Pagkatapos pumasok sa mahabang space-time na lagusan, na pinangungunahan ng space-time lighthouse, nakarating na ang grupo ni Marvin sa Abrorea
Agad na nawala ang lagusan nang makatapak sila sa lupa.
Luntian ang lupang nasa harapan nila.
Nasa loob sila ng gubat at malalanghap sa hangin ang amoy ng damo.
Hindi mapigilang lumingon ni Marvin, pero sa kasamaang palad, tanging masuka at mahamog na kagubatan na lang ang nakita niya.
Ang malamig na pagtitig sa kanya ni Hathaway ang huli niyang alaala mula sa Feinan.
'Bahala na, dahil pinili ko 'to, kailanga ko nang ipagpatuloy 'to.'
'Kahit pa 21 na beses na mas mabilis ang oras dito, wala akong masyadong oras.'
'Wala nang magagawa ang paghinto at panglingon pabalik!'
Mas makikita ang pagiging desidido ni Marvin sa kanyang mukha.
"Tara."
Tahimik na tumango lang ang siyam na Dark Knight at sinundan si Marvin na mabilis na binaybay ang kagubatan!
Sa unang pagkakataon, tumanggap ang Arborea ng grupo ng mga bisita mula sa Prime Plane!
…
Mga God Real, mga Shadow Realm.
Ang Shadow Prince na si Glynos na ginagamit ang kanyang perception para maramdaman ang Faith sa kanyang paligid ay biglang na-alerto!
Isang eksena ang lumabas sa kanyang harapan:
Isang bisita mula sa ibang mundo ang biglang lumitaw sa kagubatan mula sa kawalan, at mabilis ang pagkilos nito!
"Siya nga!"
Nagngalit ang ngipin ni Glynos!
'Peste ka, ang lakas ng loob mong pasukin ang mundo ko.'
'Sa pagkakataong 'to, sisiguraduhin kong mawawala na ka na habang-buhay!'
Makikita ang kasamaan sa mga mata ng Shadow Prince.
…
Arborea, sa Eastern Snow Mountain, sa Shadow God Palace.
Isang High Priestess na mukhang tuso ay nakayuko at nagdarasal. Kumisap ang isang kandila sa kanyang harapan at sa baba nito ay bumabaluktot ang isang anino.
"Lumilipas ang mga araw…"
"Panghabang-buhay ang kadiliman…"
Hindi siya napapagod na dasalin ito araw-araw.
Kahit na matagal na panahon nang hindi sinasagot ng god ang mga dasal ng Cleric ng Arbores, nagdadasal pa rin ito para magpasalamat.
Isa siyang ulila at lumaki siya sa Shadow Shrine. Sa libo-libong mga ulila, siya ang napansin ng dating High Priest at iniangat siya bilang High Priestess.
Pagkatapos niyang maging High Priestess ng Shadow God Palace, naramadaman niya sa unang pagkakataon ang kapangyarihan ng god!
Ipinakita sa kanya ng god kung ano ang nasa labas ng kanilang mundo, wala itong hangganan.
Doon niya nalaman na napakaliit lang niya.
Dakila ang mga god, habang hamak lang na nilalang ang mga mortal. Kung gusto nila ng kapayapaan, kailangan nilang sambahin ang Supreme Shadows.
Matapat siyang nagdasal araw-araw.
At katulad ng dati, hindi sumagot ito. Pero kuntento pa rin siya. Ito ang gawain niya araw-araw. Nakakaramdam lang siya ng Kalayaan sa pamamagitan ng pagiging matyaga niya.
Paglipas ng sampung minute, dahan-dahang tumayo ang High Priestess at umalis sa kapilya.
Dahan-dahang sumara ang dalawang malaking pinto kasabay ng pagtayo ng dalawang protector na naka-armor.
Isang Senior Priest ang nagmamadaling lumapit at mahinang sinabi, "Lady Capella, hinihintay na kayo ng Hari para pag-usapan ang tungko sa rebeldeng grupo na sa kaharian…"
"Gaano na siya katagal naghihintay?" Mahinahong tanong ni Capella.
"Mga tatlumpung minuto na po," Maingat na sagot gn Senior Priest.
"Paghintayin mo pa siya nang kaunti." Walang emosyong sabi ni Capella, "Noong nakaraan ay hindi humingi ng pahintulot ang kanyang anak mula sa kapilya at basta na lang ibinaba ang buwis ng teritoryo. Hindi ito basta-basta mapapatawad ng kapilya.
Pinunasan ng Priest ang kanyang pawis. "Pinalayas na si Prince Aragon… Pumili na ng kakampihan ang Hari…"
"Hindi pa sapat 'yon," mabilis na sagot ni Capella. "Hindi marunong kumilala ang mga tangang tao na ito. Pababa nang pababa ang Faith na ibinibigay nila sa ating God. Hindi magtatagal, baka hindi na tayo pansinin nito at pabayaan na lang ang lugar na ito."
"Sabihin mo sa hari na 'yan na ano mang mayroon ang dakilang pamilya ng mga Nottingheim ngayon ay walang kinalaman sa kanilang bloodline, dahil ito sa basbas ng ating God. Alam na niya dapat kung ano ang gagawin."
"Sige na, pupuntahan ko na muna ang mga bagong ampon nating mga ulila."
Malumanay namang bumaba ang High Priestess sa hagdang gawa sa putting marmol at hindi na lumingon pa.
Sa labas, maraming mga opisyal at militar, kasama na ang hari, ang naghihintay sa tabi ng isang magarang karwahe. Ang lahat ay nakayuko at walang sinasabi habang tahimik lang na pinapanuod na umalis ang High Priestess.
Sa loob ng maikling oras, ipinarating na ng Senior Priest ang mensahe ng High Priestess sa hari.
Natigilan naman ang matandang hari.
Makikita naman na bahagyang naawa ang Senior Priest.
Si Prince Aragon ang natatanging anak nito.
Hindi niya kakayaning patayin ito.
…
Patuloy naman na naglakas ang grupo ni Marvin sa kagubatan at hindi nagtagal naabot na nila ang dulo nito.
Sa malayo, makikita ang isang maringal na siyudad sa gitna ng kapatagan.
Sa dakong hilaga naman ng siyudad ay bulubundukin na amoy usok.
"White Elephant City."
Habang nasa hangganan ng gubat, tiningnan ni Marvin ang siyudad at lumitaw sa isip niya ang isang mapa.
May naalala siya tungkol sa Arborea.
Hindi gaanong malaki ang plane na ito. Isa hanggang dalawang kaharian lang ang kasya dito.
Sa katunayan, ang buong populasyon ng Arborea ay hindi pa aabot sa dalawang daang libo. At Hindi naman hihigit sa sampung libo ang dami ng mga sundalo.
Ang kasukalan na nakapalibot dito ay kasing laki lang ng East Coast sa Feinan.
70% ng Arborea ay kagubatan, at ang natitira pa ay nahahati naman sa mga kabundukan at kapatagan.
Madalas ang ulan sa lugar na ito, at maraming mga ilog at maunlad ang agrikultura.
Dito, ang Shadow Shrine ang naghahari. Ang High Priestess na naka-itim na balabal ang naghahari sa lahat.
Kahit na ang hari ay walang lakas loob na kalabanin ang salita ng High Priestess.
Ito ay isang pangkaraniwan na god plane.
At syempre, hindi lahat ay handing pagsilbihan ang mga god. Isa itong bagay na malalim nang naka-ukit sa dugo ng mga tao magmula pa noon.
Kung saan may naaapi, mayroong mga rebelde.
Sa pagkaka-alam ni Marvin, ang kaharian lang ng Nottingheim ang mayroon sa Arborea, at ang hari nito ay ang kabilang sa ikalabing-tatlong henerasyon ng pamilyang ito. Matanda na ito at mabilis pang mataranta, at tila laruan na lang ng High Priestess.
Walang pagkakaisa sa kahariang ito dahil matagal nang walang pinapakitang himala ang Shadow Prince (malaking Divine Power ang kailangan para gumawa ng mga himala), kaya naman pababa nan ang pababa ang mga naniniwala dito.
Idagdag pa dito ang kamay na bakal na pamamalakad ng kapilya at ang napakataas na mga buwi na kahit ang mga Overlord ng ilang teritoryo ay nahihirapan na.
Hindi na natutura ang mga opisyal sa templong ito.
Pero wala silang magawa. Dito, ang kanilang God ang pinakamalakas, at makikita sa kasaysayan ang lakas ng mga Cleric nito. Kaya naman hindi na sila naglakas loob na lumaban pa.
Kaya, kahit na hindi sila masaya ay pinagtiisan nila ito nang ilang taon.
Pero may limitasyon din nag pasensya ng mga tao.
Tatlumpung taon na ang nakakaraan nang magsabwatan at magrebelde ang tatlong Overlord ng tatlong teritoryo sa dakong hilaga. Sinubukan nilang pabagsakin ang Shadow Shrine.
Kilala ang mga rebeldeng ito at madali lang nilang nasakop ang ilang mga bayan.
Pero kalaunan, personal na umalis ang High Priest mula sa Eastern Snow Mountain at nagdala ng isang libong Shrine Paladin para labanan ang hukbo ng mga rebelde.
Gumuho naman ang hukbo ng mga rebelde dahil sa lakas ng mga Divine Spell.
Tanging isa sa tatlong Overlord ang nakatakas habang binitay ang dalawa pa.
Magmula noon, nanirahan na ang mga rebelde sa mga kabundukan sa hilaga at sa mga gubat nito, umaasa na lang ang mga ito sa topograpiya para makihalubilo sa kaharian.
Sa lumipas na tatlumpung taon, patuloy na lumalakas ang pwersa ng mga rebelde.
At ang White Elephant City ang siyudad kung saan itinataboy ng Nottingheim Kingdom ang mga rebelde.
Ang nagbabantay sa lugar na ito ay natatangin anak ng hari, ang matapang na si Prince Aragon.
Base sa alaala ni Marvin, ang Prince na ito ay mahal ng mga tao. Hindi rin ito masaya sa mapaglabis na presyo ng kanilang buwis, kaya siya na mismo ang nagbaba nito sa kanyang teritoryo, pero nang makaharap niya ang pwersa ng Shadow Shrine, binitay siya ng mga ito. Pinutol ang kanyang mga kamay at paa at hinayaang mabulok sa isang selda sa Shadow Shrine.
Pagkatapos nito, sinamantala ng mga rebelde ang estado ng White Elephant City para muling umatake.
Sa Pagkakataong ito, binago nila ang kanilang istratehiya at umatake mula sa loob. Dahil sa mga natutunan nila sa pagkabigo noon, nagsanay ang kanilang hukbo ng mga Sorcerer at ilang mga Wizard para kalabanin ang mga Priest at Cleric.
Madugo ang naging labanan.
Pero binago ng himala ng Shadow Prince ang lahat.
Nagpakita ito bilang isang level 18 Holy Spirit na may kapangyarihan ng isang artifact, gumamit ito ng isang skill para talunin ang hukbo ng mga rebelde sa isang bagsak.
Noong mga panahon na iyon, si Marvinay level 18 at nagawang makapasok sa Arborea nang hindi sinasadya.
Kahit na nagawa niyang kunin ang Shadow Diamond, ilang beses pa rin siyang namatay!
Sa pagkakataong ito, pumunta siya sa plane na ito habang umaasang baguhin ang takbo ng kasaysayan.
'Hindi ko alam kung anong panahon ito, pero hindi pa naman ata pinapatawag si Prince Aragon ng kaharian, hindi ba?'
Mahinahon na nag-iisip si Marvin.
Paglipas ng ilang saglit, inutusan niya ang mga Dark Knight na magtago sa gubat at hintayin ang kanyang utos.
Habang siya naman ay gagamit ng Disguise at magpapanggap na magsasaka para makapasok sa White Elephant City.
....
Abalang-abala ang buong White Elephant City, at halos wala itong pinagkaiba sa Feinan.
Iba't iba ang mga tao dito. At karamihan sa kanila ay may dilaw na buhok at asul na mata, habang ang ilan ay itim ang mga mata. Dahil dito, pakiramdam ni Marvin ay pamilyar na siya sa lugar na ito.
Mahigpit ang seguridad sa White Elephant City. Ito ay dahil sa pamamahala ng Prince Aragon.
Pinagmasdan ni Marvin ang lahat habang naglalakad-lakad siya at maingat na kumakalap ng impormasyon.
Una, kailangan niyang malaman kung nasaang panahon siya.
Siguradong mapapansin ng Shadow Prince ang pagpasok niya sa plane na ito, pero hindi siya mahuhuli nito sa dami ng tao.
Maaari lang nitong pakilusin ang Shadow Shrine para hulihin si Marvin.
At hindi naman lubusang talunan si Marvin sa sitwasyon na ito.
Umaasa siya sa siyam na tao para sakupin ang isang plane. Iyon ang pabirong sinabi ni Marvin.
Para lupigin ang isang plane, ang pinakamahalagang gawin ay pakilusin ang mga tao mula dito.
Maging ang mga rebelde man ito o si Prince Aragon, kailangan niya ang tulong ng mga ito.
Simple lang ang kailangan gawin ni Marvin: Kailangan niyang madispatya ang Shadow Shrine at magtatag ng isang malayang kaharian.
Kung posible, maganda rin kung magagawang katulong ng White River Valley ang Arborea.
Lalo pa at ang habol niya ay ang Shadow Diamond at ang Twin Fate Flower na nasa loob ng Shadow God Palace!
Pwede siyang mamatay kung mag-isa lang siyang lalaban.
…
Habang nag-iisip si Marvin, isang sigaw ang umalingawngaw .
"Binibitay ng Shadow Shrine ang mga rebelde!"
"Tawagin niyo ang lahat, kailangan magpunta ang lahat!"
Sa isang iglap, naging magulo ang maayos na kapaligiran.