyado ang Archdevil kaya hindi ito makakagawa ng kahit ano. Ano nga kaya ang ibig sabihin nito?

Nanatiling tuliro si Marvin.

Pero bigla niyang napagtanto na mayroong pamilyar na awra!

'Awra ni lolo?'

'Oo, pareho nga sa paintin!'

Nagulat si Marvin at agad na naramdaman ang pagbabago sa Ancestor's Mystery.

At tulad ng inaasahan, nang kumonekta ang kanyang isipan sa mga pulseras, lumitaw mula sa kawalan ang isang imahe ng binata!

"Masaya akong makita kang uli, Lil Marvin." Kumurap ang binata.

Pilit na ngumiti si Marvin.

Sa ilalim ng tahimik na kalangitan ng gabi, isang bulalakaw ang biglang lumitaw sa White River Valley.

Ang bulalakaw ay nagpaikot-ikot nang mahabang oras bago tuluyang lumapag sa pinakamataas na balkonahe ng palasyo.

Maririnig ang bugso ng hangin sa paglapag ng flying carpet, at isang binata ang bumaba mula dito.

"Hindi ata makatwiran na napakatalentado mo kahit hindi mo pa nabubuhay ang bloodline natin." Isang malumanay na boses nag maririnig, bago ito nagpatuloy nang maypakayamot, "Kahit si Marvin na mayroong basurang talento ay nagawang buhayin ang kanyang bloodline, kakaiba talaga."

"Ate Daniela, wag ka naman magsalita nang ganyan sa kuya ko." Malumanay ang reaksyon ni Wayne, pero nang marinig nag panghahamak ni Daniela ka Marvin ay hindi siya natuwa.

"Oo nga, walang nakaka-alam kung saang lupalop na naman naroon ang kuya mo! Ang huling balita sa knaya ay nasa Rocky Mountains siya, nakikipaglandian sa tatlong babaeng 'yon…. Ngayon siguradong nasa Dead Area na iyon. Wala man lang siya dito para sa kaarawan ng kapatid niya. Bilang mapapangasawa niya, hindi baa ko pwedeng magsalita tungkol doon?" Makikita ang bagsik sa mga mat ani Daniela.

Kakaunti lang ang nakakapagsalit nang masama tungkol kay Marvin sa White River Valley, at isa na doon si Daniela.

Ang kaawa-awang Ice Empree sa hinaharap, dahil sa kanyang pangako, at dahil sa pagdating ni Marvin sa mundong ito, ay pansamantalang hindi makakabalik sa Norte.

Nanatili lang siya sa White River Valley, nangangasiwang mistress at tumutulong sa pagbuo sa White River Valley.

Nagreklamo pa ito at wala namang masabi si Wayne.

Noong mga oras na iyon, si Anna, na tahimik lang na nakatayo sa tabi ay biglang nagtanong, "Master Wayne, nakita niyo po ba si Lady Hathaway sa pagpunta niyo sa Three Ring Towers?"

Umiling si Wayne, ngumiti naman ito bigla, "Kahit na hindi ko siya nakita, nag-iwan namna siya ng Magic Training Manual at ipinabigay niya sa akin sa isang Wizard."

"Matagal akong nagsanay sa Ashes Tower at ngayon ay malapit na kong mag-Breakthrough. Sa susunod na magkaroon ng problema, tutulungan ko nang kaunti si Kuya."

"Breakthrough?" Nagulat si Daniela.

Tinitigan niya si Wayne at nagdududang nagtanong, "Nag-advance ka na sa Legend?"

"Hindi, hindi." Ngumiti si Wayne, "Sadyang iba ang ginagawa kong pagsasanay kumpara sa mga ordinaryong Wizard.

"Pagsasanay ng mga Ancient Wizard?" Mahinang sabi ni Daniela. "Anong level ka na ba ngayon? Matagal-tagal na noong huli kong nakita ang lakas mo. Napakabilis mo naman magsanay…"

Nahihiyang ngumiti si Wayne. "3rd rank."

Walang nasabi si Daniela.

Ang pambihirang batang ito ay naabot ang 3rd rank sa edad na sampung taong gulang.

Ilang buwan lang ang nakaraan, isa lang siyang Wizar Apprentice! Noong mga panahon na iyon, isinuko niya ang kanyang napiling path at pumili ng ibang path, isang sinaunang pamamaraan sa pagsasanay na iminungkahi sa kanya ni Hathaway, para hindi na niya kailangan umasa sa Universe Magic Pool.

Mas humirap ang pag-cast nito, pero pambihira naman ang magiging resulta nito.

Maiingit ang sino man sa progreso niya.

Kahit si Daniela ay isang pambihirang henyo, pero kung ikukumpara kay Wayne, mas mahina pa rin siya rito.

"Magpahinga ka nang maaga. Marami dapat pag-usapan bukas. At sabi ni Sir Constantine, sa loob ng ilang araw, may darating na prominenteng tao sa palasyo." Malumanay na sinabi ni Anna kay Wayne, "Wala si Lor Marvin kaya ikaw ang magdedesisyon para sa palasyo."

Tumango si Wayne. Gumamit siya ng isang simpleng spell at bumalik na siya sa kanyang kwarto.

Bigla namang may lumitaw na anino sa kanyang tabi.

"Sir Owl," mahinahong bati ni Wayne.

"3rd rank, malaki na ang inilakas mo, Mukhang nagsisipag ka dahil sa kuya mo." Ngumiti si Shadow Thief Owl, pero biglang naging seryoso ang kanyang mukha." May naging problema ka ba sa pagpunta mo sa Ashes Tower?"

Umiling si Wayne, at malumanay na sumagot, "Kahit na nakakulong si Lady Hathaway, wala pa ring alam ang mga tao sa Ashed Tower. Mukhang ayaw ni Lady Dark Phoenix na may makialam sa mga usapin ng Ashes Tower."

Tumango si Owl. "Mahusay ang ginawa mo. Dahil sinelyo ni Hathaway ang sarili niya sa yelo, halos mabaliw na siguro si Marvin. Masyado na siyang maraming iniisip."

"Dahil nasa Dead Area pa siya, dapat tulungan natin siya sa mga bagay na pwede natin siyang tulungan." Bumuntong hininga si Owl. Nagsimula nang magtawag ng mga tao si Constantine. Kahit na maapangyarihan ang Dark Phoenix, hindi naman siguro niya kakayaning kalabanin ang maraming Legend."

Nag-dalawang isip si Wayne bago kinuyom ang kanyang ngipin at sinabing, "Sir Owl, tungkol sa pagliligtas kay Lady Hathaway… sa tingin ko hindi 'yon ganoon ka-simple."

"Nanaginip ako. Sa panaginip ko… napakalakas niya."

Natigilan si Owl. Naging malungkot ang reaksyon nito. "Ikwento mo sa akin ang panaginip mo."

.

Nakaka-ilang na isang imahe ng kanyang sinasabing patay na lolo ang lumitaw sa kanyang harapan.

Pero hindi naman ito ang unang pagkakataon, kaya wala itong problema kay Marvin.

Mabilis na nag-usap ang dalawa at tinanong ni Marvin kung bakit may kakaibang reaksyon ang Ancestor's Mystery.

Nalaman niya na ito ay dahil malapit ang Secret Garden Demi Plane sa Hell!

Ang barikada ng Universe Magic Pool ay manipis lang at ang harang sa pagitan ng mga plane ay maliit lang.

Unang napansin ng kanyang lolo ang pagbabagong ito sa Hell. Kaya agad niyang kinausap si Marvin.

May maganda at masamang balita ito kay Marvin.

Ang magandang balita ay makakatakas agad siya sa lugar na ito.

Pero ang masamang balita…

[Wizard Calendar Year 819 Month 1 Day 16]

Aatakihin na ng mga God ang Universe Magic Pool.

Natigilan si Marvin nang marinig ito!

'Mas maagang mangyayari ang Great Calamity!'