Ang Mana Wraith Eri ay isang pambihirang nilalang.
Sa pagkaka-alam ni Marvin, siya ang susi sa pagbubukas ng daan papasok sa Secret Garden.
Noong nilamon agn Wizard Apprentice na si Eric ng Magic Medicine King, namuo ang bahagi ng kaluluwa nito at naging paghihinagpis at sama ng loob.
Mayroon itong willpower na kapansin-pansin. Kahit nilamon ito ng Magic Medicine King, hindi naman isinaman nito ang sama ng loob. Kung hindi, baka lamunin ito ng sama ng loob.
Kaya naman, tinanggal nito ang sama ng loob mula sa katawan nito bago niyang ibinuhos ang kanyang magic power dito para maging isang galit na kaluluwang gawa sa magic power.
Hindi naman sinasadyang naging kasabwat ng Magic Medicine King ang Mana Wraith
Lalo pa at ang tunay na Wizard Apprentice na si Ericay namatay at ang Mana Wraith na lang ang tanging natira mula sa galit at hinagpis ni Eric.
Dahil hindi ito maaaring lumabas mula sa Secret Garden, ang Magic Medicine King ay hindi kayang palayain ang sarili niya mula sa kulungan na ginawa ng mga Mikenshi Wizard.
Kaya naman, kinailangan nito ng tulong para buksan ang Secret Garden at isarado ito sa tamang oras.
At iyon ang gawain ng Mana Wraith.
…
Biglang binuksan ni Marvin ang kanyag mga mata. Dahil natunton na niya ang nilalang na ito, kung hindi pa niya ito hahabulin baka mawala uli ito sa paningin niya.
Habang gamit ang Earth Perception, tinunton ni Marvin ang lokasyon ng Mar Wraith at gumamit ito ng Night Tracking.
Malimanay na parang hangin ang kanyang pagkilos, nagiging isa siya sa dilim ng gabi. Kahit na hindi pa niya ginagamit ng lubusan ang Stealth, kakaunti lang ang taon makakapansin kay Marvin.
Paglipas ng sampung sgundo, nahanap na ito ni Marvin sa isang sirang patyo.
Nagkataon naman na mas nakabuti ito kay Marvin.
Naging alisto ang Mana Wraith, galit itong tumingin kay Marvin, at tumawa nang malakas. "Pataba sa lupa…"
"May parating na pataba sa lupa…"
Pagktapos sabihin ito, dinambahan nito si Marvin!
Naging matatalim na kuko ang Pure Chaos Magic Power nito at inatake si Marvin!
Pero bago niya maabot si Marvin, may inialabas si Marvin na bagay at ipinakita.
Agad naman na natigilan ang Mana Wraith.
Ang bagay na nasa kamay ni Marvin ay isang nakakasindak na bola, "Masyado kang sabik sa pag-atake. Ayaw mo ba akong kausap?"
Tiningnan ng Mana Wraith si Marvin.
Nakaramdam ito ng panganib mula sa kapangyarihan ng Sun Sphere. Napipigilan ng bagay na ito ang mga Ghost, Undead, at mga nilalang ng kadiliman.
Kahit ang Hook Horror na malawang nakakagalaw sa mapanganib na Underdark ay nasunog at namatay dahil sa epekto ng Sun Sphere.
Paano pa kaya ang isang maliit na Mana Wraith.
"Walang dapat pag-usapan, pataba sa lupa…."
Tumalikod ang Mana Wraith at tumakas!
Ang utos ng Magic Medicine King ay humanap ng lugar na walang tao at buksan ang daan papasok ng Secret Garden saka humikayat ng mga taong papasok.
Kung may nakakita sa kanya, hindi niya magagawa ng kanyang plano.
Ang kanyang pag-iisip ay kontrolado ng Magic Medicine King at sadyang hindi niya maalala ang mga nangyari noon.
Pero mayroong magagawa si Marvin.
"Talaga ba?" Bahagyang ngumiti si Marvin. "Sigurado ka bang ayaw mo kong kausapin, Eric?"
Tumigil ang Mana Wraith.
"Ikaw… Anong sinabi mo?" Mabangis na tumaliod ito. "Ang lakas ng loob mong banggitin ang pangalan ng amo ko."
Naaawa siyang tiningnan ni Marvin, "Kawawang Eric, hindi mo pa rin ba naaalala kung sino ang lumamon sa kaluluwa at katawan mo, pati na nagnakaw ng pangalan mo? Ang tinatawag mong amo ay isa lang Magic Medicine na nakatakdang kainin ng mga tao. Ikaw ang amo niya dati."
Kakaiba ang naging reaksyon ng Mana Wraith at galit na tumuro kay Marvin habang nagmamatapang na sumigaw, "Walang katuturan ang mga sinasabi mo!"
Pero taliwas sa ipinapakita nito ang kanyang emosyon.
Nakatayo lang ito doon at hindi kumikilos. May ilang alaalang nagsimulang magising dahil kay Marvin.
Natuwa si Marvin.
Hindi siya nagkamali.
Sa oras na lumabas ang Mana Wraith mula sa Secret Garden, doon pinakamahina ang kontrol sa kanya ng Magic Medicine Kung. Sa mga oras na iyon, sa pamamagitan ng mga tamang salita, madali na lang maipapaalala sa Mana Wraith ang nangyari.
Malaking tulong ito sa plano ni Marvin.
Mukhang hindi mapakali ang Mana Wraith. Para itong naguguluhan, na biglang nagagalit, biglang humihinahon, at biglang bumabagsik.
Paglipas ng ilang sandali, nagin kakaiba ang reaksyon nito at naging malungkot ang kanyang boses. "Ako… Ako si Eric."
'Sa totoo lang, hindi ikaw si Eric. Ikaw ang galit at hinagpis ni Eric, 'yon lang.' Sabi ni Marvin sa kanyang sarili.
Pero syempre, hindi niya sasabihin iyon ngayon, dahil kailangan pa niya ang Mana Wraith.
"Oo, ikaw nga si Eric," malungkot na sabi ni Marvin. " Hindi lang nilamon ng Magic Medicine King ang katawan at kaluluwa mo, ninakaw pa nito ang pangalan mo at nilinlang ka."
"Sino ka? Bakit ang dami mong nalalaman?" Hindi pa rin makapaniwala ang Mana Wraith.
"Ordinaryong tao lang ako na maraming nabasang mga libro." Sabi ni Marvin. "Alam kong misyon mo ang pagbubukas ng Secret Garden. Malapit mon ang buksan 'yon, hindi ba?"
Saglit na natahimik ang Mana Wraith, hindi nito maintindihan ang nangyayari. "Kung alam mo ang tungkol sa Magic Medicine King, bakit gusto mo pa ring pumasok at maging pataba sa lupa?"
"Mayroon akong rason. May kaibigan ako sa loob, at gusto kong siguruhin na makakalabas siya nang buhay. Isa pa, paano ka nakakasiguradong magiging pagkain ako ni Eric?" Mahinahong sabi ni Marvin.
Binigyang diin niya ang salitang Eric.
At iritable ngang sumagot ito, "Ako si Eric! Isa lang Magic Medicine 'yon! Pucha!"
Bahagyang ngumiti si Marvin. "Talaga ba? Parang wala ka naman magagawa laban sa kanya. Tinatawag niyang Eric ang sarili niya at isa ka lang Mana Wraith na walang pangalan."
Tumingin ang Mana Wraith kay Marvin na tila nahihibang. "Papatayin ko 'yon!"
"Ikaw? Imposible," sabi ni Marvin. "Kung babalik ka sa Secret Garden, mapapasailalim ka lang uli sa pagmamanipula niya. Tama ba ko?"
Nayamot ang Mana Wraith, pero sinabing, "Tama ka."
"Wala akong paraan para labanan 'yon, masyado siyang malakas."
"Hindi mo alam kung gaano siya kalakas…"
"Ako nang bahala sa lakas niya. Kung handa kang tulungan ako, magkakaroon ako ng pagkakataon na dispatyahin ang 'Eric' na Magic Medicine na iyon," paninigurado ni Marvin sa Mana Wraith. "Naparito naman talaga ako para sa Magic Medicine King, pero kailangan ko ang tulong mo."
Siniyasat ng Mana Wraith si Marvin, pero sa huli, napa-iling ito. "Malakas ka, pero hindi mo siya kaya."
"Maniwala ka sa akin, mas malakas ako kesa sainaakala mo," seryosong sabi ni Marvin. "Dahil alam ko ang tungkol sa Magic Medicine King pero nagpunta pa rin ako dito, sinisigurado kong may paraan ako para talunin siya."
Saglit na natahimik ang Mana Wraith bago tuluyang tinanong, "Anong kailangan mong gawin ko?"
"Una, buksan mo ang Scret Garden at papasukin ako," utos ni Marvin. "Para naman sa iba, pwede mo pa rin gawin ang utos ng Magic Medicine King."
"Pangalawa, sabihin mo sa akin kung saan ko matatagpuan ang pangunahing katawan ng Magic Medicine King, pati na kung paano ko malalampasan ang Disguise at mga ilusyon niya."
Umiling ang Mana Wraith, "Walang problema ang pagbubukas ng lagusan, pero hindi ko alam kung paano mo matutukoy ang mga Disguise niya, at masyadong malakas ang mga ilusyon niya…"
Bahagyang nagbago ang tono nito, nag-aalinlangan nitong sinabi, "Pero pwede kong sabihin sayo ang lokasyon niya."
"Ang pangunahing katawan niya ay nasa isang tagong lugar paglagpas ng pinaglibingan sa Astral Sea Monster, sa [First Garden of Eden]."
Tumango si Marvin.
Halos walang pinagkaiba ang impormasyon na ito sa naalala niya. Gusto niya lang malaman kung tama ba ang impormasyon sa dati niyang buhay o hindi.
Lalo pa at pinagpasa-pasahan lang ang impormasyon na 'to.
Pero biglang tinanong ni Marvin, "Anong level ng Illusion Skill ng Magic Medicine King? Kasing lakas ba ng Hell Nightmare?"
Saglit na nag-alinlangan ang Mana Wraith bago sinabing, "Parang ganoon na nga."
Isang kakaibang reaksyon ang makikita sa mga mat ani Marvin.
Pagkatapos nito, nag-isip siya sandal at sinabi sa Mana Wraith, "Buksan mo ang daan. Gusto kong maranasan mismo ang mga ilusyon na kasing lakas ng Hell's Dream Demon."
Nakinig ang Mana Wraith sa kanya at nagbukas ng isang Teleportation Gate.
Pumasok si Marvin.
Noong mga oras na iyon, isang ngisi ang makikita sa mukha ng Mana Wraith. "Masyadong malakas ang tingin mo sa sarili mo…"
…
Pagkatapos pumasok, nakarating si Marvin sa isang kakaibang lugar.
Isang mabangong amoy ang bumabalit sa hangin, at ang pagpunta dito ay parang nanggaling sa tag-lamig ng Dead Area patungo sa isang mayabong na tag-sibol.
Nakatayo si Marvin sa isang malawak na bukid at nakakia ng isang patag na burol sa malayo.
Maraming gusali doon na mukhang nanggaling sa mga Mikenshi School.
Ito ang unang bahagi ng Secret Garden, ang [Lost Villa].
Paakyat n asana ng burol si Marvin nang bigla niyang maramdamang nag-iinit ang kanyang braso!
Nagkaroon ng reaksyon ang Ancestor's Mystery!