Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 291 - Mark 47

Chapter 291 - Mark 47

Pinagmasdan mabuti ni Marvin ang bawat pagtanggi at pagluwa ng black hole sa kanyang History Calendar.

Mayroong anino ng maliit na taoo sa Pearl Tower!

Hindi man ito napapansin ng mga pangkaraniwang tao dahil sa dilim, pero si Marvin, na nakatanggap ng Night Monarch's blessing, ay malinaw na nakikita mayroong tao sa likod ng black hole.

Isang mekanikal construct!

Mayroon itong kakaibang itsura!

Nakasuot ito ng malaking sombrero at damit na may iba't ibang kulay na tila inilagay ng iba't ibang mga tao.

Ang Construct na ito ang nagtapon palabas ng History Calendar!

'Ang mekanikal Construct na 'yon, siya ba ang tagapangalaga ng Pearl Tower?'

Gusto ni Marvin na mas makita pa ito, pero sa bawat pagtatangkang buksan ito ng mga Great Scholar, muli itong nagsasara.

Pagkatapos muling tanggiahn at iluwa ang History Calendar ng ikatlong palapag, hindi na malaman ng mga Great Scholar kung ano ang dapat gawin.

Ngayon lang ito nangyari!

Tatlong beses nang tinanggihan ng Pearl Tower ang paglalagay nila ng History Calendar!

Ano ba talagang nangyayari?!

Dismayado silang nagkatinginan, at sa harap ng napakaraming pangkaraniwang scholar, sinubukan nila ang ikalawang palapag!

Kung hindi ito tinanggap sa ikatlong palapag, siguro naman ay pwede na ito sa ikalawa, hindi ba?

Doon nakalagay ang talaan ng pagtatatag at pagbagsak ng mga kaharian!

Pero muli lang itong tinanggihan ng Pearl Tower. Tila ba may panis na nakain ang Pearl Tower at inilalabas niya ito sa mga Scholar.

Pagkatapos nilang buksan ang ikalawang palapag at ilagay ang History Calendar, hindi nagtagal at muli itong inilabas!

Mas matindi pa sa pagkakataong ito, dahil direktang tumama ang scroll sa ulo ng isa sa mga Great Scholar. Habang ang Azure Memory Crystal naman ay tumalsik ng 60 metro ang layo at muntik pang mabasag.

Hindi makapaniwala ang lahat!

Hindi alam ni Marvin kung matatawa o maiiyak siya.

Bakit ba nangyayari ito?

Nang makita niyang pawis na pawis na ang mga Scholar, gusto na sanang sabihin ni Marvin sa mga ito na, "Wag na lang kaya…'

Sayang lang at wala siyang gaanon alam tungkol sa Pearl Tower at sa City of Knowledge. Mayroong ilang kwento tungkol dito.

Kahit na mayroong isang expert na nakakuha ng titolong Great Scholar at pumuslit papasok ng City of Knowledge para kumuha ng impormasyon tungkol sa kahinaan ng mga halimaw at ibenta ito nang mahal, wala pa ring nakakaunawa sa Pearl Tower.

Hindi man lang nasaksihan ng mga manlalaro kahit isang simpleng seremonyas ng pagtatala.

Isang palaisipan para kay Marvin ang Pearl Tower bago siya nag-transmigrate.

Ang lam niya lang ay halos kapantay ng kaalaman ng mga god ang kaalaman ng mga Great Scholar. At ang Wind Castle ay isang lugar na nakatayo na noong panahon ng Night Monarch!

"Hindi! Isa na 'tong kabaliwan!" hindi mapigilang sigaw ng pinakabatang Great Scholar.

"Gusto kaya nito na ilagay natin ang nagawa ni Sir Marvin sa unang palapag?"

"Isa itong malaking insult! Isang kahihiyan para sa City of Knowledge!"

Wala namang nasabi ang iba pang mga scholar.

Kakaibang pangyayari talaga ang nagaganap ngayon.

Hindi nila mapigilang lumingon kay Marvin na may hiya sa kanilang mga mukha.

Ang dapat sana ay isang simpleng seremonyas ng pagtatala ay naging isang tila komedya. Para bang wala nang mukhang maiharap ang mga scholar.

"Sige, subukan natin sa unang palapag," mungkahi ng pinakamatandang Great Scholar habang nakakuyom ang kanyang mga ngipin.

Hindi nagtagal, muli nilang inihanda ang History Calendar at Azure Memory Crystal.

Sinimulan nila ang incantation, gamit ang koneksyon nila sa Pearl Tower para buksan ito.

Pero sa pagkakataon na ito, bago pa man nila maipasok ang scroll, isang misteryosong kapangyarihan ang lumabas mula sa Pearl Tower!

"Mga hangal!"

"Mga bobo!"

Kasabay ng paos na boses, biglang lumipad nang paikot-ikot ang History Calendar na para bang isang multo!

Sa isang iglap, naitumba nito ang labingdalawang Great Scholar at tumalsik ang salamin ng mga ito sa lupa.

Ang scroll na tila multo na may taglay na matinding lakas ay sinugod si Marvin.

Masama ang kutob ni Marvin, dahil malayo pa sa normal ang kanyang kalagayan. Bago pa man siya makagalaw, bumalot ang scroll sa kanyang katawan at dinala sa kalangitan!

'Pucha!'

Nagulat at natakot si Marvin. Ang kanyang Night Walker skill niya ay hindi niya magagamit habang may araw, at hindi naman niya magamit ang Eternal Night dahil sa lagay niya ngayon!

Kung babagsak siya mula doon, baka ikamatay niya ito!

Hindi kapani-paniwalang may mangyayaring ganito sa simpleng pagbisita niya sa City of Knowledge para kumuha ng impormasyon.

Lumipad ang scroll na dala si Marvin hanggang umabot ito sa ika-pitong palapag!

Isang paos at mekanikal na boses ang umalingawngaw sa kalangitan.

"Ang History Calendatr na ito ay nararapat sa ika-pitong palapag!"

Nabigla ang lahat ng scholar!

Sa sumunod na sandal, isang malaking butas ang lumitaw sa ika-pitong palapag. Ang scroll, azure crystal, at si Marvin ay agad na pumasok ditto.

Umiikot ang mundo.

Hindi nagtagal, lumubog ang katawan ni Marvin sa isang maligamgam na daloy ng tubig.

Hindi niya alam kung kalian ito nangyari, pero wala na siyang saplot.

Bumalik ang kanyang malay at nakalubog siya sa malawak na paliguan.

Ang tubig sa paliguan na ito ay kulay rosas at tila may taglay na kapangyarihan.

Nasurpresa si Marvin nang makitang gumaling na ang kanyang katawan at bumuti na muli ang kanyang kalagayan sa loob lang ng mabilis na panahon!

"Anong nangyayari!" Takang-taka siya sa nangyari.

Biglang isang mayroong mekanikal na boses na nagsalita sa kanyang tabi, "Nanghihina ang katawan mo at kinilangan isaayos."

Natuliro si Marvin.

Nasa harap na niya ang mekanikal Construct na nakasuot ng malaking sombrero ng cowboy.

Medyo maliit ito at mayroong tunay na mukha at mata na may pambihirang itim na kulay!

Anng mekanikal na Construct na ito ay tila nabubuhay dahil sa isang misteryosong rune.

Marami nang nakitang bangkay ng Dwarf si Marvin dati, pero ngayon lang siya nakakita ng ganito.

Kakaiba ang pakiramdam niya sa mekanikal Construct na ito.

Para itong tunay na tao.

"Tawagin mo na lang akong Mark 47. Alam kong Marvin ang pangalan mo. Ganyan din ang tingin sa akin ng Master ko noong una niya akong Nakita," sabi ng Construct.

Master?

Bahagyang nag-usisa si Marvin.

"Sinong Master?"

Pinaling ng Construct ang ulo niya. "Matagal nang umalis ang Master."

"Matagal akong nakatulog. Maraming nakalagay sa isipan ko, kaya medyo nakakalito."

"Pero naalala ko pa noong una niyang pagdataing. Noong mga panahon na iyon, Limestone Tower pa ang pangalan ng lugar na ito. Kasing hina ka niya, at may dala pa itong maliit na Dragon noong nawalan siya ng malay. Ay… Naaalala ko na!"

"[Lance] ang pangalan ng Master ko."