Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 298 - Calculated

Chapter 298 - Calculated

Bibitayin ang mga rebelde?

Napasimangot si Marvin.

Pero Nakita niya ang mga tao na iniiwan ang lahat ng kanilang ginagawa at nagmamadaling pumunta sa iisang direksyon.

"Bilis! Bilis! Ang mahuhuli ay ituturing dawn a pagano ng Shrine."

Umalingawngaw ang bulungan ng mga tao at ang iyak ng mga bata. Mabilis na binuhat ng mga babae ang mga bata kasabay habang walang malasakit na dumeretso ang mga lalaki.

Sinundan ni Marvin ang mga tao.

Hindi nagtagal, lahat ng mga mamamayan ng White Elephant City ay nagsama-sama na sa plasa.

Sapat na ang lawak ng plasa na ito para sa libo-libong taong naroon. Apat na Paladin na naka-itim na balabal ang nakatayo sa entablado na nasa gitna ng plasa, pinagmamasdan lang ng mga ito ang lahat.

Isang magarang karwahe ang nasa tabi nito, mayroong nag-iisang Priestess na ang balabal ay kulay lila.

Simple lang ang pagkakaranggo ng mga Priest sa Shadow Shrine ng Arborea. Ang pinakamalakas ay ang Priestess na itim ang balabal. Pinagkaloob sa kanya ng Shadow Prince ang Divine Power at Divine Spell, hindi siya bababa sa level 18.

Pagkatapos ng High Priestess ay isang grupo ng mga makapangyarihang 4th rank, karamihan sa kanila ay mga level 16, kapareho ng apat na Paladin sa entablado.

Ang isang 4th rank na Priest ay tinatawag na [Senior Priest], habang ang 3rd rank ay Intermediate, ang 2nd rank ay Novice, at ang mga 1st rank ay mga pangkaraniwang Priest.

Sa kabuoan, hawak ng isang Senior Priest ang lahat ng kapangyarihan sa isang buong siyudad.

Ang pagpaparusa sa mga rebelde ay ideya ng Senior Priest.

Nakaupo lang ito sa loob ng karwahe at walang emosyong pinapanuod ang mga rebelde sa entablado.

Ito ang mga rebeldeng nahuli ni Prince Aragon nang sinuyod nito ang mga burol sa dakong hilaga.

Lahat-lahat ay may pitong nasa sapat na gulang, at isang bata.

'Dapat lang tawagin na isang Heroic War Deity ang Prince…'

'Nagawa niyang hulihin ang mga rebeldeng 'yon. Kaso nga lang, hindi kailangan ng Shrine ng isang hari na hindi nakikinig sa nais ng Supreme Shadow.'

Ang karwahe ni Dina ay puno ng prutas at gulay.

Isang magandang daliri ang nagtulak ng isang ubas sa pagitan ng kanyang mga pulang labi. Habang kumakain siya ay nagtanong ito, "Narito na ba ang lahat?"

"Malapit na po," magalang na sagot ng isang Priest sa kanyang tabi.

Tinaas ni Dina ang kanyang kilay. "Ang mga tauhan ng Prince?"

"Papunta na siguro sila," sagot ng Priest.

"Buti naman, unahin niyon patayin ang anim na matanda," nakangiting sabi ni Dina. "Nabalitaan kong mahabagin ang Prince na 'yon.

"Masusunod po." Agad na ibinigay ng Priest ang utos.

Sa dulo ng plasa, napakaraming tao ang hindi mapakali.

Pero walang sino man ang nangahas na mag-ingay. Kahit ang mga ina ay tinatakpan ang bibig ng kanilang mga anak, at ginagawa ang lahat para lang hindi mag-ingay ang mga ito!

Kung iistorbohin nila ang pagbitay ng Shrine, kamatayan ang magiging kapalit nito!

Kabado nilang pinagmasdan ang mga rebelde.

May ilang taong minura ang mga rebelde. Bakit ba hindi na lang sila manahimik at manatili sa kanilang teritoryo? Bakit pa nila kailangan galitin ang Shrine?

Makikita ang kawalan ng emosyon sa kanilang mga mata.

Pero kahit pa nangangayayat na ang mga rebelde, may ninging pa rin sa mga mata nito. Higit na mas mabuti ang kalagayan nila kesa sa mga taong ito.

Mahinahon nilang tinanggap ang mga mura, awa, at kawalan ng pag-unawa sa kanila.

Hindi sila kailanman yumuko.

Pati na ang batang babae. Mukhang anim o pitong taong gulang pa lang ito. Mayroong itong peklat at medyo namumutla.

Makikita ang talas sa mga mata nito pero hindi ang mabuting uri ng talas.

'Matinding kalupitan…'

Biglang nagbago ang mga mata ni Marvin, makikitang hindi niya masikmura ang mga nangyayari.

Ang ginagawa ng Shadow Shrine sa mga taong ito ay ang kakaharapin ng mga tao sa Feinan sa hinaharap!

Sa mata ng mga god, tila mga hayop ang ang mga naniniwala sa kanila na pinagkukunan nila ng Faith. Kapag naubos na ang Faith na nakukuha nila sa isang plane, hindi sila magdadalawang isip na wasakin ito!

Ito ang dahilan kung bakit may mga abandonadong Demi-Plane sa dulo ng Astral Sea.

Mga Secondary Plane ito na walang makukuhang Faith.

'Dahil balak kong pabagsakin ang Shadow Temple, mahalaga na mayroong maglakas loob at lumaban.'

'Pero hindi pa ngayon.'

Maingat na tiningnan ni Marvin ang gilid ng entablado at mahigpit na kinuyom ang kanyang mga kamao.

Hindi pa niya magagamit ng husto ang mga kakayahan ng kanyang Night Walker class.

May araw pa kaya hindi pa lubos ang lakas ng kannyang mga abilidad.

Kahit pa walang gaanong malakas na kalaban sa White Elephant City, alam ni Marvin na hindi kakayanin ni Marvin na iligtas ang pitong bihag sa entablado.

Para na rin siyang nagpakamatay!

Kung magpapalit anyo naman siya at magiging Asuran Bear, maaari siyang makalapit… pero binabantayan ng isang Senior Priest ang pagbibitay!

Hindi alam ni Marvin kung gaano karami ang mga Priest sa White Elephant City, pero nakakatakot ang ilang mga Divine Spell. Maaari siyang mamatay kung magpapadalos-dalos siya ng kilos.

Kinuyom niya ang kanyang ngipin at gumamit ng Stealh, balak na niyang umalis.

Limitado pa rin ang kanyang lakas. May mga bagay pa ring wala na siyang magagawa.

Subalit, biglang nagkaroon ng kaguluhan.

Isang gwapong lalaki na nakasakay sa putting kabayo ang galit na dumating mula sa dakong hilaga ng plasa, Kasunod niya ay labing-dalawang mga knight na nakasakay rin sa kabayo.

"Prince Aragon!"

"Kamahalan!"

Nabuhayan ang lahat dahil nakatanaw sila ng kaunting pag-asa.

Sila na mismo ang tumabi at gumawa ng daan.

Kahit na wala na dito ang Crowned Prince na katayuan niya, dahil sa usapin ng buwis, sa puso ng mga mamamayan ng Nottingheim, siya pa rin ang pag-asa nila at kinabukasan.

"Wag niyo silang gagalawin!"

"Ako ang humuli sa mga taong iyan! Ako lang ang may Karapatan sa kanila!" Sigaw ni Aragon.

 Napalingon si Marvin.

Sa lakas pa lang ng sigaw na ito, masasabi na niya kung gaano kalakas si Aragon!

Level 18 Storm Swordsman!

Ang ganitong uri ng lakas ay ang pinakamalakas sa plane an ito. Nararapat lang sa isang taong ilang taon nang hinahadlangan at kinakalaban ang mga rebelde.

Pero biglang nalunod ang sigaw ng Prince sa pagsasalita ng Senioe Priestess.

"Patayin niyo na."

[Divine Spell – Imperial Order]!

Nanlisik bigla ang mga mata ng mga tagabitay sa entablado at mabilis nilang itinaas ang kanilang mga long blade.

Kumalat ang dugo!

Napugot na ang ulo ng anim na matanda, at gumulong sa lupa!

Hindi makatingin ang mga tao at yumuko ang mga ito.

Umalingawngaw sa buong plasa ang galit na sigaw ni Aragon, "Dina!"

"Sumosobra ka na!"

Si Dina, na nasa karwahe, ay nakangiting sinabi, "Nagtira pa ako ng isa."

Isang malakas na tagabitay ang mabilis na lumapit sa batang babae.

Itinaas nito ang kanyang long blade pero biglang may tumama dito!

Ang espada ng Prince!

Mabilis na bumaba si Aragon sa kanyang kabayo at sa isang iglap ay napunta sa entablado.

Pinrotektahan niya ang batang babae at tinitigan ang magarang karwahe. "Dina."

"Tingnan natin kung sinong mangangahas na patayin siya habang nandito ako!"

Natahimik ang buong plasa pagkatapos niyang sabihin ito.

Alam nilang tunay nang galit ang Prince.

Pero hindi ito bansa ng Prince, ni hindi ito sa King!

Ito ay bansa ng isang God.

"Hehehe…"

Umalingawngaw mula sa karwahe ang pagtawa ni Dina, pero walang emosyon ang tono nito. "Nakatanggap ako ng uto mula sa High Priestess ng Shrine. Ang pinalayas na Prince ay may koneksyon sa mga rebelde at nilabag ang kagutuhan ng aming God. Babawiin sa kanya ang posisyon niya bilang Lord ng White Elephant City."

"Kailangan dalhin siya sa King para sumailalim sa isang paglilitis."

"Oo ng apala, dala ko ang kautusan ng paghuli sayo na ang King mismo ang nagsulat, gusto mo bang makita? Mahal na Prince Aragon?"

Biglang kinilabutan ang Prince na nakatayo sa entablado!

Tahimik ang lahat. Makikita ang kalungkutan sa mata nilang lahat habang nakatingin sa Prince.

Kahit na nasanay na sila sa pamamahala ng Shrine, malalim ang respeto nila sa Prince.

Hindi nila kayang makitang isang bilanggo ang Prince.

"Si ama mismo ang pumirma?" Nanginginig ang boses ni Aragon.

Habang nag-uusap sila, nakarating na ang labing-dalawang Knight sa ibaba ng entablado. Sumigaw ang isang nasa harapan, "Kamahalan, wag kayong magpapaloko sa masasamang balak niyan."

Pero walang mababago.

Inihagis ni Dina ang isang scroll.

"Siya mismo ang nagsulat, tingnan mo pa. Malaki-laking Divine Power ang nagamit diyan ng Priest na si Ronan.

Mahinahon namang bumaba ng karwahe si Dina.

Napakaganda nito at kaakit-akit ang kanyang katawan.

Pero sa mga mat ani Aragon, parang isang makamandag na ahas ang babaeng ito!

"Kunin niyo siya!"

Sa isang iglap, ibinato ni Aragon ang batang babae sa babae sa mga Knight na nasa baba ng entablado!

"Kamahalan!" Sinalo ng Knight ang babae at sinabing, "Sumama ka samin!"

Sumigaw naman muli si Aragon, "Umalis na kayo! Ngayon na!"

Kinuyom ng Knight ang kanyang ngipin at kinarga palayo ang batang babae, at sama sama silang umalis!

"Pigilan niyo sila!" Utos ni Dina.

Hinarang ang mga ito ng mga Shrine Paladin na nagtatago.

Ang labing-dalawang Knight na ito na sinundan at sinamahan ang Prince sa bawat pagkilos nito, kahit pa malalakas mga ito, daan-daan ang mga Paladin!

Kalkulado ang lahat ng ito.

Ngumisi si Dina habang pinapanuod ang pagposas ng Bailiff ng Shrine sa Prince

Hindi ito lumalaban. Hindi niya susuwayin ang utos ng kanyang ama.

Isang masayang reaksyon ang gumuhit sa mukha ni Dina.

"Masunuring bata."

"Mas sumasaya ako sa tuwing inaapi ang mga ganitong uri ng tao."

"Anong masasabi mo? Ronan?"

Ang Priest na nasa tabi niya ay yumuko. "Si Lady Dina ang pinakagaling sa lahat. Ang ating God ang pinagsisilbihan natin, kasama sa ating tungkulin ang paghuli sa mga pagano. Nilabag ni Prince Aragon ang kagustuhan ng ating God, kaya isa siyang pagano, isang maduming nilalang. Kailangan siyang parusahan."

Lalo pang napangiti sa saya si Dina. "Tama ang mga sinabi mo. Sayang… mukhang napakalakas niyang lalaki, sa tingin mo tatagal siya sa kama?"

Biglang pinagpawisan nang malamig si Ronan.

Tinitigan siya ni Dina. "Mapanlinlang ka. Wala kang silbi sa kama. Mabuti na lang at gwapo ka, pero hindi ko naman inasahang wala kang kwenta. Ahhh… Kung hindi lang dahil sa utos ng High Priestess, titikman ko sana ang Prince na 'yan…"

"Ano? Bakit dumidilim?"

Sa isang iglap, ang lugar kung saan malapit ang karwahe ay nilamong ng dilim!

Nagulat si Dina. Kitang-kita niya ang mga bituin sa kalangitan.

Isang malamig at malalim na boses ang umalingawngaw sa kanyang tenga:

"Pasensya na, hindi ko na masikmura 'to."

"Nangangati ako sa tuwing nakakakita ako ng puta na kagaya mo… at hindi mawawala iyon hanggang sa mapatay kita."

Sa susunod na sandali, isang malamig na dagger ang humiwa sa leeg ni Dina!