Lance?
Ang Wizard God, na ayon sa mga alamat, ay ang nagtatag ng mundong ito? Ang Wizard God na si Lance?
Nanlaki ang mata ni Marvin.
Sa larong Feinan Continent, ang anino ng misteryosong taong iyon ay paminsa-minsang lumilitaw.
Kapag pinag-uusapan siya ng mga god, mararamdaman ang respeto ng mga ito sa kanya.
Ang Wizard God ay isa lang titolo na ginagamit ng mga Wizard. Si Lance ang gumawa ng Universe Magic Pool, kaya naman naniwala ang mga ito na mga Wizard ang paborito nito.
Kaya naman si Lance ay tinaguriang Wizard God.
Sa katunayan, nirerepresenta ng pangalan na ito ang pinakamataas na god na nagtatag sa Feinan.
Sinasabi na ang kanyang Divine Power ay mas mataas pa sa [Peak] at sadyang walang sino mang god ang makakapantay dito.
Sa laro, lahat ng may kinalaman kay Lance ay mahalaga.
Ang Pearl Tower na ito ay sinasabing iniwan ni Lance, dahil mayroong mga bakas ito ng nasabing god.
Dati, bukas ito sa publiko. Pero kalaunan, sa paglipas ng panahon, sa pag-angat ng mga Wizard at pag-alis ni Lance, hanggang ika-anim na palapag na lang ng Pearl Tower ang nanatiling bukas.
Ito ay isang bagay na pinagtataka ng mga scholar ng Wind Castle.
Gayunpaman, nakapasok na si Marvin sa loob ng Pearl Tower.
At mayroong isang mekanikal na Construct na kakaiba ang suot at kumakausap sa kanya, na ang master ay si Lance.
…
'Hindi naman siguro mahirap paniwalaan na mag-iiwan ang dakilang god ng magbabantay sa lugar na ito. Mukhang ang Pearl Tower na ito ay bakas na iniwan ni God Lance.'
'Pero para saan nga ba talaga ito? Ang pinakamatataas na Great Scholar ng City of Knowledge ay ginagamit ito bilang talaan ng mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan, pero para sa mga manlalaro, mas marami pang tinatagong lihim ang Pearl Tower.'
Habang iniisip ito ni Marvin, nasurpresa siya nang madiskubre niyang gumaling na ang kanyang katawa.
"Anong ang likido na 'to?" tanong niya kay Mark 47. Ang likido na ito ay mas matindi pa kesa sa pinakamalakas na Divine Spell. Nakatamo si Marvin ng malubhang pinsala, na kahit sino sa mga Sorcerer at Cleric ng Hope City ay hindi magawan ng paraan, at inibsan lang ng kaunti ang nararamdamang sakit ni Marvin. Pero pagkatapos niyang malubog sa likidong ito, mabilis siyang gumaling.
Bumalik na sa 100% ang kanyang lakas!
Kahit ang mga skill niya ay tumaas ng kaunti, pero ang mas ikinagulat niya ay nang mapansin niyang bahagyang lumaki ang kanyang katawan.
Nakakahigop ba ng taba ang likido na ito?
Wala namang lumabas na kahit ano sa kanyang mga logs.
Napansin niya rin na nakakuha siya ng 71879 na battle exp matapos niyang mapatay ang Black Dragon, habang ang kailangan naman na experience para umabot ng level 6 Night Walker ay 76000. Mukhang hindi pa sapat ang nakuha niya mula sa Black Dragon, pero hindi pa kasama dito ang 20000 na battle exp na hindi pa niya nagagamit.
Sapat na ang pagpatay sa Dragon na iyon para umabot ng level 6 ang kanyang Night Walker class, at sa kabuoan ay umabot na siya sa level 18.
Para kay Marvin, mahalaga ang numero na ito. Sa buong Feinan, iilan lang ang nakakaunawa sa ibig sabihin ng level 18.
Karamihan sa mga tao ay ang Legend level ang pilit na inaabot.
Pero para kay Marvin, kailangan muna niyang huminto sa 18 panandalian.
Dahil sa pagkaka-alam niya, karamihan sa mga Secondary Plane ay kaya lang maglaman ng hanggang level 18 na nilalang!
Ang mag Secondary Plane na ito ay umiikot sa Feinan at nakahiwalay dito dahil sa Universe Magic Pool. Ito rin ang dahilan kung bakit nakakagawa ng milagro ang mga god para makakuha ng mga tagasunod.
Napakaraming nilalang ang naninirahan sa mga Secondary Plane. Hindi sila protektado ng Universe Magic Pool, kaya naman iba ang Sistema ng kapangyarihan sa mga ito.
Ang mga Cleric ang pinakamalakas. Kadalasan ay banal ang mga ito, pero dahil wala itong proteksyon mula sa Universe Magic Pool, ang mga Demon ng Abyss at Devil ng Hell ay madalas na makapasok dito. Madalas na magulo ang mga Secondary Plane. Isang bagay na walang problema para sa mga god.
Sa panahon ng kaguluhan, mas lalong magiging matapat ang mga tao sa pagdarasal sa kanilang mga god. Sa ganitong paraan mas maraming nakukuhang Faith ang mga god.
Masasabing ang mga Secondary Plane ang isang bagay na ipinaubaya ni Lance para sa mga 3rd Era New God.
Pero hindi pa nakuntento ang mga ito, kaya naman pinupunterya nila ang Feinan.
…
Para kay Marvin, mahalaga rin ang mga Secondary Plane.
Kung hindi siya nagkakamali, mayroong 137 na Secondary Plane na inookupa ng mga god. Ang mga teritoryong ito ay itinatag ng humigit kumulang na tatlumpung New God.
Kahit na malaki ang Feinan, kung susugurin ito ng mga hukbo mula sa mga plane na iyon, maaaring hindi makalaban ang Feinan sa mga ito.
Mabuti na lang, pagkatapos na pagkatapos ng Great Calamity, magiging abala ang mga god sa pagkalaban sa Astral Beast. Kayang lamunin ng Ancient level na Astral Beast ang Feinan nang isang lagukan lang.
Kung wala ang mga kayamanan ni Lance, nangata na ng Astral Beast ang higit sa kalahati ng Feinan bago pa man may magawa ang mga god!
Malalagay din sa krisis ang kabuoan nag multiverse.
Sa kabila nito, pinaghahandaan pa rin ni Marvin na bawasan ang kapangyarihan ng mga god sa mga Secondary Plane bago pa man ang Great Calamity. Pahihinain niya ang kalaban habang nagpapalakas siya.
Sa isang banda, palalaguin niya ang White River Valley at gagawa ng isang ligtas na lugar, habang sa kabilang banda ay kakalabanin niya ang kanyang mga kaaway. Kampante si Marvin kaya niyang labanan ang pagsalakay ng mga god pagtapos ng Great Calamity.
Sa laro, kahit na patuloy ang pagdating ng mga god sa Feinan, hindi naman naging maayos ang kanilang pagpapalawak ng kapangyarihan. At dahil ito sa [Golden Children]!
Kalahating taon.
Anim na buwan pagkatapos ng delubyo, halos wala nang paraan para mabuhay ang mga tao. Abala ang mga god na kalabanin ang Astral Beast at hindi nila maitayo ang kanilang mga church, kasabay nito, nagdurusa ang Feinan dahil sa epekto ng pagbagsak ng Universe Magic Pool.
Noong mga panahon na iyon dumating ang [Golden Children].
Tila mga Hero ang mga ito at ang mga panimulang attribute nila ay napakataas. Pumapatay sila ng mga tao at mga halimaw, at ang mga god…. Nagagawa rin nilang patayin.
Hindi mabilang na manlalaro ang nangunguna sa pakikipaglaban sa mga god para lang makakuha ng Faith.
Sa pagkakataong ito, nag-transigrate man si Marvin sa Feinan, mayroon pa rin siyang kutob.
Hindi lilitaw sa pagkakataon na ito ang Golden Children. Kung hindi lilitaw ang mga ito, kailangan pasanin ni Marvin ang resposibilidad ng lahat ng manlalaro.
Isa itong mabigat na responsibilidad, pero handa naman si Marvin na subukan ito.
Kaya naman, bago siya lumagpas ng level 18, magpupunta si Marvin sa mga Secondary Plane.
Oras na lang ang hinihintay. Pero sa mga Secondary Plane, hindi problema ang oras.
Para sa Secondary Plane na pinakapamilyar si Marvin, ang takbo ng oras doon ay 20:1. Sa madaling salita, ang 20 araw sa Secondary Plane ay katumbas lang ng isang araw sa Feinan. Sapat na oras na ito para magawa ni Marvin ang kailangan niyang gawin.
…
Malalim na nag-iisip si Marvin habang nakalubog sa kulay rosas na likido. Saglit na naghintay ang mekanikal na Construct bago tuluyang putulin ang pag-iisip ni Marvin.
"Ito ang Essence Restoration Liquid, at napakahalaga nito. Hindi ko 'to ginagamit kahit sugatan ako. Nag-iwan si Master ng kaunti nito para sa akin."
"Kung hindi ka lang katulad ko, hidni ko gagamitin 'yan sayo." Seryosong dagdag ni Mark 47.
Essence Restoration Liquid?
Hindi pa man niya nauunawaan ang unang sinabi nito, nagulat na siya sa sunod nitong sinabi!
Sinong kapareho mo?
Isa kang mekanikal na construct, isang makina, at isa akong tao.
Napansin ni Mark 47 ang panunuya sa mukha ni Marvin, at bigla itong sumagot, "Isa akong Perfect construct."
"Parang ka nang tao kung mag-isip. Ilang beses ko nang nakita ang reaksyon na iyan, at bakit? Mababa ba ang tingin mo sa mga construct?"
Nagulat si Marvin sa sinagot nito
Mukhang mas marami itong nakukuhang karanasan at kaalaman magmula nang pumasok ito sa Pearl Tower. Sunod-sunod na lumilitaw sa kanyang harapan ang mga bagay na ngayon niya lang nakita.
Isang Perfect construct, hindi ba parang mamahaling robot lang 'yon?
Ang nilalang na ito, o artipisyal na nilalang… kahit na sa sarili niyang mundo ay wala pang ganitong uri ng robot.
"Ano ang Essence Restoration Liquid? At anong sinasabi mon a magkapareho tayo?" Maingat na tanong ni Marvin.
Siguradong espesyal ang construct na ito.
Umupo lang si Mark 47, nag-dekwatro ito na para bang isang tao at nagsimulang ipaliwanag kung ano ang Essence Restoration Liquid.
…
Paglipas ng ilang minute, kahit paano ay naiintindihan na ni Marvin kung ano ang likidong ito.
Ayon kay Mark 47, essence ang pinagkaiba ng mga buhay at ng mga bagay.
Essence ang bumubuo sa isang nilalang, at maari itong mahati sa mga nakikita at hindi nakikita. Ang pinakamadaling ipaliwanag ay ang anim na essence na nakikita. Ito ang anim na katangian ng katawan.
Habang ang natira pa ay mga essence na hindi nakikita, sinusuportahan naman ng mga ito ang mga essence na nakikita.
Dahil sa matinding pinsalang tinamo ni Marvin ay nabawasan ang essence niyang hindi nakikita. Pero isa itong kakaibang pananaw tungkol sa mga bagay. Para lang itong katawan ng isang robot, basta palitan ang isang parte nito, magiging maayos na ang lahat.
At ang Essence Restoration Liquid ay isang napakahalagang bagay na makakapagbalik ng mga nawalang essence.
Gaano man kalala ang pinsalang natamo ni Marvin, basta mayroong sapat na Essence Restoration Liquid, mabilis siyang gagaling.
Maikukumpara ang epekto nito sa 7th circle spell na, [Greater Wish] at [Greater Prophecy].
Isa pa, ang Essence Restoration Liquid ay hindi lang limitado para sa mga tao. Maari rin nitong pagalingin ang ibang mga nilalang gaya ng Evil Spirit, Ghost, Demon… at kahit ano pa. Ito ay parang ang maalamat na Panacea.
Bahagyang nauunawaan ni Marvin pero may mga bagay na hindi pa rin niya maunawaan.
Mas gusto niyang malaman ang sagot sa ikalawang tanong niya. "Pero bakit mo nasabi na magkatulad tayo?"
Nanatiling naka-dekwatro si Mark 47 at pinagmasdan si Marvin sandal. At mabilis na sumagot, "Dahil ang katawan na tin ay mayroong sistema ng [Essence Data Transformation]….
"Pero mukhang may nabago na sa sistema mo…."