Nagkakagulo na sa plasa.
Biglang binalot ng dilim ang lahat. Pagkatapos humupa ang alikabok, isang sigaw ang maririnig mula sa mga mamamayan.
Tulirong tiningnan nina Aragon at ng mga Shrine Paladin ang eksena!
Nahulog sa lupa ang ulo ni Dina, mulat ang mga mata.
At ang kanyang tauhang si Ronan ay napugutan na din ng ulo!
Wala pang nangyayaring ganito sa White Elephant City, sa buong Arborea.
Isang Senior Priestess!
Isang napakalakas na nilalang ang basta lang napatay sa kanilang harapan?
At walang naiwang kahit anong bakas ang pumatay!
Hindi makapaniwala ang mga Paladin at ang Bailiff.
Agad na lumapit ang mga Paladin, hindi nila alintana ang mga taong nasasagasahaan ng kanilang mga kabayo!
Sinamantala naman ng labing-dalawang Knight ng Prince ang pagkakataon at kumawala sa mga nakapalibot sa kanila at tumakas mula sa White Elephant City.
Nagkagulo ang buong plasa.
Si Marvin, na nakakubli sa Eternal Night, ay tahimik na umatras.
Dahil sa Eriksson's Brooch, kahit pa gumamit ng [Truesight] ang mga Paladin, hindi siya mahahanap ng mga ito!
Masayadong mataas ang kanyang Stealth!
Subalit, imposible pa rin na mailigtas niya ang lahat at makaakas. Maaaring ang mga Legend na gay ani Ivan ay kayang gawin ang ganoon.
Pero ang pagpatay sa isang Priest ay hindi gaanong mahirap!
Perwisyo man si Dina pero isa lang siyang level 16 na Priest. Isa pa, walang nakabantay sa kanya!
Sadyang magandang kombinasyon ang mataas na Stealth at Eternal Night.
'Mananahimik pa rin kaya ang Shrine kahit napatay ang isa sa mga Priestess nila nang ganoon-ganoon lang?'
'Sa mga susunod na araw, mapupunta ang lahat ng atensyon ng Shrine sa White Elephant City,' isip-isip ni Marvin.
Nagawa na niya ang plano niya at mabilis na nawala.
…
Sa God Realm, napatingin ang Shadow Prince.
Binabantayan niya na ang Arborea magmula nang makapasok si Marvin.
Kaya natural lang na napansin niya ang pagkamatay ng Senior Priestess.
Ang mga Senior Priest na ito ay mayroong magkabilaang koneksyon sa Shadow Prince.
Ang matinding pananampalataya ng mga ito ay nagbibigay sa kanya ng walang patid na Faith.
Sampung beses na dami ng Faith ang kadalasang naibibigay ng isang Senior Priest.
Maaaring mailarawan ng isang tali ang relasyon sa pagitan ng isang God at mga tagasunod nito. Ang iba ay makapal, ang iba ay manipis.
Kung tila ba walang koneksyon, ibig sabihin, oportunista lang ang tagasunod na iyon.
Bilang god, paborito ng Shadow Prince ang mga baliw na tagasunod niyang nagbibigay sa kanya ng malaking halaga ng Faith. Pero ang mga tagasunod na ito ay masyadong malupit at hindi sila nababagay sa pamamahala sa iba pang mga tagasunod. Ang mga tagasunod na marunong mag-isip at matatalino, gaya ng mga Senior Priest, ang pinakamagandang halimbawa ng mga tagasunod.
Kaya naman, pinagkakalooban niya ang mga ito ng mga Divine Spell at Divine Power, at paminsan-minsan ay sasagutin niya ang mga ito.
Nang patayin ni Marvin si Dina, tila ba isang makapal na tali ang napatid mula sa Shadow Prince.
Sinundan niya ang tali at umaligid sa Arborea.
Sa isang iglap, napunta ang atensyon niya sa siyudad na iyon!
'White Elephant City…'
'Hehe…'
Biglang pumikit ang Shadow Prince at sinubukang kumonekta sa kanyang pinakamalakas na apostol sa Arborea!
…
Kinagabihan, sa kulungan ng White Elephant City.
Tahimik lang na naka-upo si Aragon, nakadekwatro ito at nakasuot ng damit ng mga preso.
Kumisap ang isang kandila sa malayo. Mula ito sa isang Shrine Paladin na nagbabantay sa kanya.
Ang sumunod na nangyari ay ikinagulat ng lahat ng mamamayan ng White Elephant City. Isang Intermediate Priest ang panandaliang namahala sa sitwasyon at kumonekta sa Shadow God Palace.
Sinasabi na hindi bababa sa dalawang Senior Priest ang agad na darating sa White Elephant City.
Malaki ang pagpapahalaga ng High Priestess sa bagay na ito. Kung hindi niya mahahanap ang pumatay sa Senior Priestess na si Dina, kalahati ng White Elephant City ang iaalay.
Ito ang sinabi sa kanya ng naunang bantay. Sa kasamaang palad, hindi na magtataga ang bantay dahil pinalitan na siya ng isang Paladin dahil s autos ng Intermediate Priest.
'Hindi naman nila kailangan gawin 'yon,' sabi ni Aragon.
Kung gusto niyang tumakas, ginawa na sana niya.
Kahit na ang [Prison Shackels] ng Shrine ay nakagapos sa kamay niya, madali niya lang itong masisira gamit ang kanyang lakas niya biglang isang level 18 Storm Swordsman.
Lalo na at walang Senior Priest na nakabantay sa kanya.
Pero hindi niya ito ginawa.
Naaalala niya ang isang tanong na tinanong niya sa kanyang ama dati:
– Ano ang Shrine? –
Noong mga panahon na iyon, ang ika labing tatlong Nottingheim ang kalakasan ng kanyang buhay. Mataas ang ambisyon niya at handa siyang gumawa ng mga hakbang para mapahina ang kapangyarihan ng Shrine.
"Ang Shrine ay isang tumor," sagot nito.
"Hindi magtatagal, matatanggal din sila."
Tumango ang batang Prince, tila nalilito. Paglipas ng ilang buwan, nabalitaan niya ang tungkol sa rebelyon ng tatlong Overlord.
Noong mga panahon na iyon, inisip niya na imposible ito dahil ang tatlong Overlord ng kahilagaan ay kapatid ng kanyang ama; paano silang makakapagrebelde?
Pagkatapos, unti-unting umatras ang hukbo ng kaharian.
Sa huli, napilitan ang Shrine na kumilos at kalabanin ang mga rebelde.
Pero pagkatapos ng matagampay na pagpatay ng dalawa sa tatlong Overlord, nakita niyang tila nanghina ang kanyang ama at napaluhod sa lupa.
Para bang tumanda ito ng sampung taon.
Saka lang naunawaan ni Aragon ang lahat.
Ang Shrine ay isang tumor.
Sinubukan nila itong tanggalin, pero ang dakilang pamilya ng mga Nottingheim ang nagbayad.
Pero hindi mawawala ang mga taong handing ibuwis ang kanilang buhay para subukan itong tanggalin.
…
Sa araw na ito, pagkatapos ng tatlumpung taon.
Ang ikalabing tatlong Nottingheim, na sinabing siya mismo ang magtatanggal ng tumor ay matanda na.
Nawala na ang lakas ng loob nito na lumaban sa Shrine. Nagsimula pa nga itong kumbinsihin si Aragon na sugpuin ang mga "rebelde" na ito.
Ngayon, para mapabuti sa mata ng Shrine, handa na rin niyang bitawan ang kanyang sariling anak.
Tila ba nawalan na ng apoy ang puso ni Aragon.
Nararamdaman niyang namamatay na ang mundong ito. Wala nang pakialam ang lahat ng tao.
Pinapalaki sila na parang mga hayop, hindi makalaban, hindi makagalaw.
Dahil itinuro ng Shrine na hindi maaari.
Sinabi ng kanilang God na hindi pwede.
"Putangina ng God na 'yan!"
Sa madilim na kulungan, ang mahinahong Prince ay nagmura sa unang pagkakataon.
Sa kasamaang palad, bukod sa dagang nasa selda, wala nang nakarinig sa kanya.
Bukas ay dadalhin na siya sa hari. Alam na niya ang kalalabasan nito. Ang pinakamagaang parusa na maaari niyang matanggap ay habang buhay na pagkakakulong.
"Wala na ba kong magagawa kundi sumuko?"
Hindi siya makakapayag.
Noong oras na iyon, biglang may boses na umalingawngaw mula sa dilim. "Prince Aragon, susuko ka ba talaga?"
Nagulat si Aragon!
Nakikita niya ang Paladin mula sa malayo, pero hindi niya alam kung saan at kanino nanggaling ang boses na narinig niya.
"Ikaw!" Mahinang sabi nito, makikita ang gulat sa kanyang mga mata.
Ang taong pumatay kay Dina noong isang araw!
Siguradong siya iyon, dahil ang isang taong kasing lakas lang niya ang kakayaning makapasok sa kulungan!
"May plano ako na makakatulong sa pagdurog sa Shrine. Pareho lang ang kalaban natin."
"Pero kailangan ko ang tulong mo.
Dahan-dahang umalingawngaw sa tenga ni Aragon ang boses ni Marvin,"Sabihin mo nga sa akin, sa mga kasama ng hari, sino ang pinakamalapit sayo at sino ang mapagkakatiwalaan mo?"